Ang 'syota kong promdi COMPLE...

Door SapphiresPage

183K 3.4K 73

Teaser Si Danica ay galawgaw, matapang, palaban pero malambing at may malaking puso. Pero ang katangian niyan... Meer

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Ang 'syota kong promdi-teaser
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 Part 1
Chapter 11 Part 2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Special Edition
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue {COMPLETE}

Chapter 6

5.5K 107 3
Door SapphiresPage

               MATAPOS ang libing ay dumiretso sila sa bayan ni Danica. Yun kasi ang promise niya sa babae. Maagang pamasko na rin niya para sa matiyagang alila. Nasa daungan na sila ng ferry boat ng bigla nalang itong tumakbo at nagsisigaw. Lumingon ang isang lalaking tinawag nito na nakatalikod sa kanilang direksyon.

“Lemuel!” tawag ng dalaga dito.

“Danica!” ganting sigaw naman ng lalaking nasa ibabaw ng barko. Bumaba ito at nagyakapan ang dalawa. Naiwan siyang nakamasid lang sa mga ito. Pati ang duffel bag ng babae ay siya pa ang pinagbuhat nito. Sisimangot na sana siya ng lumingon ito sa kaniyang direksyon.

“Lemuel ito yung sinasabi ko sa iyong amo ko si JM.” Pakilala nito sa kaharap na nagngangalang Lemuel.

“JM si Lemuel nga pala kababata ko.”

“Nice to mit you ‘pre” bati ni Lemule sa lalaki. Tibay rin ang ingles nito parang pinaghakutan pa sa kabaong ni Micheal Jackson.

“Same here ‘pre.” Magalang niyang sagot dito.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Danica sabay suntok sa balikat ng lalaki. Napa ‘aray’ ito sa sakit. ‘Oh boy’ wika ng isipan niya. May pagka war freak talaga itong si Danica. Astigin. Imbes na barbie doll ang nilalaro eh armalite at M16 ‘ata ang binibili ng mga magulang nito dito.

“Nag text ka kasi na dadaan kayo dito. Tamang-tama eh Piyesta dito sa atin. Naku masisiyahan ‘tong amo mo dito. Alam mo bang namimiss kana ng tatay mo? At yung mga suki natin pati na rin yung mga kakilala mong tindera sa simbahan hinahanap ka na rin. Daming nagtatanong kung kelan ka uuwi.” Masayang pagbabalita ng lalaki sa kaniya.

Sumigaw ang isang lalaki na isasara na ang pintuan kaya nagmamadali na silang pumasok at naghanap ng uupuan. Kaso puno na lahat kaya tumayo nalang silang tatlo sa may railing. Nakikinig lang siya sa pag-uusap ng dalawa kahit na hindi niya maintidihan ang topic ng mga ito. Masaya ang dalawa sa pagkukuwentuhan. Nawala na sa isipan ng mga ito na nandoon siya dahil hindi naman siya sinasali ng mga ito sa usapan. Inaaliw na lamang niya ang kaniyang sarili sa pagmamasid sa dagat. Nakita niyang maraming bangka sa laot. Tila nangingisda ang mga ito. Pinaliit niya ang kaniyang medyo singkit na mga mata para makitang maigi ang mga ginagawa ng mga ito. ‘Mangingisda nga.’ Wika ng kaniyang isipan ng makita niyang may naghagis ng malaking net sa dagat.

Kaya siguro tinawag na Barangay Malansa itong lugar ni Danica dahil dito. Lumingon siya sa kaniyang tabi dahil tumahimik na ang mga ito. Yun pala ay umalis ang dalawa. Lumingon-lingon siya para hanapin ang mga ito pero hindi niya makita. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagmamasid sa malawak na karagatan. Naalala niya bigla ang Mommy niya. Bago sila iniwan nito ay lagi silang pumupunta sa Beach Resort para maligo. Kahit na musmos pa lamang siya nuon ay tandang-tanda pa niya kung gaano sila kasaya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung bakit sila iniwan ng Mommy niya. Ang tanging sinasabi ng Tito Ethan niya ay sumama raw ito sa ibang lalaki. Hindi rin naman nagco-confide sa kaniya ang sariling Ama. Masyado itong nasaktan kaya siguro mahirap halungkatin ang nakaraan nila.

