Complicated Happiness

Od BDLxxJLM

1.4M 27.9K 4.6K

JhoBea FanFic Více

PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty two
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy (Last Chapter)
EPILOGUE
Author's Note daw
Special Chapter
Special Chapter

Thirty Three

17.4K 356 25
Od BDLxxJLM

"Mom, dad! Alis na po ako" Sigaw ko habang pababa ng hagdan. Nakita ko naman si mommy na nakaupo sa couch

Umupo ako sa tabi niya saka siya hinalikan sa pisngi.

"You take care baby. Goodluck sa school" Mom said before giving me a hug.

"Yes mom. I'll come home if I had free times on weekends"

"Good. Go na, your dad is waiting for you at the garage" Magtatanong pa sana ako kung bakit andun si daddy but I just shrug and walk my way out.

I saw him leaning at my car's hood and when he saw me, he spread his arms asking for a hug.

Nakangiti naman akong lumapit sa kanya, at saka siya niyakap ng mahigpit.

"Iiwan na naman ako ng baby ko" Dad said while still hugging me. Naglalambing na naman siya.

"Daddy, hindi kita iiwan. Uuwi din naman ako dito palagi"

"Kahit na. Iba pa rin yung pinupuntahan kita sa kwarto mo bago ka matulog"

Napangiti nalang ako sa tono ng boses ni daddy. He used to do that kasi, yung every night pupunta muna siya sa room ko para mag-goodnight.

"I'll call you nalang mamaya bago ako matulog dad" I said as I plant a kiss on his cheeks

"Okay princess. Remember, when you need anything tawagan mo lang si daddy"

"Kahit extra allowance?"

"You know, kahit hindi ka humingi, may sobra lagi ang account mo" he wink at natawa nalang ako.

It's our little secret. Hindi alam ni mommy dahil pagagalitan niya kami parehas. Masyado daw akong magastos. Hindi naman eh, kapag bibili lang ako ng gift for Jho, dun lang ako gumagastos.

"Bibisita kayo ni Jhoana dito kapag may time ha?" Bilin niya pa bago ako pagbuksan ng pinto

"Oo naman po" I smiled at him. Hinagis ko yung bag ko sa backseat saka nakangiting humarap kay daddy "I'll miss you dad"

He then pulled me for another tight hug. I let my chin rest on his shoulder.

"Remember Beatriz, kahit gaano ka pa kalaki, you will always be my baby girl" He kissed my cheeks and rub my back "Wag mong paiiyakin si bunso ha. Baby kita, pero baby ko rin yun"

I chuckled and move a little para matignan siya "Mas love mo na ata siya kaysa sakin eh" I pout but he grinned

"Mas love mo din naman si Jho kaysa sakin eh"

Natawa kaming parehas. Ang clingy ng daddy ko ngayon, ayaw talaga ako paalisin.

"That's not true daddy ha. I love you both, no need to choose kung sinong mas love ko kasi pantay lang kayo lahat"

Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko. Napa-pout naman ako. Hirap hirap magsuklay ng buhok eh.

"Go na baby, you'll be late na for training. Drive safely okay? Daddy loves you" He kissed my forehead and I hug him once more.

"Love you too dad. I'll miss you" I kissed him on his cheeks and hop in my car na.

I start the engine and waved daddy goodbye. He waved back, and nag-drive na ko paalis.

Mamimiss ko sila. Si daddy, mommy, kuya, and syempre si george. Ang baby george ko na laging nangungulit pag nagbabasa ako ng libro. Hays..

Kinuha ko ang phone ko ng marinig ko ang pagtunog non. Sinilip ko kung sino ang tumatawag at sinagot ko agad ng makita na si Jho yun. Naka-earphones naman ako.

"Hello beautiful"

"Tse. Aga-aga Beatriz" Natawa naman ako sa kanya, kinikilig yan.

"Hindi ka pa ba nasanay love?"

"Sanay na po. Isang taon mo na kong pinapakilig sa mga linyahan mo eh" Narinig ko ang mahinang tawa niya at napa-kagat nalang ako sa labi ko.

Time flies so fast. Noong nakaraan lang ay nagcelebrate kami ni Jho ng first year anniversary namin. Simple lang naman, ayaw niya daw kasi ng may pa-surprise surprise pa ko, basta daw magkasama lang kami ay ayos na.

Dinala ko siya sa tagaytay at kung ano-ano lang ang ginawa namin buong araw.

Sa ngayon alam na ng buong team ang relationship namin, kahit sa side ni Jho ay legal na kami.

Nakakatawa nga dahil aksidente lang ang naging pag-amin niya.

Nag-away kasi kami non at hindi naman namin alam na nakita pala ni tita Lovel na nagtatalo kami sa labas ng bahay nila.

Hinatid ko kasi siya non. Ayoko namang umuwi ng magkaaway kami kaya kinausap ko siya. Ang kaso nga lang mas lalo lang kaming nagtalo. Umiiyak na kami pareho ng mapalingon ako sa pinto at makitang nakatayo doon si tita.

Kinabahan ako noon dahil baka kung anong isipin niya. Hindi pa nga kami legal sa kanya ni Jho tapos pinapaiyak ko na ang anak niya? Natakot ako na baka sumama ang tingin niya sakin, samantalang napaka-liit na bagay lang naman ng pinag-awayan namin ni Jho that time.

