Complicated Happiness

By BDLxxJLM

1.4M 27.9K 4.6K

JhoBea FanFic More

PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy (Last Chapter)
EPILOGUE
Author's Note daw
Special Chapter
Special Chapter

Forty One

14.2K 306 8
By BDLxxJLM

JHOANA

"Jho, alis na ko" Tumango ako at hindi na nag-abalang lumingon sa kanya.

Jho? Jho nalang ngayon? Anong nangyari sa love? babe? baby? O kahit yung beh?

Umupo siya sa tabi ko pero hindi ako kumibo. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa- kunyari. Wala naman kasi akong naiintindihan sa binabasa ko.

"Hey, tingin ka naman sakin" Tinignan ko siya saglit. Pero ng makita ko yung paawa niyang mata at pa-cute niyang nguso, iniwas ko rin agad yung tingin ko. "Love"

"oh? Love na ulit? Kanina Jho nalang ah?"

"Huh?"

"Huh mo mukha mo" I rolled my eyes on her. Naiinis na nga ako, ngiti-ngiti pa siya diyan!

"Tampo naman to agad. I just love saying your name, that's why" Umusog siya palapit sakin. She lean her head on my shoulder before grabbing my book ang throwing it on her bed. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sige na. Aalis ka na di'ba?"

"No. Wala pa akong goodbye kiss" Gumalaw ako kaya napa-ayos siya ng upo.

I smiled at her, she smiled back.

"Ah ganon ba?" tumango siya. I cup her face and she closed her eyes habang nakanguso. "Edi humingi ka kay Maddie!"

I smacked her face, mahina lang naman. Masyado siyang cute habang nakapikit at nakanguso eh.

"Tawa pa!" sinapok na sa mukha tumatawa pa eh

"Yiiee my baby is jealous"

"Tumigil ka diyan ha"

Umusog ako palayo sa kanya dahil alam ko na yang ganyang tinginan niya.

"Isa, Beatriz!" Hinarang ko yung kamay ko sa mukha niya. Pero inalis ko din agad kasi kinagat niya ko! "Aso ka ba! Wag ka nga mangagat"

Ngumisi siya at parang baliw na gumapang palapit sakin.

"Aso pala ha" dahan-dahan siyang gumagapang palapit at atras naman ako ng atras.

Pinipigilan ko yung tawa ko pero ng mahuli niya ko at sinimulang kilitiin ay hindi ko na napigilan. Napatili pa ko ng malakas dahil binuhat niya ko at binagsak sa kama.

Pumaibabaw siya sakin. Inayos niya ang iilang buhok na humarang sa mukha ko dahil sa kaharutan niya.

"Goodbye kiss ko" Nakangiting sabi niya.

Pinulupot ko sa leeg niya ang kamay ko. "Go"

Tumawa siya bago yumuko. Akala ko sa lips pero sa halip ay sa noo niya ko hinalikan. Napangiti ako.

"I love you so much"

Bulong niya habang nakahalik pa rin sa noo ko. Hinila ko siya pahiga sa tabi ko at agad na niyakap.

"I love you too" Hinaplos niya ang likod ko at binaon ko naman ang mukha ko sa leeg niya "Wag ka ng umalis.. Dito ka nalang"

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago ako yakapin ng mas mahigpit.

"Magkikita naman tayo bukas di'ba?"

"Pupunta ka ba talaga?"

"Oo naman. Birthday ni mama yun eh"

Hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Lakas maka-mama. Kapatid kita?" pang-aasar ko

"Hindi. Asawa" Hinampas ko ulit siya "Ay future palang pala"

Ngumiti nalang ako. Ang lakas ng loob tawaging mama nanay ko, kapag nandyan naman sa harap niya nauutal pa. Kulang nalang magtago sa likod ko eh.

