The Campus Heartthrob Kings A...

By Dreamerearth

2.3M 67.8K 4.4K

NOTE: The King's trilogy is still unpolished. Please forgive me for being too lazy to edit this work of mine... More

Please, read this first
Disclaimer
Characters
Chapter 01: Heartthrob Kings
Chapter 03: Stressed
Chapter 04: Bad Day
-Chapter 05- Partner
-Chapter 06- Two Times Kiss
-Chapter 07- Punishment
-Chapter 08- T-shirt
-Chapter 09- Nose Bite
-Chapter 10- The Bipolar
-Chapter 11- Crush
-Chapter 12- Long Hair
-Chapter 13- Grocery
-Chapter 14- Gentleman
Chapter 15: Someone
-Chapter 16- If I told You
-Chapter 17- Ghost
-Chapter 18- In Love ♥
Chapter 19: Manhid ka
-Chapter 20- Confession
-Chapter 21- Ikaw
-Chapter 22- Her Half Sister
-Chapter 23- Typhoon
-Chapter 24- Twin
-Chapter 25- Acute Stress Disorder (ASD)
-Chapter 26- The Superhero
-Chapter 27- I Love You
-Chapter 28- Pick-up Line
-Chapter 29- See you at hospital
Chapter 30: Baby Boy ♥
Chapter 31: Sketch
Chapter 32: Jealous
Chapter 33: First and Memorable Date
-Chapter 34- The Moves
Chapter 35: It Hurts
Chapter 36: Dinner with Barkada
Chapter 37: He's with her
Chapter 38: Plans
Chapter 39: Valentine Surprise
-Chapter 40- Cookie Love Game
Chapter 41: Sweetie Baby Boy
Chapter 42: Review
Chapter 43: Wanted Girlfriend
Chapter 44: Between Us
Chapter 45: Drunk
Chapter 46: Future Couple
Chapter 47: Seven Eleven
Chapter 48: Pretend
Chapter 49: Mad at me
Chapter 50: Lover's Quarrel
Chapter 51: Dysmenorrhea
Chapter 52: Time to Move On
Chapter 53: Welcome Back
Chapter 54: 18th
Chapter 55: Meet his Grandfather
Chapter 56: Fiancé
Chapter 57: The Promise
Chapter 58: Seventh Monthsary
Chapter 59: It's not a dream
Chapter 60: I won't Give up
Chapter 61: His Real Fiancé
Chapter 62: The Difference of Happiness
Chapter 63: Bleeding Heart
Chapter 64: Trouble
Chapter 65: Lifeless
Chapter 66: Unexpected Visitor
Chapter 67: Last Breath
Chapter 68: Missing Her
Chapter 69: Leaving
Chapter 70: One Last Cry
Epilogue
BOOK TWO

Chapter 02: What do you mean?

20.9K 444 27
By Dreamerearth

Racelle's PoV

NAG-AALALA ang apat na tinapunan ako ng tingin. Masama ang tinging nilingon ni Mike ang tinungo ng kaibigan nang bigla itong maglaho sa paningin naming lahat.

"Tahan na, baby Race," pang-aalo ni Mike, tinatapik-tapik ang braso ko. "Nagseselos lang iyon kaya hayaan mo na."

Nandilat ang mga mata kong kagagaling sa pag-iyak. Tama ba ang narinig ko? Nagseselos siya? Imposible! Umiling ako at sumimangot sabay tulak sa kaniya nang marahan.

"Ang sabihin n'yo galit na naman iyon sa 'kin dahil ako na naman ang nakita," garalgal ang boses kong sambit habang nagpupunas ng ilong gamit ang manggas ng aking bestida.

"Kitian is like Justin, they're both moody. Huwag ka ng magtaka kung bakit gan'on siya," William statement.

Tiningnan ko lang siya. Mas lalo akong sumimangot dahil walang kabuluhan ang mga sinasabi nila. Napakaimposible iyong sinasabi nila. Isang panaginip na hindi mangyayari. May galit sa akin, tapos biglang may lihim palang pagtingin? Sobrang nakakatawa!