“Hoy!” biglang sigaw ni Danica sa kaniyang likod sabay hampas ng malakas sa kaniyang balikat. Pakiramdam niya ang lumabas ang kaluluwa niya dahil sa gulat.

“Ba’t ka ba nanggugulat ng ganyan!” Balik sigaw niya dito. “Hindi mo ba alam ang salitang mahina? Parang may built-in mega phone iyang bunganga mo sa lakas ng boses mo eh.”

Napalabi naman ang babae sa kaniya. “Ang seryos seryos mo kasi eh. Para kang model sa karaoke yung nag eemo sa tb?” At tinawanan pa siya nito. Napalingo-lingo siya sa sinabi nito. “Malapit na tayong dumating kaya maghanda-handa kana riyan.” Iyon lang at umalis uli ito sa tabi niya.

               Pagkadaong nila sa pantalan ay sumakay sila ng pedicab hanggang marating nila ang malawak na lupain na may maraming puno ng Niyog. Sa gitna ng lupain ay ang may kalumaang bahay na yari kahoy. Ang bubong nito ay may tagpi-tagping yero para takpan ang butas. Lumabas ang medyo patpating lalaki sa balkonahe ng bahay. Nakangiti itong nakatingin sa kanilang tatlo.

“Tatay!” sigaw ni Danica. Nagyakapan ang dalawa pagka-apak nito sa balkonahe. Namasa pareho ang mga mukha ng mga ito. “Tatay… miss ko na po kayo.” Iyak ni Danica.

“Ako rin anak. Mabuti naman at naisipan mong bumisita dito saglit. Ilang araw ba kayo dito?” tanong ng ama nito.

“Dalawang araw lang po kasi may pasok na si Sir JM.” Lumingon ito sa kaniyang direksyon. “’tay ito po pala si Sir JM. Sir, tatay ko.” Pakilala nito sa kanilang dalawa. Inilahad niya ang kamay dito.

 “Nagagalak po akong makilala ka Sir. Sana naman hindi naging pasaway itong anak ko.” Inakbayan nito ang anak na hanggang tenga pa rin ang ngiti.

“Hindi naman po. Mabait na kasambahay po si Danica.” Pagsisinungaling niya dito.

“Halina kayo at pumasok na tayo sa loob. May hinanda akong konting pagkain para sa inyo.” Masinop ang buong kabahayaan. May lumang mahabang upuan na yari sa kahoy. Mga kagamitan na halatang ini-iingatan gaya ng mga mumunting pigurin at mga larawan ng pamilya nito. Napadako ang kaniyang paningin sa isang magandang babae sa isang larawan. Kahawig ito ni Danica pero maputi ang naturang babae. Halatang namana ng babae ang kutis sa Ama nito.

            Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga muna sila. Sa kabilang kuwarto pinatuloy ng Tatay niya si Jake. Pasalampak siyang nahiga sa sariling kama. Kahit na may kalumaan na rin ang kutson niya ay namiss rin niya ang kalambutan nito. Inamoy-amoy niya ang kaniyang unan habang napapapikit. “Hay sa wakas nayakap din kita!” sigaw niya.

Ang saya-saya niya dahil pumuyag ang amo niya na dumaan sila dito. Alam niyang mage-enjoy talaga ito dahil sa darating na pista bukas. Mabuti nalang at naisipan niyang magbakasali dito kundi hindi niya makikita ang kababata sa larong Palosebo. Champion si Lemuel sa larong iyon. Kahit naman siguro anung laro ay magaling ito. Halata niyang naging matikas na rin ang pangangatawan ng kaniyang kaibigan. Medyo tumaas rin ito konti sa kaniya pero syempre mas mataas pa rin si Sir Jake niya dito.

              Kinabukasan ay maagang gumising si Danica para siya na ang bibili ng pandesal sa bakery. Nasa daan na siya pabalik ng bahay nila ng makita ni si Lemuel na may kasamang babae. Napakunot ang kaniyang noo. ‘Tingnan mo ‘tong lalaking ‘to ang aga-aga nambababae na.’ nilapitan niya ang mga ito.