"Takot ka naman kay mama eh"

"Uy hindi ah! Nahihiya lang ako"

"Wow. May hiya pala ang isang Bea De Leon"

"Grabe"

Natawa ako at pinisil ang magkabilang pisngi niya. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi kaya naman mukha na naman siyang nanalo sa lotto dahil sa ngiti niya.

"Isa pa" Inirapan ko siya at bumangon na ko. Inabot ko ang kamay ko para alalayan siyang tumayo.

"Ingat sa pagd-drive ha?"

"Yes ma'am" nag-salute siya bago ako hapitin sa bewang "Pero seryoso, isa pa please"

I shook my head and tiptoed to kiss her. Smack lang dapat. But Bea, being her, she grabbed my nape and kissed me deeper.

Hindi pa ata siya hihinto kung hindi pa kami nakarinig ng katok sa pinto.

"Papasok na ako ha! Dapat wala na akong makikitang kaharutan!"

Sigaw ni Jia mula sa labas at nakita ko pa ang pag-irap ni Bea.

Pumasok na si Jia at pinanliitan niya ng mata si Beatriz.

"Ano? Wag mo ko tignan ng ganyan, eh sa inaantok na talaga ako eh" Dumiretso siya sa kama niya "Doon na nga ko kila Kim nag-shower para hindi ko kayo maistorbo, nabitin ka pa rin?"

Binato siya ni Bea ng unan "Shut up"

Natawa kaming dalawa ni Jia. Namumula si Beatriz! Hahaha ang cute.

"Bakit? Tuwing papasok nalang ako dito, naaabutan ko lagi yung make out session niyo--"

"JIA!"

This time ako naman ang bumato sa kanya ng unan. Grabeng bibig yan, walang preno.

"Uy meant to be. Parehas namumula"

"Ewan ko sa'yo" sabay naming sabi ni Bea.

Nagkatinginan kami.

"Kayo na ang humusga" sabi ni Jia kaya nagtawanan kami. Meant to be nga kasi.

***

"Dalian mo naman Marci! Napaka-bagal kumilos!"

"Hindi ako mabagal. Mabilis ka lang!"

"Mabagal ka! Ang ikli kasi ng biyas"

Inirapan niya ko bago niya patunugin ang kotse niya. Natatawa akong pumasok sa loob.

"Galit ka na niyan?"

"No" sagot niya ng hindi lumilingon kaya lalo akong natawa. Humarap ako sa kanya at tinusok siya sa tagiliran "Jho! Ano ba!"

Tinapik niya ang kamay ko at tinignan ako ng masama. Umayos ako ng upo habang pinipigilan ang pagtawa ko.

"Ang sungit naman" bulong ko

"Ang hyper naman" ganti niya kaya lumingon ako at ngumisi. Ngumiti siya at umiling-iling bago i-start ang makina "Seatbelt po, miss Maraguinot"

Sinunod ko ang utos niya. Pagtapos ay pinakialaman ko ang stereo ng kotse niya. Kinabit ko ito sa cellphone ko. Wala namang reklamo si Marci dahil sanay na yan.

Tapos na ang klase namin kaya pupunta na kami sa bahay, sa alitagtag. May gagawin pa daw kasi si Bea kaya sinabi kong mauuna na kami ni Marci doon.

"Miss ko na si mama" sabi ko habang nakatingin sa bintana.

"Miss ka na rin niya sigurado kaya matulog ka na muna diyan at gigisingin nalang kita kapag ipapaturo ko na sa'yo yung daan"

"Sigurado ka? Baka antukin ka rin. Hindi nalang ako matutulog. Hindi naman ako inaantok eh"

Pagkatapos na pagkatapos kong magsalita ay sakto namang napahikab ako. Tinawanan tuloy ako ng driver ko.

"Sige na Jho. Ok lang, matulog ka na muna" humarap siya sakin ng mag-red ang traffic lights. "Here, use this" May kinuha siya sa backseat at inabot sakin.

"Wow, prepared" Tumawa ako and he shrugged.

Tinitigan ko siya at kahit focus siya sa daan ay alam kong pansin niya ang mga titig ko.