Nakita ko kung paano itulak ni Justin ang katabing nagsalita nang madawit siya sa sinabi nito. "Hindi ako gan'on kay Kitian. I'm more considerate than him," he defended himself and smiled.

Ngumiwi si William sa kaniyang tabi, tila hindi sang-ayon sa sinabi nito. "What's with that face?"

"He couldn't believe what you'd said and that's my judgement based on his expression," sabat ni Tristan.

Umamba ng suntok si Justin sa lalaking katabi, pero nakalolokong ngumuso humihiling itong halikan siya. Naririnding inilayo nito ang ulo ni William, ngunit muli niyang inilapit ang mukha. Lumapat ang labi ni William sa matabang pisngi ni Jusin dahilan para maitulak niya ito nang marahas. Hindi ko naman napigilan ang sariling matawa nang mahina sa inasal ng dalawa.

"Move away, dude!"

Hinila niya bigla ang nakatayong si Jerome habang nakatutok sa cellphone, itinabi sa nakalabi pa ring si William. Hindi paawat ang paghikbi ko kahit napapangiti ako. Umatras ako nang makita ang mukha ni Mike sa harap ko, sinusuri ng bilog niyang mga mata nang may pag-aalala.

Tinakpan ko ang bibig nang bigla akong suminok dahilan para matawa si Mike at mahawaan niyang tumawa si Tristan nang mahina.

"Bebe William, bumili ka nga ng tubig para sa prinsesa natin," utos ni Mike.

"Si Justin na lang." Itinuro niya ang katabi.

"Bakit ako?"

"Gusto mo pa bang tumangkad o hindi?" mapang-uyam na tanong ni Mike.

Narinig ko muli ang pagtawa ng katabi ko, maging ang paghalakhak nang tatlo samantalang itinikom ni Justin ang bibig bilang pagpipigil ng inis.

Nilingon ko ang katabi nang pisilin niya nang magaan ang aking balikat. "Huwag mo ng pansinin si Kitian at ako na ang humihingi ng paumanhin sa hindi magandang asal niya kanina."

Bakit niya kailangang humingi ng paumanhin kung hindi naman siya ang may pagkakamali? I nodded as a response, and somehow, I still understand his best friend's attitude. I'm used to it, even most of the times I seek his reasons if why he is mad at me.

Hindi ko kung may nagawa ba akong ayaw niya na hindi ko alam o baka nakaaway ko ito noong bata ako, o baka nakaaway ko ito sa past life ko? Palaging kumukulo ang dugo tuwing nagkru-krus ang landas namin. Bahagya akong nagulat nang lumapat ang kamay ni Mike sa aking balikat, umakbay.

Umukit ang nakalolokong ngisi niya. "May alam ka kasi na hindi mo alam."

Nagsalubong ang kilay ko sa pagkakuryuso. Gusto kong malaman kung ano man iyon. "What do you mean?" nagugulumihanang tanong.

Pinalibutan pala nila akong apat at naglaho ang dalawa kong kaibigan, tila sila ang inutusan ni Justin imbes na siya ang bumili ng tubig o baka iniwan na nila ako. Itinuro ako bigla ni William dahilan para magtaka ako.

"Hindi ba kanta iyong what do you mean?" kunot-noong tanong niya.

Sumimangot ako nang dismayado. Akala ko dudugtungan niya ang sinasabi ni Mike. I shook my head when Justin joined William's craziness.

"Si Justin Diaz ang kumanta n'on," proud niyang sabi at sinamahan niya pa ng pagtaas ng kaniyang braso, ipinakita ang malusog niyang muscles.
"Justin Beiber iyon, guys," sabat kong pagtatama sa kanila, pero parang wala silang narinig. Magkalapit ang kailang mukha sa isa't isa, tila maghahahalikan na sa lapit at para bang magsusuntukan sa pag-igting ng kanilang panga, ngunit may nakaaasar na pagngisi. God! They're making me laugh.

