Complicated Happiness

By BDLxxJLM

1.4M 27.9K 4.6K

JhoBea FanFic More

PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy (Last Chapter)
EPILOGUE
Author's Note daw
Special Chapter
Special Chapter

Forty Eight

13.7K 333 67
By BDLxxJLM

JHO

"Ate, kakain na"

Nanatili akong nakatalukbong ng kumot at nagpanggap na tulog.

"Alam kong hindi ka tulog, pero sige kung ayaw mo bumaba dadlhan nalang kita dito mamaya"

Hindi ako sumagot hanggang sa narinig ko na ang pagsara ng pinto.

Nung gabing pumunta ako kila Bea, doon na rin ako nakatulog kakaiyak. Kinaumagahan ay napagdesisyunan kong umuwi muna ng batangas. Ni hindi na ko dumaan sa dorm, basta dumiretso na ko dito kila mama.

Nagulat pa nga sila at tinatanong kung bakit biglaan. Hindi ako sumagot at dumiretso lang sa kwarto ko.

Isang linggo na ang nakakalipas. Isang linggo na kong nakakatulog dahil sa pag-iyak. Isang linggo na kong nagigising na mugto ang mata. At isang linggo na rin akong tulala. Ni hindi ako lumalabas ng kwarto. Dinadalhan lang ako ni Jaja lagi ng pagkain. Kahit madalas ay yung tanghalian lang naman kinakain ko, hindi ko pa nga nauubos.

Wala akong gana kumain, kahit magsalita. Simula ng iwan niya ko nawalan na ko ng gana sa lahat ng bagay. Acads, training, pati mga kaibigan ko hindi ko kinakausap. Kahit sa team hindi ako nagpaparamdam.

Wala akong sinabing kahit ano kila mama pero alam kong may alam sila kung ano bang nangyayari. Hello? Bea de Leon yung umalis. Pumunta ng US! Syempre kakalat yun, kaya malabong hindi malaman nila jaja at mama.

Araw-araw ko siyang tinatawagan, pero out of coverage ang phone niya. Kahit sa social medias nag-deactivate siya ng accounts. Sinubukan kong buksan dahil alam ko ang mga password pero pinalitan niya. Ginawa ko lahat ng maisip ko para magkaron ng kahit konting impormasyon tungkol sa kanya pero wala. Lahat malinis. Planado. Ayaw niyang magpahanap.

Niyakap ko ang kaisa-isang bagay na iniwan niya sakin. Si JB. Binigay ko to sa kanya pero iiwan niya rin naman pala sa akin. Ang galing niya. Akala niya ba makakatulong to? Hindi! Lalo niya lang akong sinasaktan!

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong umiyak, pero hindi naman nakatulong. Umiiyak na naman ako. Ayoko na. Nakakasawa. Pagod na kong umiyak.

"Bwisit ka. Bwisit ka talaga" kinakausap ko na naman ang picture niyang nasa cellphone ko. Wala naman akong choice eh. Wala naman siya dito para kausapin ko.

"Bakit ka ganon? Bakit mo ko iniwan?" Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko "Maiintindihan ko naman kung para sa daddy mo eh. Pero bakit kailangan mong umalis ng walang paalam?"

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at humagulgol ng iyak. Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon. Sinabi sakin ng katulong nila na ooperahan si tito Elmer kaya sila umalis. Pero bakit kailangan niya ilihim? Ano bang tingin niya na gagawin ko? Pipigilan ko siya at papapiliin kung ako o ang pamilya niya?! Fuck! Hindi naman ako ganon ka-selfish! Maiintindihan ko naman siya... Kung sana sinabi niya lang, handa naman akong maghintay. Hindi yung ganito.. Hindi ko alam kung may hihintayin pa ba ko...

"Ang gago mo talaga Beatriz" kinuha ko ang cellphone ko at pinalitan ang mukha niya na nasa wallpaper ko. Buburahin ko na sana ang lahat ng picture namin sa phone ko, pero ng pipindutin ko na ang 'delete' bigla na naman akong naiyak "Bwisit ka" Tinago ko ang cellphone ko at umiyak nalang habang yakap pa rin si JB.