Hindi kasi ako sanay matulog sa byahe. Si Beatriz kasi ayaw akong patulugin kapag dalawa lang kami. Inaantok din daw kasi siya kapag nakikita niyang natutulog ako. Kapag nabangga daw kami ay kasalanan ko pa. Kaya nasanay na kong gising at nakikipagkwentuhan lang kapag nasa byahe.

"Ok nga lang, Jho" Nagkibit-balikat nalang ako. Bahala siya.

Nilagay ko nalang sa leeg ko yung inabot niyang unan. Inaantok rin kasi talaga ko. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi eh. Ewan ko ba kahit anong pikit ko hindi ako nakakatulog.

"Thanks, Marci"

"Anything, for you"

Ngumiti nalang ako at pumikit na.

Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Nakangiting Marci ang una kong nakita. Tinulak ko palayo yung mukha niya dahil masyado siyang malapit.

"Saan na tayo?" Tanong ko habang nag-iinat.

"Malapit na. Turo mo na yung way, di ko na masyadong kabisado dito eh"

Tinuro ko sa kanya ang daan at after 45 minutes, narating na namin ang bahay.

Excited akong bumaba at hindi ko na inantay si Marci.

"Ma! Happy birthday!"

Sigaw ko at mukhang nagulat pa si mama. Niyakap ko siya pagkalingon niya sakin.

"Salamat anak. Ang aga mo ata?"

"Syempre ako pa. Si Jaja po?" Nag-bless ako at humalik sa pisngi niya

"Nandoon sa loob. Naliligo pa yata" Tumingin siya sa likod ko kaya napatingin din ako "Sino nga ulit 'yan?"

"Si Marci po" tinawag ko si Marci at nag-mano siya kay mama pagkalapit niya

"Happy birthday po" bati nito kay mama

"Salamat iho. Tara pumasok muna kayo sa loob"

Pagkapasok namin sa bahay, sumigaw agad ako.

"Jajing! Nasan ka?! Nandito na ang pinaka-maganda mong ate!"

umarte pa si Marci na kunyaring nasusuka kaya binatukan ko siya.

"Para namang may iba pa kong ate? Wala nga akong choice eh" Bungad ng kapatid ko habang pababa siya ng hagdan.

Bumeso siya sa akin at hinablot niya naman agad yung dala kong paper bag

"Kay mama yan. Wag kang assumera. Hindi ikaw ang may birthday" inirapan niya ko bago ilapag yung paper bag sa lamesa.

"Hi kuya" bati niya ng makita niya si Marci. Iniwan ko muna silang dalawa at umakyat ako sa kwarto ko para mag-bihis.

Pagbaba ko, naabutan kong mag-isa si Marci sa sala. Umupo ako sa tabi niya.

"Si Jaja?"

"Nasa kitchen kasama ni mama mo"

"Gutom ka na ba? Kain na muna tayo" Sumulyap ako sa relo ko para tignan ang oras "Lunch time na rin naman eh. Wait lang titignan ko kung may pagkain na"

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Naabutan ko si Jaja na naghahain na sa lamesa.

Tinulungan ko na siyang mag-ayos. Ng matapos kami inutusan ko siyang tawagin na si Marci.

"Wala ka man lang bisita, ma?" Tanong ko habang kumakain kami.

"Maaga pa kasi ate. Akala nga namin mamayang gabi ka pa pupunta eh" Pagsabat naman ni Jaja.

"Si mama tinanong ko di'ba? Tsaka baka mamaya puro kaibigan mo lang pumunta ha?"

"Tatlo nga lang inimbita ko!"

"Kita mo, mas marami ka pang bisita sakin!"

"Anong mas marami? Tatlo na nga lang"

"Dalawa lang akin. Etong si Marci tsaka si Bea" Inirapam niya ko kaya natawa ako. Pikon na yan

"Sigurado ka?" Ngumisi siya na kala mo may alam siya na hindi ko alam

"Pwede ring isa lang. Kung hindi na naman ako siputin ni Bea" pag-bulong ko na alam kong narinig naman ni Jaja at Marci.