"Hindi ikaw ang kumanta d'on at ka-boses mo ba 'yon?"

Nag-angat ako ng tingin kay Mike nang marinig kong bumuntonghininga ito nang malalim sabay tawa nang malakas.

"Bakit ayaw mo akong paniwalaan?" Justin frowned and looked away.

William expression made me laugh so hard. His mouth is half-opened and look so shocked. "Ikaw talaga kumanta n'on?" he asked, full of amusement. Justin nodded confidently that it made Mike laughed.

"Paano?" he curiously asked without noticing that it's a joke.

"Thank you for believing me, dude. It's overwhelming." He hugged himself and chuckled.

"Can I get their number? Gusto ko rin silang tawagan para mabisita ko ang recording studio nila." Lumapit siya at inilabas ang smartphone niya, hinihintay ang numerong sasabihin ng kausap.

Malalim na bumuntonghininga si Justin, tila labag sa kalooban niyang ibigay ang contact number kung mayroon nga. "Pakinggan mong mabuti," he instructed to William. Walang alinlangang inilabas din naman ni William ang cellphone niya, inilapit ang tainga upang mapakinggang mabuti.

Umalingawngaw ang malakas naming tawa dahilan para mahawa rin si Justi. Humagalpak nang malakas habang naguguluhang binalingan kami ng tingin ni William. He opened his mouth, but Mike spoke immediately, "Mga ugok! Ako talaga ang kumanta ng what do you mean, kaya huwag ninyong pagtalunan."

Ngumiwi kaming lahat at tinalikuran siyang naglakad palayo nang hilain ni Tristan ang braso ko habang umiiling-iling. "Ako ang orihinal na kumanta. The one and only most handsome king, Mike Zarate in the world!" buong-lakas niyang sigaw. He spread his arms with a wide smile, full of confident to claim it.

"Umiwas kayo sa hangin," natatawang sambit ni Tristan dahilan para matawa ang dalawa.

Mabuti at nakakaya niyang pakisamahan ang mga kaibigan niyang ito, na hindi maintindihan-hindi mawari kung saang planeta sila nanggaling.

Nalilito ko silang nilingon, isa-isa. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil lumampas na kami sa aming kinaroroonang entablado kanina, at natatanaw ko ang malaking gusali hindi kalayuan sa amin, kung saan nakatayo ang mall. Gusto kong magtanong, pero hindi ko magawa dahil ako ang naiilang sa mga tingin ng kababaihan sa mga kasama ko sabay lipat sa akin.

Nag-aalala lang ako dahil baka bumalik ang dalawang kaibigan kong biglang nawala, at hanapin ako. Baka isipin nilang iniwan ko sila. Inilabas ni William ang cellphone niya, naging abala siya roon. Samantala, nag-uusap ang dalawa sa tabi ko't hindi ko pinapansin ang mga sinasabi nila dahil lumalabas lang din sa kabilang tainga ko. Si Justin naman ang tahimik na nangunguna sa paglalakad.

Muli kong nilingon si William, tila nagkaroon ako ng ideya na baka nag-text siya kay Jerome na papunta kami sa mall at doon na lang magkita-kita. Ililihis na sana ang mga mata nang mapirmi pa ang tingin ko't hindi napigilang mailarawan ang pisikal niyang anyo.

I love his classic bowl hairstyle with a bit curly to cover his forehead that it made him cute. I scanned his oval-shaped face that compliment his angular jawline even stronger that it deepened his high cheek bones. William's wide-set eyes are more gentle than Mike's eyes that it creates a fond impression about him.

"Race..." I heard him chuckled and wrinkled his forehead as he caught me staring at him.

Nahihiya akong ngumiti. Tumigil siya sa paglalakad at kinamot ang matangos niyang ilong. The sunlight kissed his fair skin and spoke, "Alam mo may nagkakagusto sa 'yo..."

