Complicated Happiness

By BDLxxJLM

1.4M 27.9K 4.6K

JhoBea FanFic More

PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy (Last Chapter)
EPILOGUE
Author's Note daw
Special Chapter
Special Chapter

Forty Five

15.4K 368 45
By BDLxxJLM

JHO

"Ju, asan na si JB? Kinuha mo na naman no?"

"Huh? Wala sakin"

Sinilip ko ang ilalim ng kama ko pero wala pa rin. Ugh! Kanina ko pa hinahanap si JB pero hindi ko makita.

"Di nga? Labas mo na kasi, Jia"

"Grabe ka sakin, Jho. Kapag nawawala ako agad kumuha?"

"Ikaw lang naman lagi kumukuha nun eh"

Humiga siya sa kama niya pero nanatiling nakatingin sakin. "Wala sakin, promise. Pumayat man si ate Ella"

Natawa ako kaya binato ko siya ng unan. Siraulong to, dinamay pa si donya. Nananahimik na nga kaluluwa non eh.

"Looking for this?"

Napalingon ako sa pinto ng may magsalita. My eyes went wide at agad akong tumakbo papunta sa kanya.

"Baby!"

Kinuha ko si JB sa kamay niya at niyakap.

"Grabe, kala ko ako yung tinawag na baby" Tinignan ko siya na umiiling-iling. Natatawa akong lumapit sa kanya.

"Joke lang, baby. Love you" I kissed her cheeks and hugged her. "Bakit nandito ka? Sino bantay kay tito?"

"Si mommy" sagot niya habang nakayakap din sakin. Hindi na ko nagsalita, sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya dahil ang bango bango na naman niya, jusko.

Naramdaman ko nalang na naglalakad siya habang nakayakap sakin. Pinatong ko ang paa ko sa paa niya, kaya siya nalang yung humahakbang tapos parang karga niya ko.

"Anuna? Walang paa? Baldado? Paralyzed? Di marunong maglakad?" Rinig kong sabi ni Jia pero di ko siya pinansin. Si Bea naman narinig kong tumawa.

Huminto siya ng nasa tapat na kami ng kama niya. Yung kama niya kasi sa dulo, yung akin sa gitna kay Jia yung sa kabilang side.

Tumingin siya sakin at ngumiti. Hinalikan niya ko sa noo bago siya maupo sa kama. At dahil nakapatong yung paa ko sa kanya, muntik na kong matumba. Mabuti nalang nahawakan niya agad ako. Inakay niya naman ako paupo sa lap niya. Ang hilig niya sa ganitong pwesto! Ang harot harot!

Pagkaupo ko, pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko. She clasped her hands at my back as I put my hand on her shoulder.

"Hi" she said

"Kandong muna bago hi, no?" Sagot ko at natawa naman siya.

"I missed you" hindi na ko nakasagot dahil sinunggaban niya na ko ng halik. Hindi naman mabilis, it was actually slow and passionate.

"Uh guys,hindi niyo naman nakakalimutang nandito ako di'ba?" Singit na naman ni Jia. Hihiwalay sana ako kay Bea pero mas lalo niya lang akong hinapit sa kanya. "Nakalimutan niyo nga ata. Should I turn the lights off?"

"Yes, Ju. Please" Bea answered in between our kiss. Hinampas ko siya ng mahina dahil nababaliw na naman siya. Hindi na nahiya kay Jia! Pagkapatay ng ilaw, nagsalita ulit siya "Thanks, Ju"

"Welcome. Wag lang maingay please. Kung gagawa ng milagro, wag masyadong malikot, okay?"

Napahiwalay ako kay Bea pagkarinig ko ng sinabi ni Jia. Anak ng-- bakit ganito mga utak ng tao dito?

"Pano pag sumigaw si Jho?" Napabalik naman ang tingin ko kay Bea.

"Okay lang, kung hindi napigilan.Wag lang masyado malakas"

Inabot ko yung unan at hinampas ko si Bea bago ko binato kay Jia. Grabeng mga bibig yan, kung anu-ano lumalabas!

"Bastos niyo!"

"Wow, ako pa? Sino kaya yung naka-kandong?" Inirapan ko si Jia at tatayo na sana kaso inawat na naman ako ni Bea.

"Dito ka muna" nag-pout pa siya kaya hindi na ko tumayo. "Tulog ka na, Ju. Hindi kami maingay, promise" hinampas ko ulit siya at tumalikod na samin si Jia.

"Sasampalin ko na yang bibig mo." Pinanlakihan ko siya ng mata at tumawa lang siya.

"Joke lang naman, love."

"Mga joke mo kasi green. Blue eagles tayo, baka nakakalimutan mo" tumawa na naman siya at kinurot ako sa pisngi.