Malakas siya tumikhim para mapansin ng mga ito. “Ehem!” Nagulat ang dalawa lalo na si Lemuel bago ito ngumiti sa kaniya.

“Bestprend, si Marina pala taga kabilang bayan. Sinundo ko lang siya para sa pista.” Paliwanag nito sa kaniya. Umasim ang mukha niya dahil nagseselos siya sa binibigay nitong atensyon sa ibang babae. Simula kasi nung bata pa sila ay halos hindi na sila mapaghiwalay dalawa. Para silang siamese twins na hindi mahiwa-hiwalay kahit nino.

“Sige uuwi na ako Lemuel at hinihintay na ‘to ni Tatay.” Itinaas niya ang dalang supot.

Naglalakad siya pa-uwi na bumubulong-bulong sa sarili.

“O ano na naman ang problema ng dalaga ko?” tanong ng kaniyang Tatay pagpasok niya sa kusina sa likod bahay.

“Alam ‘nyo po bang nangliligaw na si Lemule Itay?” nakakunot noong tanong niya dito.

Napatawa ang matanda. “Oo naman ikaw bata ka. Ano naman ang problema dun eh kita mo naman yung batang yun eh lalong naging makisig. Kahit sinong dalaga dito sa atin eh nagkakagusto riyan.” Kumuha ito ng tasa para sa kape nila. “Alam mo namang botong-boto ako sa batang yun.”

                 Ginising siya ng mga boses sa kusina kaya naisipan niyang bumangon na lang. Kumukulo na rin ang kaniyang tiyan sa gutom. Hindi siya masyadong nakakain kagabi dahil sa ulam na hinanda ni Danica. Hindi siya mahilig sa gulay. Aayaw na sana siya ng isubo bigla ng babae sa kaniyang bibig ang hiwa ng Pritong Talong at Kanin sa kaniyang bibig. Napatawa naman ang Tatay nito na nakatingin sa kanilang dalawa.

Papalapit na siya sa kusina ng marinig niya ang Tatay nitong nagsalita.

“Eh kung ikaw ba eh liligawan nitong si Lemuel eh sasagutin mo ba siya?” tanong ng matanda.

Sumilip siya konti at nakita niya ang likod ni Danica na nakatayo sa harap ng mesa habang ang isang paa ay nakasabit sa upuan. “Eh Oo naman po. Ano pa ba ang hahanapin ko sa kaniya eh kilalang-kilala na namin ang isa’t-isa simula sapul. Mabait naman po si Lemuel eh, dba ‘tay? Ay basta ewan hindi ako….” Umalis ito sa kinatatayuan at umikot kaya nakita siya nito sa bukana ng pintuan. “Gudmorneng Sir.” Agad na bati nito sa kaniya pagkakita.

“’morning.” Matamlay na bati niya sa mga ito. Kumuha siya ng kape at uminom. “Anong gagawin natin ngayong araw?” tanong niya kay Danica.

“Pupunta tayo sa Plaza para makipaglaro.” Sagot nito. Napatango lang siya sa narinig.

               “Iiiiikkkk!!!” sigaw ng biik habang hinahabol nila sa putikan. Hinati sa dalawang grupo ang kalahok. Naging katunggali pa niya si Lemuel. At dahil wala naman siyang karanasan sa ganitong laro ay lagi siyang natatakasan ng biik na pinaliguan ‘ata sa mantika dahil lagi itong nadudulas sa kaniyang mga kamay. Hindi nakatutulong ang hiyawan ng mga tao para sa lalaki. He’s very copetetive kaya hindi siya basta-basta sumusuko sa labanan. Itinaas niya ang kaniyang suot na maong para mas makakilos siya.

Nakita niyang umikot ang biik sa kaliwa niya kaya tinakbo niya itong haharangin patagilid. Inihanda niya ang kaniyang mga kamay at hawak na tali dahil tatlong pulgada nalang ay mahahawakan na niya ito. Pero sa kamalasan ay bigla siyang nadulas sa putik. Para siyang nag dive sa swimming pool na puno ng chocolate. Nagkatawanan ang lahat ng mga tao sa nakita. Napamura siya bigla.