Umubo ako sa narinig. Natatawa ko siyang tiningnan. "May nagkakagusto sa 'kin?" Tumawa ako nang pagak, hindi ako makapaniwalang mayroon. Sino ako para magustuhan ako ng isang lalaki?

"You look amazed," natatawang baling ni Mike.

Naaalala kong si ate lang ang maganda sa amin. Even we are twins, we are not identical. She's prettier than me. It's a nice joke, anyway. I don't believe it. Malinaw pa sa aking alaala kung paanong siya ang sentro ng atensyon. Siya ang paborito, ako, anak pa rin naman ang papel ko pero mas anak ang kambal ko.

"Hindi ako maganda para magustuhan," mahina kong sambit, ngunit narinig ni Tristan. He patted my shoulder.
But somehow, she treated genuinely. That's the best of her, she didn't let me feel left alone. But one day, unfortunately happened that it made me feel empty. I lose my little self-esteem I had and it lead me to think that I am an evil who makes everything complicated. At this point, I am slowly building myself in a positive way. I feel lucky to find these people, accepted me as their friend and they are willing to help me even they don't anything about my past.

Hindi ko namalayang sumasabay rin pala sa amin si Justin nang marinig ko ang naiinip niyang tono ng boses. "Mayroon kaya. Kilala ko 'yong tatlong nagkakagusto sa 'yo-" Tristan suddenly cut his speech by covering his mouth. Nangunot ang noo ko.

"Oh, bakit mo pinutol ang sinasabi niya? Naduduwag ka?" nakangising kantyaw ni Mike. Napakamot sa ulo si Tristan, nahihiya siyang ngumiti sa akin nang tingnan ako. He is cute every time he shows his smile-he makes my day brighter.

"Don't mind them, Race. They are just making fun again," he clarifies.

Justin laughed sarcastically. "Why don't you tell her right now?"

"I second the motion. Baka maunahan ka pa n'ong isa at magsisi ka," nakataas pa ang palad ni William habang tumatango-tangong nakatingin sa kaibigan.
"If he really like her, then I'll let them to be together."

The three shakes their head in disbelief. "Duwag ka talaga, Tan," mapang-asar na kantyaw ni Mike.

Para akong naging display bigla dahil hindi nila ako pinapansin. Akala ko ba ay sasabihin nila sa akin kung sino iyong tatlong nagkakagusto sa akin, pero parang wala naman yata at binibiro lang ako.

"Prove that you deserve her also, don't waste your time," Justin advised.

"Na-love at first sight siya at eksaktong November iyon, pista ng patay, dude. Mas nauna kang nagkagusto sa kaniya dahil October ka, tapos papaunahin mo lang ang nahuli?"

"Nagkaroon ka na rin ng sense kausap, Bebe William," natatawang puri ni Mike habang nakakunot ang noo ko.

Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi nila. Bigla yatang nailipat sa akin ni William ang pagiging slow-witted niya sa mga oras na ito. I waved my hand to test if they are still aware that I am here, but Tristan and Mike noticed me.

"May hindi na nakakasunod sa usapan, mga bro.," mapagbirong saway ni Mike sa dalawa. Medyo personal ang usapan nila at hindi dapat yata ako mapabilang dahil usapang lalaki lang.

A poker-face plastered on Justin's face while his friendbeside him, smiled at me brightly and looked so sorry. Malawak ang ngiti kong pumikit nang makatapak ang mga paa ko sa loob ng mall. Gustong-gusto ko ang lamig na tumutuyo sa tumatagaktak kong pawis. Sobrang presko sa pakiramdam kapag pumapasok ka sa mall, lalo na kapag pawisan ka.

"Iniwan ka na ba ng mga kaibigan mo?"

Nagkibit-balikat lang ako kay Mike. Hindi ko alam kung saan sila pumunta, wala silang paalam sa akin. Baka nga ay umuwi na o nagpunta na rito dahil inaaya nila ako kanina.

"Sila ang inutusan kong bumili ng tubig, pero hindi sila agad bumalik," he said, frowning.