"You're so cute. And corny"

"Love mo naman" I stuck my tongue out. Ninakawan niya na naman ako ng halik kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hahahaha see? You're cute" napailing nalang ako. Ang harot na naman po niya. Bigla niya kong niyakap kaya nagulat ako. Ng makarecover ako, niyakap ko siya pabalik.

"Clingy mo" i said

"Hmm" ayan nalang nasabi niya bago siya sumiksik sa leeg ko "Bango mo"

Sasagot sana ako kaso napahinto ako ng marealize ko ang ginagawa niya.

"Beatriz" tawag ko at di siya sumagot "Tumigil"

Pero dahil siya si Beatriz, syempre hindi siya tumigil.

"Bakit ang bango mo, love?"

"Kasi nag-shower na ko. Kaya ikaw, mag-shower ka na din ng makatulog na tayo"

"Hmm.. Okay.." Sagot niya pero hindi pa rin naman siya tumitigil. Hay nako. Ano bang nakain nito at ang harot harot na naman niya? "Love?"

"Oh?"

"I love you"  bulong niya sa tenga ko kaya nagtayuan lahat ng balahibo ko! Hindi pa man ako nakakarecover sa pagbulong niya ay bumalik na naman siya sa leeg ko. Showering soft kisses on it. "I love you.." Ulit niya

"I lo-- aray putek!" Tinulak ko siya "Hala ka Beatriz! Anong ginawa mo?!" Hinampas ko siya at tatawa-tawa lang siya sakin.

"Wait love-- aray!"

"Naman eh!" Napahawak ako sa leeg ko at tinignan ko siya ng masama.

"Relax. Wala! Kinagat ko lang"

"Kinagat mo mukha mo!"

Umalis ako sa pagkakakandong sa kanya at kinuha ang salamin ko sa lamesa. Tinignan ko ang leeg ko. Napahinga ako ng makita kong wala namang kahit anong kakaiba.

"See? Wala nga." Tumawa pa siya pero di ko na siya pinansin at nahiga nalang ako sa kama. "Oh galit na yan" humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Hindi"

"Weh?" Pinaharap niya ko sa kanya at halos magkadikit na yung mukha namin.

"Bakit ang harot harot mo?" I ask while tracing her face.

"I just missed you"

"Namiss din naman kita pero di naman ako ganyan kaharot, beh"

"Sorry" napapikit siya ng dumaan ang daliri ko sa mata niya. Pinagmasdan ko siya habang nakapikit. Damn Beatriz, paano ko ba sasabihin sa'yo?

Nanatili siyang nakapikit habang hinahaplos ko ang buhok niya. Ngumingiti pa siya na parang ewan. Natawa tuloy ako.

"Sleep na tayo?" Tanong ko sa kanya

"Hmmm" ayan lang ang sinagot niya kaya napangiti ako. I kiss her nose before pulling her to a hug. I continue to caress her hair while she's looking very comfortable lying on my chest. "I love you, Jhoana"

I bit my lip pagkarinig ko ng mga salitang yun. The way she say it, it was so sincere and sweet. Guilt is killing me.

"I love you, Beatriz"  A tear fell down after saying those words. Pinunasan ko agad ito, afraid that Bea might caught me.

Akala ko tulog na siya kaya nagulat ako ng tawagin niya ko.

"Love?"

"Yes?" Dumilat siya at tumingin sakin.

"Can I kiss you? Last na. Hindi na ko magkukulit after. Promise" I chuckled. Bakit ang cute niya?

"Sige lang. Basta wag maharot. Kiss lang" lumapad yung ngiti niya bago siya umayos ng higa paharap sakin.

Agad din siyang lumapit as she pressed her lips against mine. The way she kiss me, hindi ko alam pero imbis na matuwa ako, nasasaktan ako sa halik niya. Nasasaktan ako not in a physical way, but because in her kisses, I can feel how much she loves me. And it hurts, knowing I have done something wrong that will surely hurt her in time.

I'm sorry bea...

Hindi ko pa masabi sa ngayon kaya pinaramdam ko nalang na nagsisisi ako sa nagawa ko at siya lang talaga ang mahal ko.. I kissed her back, not wasting any moment. I almost lose breath but I keep on responding. Inaantay kong siya ang unang tumigil pero mukhang wala siyang balak. I held onto her nape and I swear, I saw her smirked. Baliw talaga.

Bigla kaming napahinto ng tumunog ang phone ko. Nagkatitigan kami, parehas hinihingal.

"Istorbo" bulong niya pa bago tumayo para pumunta sa kama ko. Natawa ako sa itsura niya. Luging lugi eh.

"Sino?" Tanong ko ng hawak niya na yung phone ko. Tinungkod ko ang siko ko habang nakaharap sa kanya.

