A Prince Jerk Meets A Beautif...

By mskyot

194K 4.1K 181

Stacy Villamore, She is very smart, kind, and always wearing a thick glasses and braces. In short, she's a ca... More

Warning
Plot
P r o l o g u e
~ one ♡ Weird ♡
~ two ♡ The Paired Brown Eyes ♡
~ three ♡ Englebert Pov ♡
~ four ♡ The New Classmates?? ♡
~ five ♡ Neighbors ♡
~ six ♡ Courting? ♡
~ seven ♡Heart Beat ♡
~ eight ♡ Second time around ♡
~ nine ♡ I've been waiting for you... ♡
~ ten ♡ The Kiss ♡
~ twelve ♡ Concern? ♡
~ thirteen ♡ Set-Up ♡
~ fourteen ♡ Kick-out?? ♡
~ fifteen ♡ Black Team ♡
~ sixteen ♡ The Girl I Want To Meet ♡
~ seventeen ♡ For The Win ♡
~ eighteen ♡ The Second kiss ♡
~ nineteen ♡ Savior ♡
~ twenty ♡ Smile ♡
~ twenty one ♡ The Reason ♡
~ twenty two ♡ jealous?? ♡
~ twenty three ♡ Wrong thought ♡
~ twenty four ♡ Archery Club ♡
~ twenty five ♡ The Game ♡
~ twenty six ♡ Night And Shining Armor, Red Clinton??? ♡
~ twenty seven ♡ Talk To My NASA (night and shinning armor) ♡
~ twenty eight ♡ Jealous Ice? ♡
~ twenty nine ♡ Can I Court You? ♡
~ Thirty ♡ I Love You.. ♡
~ Thirty one ♡ Unexpected ♡
~ thirty two ♡ Black Bat ♡
~ thirty three ♡ Hold My Hand And Never Let Go ♡
~ thirty four ♡ May gusto ka na ba sakin? - Ice ♡
~ thirty five ♡ Akala ko ba??? ♡
~ thirty six ♡ lose ♡
~ thirty seven ♡ Flashback part one ♡
~ thirty eight ♡ Flashback Part Two ♡
~ thirty nine ♡ Olats ♡
~ 40 ♡ I like you ♡
~ 41 ♡ She's gone ♡
~ 42 ♡ Double Pain ♡
~ 43 ♡ Pink Alert ♡
~ 44 ♡ Mistakes ♡
~ 45 ♡ It's True..♡
~ 46 ♡ The Return/ The Truth ♡
~ 47 ♡ Two Hearts Meets Again ♡
~ 48 ♡ Unexpected Date ♡
~ 49 ♡ Sweetness Overload ♡
~ 50 ♡ Ganern ♡
~ 51 ♡ Fucking In Love With You ♡
~ 52 ♡ Plan A. ♡
~ 53 ♡ You Changed My Life ♡
~ 54 ♡ YES ♡
~ 55 ♡ Celebration ♡
~ 56 ♡ I Love You too ♡
~ 57♡ Baby ♡
~ 58 ♡ The Truth ♡
~ 59 ♡ Censored ♡
~ 60 ♡ Eavesdropping ♡
~ 61 ♡ Who Are You? ♡
~ 62 ♡ Wrong Question ♡
~ 63 ♡ Tears are falling ♡
~ 64 ♡ Waiting? ♡
~ 65 ♡ Jealous?? ♡
~ 66 ♡ The Hearts Remember ( ICE'S POV ) ♡
~ 67 ♡ Plan ♡
~ 68 ♡ Jealous level 101 ♡
~ 69 ♡ The Real Truth ♡
~ 70 ♡ Miss na Miss na kita! ♡
~ 71 ♡ Changes/Blessings ♡
~ 72 ♡ Longing For Her ♡
~ 73 💛 From This Moment 💛
STICE 💞
~ 74 💕 Pink Alert! 💕
~ 75 ❤ PRINCE JERK OF MY LIFE ❤
❤Epilogue❤
♡APJMABN♡

~ eleven ♡ Bad Shirley ♡

2.6K 60 0
By mskyot

//

~ Stacy

"Ano yun?" Sabi ni Englebert pagbitaw nya sa braso ko. Ewan ko kung bakit sya nagkakaganito. Pero ewan ko din kung bakit ako natatakot ng ganito.

