May 12, 2013
11:13 PM
Smart - Araneta Coliseum
Dinumog ng mga fans ang first major concert ng pinakasikat na boy group ngayon. Sila ang DT ( Del Tiero ) Heartthrobs na itinanghal na Grand Champion ng Music Idols 2013.
Sila'y binubuo ng tatlong mga gwapong magkakapatid sina;
John Elrick aka Joel - 24 yrs. old,
Jaime Russel aka Jairus - 22 yrs. old
Jaro Elton aka Jarel - 20 yrs. old.
" Jarel, you're so cute!!! "
Kasali pa lang sila noon sa Music Idol ay sikat na sikat na silang tatlo. Kaya nang itinanghal silang Grand Champion ay mas lalong dumami ang kanilang mga fans.
" Be my boyfriend Jairus!!! "
Nang lumabas ang 1st Album nilang Fallen Angels ay naging GOLD agad ito sa loob lamang ng dalawang linggo.
" Marry me Joel, please!!! "
Ang 1st single nilang " Smile " ang pinakasikat nilang kanta, na napili nilang final song ngayong gabi.
" DT Heartthrobs we love you!!! "
Patuloy pa rin ang sigawan ng girls habang hinihintay ang pinakaabangan nilang final song ng kanilang mga Idols.
Halos 20 minutes na rin kasi ang nakakalipas mula nang matapos ang number ng guest star nilang si Bruno Mars.
" DT Heartthrobs! DT Heartthrobs! "
Umalingawngaw na naman ang sigawan dahil sa pagkainip ng mga fans.
" Please kantahin nyo na ang Smile! " sigaw ng isang dalaga, na die-hard fans ng DTH mula pa ng sumali sila sa Music Idols. " I-dedicate mo sa'kin Jarel! "
Mahal na mahal niya ang kanyang Idol na si Jarel. Kaya halos di niya alintana ang hirap na nararanasan habang itinataas ang neon lights na " I love Jarel! " ang nakasulat. Buti na nga lang tinutulungan siya ng kanyang boyfriend, na halatang nagseselos na sa kabaliwan ng kanyang gf sa Idol nitong si Jarel Del Tiero.
Lalo pang lumakas ang tilian nang magsimulang tumugtog ang intro ng Smile. Kasabay nito ang unti-unting paglabas nila Joel at Jairus sa stage.
" Nag-enjoy ba kayo guys?! " Magiliw na sinalubong ni Jairus ang mga madlang pipol. " Maraming salamat sa pagpunta nyo ha! " dagdag pa niya.
" Asan si Jarel ko?!!! "
Nagkatinginan ang magkapatid nang marinig ang nasabing tanong ng isang fan ni Jarel.
" Sandali lang po..." Isang seryosong Joel ang humarap sa kanila, " Konting katahamikan lang po ang hinihiling namin sa inyo ngayon. "
Natahamik na rin ang mga fans dahil sa sobrang pagtataka sa sinasabi ni Joel.
" Sorry po, pero hindi na po namin matatapos ang concert..." pagtatapat ni Jairus.
" Ha?!!! "
" Bakit?!!! "
Sigawan na naman ang mga tao sa sobrang pagkabigla sa kanilang narinig.
" Isang emergency po ang nangyari 30 minutes ago. " paglalahad pa ni Joel. " Di na po makakapagperform ang kapatid naming si Jarel... "
" Ano'ng nangyari sa kanya???! "
" Isinugod na po siya sa hospital dahil sa nosebleeding. " sagot ni Joel. " Actually po, pinilit niya lang na magperfrom ngayong gabi para daw di madisappoint kayong mga fans namin. " paliwanag pa niya.
" Kaya pumayag po siyang ituloy ang concert..." dagdag pa ni Jairus. " We're very sorry po talaga..."
Di na nagawang sumigaw ng kanilang mga fans bilang pagsimpatya sa nangyari. Ang ilan ay nanahimik na lang para magdasal sa agarang paggaling ng kanilang idol.
" Pero wag po kayong mag-alala, once na gumaling si Jarel, itutuloy namin ang concert for free. "
Isang magandang balita naman ang ihinatid ng kanilang manager na si Mr. Keith Pascual.