Syempre hindi ko kayang burahin. Sa mga pictures ko na nga lang siya nakikita, buburahin ko pa ba?

"Miss na miss na kita damulag, nasan ka na ba?"

Kakaiyak ko, hindi ko namalayang nakatulog na naman pala ako. Nagising ako na may humahaplos ng buhok ko. Agad akong dumilat dahil kilala ko ang madalas na gumagawa non. Nag-angat ako ng tingin at nginitian niya ko.

"Ma" pilit ko siyang nginitian. Akala ko siya na..

"Jhoana anak, hindi ka pa kumakain, alas dos na ng hapon"

"Hindi po ako gutom"

"Hindi mo ba gusto mga niluluto ko?"

"Ma, hindi po sa ganon--"

"Bakit hindi ka kumakain?"

"Wala lang po akong gana"  tumayo ako at dumiretso ng banyo. Naghilamos ako dahil ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko.

Lumabas ako dahil inaasahan kong umalis na rin si mama pero mali ako. Nandito pa siya, inaayos ang kama ko.

"Ma, ako na diyan"

"Ako na, bumaba ka don at kumain" Hindi ako sumunod at tumayo lang sa likod niya.

"Nung mga bata pa kayo, lagi kayong nanghihingi ng pagkain. Tapos kapag hindi kayo binigyan, iiyak kayo" tumawa siya ng mahina habang nakatalikod pa rin sakin "Ngayon  pilit naman kitang pinapakain, hindi naman kita pinagbabawalan, pero bakit umiiyak ka pa rin?"

Napayuko ako at ramdam kong tutulo na naman ang mga luha ko. Hindi pa ko ready makipag-usap kay mama tungkol dito. O kahit kanino. Ayokong makipag-usap tungkol sa bagay na to, tungkol kay Bea, sa pag-iwan niya sakin.

"Anak, pwede ka namang magsabi sakin. Hindi naman kita tatawanan o sesermonan" Hinarap niya ko at pinatingin sa kanya "Nung umamin ka nga tungkol sa relasyon niyo tinanggap ko kayo, ngayon pa ba Jhoana? Ngayon pa ba kita huhusgahan? Anak kita. Maiintindihan kita"

Hindi ko na napigilan at napaiyak na ko na parang bata. Niyakap ako ni mama dahilan para mas lumakas ang iyak ko. Sa isang linggo ng pagkukulong sa kwarto, akala ko naubos ko na ang luha ko. Pero ngayon, habang nakayakap ako kay mama, pakiramdam ko kanina ko lang nalaman ang pag-alis ni Bea at ramdam na ramdam ko pa rin kung gaano kasakit.

"S-sorry ma.. Sorry"

"Ssshh. Bakit ka nagso-sorry? Sige na, iiyak mo lang. Kapag handa ka na, makikinig ako"

Hindi ko alam kung gaano ako katagal humagulgol sa balikat ni mama. Ng medyo kumalma na ako, umupo kami sa kama. Pinupunasan niya ang luha ko habang hawak niya ang isang kamay ko.

"Kung ayaw mo sabihin, ayos lang. Pero anak, wag ka naman sanang magpagutom. Si Jaja nga kahit lumulobo na pinapakain ko pa rin. Ikaw, malaki lang braso mo pero hindi ka naman mataba, kaya wag kang mag-diet"

Natawa ako habang umiiyak. Mukha akong baliw di'ba? Si mama kasi, nakuha pa talagang manlait.

"Sexy ako ma" sagot ko at ako na mismo ang nagpunas ng mga luha ko.

"Osige na nga, sexy ka na. Baka pag kumontra ako umiyak ka na naman eh" nginitian niya ako kaya natawa na naman ako ng mahina. "Tara sa baba, kumain ka na"

Akmang tatayo na siya ng bigla ko siyang yakapin ng mahigpit.

"Salamat ma"

"Bakit? Kasi sinabi kong sexy ka? Joke lang yun. Paalala mo mamaya, babawiin ko din pag tapos ka na kumain"

Nagtawanan kami habang hinahaplos niya ang likod ko. Biglang bumukas ang pinto at nakakunot na noo ni Jaja ang una kong nakita.