"Anong ano yun?" Pakunwaring sabi ko. Wala eh. Bwiset naman kasi.

"The kiss. What the hell is that?" Tanong nya. Kakaiba ang aura nya ngayon.

"Wala yun." Sabi ko tapos hindi ako tumingin sa kanya.

Kainis stacy isip ka ng sasabihin!

"Stop it. Sabihin mo na. Pano nangyari----"

"Sa bar kagabi. Hindi naman totally kiss yun---- i mean, mabilis lang yun dahil sya naman ang humalik sakin ng walang permiso ko tapos hindi ko alam na sa ganun kabilis, may kumuha agad ng mga pictures samin." Sinabi ko na ang totoo. Yun naman talaga ang totoong nangyari eh. Kaso napapaisip ako eh. Bakit koba kailangang magpaliwanag sa kanya? Tss..

"Hinalikan ka nya na naka nerd get up?" Tanong ulit nya. Para kaming nasa isang interview.

"Of course hindi syempre! Si monster yun eh! Hahalik ba yun ng nerd??." I said. Napapakagat tuloy ako ng labi. Kainis ayoko na ngang pag usapan yun eh.

"So kaya pala. Ilang beses na kayong nagkikita na hindi ka naka pang nerd get-up?" Tanong nya.

"Tsk. Three times na okay?! At hindi yun sadya! Ewan ko lang kung bakit minsan nandun sya lagi kung nasaan ako!. Wala akong pakealam sa kanya kaya pwede ba? Ayoko ng pag usapan please." Iritang sabi ko sa kanya. Nakakainis na kasi yung mga tanong nya. At saka ako na nga ang nanakawan ng halik eh! >____<

Hindi sya sumagot. Tahimik lang sya. Aalis na sana ako ng pigilan nya ang kamay ko.

"I'm sorry." He said. This time, maaliwalas na ang itsura nya hindi katulad kanina na nakakatakot sya at parang may nagawa akong kasalanan sa kanya.

"Okay lang. Sorry din medyo nagsungit ako." Sabi ko sa kanya. Nagsmile naman sya tapos nagsmile na din ako. Nagulat na nga lang ako ng bigla nya akong yakapin. Itutulak ko sana sya kaso bigla syang nagsalita....

"stay still"

Hindi nalang ako tumutol sa kanya. Hinayaan ko nalang sya. Ang weird nya talaga. Maya maya bumitaw din naman sya.

"Sabay tayo lunch later" sabi nya pa sabay alis. Pshh...Napangiti nalang ako. yung lalaking yun talaga. Para naman kaming mag boyfriend, girlfriend nito. ^___^

Ano ba tong nasa isip ko!

___

Pabalik na sana ako ng room ng biglang may humarang sa daanan ko. Si bitch pala kasama yung isang kaibigan nya.

"Look who's here" maarteng sabi nya habang naka cross arms pa. Tsss akala mo naman kung sinong umasta.

"Eh di sino pa? Si lande" sagot naman ng isa pa. Wow. Just wow. Kailan naman ako naging malandi. --___'-

"Ano bang kailangan nyo??" Tanong ko sa kanila.

"Ikaw, ano bang relasyon mo kay besty? Bakit ba lagi kang dumidikit sa kanya? Iwasan mo sya hanggang kaya ko pang pigilan ang sarili kong may magawang hindi maganda sayo"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.

"Bakit? Ikaw ano bang relasyon mo sa kanya para pigilan akong lumapit sa kanya? Kaano ano mo ba sya? Boyfriend mo ba sya? Wala kang karapatang pagbawalan ako dahil hindi mo sya pag aari." sabi ko sa kanya na nakikipagtitigan sa mga mata nya. Halatang namumula na sya sa galit.

Oh ano ka ngayon?!