"Na-text ko na iyong babaeng may dala-dalang libro kanina. Sinabi kong dito tayo magkikita-kita," sagot ni William.

"Her name is Estella, don't just call her like that." Medyo naiinis ang tono ni Justin sa pagkakarinig ko.

Palinga-linga si Mike, naghahanap ng mapagtatambayan, pero mukhang fast food restaurant ang hinahanap niya dahil nakailang dila ito sa labi niya. Halatang nagugutom. "

"I'll inform, Kitian that we're here," Tristan volunteered. Hindi ko maiwasang mapalunok habang tinitingnan siyang nagte-text sa kaniyang cellphone. Parang may nagtutulak sa aking pigilan siya sa pag-inform sa kaibigan nilang parang bulkan kanina.

"Okay lang ba sa 'yo, Race, na kasama natin siya?"

"O-o-okay lang." Tumango ako nang marahan bilang pagpayag sa tanong ni William, pero kalaunan ay kinagat ko ang ibabang labi. Baka isipin nilang ayaw ko siyang kasam dahil sa pagkautal ko.

"Nauutal, kaya 'di raw puwede," biro ni Mike nang lingunin niya ako sandali.

"Huwag na lang, bro., baka kung ano pa ang gawin kay Racelle," may bahid ng pag-aalala ang boses ni Justin bilang pagsaway sa kaibigan, ngunit mukhang na-sent na yata niya ang text.
"Nandito tayong susuntok sa kaniya kapag pagagalitan si baby Race."

William laughter echoed while the two nodded as deal. Maya-maya ay nakita ko ang dalawang pamilyar na taong palapit sa aming kinaroroonan dito sa tabi ng McDonald's. Ngumiti kaagad ako, magkalingkis ang braso nilang dalawa. Close na close talaga sila at tuwang-tuwa naman ako dahil hindi nila nakalilimutang patawanin ako. Ngunit, nabawasan ang ngiti ko, napalitan nang malakas na pagkabog ng puso sa nakitang lalaki sa likuran ng mga kaibigan ko. Lumunok ako at piniling yumuko. Tinitigan ko ang suot kong sneakers. Natatakot akong baka sigawan niya ako't gumawa ng eksena. Biglang nanlamig ang kamay ko kahit ang init-init ng pakiramdam ko, maging ang puso ko ay ayaw magpaawat sa bilis ng pintig.

Malambot ang kamay ng babaeng humawak sa aking palapulsuhan at saka tumabi. Ngumiti ako kahit alam kong hindi niya nakita dahil nanatili akong nakayuko.

Maingay na bumuga ng hangin si Jerome. "Maglibre naman kayo. Gutom na kami," bulalas niya nang walanghiya.

Sinikil bigla ni Jerome ang tagiliran ko dahilan para mag-angat ako ng tingin. Nahigit ang paghinga nang makita siya sa aking harapan, nasa tabi ni William. Ngunit nakahinga nang maluwag dahil abala ang mga mata niya sa hawak niyang smartphone. Nagmartsa bigla ang kasama namin, kaya lumingkis si Jerome sa braso ko't nahila nang magmartsa ito upang sundan si Mike.

Humawak sa kamay ko si Estella nang makasunod ito sa amin. Narinig ko rin ang boses ng tatlo sa likod namin, sumusunod. Sinundan ko ng tingin ang pagpasok ni Mike sa Mang Inasal, agad siyang pumuwesto sa upuang nabakantehan ng mga lalaking kaaalis lang.

"Kami na ang mag-o-order," presinta ni Estella sa aking tabi nang mauna kami sa kinaroroonan niya.

"Iabot n'yo muna ang pera bago kami mag-order ni bakla." Sabay lahad niya ng palad sa harap ni Mike. Hinanap niya sa bulsa ng pantalon ang pitaka niya, pero bigla niyang tinampal ang puwet ng kapapasok na si William.