"Ano? Kayo lang? Sali naman" bungad niya bago dumiretso samin. Nakisali siya sa yakapan namin kaya hindi ko na naman napigilang hindi maiyak.

"Hala? Nakakaiyak ba ang beauty ko, te?" Tanong ni Jaja kaya hinampas ko siya sa braso

"Naapakan mo yata ang ate mo! Mag-ingat ka kasi"

Lalo akong naiyak dahil sa pinagsasabi ng kapatid at mama ko. Umiiyak na nga yung tao puro pa sila kalokohan.

"Ate, tahan na. May ice cream sa baba. Kainin na natin, natatakam na ko" si mama naman ang humampas sa kanya kaya nag-pout siya "Eh kasi ma. Baka matunaw! Tapos yung pizza pa tsaka potato corner na sweet corn flavor hindi na mainit. Kakainin ko na la--"

"Leche ka. Oo na, kakain na ko. Wag mo na ko takamin!"

Nagpunas ako ng luha at tumayo. Sumunod naman sila pero bago pa kami makalabas, lumapit ako at niyakap ulit sila ng mahigpit.

"Salamat. Kahit puro kalokohan lang naman sinabi niyo" tumawa ako at hinalikan sila sa pisngi.

Masyado akong nasaktan sa pag-alis niya na nakalimutan ko na kung gaano nga ba ako kaswerte noong bago ko pa man siya nakilala.

Hindi lang naman sa kanya umiikot ang mundo ko. May pamilya pa ko, at sa kanila sigurado ako, hindi nila ko iiwan.

*****

"JHO? Hala Jho, welcome back!" Patakbong yumakap sakin si Jia kaya muntik pa kaming matumba. "Namiss kita Jho, huhu"

Binatukan ko siya kaya napabitaw siya sa yakap.

"Drama mo. Oh dalin mo dun, nandito ba kayo lahat?" Inabot ko sa kanya ang pizza at para naman siyang aso na biglang kumalma. Bubuksan niya na dapat kaya hinampas ko ang kamay niya "sabi ko dalhin mo don" inirapan niya ko at sabay na kaming pumasok ng dorm.

Nagulat pa ata mga teammates ko na nandito na ko kaya napahinto sila bago lumapit sakin at sabay-sabay na yumakap.

"Araay. Grabe kayo, na-miss niyo ba ko masyado?" Natatawang tanong ko

"Gaga ka kasi. Hindi ka nagsabi kung nasaan ka! Malay ba namin kung kinidnap ka na" sabi ni Mich kaya lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso niya

"Sorry na bes. Heto na nga ako oh, may dala pang pizza" nginitian ko siya at napailing nalang ito.

"Kung anu-ano ng naiisip namin. Isang linggo kang walang paramdam!" Dagdag naman ni Gizelle

"Oo nga bes, kala namin kinuha ka ng mga hator" sabi ni Kim

"Anong hator?"

"Yung kalaban ng mga sanggre" nakakunot lang ang noo ko sa kanya.

"Ay wala to. Hindi encantadiks" tapos nagtawanan na sila. Langya, encantadia ba yun? Natawa nalang rin ako. Na-miss ko kabaliwan ng teammates ko ah.

"Pero Jhow, akala talaga namin sumunod ka na kay Bea eh"

Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni Jia. Pasimple siyang kinurot ni Mich kaya napa-aray siya.

"Galing mo talaga" bulong ni mich kay Jia.

"Ah... Hehe" napakamot si Jia sa ulo niya at ngumiti nalang ako ng tipid.

"Movie marathon!" Biglang sigaw ni Deanna at maya-maya lang bumalik na ang ingay.

"Sige, akyat ko lang mga gamit ko" pagpapa-alam ko bago dumiretso sa kwarto.