Pati si Danica ay nakitawa rin. ‘Humanda ka sa akin mamaya.’ Panunumpa niya sa sarili.

Tumayo siya at pinahid ang putik sa kaniyang mukha. Nag apiran naman sina Lemuel at mga kasamahan nito. Tumunog uli’t ang bell hudyat na magsisimula sila sa panibagong rounds.

“Ayos ka lang ‘pre” tanong ng isa niyang kasamahan. Tinanguan lang niya ito.

Pagkalabas ng biik ay kaniya-kaniya na silang habol. Naunahan sila ng ka grupo ni Lemuel kaya napahinto na siya sa pag takbo dahil alam niyang talo na sila. “Lemuel ang tali!” sigaw ng isa. Naghiyawan ang lahat ng buhatin ni Lemuel ang biik at itinaas.

            “Ang galing naman ng bestprend ko.” Papuri ni Danica kay Lemuel habang naglalakad sila papa-uwi. Puno ng putik ang suot niyang maong na pantalon at putting t-shirt.

Kakatapos lang nilang maglaro para sa pista. Nakalimutan niya ang tawag sa larong iyon. Pero, matatawag bang laro iyong hinahabol ang isang biik na baboy tapos itatali? Hindi pa siya nakakalaro ng ganiyan sa buong buhay niya.

Nilingon niya ang dalawa na nagkukulitan. Nakasakay na si Danica sa likod ni Lemuel. Napakunot noo siya. ‘Akala ko ba magkaibigan lang ang dalawang ito?’wika ng kaniyang isipan.

“Ikaw na ang magaling sa lahat!” sigaw ng babae habang kinuskos nng kamao nito ang ulo ni Lemuel.

“Ang sakit niyan ano ka ba?” reklamo ng lalaki.

Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas din agad silang dalawa. Susunduin muna nila si Lemuel sa bahay nito at pupunta sila sa ibang lugar kung saan makikipaglaro sila sa ibang kalalakihan. Sabi ni Danica ay aakyta raw sila sa bamboo stick na may mantika. Ang mananalo ay may kaunting premyo. Hindi siya mahilig sa premyo. Wala siyang paki-alam kung anong klaseng premyo iyan. Ang gusto niya ang papuri ng makulit niyang katulong.

As Usual si Lemuel na naman ang bida ni Danica. Hindi niya akalain na Champion pala sa Palo sebo ang lalaki. Napasimangot siya ng makita ang dalawa na nagtatatalon sa tuwa. Kung basketball lang siguro ito ay tiyak na makakabawi siya ng puntos sa lalaki.

“Sir Jake may disco mamayang gabi dito. Punta tayo ha. Madami kang makilalang mga chiks dito sa amin.” Pangungulit ni Danica sa kaniya. Tumango lang siya dito.

               Sa harap ng City Hall ay nagkasayahan ang mga taga baryo. Nilapitan niya si Lemuel ng makita niya itong nakikipag-usap sa iba pang kababata nila. “Psst. Nasaan na ang ka dit mo?” tanong niya dito.

“Umuwi ng maaga sa kanila dahil luluwas pa siya sa Manila bukas. Doon kasi siya mag-aaral eh. Kaya ayun hinatid ko na. Ba’t mo naman iniwan ang Sir mo? Ayun o pinag-aagawan ng mga karibal mo.” Kantiyaw nito sa kaniya.

“Hmp! Anong karibal? Wala akong paki-alam kung makipagdate man iyun. Naku kung alam mo lang gaano kadami ang mga babae niyan sa Manila. Nagdadala pa nga iyang ng babae sa bahay eh. Eh ikaw nagdadala ka rin ba ng mga babae sa inyu?” biro niya dito.

“Hindi ah. Baka hindi lang palo ang aabutin ko kina Nanay at Tatay niyan kung magdala ako ng nobyang ibabahay.”