" Thank you po sa pagpunta nyo..." muling nagpasalamat si Joel, " kailangan na po naming sumunod sa hospital. "
" Get well soon Jarel! "
" We love DT Heartthrobs!!! "
Isang malakas na sigaw ang kanilang narinig habang paalis sa stage.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
May 13, 2013
12:13 AM
St. Luke's Medical Center
Walang kaalam-alam ang mga tao sa hospital na ito na isang sikat na member ng DTH ang isinugod sa Emergency Room. Inilihim kasi ni Mr. Pascual ang pagpasok ni Jarel, para di sila pagkaguluhan ng mga press na kanina pa sumusunod sa kanila mula sa Smart - Araneta Coliseum.
Matapos ang ilang minutong observation ay ikinomfine na si Jarel sa Room 313, habang hinihintay ang mga resulta.
" Kuya, I hope Dad will not know about this..." Di maiwasan ni Jairus ang pag-alala, dahil kapag nalaman ng kanilang ama ang nangyari, tiyak mananagot silang magkakapatid.
" Alam ko yun, kaya sinabi ko kay Ms. Raiko na dapat di 'to malaman ng kahit sinong tao, lalo na ang mga press. " sagot ni Joel na abala sa pagtawag sa kanyang cellphone.
Matapos ang ilang minutong pagtatago sa mga tao, ay narating din nila ang Room 313.
" Sir, I'm so sorry..."
Isang magandang babae ang agad na sumalubong sa kanilang dalawa.
" Why did you let this happen, Ms. Raiko? " Agad na kinompronta ni Joel ang isa sa kanilang mga bodyguards.
Di na nakasagot pa si Ms. Raiko, kasi alam naman niyang kasalanan niya ang nangyari. Napabayaan niya ang kanyang alaga, pero sinunod lang naman niya ang ipinag-utos nito. Gusto lang daw kasi nitong makatulong sa mga tao.
Di na rin pinansin ni Joel ang panahimik ng kanilang bodyguard. Sinundan na lang niya si Jairus na agad dumiretso sa harap ng kama ng kanilang kapatid.
" I hope she'll be okay..."
" She must be, Jarel or else Dad will be here as soon as he can. " Halatang nananaig ang takot ni Joel sa kanyang ama.
Dahil nga sa takot na ito, naisip nilang palabasing si Jarel ang isinugod sa hospital. Ginawa nila ito para matapos na ang concert at para makapunta na sila sa hospital kung saan dinala ang kanilang bunsong kapatid na babae - si Princess Reign Del Tiero, 18 yrs. old - ang tanging prinsesa ng kanilang pamilya.
Siya Princess Reign din ang pinakapaborito ng kanilang ama kaya kapag nalaman nitong naospital na naman siya ay siguradong mapapagalitan na naman ang kanyang mga kuya.
Dinala siya sa hospital dahil sa aksidenteng pagkakahulog mula sa kalesang sinasakyan niya sa naganap na Flores de Mayo na kasabay ng concert. Nagpumilit na sumali si Princess dahil isang charity event ang Flores de Mayong isinagawa ng kanilang lugar.
Agad na sumunod sa Room 313 si Dr. Mercurio Ong nang malamang dumating na ang magkakapatid na Del Tiero. Dala niya ang resulta ng CT-Scan at X-ray ni Princess.
" Ayon sa CT-Scan, wala namang naganap na hemorrage sa kanyang ulo, dahil sa mahina lang naman ang pagkakabagok nito. Pero may konti siyang fractures sa balikat, siko at mga daliri dahil iniwasan niyang tuluyang maumpog kaya itinukod niya ang kanyang kanang siko sa kalsada." mahabang paliwanag ni Dr. Ong sa mga resulta.
" Pero kailan po siya magigising Dok? " usisa ni Jarel.
" Maya-maya lang magkakamalay din siya. Binigyan kasi namin siya ng pampatulog para lubusan siyang makapagpahinga. "
" Thank you Dok. Sana po walang makaalam ng nangyaring ito..." Muling pinaalala ni Joel ang dapat gawin ng doktor bilang pagsunod sa mga plano nila.
" Makakaasa kayo Sir, lahat ng hospital records niya ang magiging confidential..."
Paalis na sana si Dr. Ong nang makasalubong niya ang isang nurse sa pinto. Isang brown envelope ang agad nitong inabot sa kanya.
" Mr. Del Tiero, may nakalimutan po pala akong sabihin..."
" What? "
Agad na inilabas ni Dr. Ong ang mga laman ng envelope.
" Gusto ko'ng ipakita sa inyo ang resulta ng Ultrasound ni Princess. "
" Ultrasound? " Gulat na tanong ni Jarel.
" For what? " Tanong naman ni Jairus.
" Ano'ng ibig nyong sabihin nito Dr. Ong? " seryosong tanong ni Joel, na kinuha ang mga 3D Ultrasound Pictures.