"Talagang ginagalit moko noh? Sino kaba sa inaakala mo? Sampid ka lang sa school na to baka nakakalimutan mo. Isang pitik ko lang, kayang kaya kitang patalsikin dito. Wag mo kong subukan." Sabi nya. Anong akala nya, natatakot ako?

Psshh!

"Gawin mong gusto mong gawin." Sabi ko sabay talikod pero nahawakan nya agad ang balikat ko at naiharap nya ako ulit sa kanila.

"Pag kausap kita, wag mo kong tinatalikuran." Sabi nya sakin sa iritang boses. Kaasar. Namimilit yata tong bitch nato ah.

Bwiset!

"Ano bang problema mo??!" Sabi ko pero nagsmirk lang sila sakin ng kasama nyang kanina pa Nakairap sakin. Bwiset. Nakakainis talaga.

"Very good. Ganyan nga. Mapikon ka. Simula ngayon laruan na kita. Kung ayaw mong lumayas ng kusa sa EU, ako mismo ang pipilit sayo." She said while wearing a bitch smile. I hate her. Napaka bitch nya talaga.

"Matuto ka kasing lumugar" pahabol pa ng kaibigan nya sakin bago sila umalis.

Damn this two bitch!

Inis na naglakad ako pero maya maya lang, may mga humarang na agad sakin. Mga nakaitim sila at may mga dalang...

OhhhmyGawwwd...

o_____O

Ibuhos nyo na! Dali!
.
.
.
.
.
.

Hindi ko alam kung iiyak na ba ako oh wag muna sa itsura ko ngayon habang naliligo ako ng paint na binuhos nila sakin pagkatapos ay mabilis na silang nawala.

Ano to joke? Tatawa naba ako? Ano bang kasalanan ko sa kanila? Bakit nila ginawa to?? T___T

pinunasan ko ang mata ko at mukha ko dahil halos punong puno nako ng lecheng pintura. Pano na ngayon? Papasok pako sa second subject eh! T__T

_

Nagpunta ako ng cr. Naghilamos lang ako ng mukha ko. Buti nalang walang tao ngayon dito dahil tinanggal ko ang salamin ko. Mukha at buhok ko lang ang malinis pero ang buong katawan ko, waley. Haaayy buhay! Bakit ko ba kailangang danasin to lahat! Ano bang kasalanan ko sa kanila???!

Nagtext nako kay dude at maimai na hindi nako ulit makakapasok. Uuwi na muna ako para makapagpalit ng damit. Nagmadali nako at lumabas na. Nakasuot na ulit ang eyeglasses ko at habang naglalakad ako, pag minamalas ka nga naman, sa dami ng madadaanan ko sa hallway, sina monster pa kasama ang mga underlings nya. Buti nalang wala si Englebert. Pero ang nakakapagtaka, bakit kaya sila nakasuot ng jersey? May practice kaya sila??

tsk.. pake ko ba. 

Diretso lang akong naglakad at hindi lumilingon sa kanila. Parang may pinag uusapan sila na ewan pero wala nakong pakealam. Bahala sila. Binilisan ko ang paglakad ko.

"Hoy." Boses nya yun alam ko. Bigla nanamang parang kinabahan ako. Kahit na hindi ako sure kung ako ba ang tinatawag nya ay basta nalang tumambol ang puso ko. Kaya hindi ako tumigil sa paglalakad. Bakit? Hindi naman hoy ang pangalan ko ah. Baka hindi naman ako yun.

"Hoy panget na nerd" Aba. Mukhang ako nga ang tinatawag nya. Bwiset akala mo kung sinong gwapo! >__<

Tumigil ako at inis na tumingin sa kanya. Nakakunot ang mga noo nilang tatlo.

"Anong nangyari sayo?!" Tanong nya. Bigla akong nairita. Nagtanong pa sya. Sa school nato sino ba ang mga nangbubully at nang gugulo. Diba sila?! Hindi ako sumasagot. Masama ang tingin na ipinukol ko sa kanila. Bwiset.

"What happened to you classmate?" Tanong sakin nung seatmate ni maimai sabay lapit sakin. Bakit ba sila nagtatanong? Hindi ba nila alam na kagagawan nila!