Inilahad niya ang kamay at walang alinlangang kinuha ni William ang kamay ng kaibigan upang makipag-kamay siya, pero mabilis na binawi ni Mike ang kamay at dinukot niya ang pitaka ng kaibigan sa bulsa. Hindi siya mukhang nainis o galit dahil tuwang-tuwa pa siya. Dumating naman ang tatlo, umupo ang dalawa sa tapat ng dalawa at bago ko pa makita ang pag-upo ni Kitian ay maagap kong inilihis ang mga mata sa nakatayong mga kaibigan ko.

Nag-abot si Mike nang isang libo kay Jerome. Ngiting-ngiti namang tinanggap ng bakla 'tsaka nilingon kami. Tumango ang dalawa, pero bago pa nila ako iwan sa limang lalaki ay mabilis akong nagsalita, "Sasamahan ko na kayo."

"Ang sarap bigwasan ng Kitian na 'yan," nanggigigil sa inis na wika ni Jerome dahilan para ngitian ko lang siya.

"Feeling ko puputi na nang diretso itong kilay ko sa sobrang stress sa kaniya. Palagi na lang mainit ang ulo sa 'yo, bakla. Ako ang nanggigigil. Gusto kong ilagay sa nagbabagang apoy para matunaw sa lamig!"

Iiling-iling na hinaplos ni Estella ang braso niya at nakangiti ko namang inilapat ang kamay sa braso niya at tinapik-tapik nang mahina. Sa gilid ng mga mata, kapansin-pansin ko kung paano humaba ang nguso ng dalawa para ituro ako, nagsesenyasan. Yumuko na lang ako at ibinaba ang kamay, medyo napapanatag na ang puso ko mula sa kaba pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng lungkot.

"May sakit ka ba?" nag-aalalang kalabit ni Estella. Nag-angat ako ng tingin. Nakatukod ang magkabilang braso ni Jerome sa counter habang nagsasalita, ngunit ibinaling ko rin ang tingin sa nag-aalalang kaibigan.

"Okay lang ako," sagot ko at sinabayan pa ng pagngiti. Tumango lang ito pagkatapos ay inaya niya akong pumunta sa upuan namin. Habang palapit ay hindi ko aakalaing mas bibilis pa ang pintig ng puso ko. Pumili agad ng mauupuan ang dalawa, inilagay rin ni Jerome ang ibinigay sa kaniyang numero sa stand na nasa gitna. Samantalang naestatwa ako sa upuang bakante, sa tapat ng lalaking blangko ang ekspresyon. Gusto kong umupo sa katabi ng bakanteng upuan, pero may naiwang panyo sa upuan at paniguradong dito nakaupo si Tristan. Salubong ang kilay niyang nag-angat ng ulo. Nilunok ko ang laway at nanlambot bigla ang tuhod kong mabuti na lang ay nakahawak ako sa sandalan ng upuan para maging suporta ko. His eyes are cold and intimidating.

"What are you looking at?" His jaw clenched that it made me blink and looked away. Dahan-dahan kong hinila ang upuan at iginala ang mga mata nang makaupo. Saan kaya nagpunta si Tristan?

Abala sa pagkukuwentuhan ang tatlo, at hindi ko pinagtuunan ng atensyon kung tungkol saan. Sa kabila ng pananahimik ko ay ramdam na ramdam ko ang titig niya kahit ang nakatagilid ang ulo ko, nakatingin sa waitress na nakangiting nagse-serve. Tinutusok ang puwet ko at bigla-biglang yumayakap ang lamig ng air-conditioner sa loob ng restaurant.

Dumating ang babae, dala-dala ang isang tray at inilapag ang apat na pinggan sa mesa. Muling bumalik ang babae para ilapag ang mga order namin, ngunit dumilat ang mga mata nang hilain ng lalaking nasa tapat ko ang pagkaing para sa akin.

"P-Pagkain ko 'yan..." nauutal kong sambit at umaambang hihilain, pero naninigas lang ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

"Get your own food," walang-ganang sambit nito at inumpisahan niyang kagatin ang hita ng manok.

"Akin 'yan..." pikit-matang usal ko. Tumahimik naman nang bahagya ang mga kasama namin at nasa amin ang tingin.