Nagulat din si Dr. Ong sa naging reaksyon ng magkakapatid.
" Akala ko alam ninyong buntis siya? "
" Si Princess buntis? " Di naiwasang tumaas ang boses ni Joel sa pagkagulat. " Baka naman nagkakamali lang kayo ng binigay na resulta. "
" He's right Dok? " sang-ayon ni Jairus.
" Actually, 3 months na siyang buntis. " Pagpapatotoo pa ni Dr. Ong sa kanyang mga sinasabi. " Sa awa ng Diyos ang ligtas naman ang baby sa kanyang sinapupunan sa kabila ng aksidente. " paliawang pa niya.
Natahamik na lang ang magkakapatid. Di nila alam ang gagawin ngayon. Siguradong mabibigla rin ang kanilang ama kapag nalaman nito ang nag-iisang prinsesa niya ay nabuntis ng maaga.
" Sana matanggap ni Dad ang lahat Princess. " sabi ni Jarel habang hawak ang kamay ng kanyang nakakabatang kapatid, na magiging ina na pala.
Pero di niya napansing nagkamalay na si Princess. Sa totoo lang kanina pa siya gising, kaya narinig niya ang mga reaksyon ng kanyang mga kuya.
( Princess' POV )
I am 3 months pregnant?
Sino ba namang di magugulat sa balitang 'to?
Mahal na mahal ako ng mga kuya ko, lalo na si Daddy kaya alam kong magagalit sila kapag nalaman nila ito ng maaga.
Sa totoo lang, nung nakaraang araw ko lang din nalamang buntis pala ako. Di ko rin naman ginusto ang maging ina agad eh. Wala kasi ang sa sarili nang gabing mangyari ito.
Nadala lang ako ng sobrang pagmamahal sa aking soulmate, na nakilala ko 6 months ago.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pauwi na kami nun mula sa isang party. Di ko sana gustong sumama, pero pinilit ako ng bestfriend kong si Sairi.
Mag-12 midnight na nang magyaya akong umuwi. Nahihilo na kasi ako, dahil first time kong uminom eh. Isa pa tumakas lang ako sa bodyguard ko. Yari ako pag nalaman nila kuya, lalo na si Daddy.
Sa sobrang pagkahilo ko, nakatulog ako agad. Kaya di ko na namalayang naaksidente pala kami. Di agad nakapagpreno ang boyfriend ni Sairi, na si Geoff kaya nang may motor na dumaan sa harap namin. Bumangga kami sa isang bus. Ang malala pa, nabangga naman ng isang truck ang likod ng kotse.
Grabe ang tinamong sugat nila Sairi at Geoff.
At ako?
Dahil nasa likuran ako ng kotse noon.
Di na ako umabot pa sa hospital.
Kitang-kita ko ang katawan ko habang isinusugod nila ako sa hospital, sa pag-asang mabubuhay pa ako.
Awang-awa ako sa mga kuya ko, na pinipilit ang mga doktor na gawin ang lahat para mabuhay lang ako. Pero wala na talaga eh.
At exactly 3:00 AM, the doctor declared me DEAD...
Pero isang himala pala ang mangyayari...
After 13 minutes na paglalakbay sa isang napakaliwanag na lugar...
Bigla na lang akong hinigop ng isang malaking liwanag.
Sa muling pagdilat ng mga mata ko, isang lalaki ang una kong nakita.
Isang napakagwapong lalaki, na parang isang angel na hinulog ng langit para mahalin ko.
Siya ang aking soulmate.
Wala man akong maalala sa buong pagkatao ko,
Isa lang ang laman ng isip ko hanggan ngayon, ang mukha ng aking SOULMATE.
Mula nun, ginawa ko na ang lahat para mahanap siya, habang nagpapagaling.
After 3 months ay natagpuan ko rin siya.
Dahil sa sobrang hiya ko, di ko siya nagawang lapitan. Kaya naisip ko na lang na maging STALKER niya.
Hanggang sa naging #1 CERTIFIED STALKER nga niya ako!
Hanggang sa isang gabi, nakita ko siya sa isang bar. Naglalasing.
Sa gabing iyon nangyari ang isang bagay na hinding-hindi kong pinagsisihan, dahil mahal na mahal ko na siya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
NAPAKAHABA ng PROLOGUE di ba?
REGALO ko 'to ngayong PASKO sa mga READERS na nag-abang sa pagsisimula ng ETERNITY.
Maraming salamat sa inyong SUPORTA.
X|S