"Bakit nyo pa tinatanong??! Diba kayo naman may gawa nito?! Tignan nyo oh! Masaya naba kayo???" Sigaw ko sabay alis. Walang lingon likod hanggang sa makarating ako ng parking lot at makasakay kay boomie. Iniyak ko nalang lahat hanggang sa makauwi ako. Nakakainis.

Ano ba naman to. Kung hindi lang kasi kami nag inarte sa mga schools ni dude, hindi sana ganito kahirap ang sitwasyon ko...

. . . . . .

~ ICE

She's so damn hard headed!. Tinatanong lang sya ang sungit nya pa? Tsss.
Pero sinabi nyang kami daw ang may gawa nun?!

"Damn it. Akala ko ba nililinis nyo na ang mga basurang yun???!" Sabi ko sa kanila.

"Aba malay ko bang ang dami palang basura dito sa EU??" Si jorge.

"Padami na ng padami ang galit at lumalayo satin ah. Sino ba kasi ang may ari ng mga basurang yun?!" Si macky naman.

Naiinis nako ah. Malaman ko lang kung sinong gagong gumagawa nun, sisiguraduhin kong mabubura sya ng tuluyan.

"Tara na! Mag uumpisa na ang game!" Sigaw ni Englebert samin. Tsk. Isa pa yan. Parang gago lang. Hindi ko alam kung pinaglalaruan nya lang ang nerd na yun oh talagang gusto na nya. Kung ganun, naka move on na nga talaga sya kay shirley. Masyado syang malapit dun sa nerd na yun na parang may relasyon silang dalawa.

tsss.

Kanina lang, nakita ko kung pano nya yakapin yung nerd na yun. Pssh.. ano naman kayang nagustuhan nya dun.

--__-

"Bro! Ano ba! Mababangga kana uy! Ano ba iniisip mo?!" Sita ng gagong jorge.

"Pakealam mo" sabi ko sa gago habang naglalakad kami papuntang gym.

"Tama na yan. Concentrate tayo. Tandaan nyo, scorpion ang kalaban natin ngayon. Kailangan nating ilampaso ang mga yun bago mag lunch. May kadate ako." Cool na sabi ni Englebert.

"Wow bro! Gumaganun kana ngayon? Hindi kana bitter? Si nerd naba talaga??" Asar ni jorge sa kanya. Napangisi nalang ako sa kanila. Tss... gago talaga. Mukhang seryoso nga ang loko.

Wow ang hot talaga nila!

Manood tayo ng game nila dali!

Oo nga! Grabe parang nasa langit nako dahil nakakakita ako ng mga anghel!

Take my heart!!

I'm all yours.

Mga nababaliw na babae samin araw araw. Psshh.. pera at katawan lang namin ang gusto nila. Mga walang kwentang babae.

. . . . .

~ Shirley

"Oh ano? Ayos ba ang trabaho nyo? Kailangan hindi kayo mahalata ah. Dapat isipin nilang isa kayo sa mga B.A.T na  nanggugulo dito sa university."

[Yes ma'am. At narinig po ng kasama namin na ang captain ng Thana team ang pinagbibintangan nung nerd na yun.]

Sabi ng kausap ko sa phone na inutusan ko kanina para guluhin ang buhay ni nerd. Napangiti ako. Hindi lang yun ang mangyayari sa kanya. Bwisit sya. Ako pa ang hahamunin nya? Pwes. Mali sya ng taong kinalaban.

"Okay. Mas magaling na trabaho, mas malaking sweldo. Galingan nyo. Kailangang mawala sa landas ko ang nerd na yun."

[Yes ma'am! Copy!.] Tinapos ko na ang tawag at bumalik na sa pwesto namin. Mag uumpisa na ang practice namin.

Masama ang pakiramdam ko sa isang yun. Una palang hindi ko na sya gusto.

Pati si besty aagawin nya sakin? Bwisit talaga sya! Yan bagay sa kanya. Nawala na ang atensyon sakin ni besty dahil lang sa katulad nya kaya sisiguraduhin kong kusa syang aalis dito sa university.

. . . . . . . . .