"Istorbo nga" umupo siya sa kama ko at nakatingin lang ako sa kanya. Sinagot niya ang tawag habang nakatingin din sakin. "Hello?"

Nag-mouth ako ng 'sino yan' pero hindi siya sumagot. Pinanuod ko nalang siya at di na nagsalita.

"Uhh. This is not Jho... It's Bea, Marci boy"

Napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ni Marci. Fuck. Bakit ba siya tumatawag?! Napaiwas ako ng tingin kay Bea. Sana naman walang sabihin si Marci.


"Tulog na siya eh......Oh is that so?....... Sige, I'll just tell her tomorrow that you called....... Okay. Bye Marci."


Humarap ulit ako kay Bea at nakita kong nakatitig lang siya sa phone ko.

"Bea" tawag ko at agad naman siyang nag-angat ng tingin "b-bakit?"

"Huh? Ah wala. Love naman, bakit ito yung wallpaper mo? Ang pangit ko kaya dito" tumayo siya at lumapit sakin

For a moment, kinabahan ako. Natakot ako ng makita siyang tulala pagkatapos makipagusap kay Marci. Akala ko kung ano na, nakatingin lang pala siya sa wallpaper ko.

"Ang cute mo kaya diyan" humiga siya sa tabi ko at humarap sakin. "Ano nga palang sabi ni M-marci?"

"Ahh wala naman. Itatanong niya lang daw sana kung nagawa mo na yung homework mo" Ngumiti siya at tumango nalang ako "Lagi ba siyang ganon?"

"H-huh? Laging ano?"

"I mean, lagi ba siyang tumatawag ng ganitong oras? Late na, and I think dapat alam niya na natutulog ka na at pwede ka niyang maistorbo because of that call" Hindi agad ako nakasagot kaya nagsalita ulit siya "Don't worry, pagsasabihan ko yang si Marci. He shouldn't be disturbing my princess during late nights."

Ngiti nalang ang naisagot ko sa kanya. Ewan ko. Ayoko talaga kapag si Marci ang topic namin. Sobrang awkward.

"Tulog na tayo" ayun nalang ang sinabi ko at tumango naman siya. Maya-maya pa, nakatulog na din kami.

Kinabukasan maaga kaming nagising para sa training. Akala ko nga hindi sasama si Bea, pero ang sabi niya, namimiss niya na daw si coach.

Pagkatapos ng training namin, binagsak ko ang sarili ko sa sahig, sa gitna ng court. Dumungaw sakin si Bea habang nakangiti.

"Come on, love. Shower na tayo"

"5 minutes. Feeling ko kakalas na buto ko eh" tumawa naman siya at naupo sa tabi ko. "Hindi naman ako ang naka-miss kay coach, bakit ako yung pinaginitan niya?"

"Kasi nga, magaling ka" hinawakan niya ko sa balikat at pilit pinatayo "Let's go, next phenom. Ayan na yung boys oh"

"Phenom mo mukha mo" nagpahatak nalang ako dahil andyan na yung mens volleyball. Baka mamaya masama pa ko sa training nila no.

Naunang mag-shower si Bea kaya ng matapos ako, nakabihis at ready to go na siya.

"Wait lang" pagpapaalam ko.

"Take your time. I'll wait for you"

Bumalik siya sa pagc-cellphone at agad naman na kong nag-ayos ng sarili. Pupunta kasi kami ngayon sa ospital. Nag-cancel kasi ng class yung prof ko at saktong siya lang ang klase ko ngayon kaya sinabi ko kay Bea na isama niya ko para makita ko naman si tito.

Pagkatapos ko mag-ayos umalis na din agad kami ni Bea. Habang nasa byahe tahimik lang kami at pakanta-kanta lang. Si Bea panay ang halik sa pisngi ko tuwing naka-stop ang traffic lights. Sinisita ko siya minsan kahit ang totoo ay gusto ko naman ang ginagawa niya. Para kasi siyang bata kapag naglalambing.

"Ako na" Kinuha ni Bea sa kamay ko yung fruits na binili namin for tito. Sumakay na kami ng elevator habang hawak niya sa isang kamay yung mga prutas at hawak ko naman siya sa isang kamay niya. "Here, love" Turo ni Bea sa pinto.

Ako na ang nagbukas at inabutan namin si tito Elmer na mag-isa lang habang nanunuod ng TV.

"Daddy" hyper na sabi ni Bea na kala mo 8 years old lang siya at magpapakarga sa daddy niya. Napangiti nalang ako ng yakapin niya si tito.

"Hi po, tito" nag-beso ako kay tito Elmer. "Kamusta po?"