"Pag ikaw narinig ni mama, ma-h-hot seat ka talaga ng wala sa oras" Bulong din ni jaja kaya nag-peace sign ako.

Kumuha kasi ng tubig si mama. Baka tanungin pa ko nun kung nag-aaway kami ni Bea. Kawawa naman yung Beatriz ko pag nagkataon. Takot na takot pa naman siya kay mama.

"Ay shit!"

Bigla akong napatayo kaya nagulat silang dalawa.

"Doon ang CR, ate!" Turo ni Jaja sa CR namin habang tumatawa.

"Huh? Alam ko. Bahay ko rin to" Pinanliitan ko siya ng mata "Gaga ka hindi ako nac-CR!" Sigaw ko ng magets ko ang sinasabi niya. Na-slow ako ng konti don ah.

"Ano ba yun, Jho?" Tanong ni Marci.

"Yung susi ng kotse mo?"

"Nandito, bakit?"

"Pahiram, dali!" Nagtataka man, inabot niya pa rin yung susi sakin. "Naiwan ko yung phone ko sa kotse mo!"

Tumakbo na ko palabas at muntik pa kong madapa kakamadali. Nako sana wala akong na-miss na tawag ni Bea!

Dali-dali kong binuksan ang kotse ni Marci. Kinuha ko ang phone ko at agad na sinilip kung may tawag ba si Bea.

Pero ng makita kong wala siyang tawag o kahit text man lang, hindi ko alam kung nakahinga ba ko ng maluwag o nainis lang ako.

Napailing nalang ako habang pabalik ako sa loob ng bahay.

"Busy yon, bakit ka maaalala?" bulong ko sa sarili.

Pinaglalaruan ko sa kamay ko ang susi ng kotse ni Marci ng may napansin ako sa bandang gilid ng bahay namin.

"Jia?" Tanong ko sa sarili ko ng may makita akong tao.

Hindi ako sigurado kaya lalapitan ko na sana ng bigla namang tumunog yung phone ko.

Napatitig ako saglit sa tumatawag.

Beatriz ko Calling ...

Napangiti ako ng mabasa ko ang pangalan niya. Mabuti naman at naisipan niyang tumawag di'ba?

Nilingon ko muna ulit yung nakita kong tao, pero wala na siya.

"Hello, love?" Bati niya pagkasagot ko ng tawag.

"Nasan na yun?"

"What?" Natigil ako sa paghahanap ng magsalita ulit siya

"Ah wala. Sabi ko nasan ka na? Nandito na kami ni Marci"

Binilisan ko na ang lakad ko dahil bigla akong natakot. Putek minumulto na ata ako! At kamukha pa talaga ni Jia ha!

Malapit na ko sa pinto at papasok na sana. Kaso napaka-galing lang talaga ng timing ni Bea.

"Love, I'm sorry. Hindi ako makakapunta"

Ang galing niyang manira, hindi lang ng mood. Pati na rin pangako niya.


----------------------------------------

Okay. alam ko ang tagal ko nawala.. sorry na

Isang pilit na UD pagtyagaan niyo muna guys. haha bawi ako next time

Sorry typos! :)

Continue Reading

You'll Also Like

232K 6.5K 63
And take, take her to the moon for me Take her like you promised me Say you love her every time like how you told me the last time Someday I know we'...
1.3M 20.4K 66
"1st rule: bawal mainlove sa subject nyo" <----- patay! bagsak na agad,. Anong gagawin mo kung mahulog ka sa subject mo habang nasa kalagitnaan ka...
292K 3.1K 44
From Boy To Gay To Confused To Boy Again? Karylle and Vice's Confessions Kailan sila magaaminan?Tunghayan ang pag-aaminan ng Loveteam na di mo inakal...
25.2K 173 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...