~ Stacy

[Nasan kaba? Pinuntahan kita sa room nyo wala ka dun! Ngayon ang pilian ng mga sasali sa bawat sports!] Si dude habang nasa kabilang linya.

"Nandito nako sa bahay. May nangyari lang. Pwede bang bukas nalang? Half day naman na eh. Bukas nalang ako." Sagot ko sa kanya.

[Anong nangyari??? Sige sige. Ako na bahala magpaalam kay Englebert para sya nalang ang mag inform sa teacher nyo ha? Mamaya na tayo mag uusap. Sasabak ako sa isang laro para makapasok sa basketball team ng mga babae. Alam mo namang ito ang sports ko diba? Oh sige na sige na! Mamaya nalang ba-bye!]

Toooootoooot!.....

Napailing nalang ako babaeng yun. Nakahiga nako sa kama ngayon at kakatapos ko lang magshower. Napaisip tuloy ako. Baka mamaya wala ng vacant para dun sa archery. Yun ang hilig ko kaya dun ako sasali. Hindi ko kasi alam kung bakit ang malas ko ngayong araw!

Bwisit.

Nakapasok na sana ako ngayon.

Badtrip.

Si seatmate nga pala tumawag kanina. Sabay dapat kami mag lunch pero sabi ko hindi nako makakapasok. Naintindihan naman nya at sinabing bukas nalang daw.

_____

~ 7pm

Kakarating lang ni dude dahil sa puspusan daw nilang practice. Kawawa nga eh. Pawis na pawis pagdating nya. Sigurado ako, hindi nya ako maiinterview ngayon. ^__^

"Hoy! Ano na? Akala mo makakaligtas ka sakin ngayon ah. Pwes, nagkakamali ka. Ano yung mga pictures na yun ha???!"

sabi ko nga, hindi ako makakaligtas sa interview nya..  --__--

Nagulat naman ako sa bruhang nagsalita habang nagpupunas pa ng basa nyang buhok tapos ay umupo na sya sa dining table. Kakatapos ko lang kasing magluto ng dinner namin.

"Hay nako. Nakaka dalawang paliwanag nako ngayong araw ah. Tss." Reklamo ko kunwari.

Baka makalusot. ^__^

"Aba! May sinasabi ka?????!" Pinandilatan pako ng loka.

"Wala. Eto na nga. Magpapaliwanag na" sabi ko sabay irap kunwari sa kanya.

Habang kumakain kami ay kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari nung gabing yun sa bar, kung bakit ako nauna sa kanila, kung bakit may ganung pictures at kung paano nawala ang first kiss ko. Pero the whole time ay no comment sya at ngingiti ngiti pa sya na parang kinikilig pa. *____*

"Malambot ba dude?" Tanong nya. Nagtaka naman ako.

"Anong malambot?" Kunot noo kong tanong sa bruha. Dami kasing alam eh. --'__'--

"Yung labi dude. Masarap ba yung halik ny---

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!" Sigaw ko para hindi na matuloy ang sinasabi nya. Kaasar! B-bakit ba tinatanong nya y-yun!!!!!

"Sakit naman sa tenga! Tinatanong lang eh!" Sigaw nya habang takip takip nya ang tenga nya.

"Che! Pwede ba! Wag mo ng itanong! Wala! Ewan! Ahhhhhh! Nako ayoko ng maalala!!"sabi ko ulit sa kanya.

"Sige na. Ang ingay mo naman dude! Parang tinatanong ka lang eh galit kana? Oh sige na hindi na. Pero diba yung first kiss mo gusto mo yung ibigay dun sa lalaking hinahanap mo eight years ago?? Pano na ngayon? Wala na ang first kiss mo dude."

Biglang sumeryoso ang mukha ko. Natahimik ako bigla. Sumeryoso pareho ang mukha namin. Tama sya. Para nga dun yun sa lalaking hinahanap ko at nagligtas ng buhay ko dati. Kaya nga nbsb pako hanggang ngayon ay dahil sa kanya. T____T

"Teka dude. Si Englebert, feeling ko gusto ka nya. Mabait sya dude at mukhang okay naman sya. Alam mo bang isang beses pag nakikita ko kayong magkasama, sumagi na sa isip kong bagay kayong dalawa??" Nabitawan ko ang kutsara ko sa sinabi nya.