"Itong lalaking 'to, kay Racelle 'yan!" nakadurong sigaw ni Jerome, nasa tabi ni Mike, katapat ni Justin.

Nakangiting ngumunguya si William sa tabi ng lalaking sarap na sarap sa pagkain ko. "Kunin mo na lang iyong kay Tristan, Race," salita ni niya matapos niyang lunukin ang ngininguya.

Malungkot kong tiningnan si Jerome dahil alam kong sinadya niyang hindi mag-order ng pagkain para kay Kitian. Ako pa tuloy ang nawalan at ayaw na ayaw ko pa man ding kinukuha ang pagkain ko lalo na't akin at gutom na gutom ako. Gusto kong sumabog sa inis, pero hindi ko magawa dahil hindi ko kilala ang kaharap ko. Kung ano ang lalabas sa bibig ko sakali ngayong gutom ako, baka magiging kasingtulis ng kutsilyo at lamig ng yelo ang lalabas sa bibig niyang mga salita.

Huminga ako nang malalim. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagdighay niya at pag-angat ng kamay ni Mike, ikinaway ito para umagaw ng atensyon.

Napakamot na lang ako sa kamay ko at lumabing iniiwas ang tingin nang muli itong dumighay nang malakas. "Miss, extra rice pa nga," pukaw niya.

Lumapit naman ang babaeng may katabaan, hawak-hawak ang scoop at nagsandok ng kanin sa plato ni Mike. Isinenyas din ni Justin ang kamay para lagyan ang pinggan niya, ganoon din si Jerome at William.

"Nag-e-enjoy akong kumain habang pinapanood sila," tukoy ni Mike. Umalis ang babaeng tiningnan ako. Siguro nagtataka siya kung bakit lang ako nakaupo roon at walang kinakain. Inagaw lang naman kasi ng lalaking hindi mabait na ngayo'y nakalahati na ang manok ko.

Masama ko siyang tinitingnan. Bawat subo niya ay pinagmamasdan ko habang panay ang pagsalubong ng kaniyang kilay at pagkunot-noo. Itinikom ko nang mariin ang bibig. Nahuli ko pa ang pagsulyap ng babaeng kumakain din sa katabi naming mesa. Hindi ko mapigilan ang sariling mapangiwi nang nakunot na rin ang noo.

Mga lalaking pag-artista ang gustong-gusto ng mga kapuwa ko babae. Kapag nakakita ng guwapo, hindi magawang alisan ng tingin, pero kapag hindi kaguwapuhan, todo lait. Gusto ko tuloy ipaalala sa kanila, lalo na itong babaeng pasulyap-sulyap kay Kitian. Nag-aral sila ng alpabeto, pero hindi na maalala kung ano ang mas nauna. Letter A comes first before the letter B, which means attitude reflects in beauty.

"Umuwi na si Tristan?" tanong ni Estella.

"Nasa banyo, bakit?" tinig ni Justin.

Muli siyang sumubo at natawa ako nang mahina habang naiiling. Kunot-noo niya akong tinaasan ng kilay. Ang galing naman niya, napahanga ako sa kalalaki niyang tao. Sumulyap ako sa lima at abalang pinapanood kami habang sarap na sarap sa pagkain.

"Tapos ka ng kumain?" sulpot ni Tristan, naupo siya sa tabi ko.

"Hindi pa siya kumakain," sagot ni Estella.

"Bakit?" nagtataka ang tinig niyang tanong.

Umismid ang lalaking katapat ko, nagawi ang malamig niyang tingin kay Tristan. "Sino ang bobong nag-order at hindi man lang ako isinama?"

Malalim na bumuntonghininga si Tristan. "Here, sa 'yo na itong akin." Iniusod niya ang pinggang may lamang pansit palabok.