“Naku biro lang yun nangumpisal ka naman kaagad eh.” Tawa siya ng tawa sa sagot nito. Sasakalin na sana siya nito ng magsimula ng lumakas ang tugtugin. Hinablot ni Jm ang kaniyang braso at dinala siya sa gitna ng bulwagan.

“My turn.” Wika ng lalaki. Sinabayan niya ang galaw at indak nito. Napahanga siya sa galing nitong sumayaw.

Inikot siya nito habang nakataas ang isa niyang kamay bago siya niyakap ng mahigpit. Naamoy niya saglit ang pabango ng lalaki. Pagkatapos ng sayaw ay pinatugtog ng DJ ang “Lea by Toto”. Medyo nailang pa siyang taas ang kaniyang mga kamay sa batok nito. Kaya ang lalaki na ang gumawa nito para sa kaniya. Naramdaman niya ang mga braso nitong nakayakap sa kaniyang bewang. Mas inilapit pa nito ang kaniyang katawan dito. Napahinga siya ng malalim dahil sa naramdamang emosyon. Kahit kailan ay hindi pa sila naging ganito kalapit ni Jake. Kahit kailan ay hindi pa niya ito pinagnasaang mahawakan ng ganito. Bago sa kaniya ang naramdaman ngayong gabi. At sa maniwala man ang kaniyang sarili o hindi ay nagustuhan niya ang nararamdaman.

Tila hinihigop ng mga titig ni Jake ang kaniyang mga mata. Matagal din sila sa ganoong ayos hanggang sa nagpalit na ang musika sa paligid nila. Parang silang dalawa lamang ang naroon at wala ng iba.

                Wala siyang pasok ngayong araw na ito dahil Sabado. Isang linggo na buhat ng maka-uwi sila ni Danica sa probinsya ng huli. Nasa balkonahe siya at nag-aaral para sa susunod na linggo. Alam niyang maaga pa para uminom ng beer pero narerelax siya tuwing may beer na kasama ang review niya sa kaniyang notes. Nasa kalagitnaan na siya ng binabasa ng may marinig siyang malakas na tugtugin na parang boom box sa lakas.

Nilingon niya ang sliding door para makita ang loob ng bahay. Hindi nga siya nagkamali. Nakita niya si Danica na sumasayaw na naman habang naglilinis. Kaugalian na ng kaniyang katulong ang sumayaw habang gumagawa ng gawaing bahay. Maingat niyang binuksan ang sliding door para marinig ang kanta nito habang sinasabayan ang tugtugin.

“Moniy, Moniy, Moniy… it’s so pani…. On a richman’s world.” Napa bungis-ngis siya sa narinig. Isinara niya uli’t ang sliding door. ‘Tsk tsk tsk…. Kung tao lang si Moniy at si Pani ay tiyak na ikakahiya ng mga ito si Danica.’ Napapatawang wika ng isipan niya.

Alam niya kung bakit nagkaganiyan ito ngayong araw. Dahil sumuweldo na naman ito kanina sa kaniya. Tumayo na siya para pumasok sa loob ng bahay. Nakita niya itong naghahanda ng lulutuin para mamayang hapunan.

“Ano yan?” tanong niya dito sa malapitan.

“Magluluto ako ng Kare-kare at gulay para magkalaman naman iyang katawan mo.” Napasimangot siya sa sinabi nito. Pinalo siya nito ng sandok kaya napa ‘aray’ siya. “Iyan ang nababagay sa iyo kasi ang piki piki mo.”

“What?” gulat na tanong niya sa huling sinabi nito.
“Piki yung namimili.” Confident pa nitong sagot sa kaniya.

“Oh you mean picky? Hahaha piki raw… igihan mo nga iyang ingles mo at baka ikahihiya ka ni McArthur niyan.” Iyan lang ang sinabi niya bago tumalikod at umalis para pumunta sa kaniyang kuwarto.

          Kinatok niya si JM bandang alas sais ng gabi para sa kanilang hapunan. Nakahanda na ang lahat ng dumulog ito sa hapagkainan. “Hmmm mukhang masarap ito ah.” Papuri ng lalaki.