"Dude naman." Tanging nasabi ko nalang. Tssss... si seatmate?

May ibang gusto yun....

"Dude, wag mong hayaang makulong ka sa nakaraan. Ayokong masaktan ka dude balang araw.  Hindi mo kilala ang hinahanap mo. Niligtas ka lang nya pero ni pangalan nya, hindi mo alam. Ayoko lang umasa ka sa kahapon. Wag dude. Baka mamaya pag nahanap na sya, baka may girlfriend na yun. Oh malay natin baka naman may asawa na, may anak na, hindi natin alam. Ayoko lang masaktan ka." Hindi ako sumagot sa kanya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Tagos ang bawat salita nya.

"Dude, imulat mo ang mga mata mo sa kasalukuyan. Kung ako lang ang masusunod, gusto kong kalimutan mo na sya. Dahil kung para kayo sa isa't isa gagawa ng paraan ang panahon kahit na hindi mo sya hanapin. Pero wala. Hanggang ngayon dude walang nahahanap. Hindi nga kaya sya mahanap oh ayaw lang magpahanap?" Mahabang sabi nya.

"P-pero alam mo namang bata pa lang ako, sumumpa nako sa sarili ko na sya lang ang gusto kong mag may ari sakin. Niligtas nya ang buhay ko kaya dapat sa kanya lang ako dude. Alam mo yun diba? Alam mo na nangako ako sa sarili kong sya lang ang lalaking gugustuhin ko. Hahanapin ko sya at umaasa ako na makikita ko sya ulit." Sabi ko sa kanya habang nagbabadya na ang mga luha sa mga mata ko.

"Bahala ka. Ang sakin lang, ayokong magsisi ka pagdating ng panahon. Sana nga mali lahat ng sinabi ko. Hindi mo hiniling na iligtas ka nya. Kusang loob nya yun ginawa at hindi mo sya pinilit. Isipin mo pa din ng maiigi lahat ng sinabi ko sayo. Mahal kita kaya kahit na ano pang desisyon mo irerespeto ko at susuportahan ko pero pag alam kong ikakasakit mo lang, syempre tututol ako.... Sige na tulog nako." Sabi nya at umalis na sa harapan ko. Ni hindi nya nga masyadong nagalaw ang pagkain nya. Naiintindihan ko naman sya. Alam kong mahal nya lang ako kaya sya ganun dahil higit pa sa magkapatid ang turingan namin kaya ganun nalang sya ka sensitive sa feelings at kapakanan ko.

wag mong hayaang makulong ka sa nakaraan. Ayokong masaktan ka dude balang araw.  Hindi mo kilala ang hinahanap mo. Niligtas ka lang nya pero ni pangalan nya, hindi mo alam. Ayoko lang umasa ka sa kahapon....

wag mong hayaang makulong ka sa nakaraan...

wag mong hayaang makulong ka sa nakaraan...

wag mong hayaang makulong ka sa nakaraan....

Patuloy na nag e-echo sa isipan ko ang mga sinabi nya. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako....

Nasan kana ba kasi???...

❤❤❤
A/N: Itutuloy...

Info: Thana is a Greek Mythology words means "Death" A Good Death**
Name ng basketball team nila Ice, Englebert, Jorge, at macky. Sa susunod na chapter makikilala ang pang limang myembro ng Thana team. 😊

Let the game begin with stacy and shirley... 😉😉😉
Thanks for reading loyal readers! Hugs and kisses! Please vote if you like this chapter!
😙😘 😚

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 37.6K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
74.3K 4.4K 125
Li Suimo knew that Qin Qing would not bother to participate in the engagement ceremony between her and Qin Zhan. As a vicious female supporting chara...
87.5K 101 1
His indecent proposal changed her big time. Monteverde series 1 Lazarouge Monteverde - Monteverde series I Married The Billionaire © tigrrrrrre18 ALS...
32.3K 1.2K 21
Dexie Zoe Taylor-Kim Anthony Andrew Kim