"Ayos lang. Namiss kita, bunso. Akala ko nakalimutan mo na ako eh"

"Grabe. Busy lang po. Mabuti ok na kayo"

"Ako pa? Masamang damo ako, matagal mamatay"

"Daddy" pagsingit ni Bea na parang nagbabanta yung tono. Lumapit ng konti sakin si tito at bumulong

"Ayaw niya ng nagjojoke ako tungkol sa pagkamatay" tumawa ito at napailing nalang si Bea habang inaayos ang mga prutas na dala namin.

Nagkuwentuhan lang kami habang nagpapalipas ng oras. Masaya ako kasi ganon pa rin si tito, walang pinagbago. Corny pa rin ang mga jokes. Parang hindi nga siya galing sa dalawang heart attack eh. Minsan si Bea nalang ang pumipigil kapag sobra na yung tawanan namin.

"Takot na takot si Isabel. Hindi naman ako aatakihin dahil sa pagtawa" naiiling na sabi ni tito pagkalabas ni Bea. Pupuntahan niya daw muna kasi si tita Det. Kanina pa raw kasi lumabas yun para kausapin ang doctor ni tito at hanggang ngayon hindi pa bumabalik.

"Ganon niya po kayo kamahal" sagot ko sa kanya habang inaabot ang mansanas na hiniwa ko.

"Isabel is always a sweet little girl. Kahit pa malaki na siya ngayon" tumawa siya at tumingin sa bintana "I remember when she was 5 years old, umiyak siya dahil akala niya may nangyaring masama sa akin. I was so drunk that time at nakatulog na ko sa sahig. Ang sabi ng mommy niya sakin kinabukasan, muntik pa raw tumawag ng ambulansya si Bea. Buti nalang napigilan nila"

He was smiling habang nagkukwento. Maging ako ay napapangiti din. Dati pa talaga daddy's girl na siya.

"The next day when I woke up, nasa tabi ko siya at nakayakap sakin ng mahigpit, halata pa nga na grabe ang iyak niya. Ng magising siya, she hugged me tighter and I can't forget what she said" He paused for a while and smiled "She said, daddy promise me you won't leave me."

He looked at me and I just stared back at him. Kapag tinitignan ko si tito, si Bea ang nakikita ko. Magkamukha talaga sila. Kaya hindi ka magtataka kung bakit maka-daddy tong si Beatriz eh.

"Muntik ko ng hindi matupad yung wish niya" ngumiti siya ng malungkot "muntik ko na siyang iwanan"

"Tito..." was all I can say. Napakahirap talaga ng pinagdaanan nila. Hindi ko to naranasan pero alam kong hindi madali. Lalo na sa part niya at ni Bea.


"Jhoana, bunso, can you do me a favor?"

"Basta kaya ko po"

"Kayang-kaya mo to" he smiled "Please take care of Bea, for me" nagulat ako sa sinabi niya at mukhang napansin niya naman agad to "Don't worry, hindi naman to last will. Malakas pa ko. I just wanted to make sure that I have someone whom I can trust my princess with. After what happened, I guess hindi talaga natin masasabi kung ano pang pwedeng mangyari in the future."

Napalunok ako at hindi agad nakasagot. Paano ko nga ba gagawin ang hiling niya kung ngayong hindi pa man ako nakaka-pangako ay may nagawa na kong kasalanan? Wala pa man, ay nabali ko na agad ang pangako ko, hindi ko naalagaan ang prinsesa niya.

"Sa bagay, hindi ko naman kailangang hilingin to dahil gagawin mo naman talaga" natawa siya ng mahina bago abutin ang kamay ko, he pressed it gently just like what Bea always does.

The next words he said left me totally speechless....


"I know how much you love my daughter. And I'm telling you bunso, she loves you too. So much. Just remember, when things got a little rough, always try to understand each other. And please, stay with her till the end"




------------------------------------------------------

Hi  👋👋 Update for you guys..

Chill muna tayo. Di ko pa kayo sasaktan, nireready ko pa kayo 😂😂

Anyway, maraming thank you sa mga masisipag na nagcocomment. Lalo na yung mga nakakaiyak sa haba. Haha love you guys 😘😘

Don't know when will be my next update. Abang-abang nalang, gaya ng pagaabang sa JBGanaps Hahaha #TeamMeron💙💛 😍

Continue Reading

You'll Also Like

308K 6.8K 71
Promise me you will never forget Our laughs, our jokes, our conversations Our plans, our memories, our friendship And Our story.
180K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
140K 4.6K 53
(HiDDEN AFFINITY Continuation) This story will make you believe in Second Life and Reincarnations of two people who is deeply inlove with each other...
158K 3K 58
Sa Mundong susubukin ka talaga kung hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa taong mahalaga at mahal mo. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo ka...