Napangiti siya sa narinig. “Mas masarap iyang kung titikman mo.” Siya na ang nagsandok para dito. Animo’y para siyang asawa na inaasikaso ang Padre de pamilya ng bahay nila. Mukhang nasiyahan naman ang lalaki sa ginagawa niya kaya ipinagpatuloy niya ang pag-aasikaso dito. Nilagyan rin niya ng tubig ang baso nito.

“Hmmm ang sarap!” wika nito pagkatapos sumubo ng kanin at ulam. Naglalagay siya ng kanin at ulam sa kaniyang plato ng bigla nabulunan si Jake. Tumayo siya sa kinauupuan para tulungan ito.

“H-hindi ako makahinga…” wika ng lalaki na nahihirapang magsalita.

“Ano? Anong gagawin ko? Gusto mo ng tubig?” nataranta siya kung ano ang una niyang gagawin.

“A-no ba-h a-ang n-nila-gay m-mo s-sa pagg-kaiiin?” tanong ng lalaki habang pinipilit kumuha ng hangin.

“Karne, gulay at peanut butter…” sagot niya dito.

“A-allergic a-ako s-sa pea-nut but-terrr. T-tumawag k-ka ng D-doctor….” Iyon lang at ipinikit na nito ang mga mata habang nagpipilit pa ring makahinga.

“Sir Jake! Naku lagot ka nito Danica ang tanga-tanga mo naman.” Kastigo niya sa sarili habang nagda-dial sa telepono.

Halos sampung minuto lang ang ipinaghintay nila bago dumating ang Ambulansya. Malapit lang naman ang Condo na tinitirhan nila sa isang malaking Hospital. Kasa siya pati sa loob ng Ambulansya. Hindi na sana siya hihiwalay rito kung hindi pa siya hinarang ng isang Nurse sa Emergency room. Umiiyak siyang umupo sa bakanteng upuan.

Humahangos na dumating ang Daddy ng lalaki. “Anong nangyari?” tanong nito sa kaniya.

“Sir Jacob, hindi ko po alam na allergik pala sa peanut batter si Sir Jake. Gumawa po kasi ako ng Kare-kare na may peanut batter eh. Patawarin ‘nyo na po ako Sir maawa po kayo kailangan ko po ng trabaho.” Naiiyak na pagmamaka-awa niya dito.

Galit itong binulyawan siya. “Tonta! Hindi ka ba marunong magbasa ng instructions doon sa binigay ko’ng papel sa iyo? Nakalagay doon lahat ng hindi puwede si Jake. Kaya nga kumuha ako ng katulong para may mag-aasikaso sa anak ko eh ito lang pala ang igaganti mo sa amin?” May dumating na isa pang lalaki na umawat dito.

“Kuya that’s enough.” Pigil ni Ethan dito.

“Kuya Ethan sorry na po hindi ko po kasi maintindiha yung nakasulat sa papel eh. Hindi po ako nakapagtapos ng pag-aaral.” Pinahid muna niya ang kaniyang luha bago nagpatuloy. “Alam ko pong boba ako. Wala po akong alam. Patawarin ‘nyo na po ako Sir Jacob, Kuya Ethan.” Hinawakan ni Ethan ang kaniyang braso at pina-upo uli’t siya sa upuan.

            Maya-maya ay lumabas na ang Doctor. “Kumusta na ang anak ko Doc?” agad na tanong ni Jacod sa family Doctor nila.

“He’s doing fine. We already gave him a epinephrine injectors for the anaphylaxis. Mabuti at naagapan kaagad dahil masyado ng swollen ang esophagus niya. Sa ngayon ay under observation muna si Jake hanggang bukas.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.2M 53.8K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
121K 2.3K 31
What is 'Bestfriend' for you? Kasi para sakin 'Bestfriend' is equal to 'Prince'. Kasama ko siya mula pagkabata ... Hanggang sa paglaki ... Kahit na...
483K 10.2K 58
I thought it was a dream, a one night with my idol, I give myself to him.....I never thought that night,....everything will change......I am Aeesha B...
124K 3.1K 42
Akala ko, magpapanggap lang ako bilang fiance nya. Naging sekreto ito. Pero, hindi ko inaasahan na pati mga magulang ko, gustong pakasalan ko sya. Na...