My eyes widened. Mabilis kong iniusod pabalik sa kaniya ang pagkain niya sabay iling-iling bilang pagtanggi. Si Jerome talaga ang lakas ng trip, pati sukli hindi na rin niya naibalik kay William dahil wala siyang iniabot kanina nang maupo, tapos ayaw man lang tumayo at mag-order ng bagong pagkain ko.

"No, it's for you."

"E, paano ka?"

He smiled. "Don't mind me. I'm still full, so, eat."

Umubo ang tatlo, mas nangingibabaw ang pilit na pag-ubo ni Mike. Matamis akong ngumiti at masiglang nagsalita, "Thank you!"

"Pretentious." Dinig kong sabi ni Kitian.

Humarap ako sa kaniya't tinaasan siya ng kilay. Saan ba pinaglihi ang lalaking ito? Maraming sinasabi, hindi marunong tumahimik.

"At least gentleman siya, hindi tulad ni Kitian parang aso!" pasaring na asik ni Jerome, binanggit pa ang pangalan. Nagpigil ako ng tawa sa pagdilim ng blangkong ekspresyon niya kanina.

"Kung alam mo lang na may napana si kupido at-"

"Stop saying nonsense," Kitian cut off Mike's statement. Tumawa lang nang malakas ang kaibigan niya dahilan para maagaw niya ang atensyon ng kumakain.

"Kayo na nga ang tinutulungan namin tapos..." Hindi natuloy ni Justin ang sinasabi nang padabog niyang ibinaba ang tinidor sa mesa.

"Do you want me to punch your face?" His hands tightened into fists as I shifted my gaze towards him.

Lumipad ang tingin sa lalaking tumawa lang nang malakas at punong-puno ang kanin ang kanang kamay niyang nakataas

"Keep your mouth shut if you don't want me to punch your faces," buo ang boses niyang pagbabanta.

"Are you dating secretly?" Jerome immediately asked from Tristan based on the direction of his gaze, and I appreciate his effort to divert the topic, but why on this?

Suminghap akong tinapunan siya ng tingin habang si Mike ay ngumisi nang malawak, tuwang-tuwa na hindi maintindihan ang paraan ng pagngisi niya.

"Racelle is special for me, nothing else," Tristan answered. Nahimigan ko katotohanan sa boses niya. nakatitig lang ito sa lamesa habang nakangiti nang matamis.

"Special ka rin sa 'kin." Saka ko isinubo sa kaniya ang inirolyo kong pansit sa tinidor. Sabay-sabay na tumikhim ang tatlo niyang kaibigang hari. Tumawa lang ako dahil alam kong binigyan agad nila 'yon ng malisya. He's like a brother for me and nothing else.

"Itodo n'yo pa," kantyaw ni Mike dahilan para mangunot lang ang noo ko't maguluhan.

"May nagseselos kasi dito," nakangising pangungutya niya. Tumikhim naman si Justin samantalang ngumiti nang matapis si William.

Lumingon ako sa kaharap ko nang marinig ko ang padabog niyang pagbaba ng baso sa mesa at paniguradong naagaw namin ulit ang atensyon ng mga tao. Gaya rin ng kanina ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang sama-sama ng tingin niya, nanlilisik parang gusto akong sakalin.

"Malalaman mo 'yong ibig naming sabihin kung makikiramdam ka," makahulugang gatong ni Justin.

Continue Reading

You'll Also Like

340K 26.5K 52
Synopsis #1: What will happen if a poor boy has been granted a full scholarship at the best University in the country where the most elite, richest...
936K 16K 43
isang babaeng heartthrob na pinag aagawan nang apat na lalaki na campus heartthrob din,makakapili kaya siya kung silang lahat ay nanliligaw at pinag...
181K 3.9K 42
What will happen if the nerd meets the campus heartthrob? Is it war? or Love? [COMPLETED] Date Started: Jan 13, 2014 Date Finished: May 23, 2015 Cov...
67.1K 2.6K 42
[Completed][MBVSMN] Isang pagiibigan na mabubuo sa isang linggong samahan dahil sa munting proyekto... Kung papapiliin ka, isa bang bad boy o isang n...