Pagkapasok ko, napatulala ako sandali sa dulong kama.. Yung kama niya... Umiling ako at dumiretso na sa kama ko. Hindi ko na dapat siya iniisip. Ako nga hindi nya naisip nung bigla siyang umalis eh? Hindi ko na dapat siya pinagaaksayahan ng oras ko. Kahit isang segundo.

Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na rin agad ako para makisali sa kanila. Nakapatay ang ilaw dahil puro horror film daw ang panunuorin namin. Gusto ko sanang kumontra dahil takot ako, pero hinayaan ko nalang.

Sumiksik ako sa gitna ni Jia at Mich. Nakatakip ang unan sa mukha ko at halos wala na akong makita. Sabi ko naman kasi takot ako!

"Pano ka pa makakanuod niyan. Come here, yakapin mo nalang ako para hindi ka matakot"

Napapikit ako ng marinig ko ang boses niya. Palagi nalang ganito, kapag may naaalala ako parang bigla kong maririnig ang boses niya...

Ang totoo kaya ayoko ng horror movies, una takot naman talaga ako. Pangalawa, dahil si Bea lang ang naaalala ko palagi. Pumapayag lang naman kasi akong manuod ng horror kapag siya ang kasama ko. Kasi pwede ko siyang yakapin at magtago sa kili-kili niya kapag may scene na nakakatakot. Madalas tatawanan niya ko at hahalikan ako sa noo. Tapos sasabihin niyang 'don't be scared, I'm here. I won't leave you'

Ulul. I won't leave you, eh nasan ka ngayon? Nanunuod kami ng horror oh, nasaan ka na? Kanino ako magtatago? Kanino ako yayakap? Eh wala ka naman dito.. Wala ka kahit saan ako tumingin.. Wala ka eh, umalis ka. Iniwan mo ko... Mag-isa.. Ng walang paalam...

"Hay nako. Tara nga dito"  bulong ni Jia at niyakap ako "Nakakaiyak pala tong 'Lights out' hindi ako nainform" umiling-iling pa siya habang hinahaplos ang likod ko.

"J-ju... Bakit? B-bakit siya umalis ng walang paalam?"

"Hindi ko rin alam Jho. Ang alam ko lang, kung iniwan ka man niya, may sarili siyang dahilan. Pero yung dahilan na yun, hindi yun sapat para magkaganito ka. Matapang ka Jho, malakas ka. You're better than this. Ipakita mo sa kanya na kaya mo kahit wala siya. O kahit hindi na dahil sa kanya, kahit para nalang sa sarili mo Jho. Para nalang sa'yo"

Lalo akong naiyak kaya niyakap ko siya ng mas mahigpit at hindi na ko nagsalita.

"Maybe this is not yet your time Jho. Baka kailangan niyo pang maghintay para sa tamang oras niyo"

Umiling ako habang nakasubsob pa rin sa balikat niya.

"Oh baka wala naman talagang tamang time para sa amin. Baka hindi naman talaga kami para sa isa't-isa"

Kung nagawa niya kong iwan ng ganon nalang, baka dapat pilitin ko nalang rin na kalimutan siya ng ganon nalang......

Siguro nga dapat ko na siyang kalimutan. Kahit mahirap, kahit paunti-unti lang. Dadahan-dahanin ko, basta dapat sa dulo, makakalimutan ko siya... Yung sakit at yung pag-iwan niya.. Lahat yon. Mahirap man sa una, Makakalimutan ko din siya...

------------------------------------------------------

Hala, magkakalimutan na ba? 😭

Basta kayo, hindi ko nakalimutan. Busy lang. Hahaha
Short UD muna. Hindi ko alam kailan ulit ako makakapagtype ng next chapter eh 😢

And Hi dun sa nagpost sa JhoBea Confession about this story! Sorry ngayon ko lang nabasa, but this is for you! Haha 😘

Wag sana kayong mainip 😭 loveyou guys!😘

Votes and comments 💛💙💛💙

Continue Reading

You'll Also Like

259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
25.9K 174 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
221K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
1.3M 20.4K 66
"1st rule: bawal mainlove sa subject nyo" <----- patay! bagsak na agad,. Anong gagawin mo kung mahulog ka sa subject mo habang nasa kalagitnaan ka...