Paano kasi, papunta ako ng BEG ng makita ko si Maddie na naglalakad. Alangan naman pabayaan ko eh parehas lang naman kami ng pupuntahan? So sinabay ko si Maddie, hindi ko naman alam na nagaantay pala sa labas ng BEG si Jho. Pinagbuksan ko ng pinto si Maddie dahil ganon naman talaga ang ginagawa ko lagi.

I even offered my hand to Madz para tulungan siyang makababa ng car dahil alam kong kagagaling lang ng injury niya that time. Hindi ko naman alam na pinapatay na pala ko sa tingin ni Jho.

'Lagot ka. Sa couch ka matutulog' ayan yung binulong sakin ni Maddie ng makababa siya ng kotse ko. Pagtingin ko sa likod isang Jhoana Maraguinot na naka-taas ang kilay at naka-crossed arms ang sumalubong sakin. Pagtingin ko naman kay Maddie wala na siya. Iniwan ako! Ang sama niya!

Kaya ayun, todo paliwanag ako sa baby ko. Sinuyo ko siya kaso wala, masungit talaga. Red alert eh.

Pero may isang tumatak sa utak ko na sinabi niya. Nakakatawa pero kinilig ako ng sinabi niya yun. Ang possesive, grabe.

'Gusto ko ako lang ang uupo diyan sa upuan na yan Beatriz. Ako lang dapat pwede tumabi sa'yo habang nagd-drive ka. Isabay mo na lahat pero ako lang dapat ang pwedeng tumabi sa'yo'

Hindi ko naman napigilang mapa-ngiti nung sinabi niya yun kaya mas lalo siyang nagalit. Akala niya pinagtatawanan ko siya, eh hindi naman. Kinikilig ako kaya ako napangiti non.

Kinausap siya ni tita Lovel that night kung anong problema kaya napaamin si Jho kung anong totoong status namin. Hindi masyadong maganda dahil ang inaasahan ko sana kasama ako ni Jho kapag umamin na kami kay tita kaso wala. Ganoon ang nangyari eh. The next day naman ay agad din akong pumunta doon para makipag-ayos sa kanya, at pormal na hingin ang blessing ni tita. And luckily, buong puso niya naman kaming tinanggap.

"Hoy Beatriz! Ano na? Hindi ka na sumagot! May katext ka na naman! Tinatanong kita kung nasaan ka na! Anong oras na lumalandi ka na---"

"I'm driving Jho. Kung anu-ano na namang sinabi mo"

I shook my head. Napaka-daldal po talaga ng girlfriend ko.

"Nagd-drive ka pala tapos sinagot mo pa yung tawag ko? Pano kung nabunggo ka? kasalanan ko pa! Konsensya ko pa?!"

"Atleast, your voice is the last thing I've heard"

"Ewan ko sa'yo. Dalian mo nalang-- ay hindi. Wag mo palang dalian baka mapano ka pa"

Natawa ako ng mahina. Hay Jhoana, you already made my day kahit hindi pa tayo nagkikita.

"Stop being too cute, love"

"Tse! Basta mag-ingat. Una na kami sa BEG. Diretso ka nalang dun ha? I love you"

"Ok. See you beautiful. I love you more"

Napangiti nalang ako pagkababa niya ng tawag.

A year is not that easy for us. Ilang beses kaming muntik maghiwalay. Kung hindi ako ang magseselos, siya naman. Tinatawanan na nga lang kami ni ate Ella at Jia eh. Isama mo pa si Marci na ang lakas mang-asar. Nabiyayaan talaga ko ng supportive friends eh.

Pagkarating ko sa BEG dali-dali akong nagpark ng kotse. Naglalakad na ko papasok ng makasalubong ko si Jia na busy sa phone niya.

"Ju, andyan na si Jho?"

Tanong ko pero aba! Nilampasan lang ako! Anong problema ng Morado na yun?

I look at her at dire-diretso lang siya sa paglalakad.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagdiretso na ko sa paglalakad. Saktong papasok na ko ng makita ko naman si Michelle.

"Mich. Andyan na ba si -- hoy! Pati ba naman ikaw?!"

Wtf?! Anong meron sa mga to at hindi ako pinapansin?! Dire-diretso lang din siya sa paglalakad.

"Pokemon Go"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Trey" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya "Ano yun?"

"Yung dalawa. Naglalaro yun ng pokemon go kaya hindi ka pinansin"

My mouth formed 'o' as I nod. Leche. Pokemon go lang pala.

"Kaya pala. Anyway, andyan na ba si Jho?"

"Yup. Ayun oh" tinuro niya yung isang side and there. I saw my love.

Nakita ko si Jho na nakaupo habang nakapikit at naka-earphones.

I could stare at her all day. Napaka-ganda talaga ng girlfriend ko.

I smiled at Trey at naglakad na papunta sa mahal ko.

Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ko yung kamay niya. Nagulat naman siya kaya napadilat siya.

"Hi" I smiled at her.

Tinanggal niya yung earphones niya bago hawakan ulit yung kamay ko.

"Tagal mo"

"Miss mo ko?" I grinned and she rolled her eyes

"Sobra" Sagot niya kaya napayuko ako habang tumatawa.

I placed her hands on my lips and planted soft kisses there.

"I miss you" I whispered at hinila niya naman ako para mapaupo sa tabi niya.

She then, rest her head on my shoulder while still holding my hand.

"I miss you too"

I smiled and played with her hand. Nag-share kami sa earphones niya habang nagaantay kami na magstart ang training.

***

"Babe, may class ka ba ngayon?"

Nag-aayos ako ng gamit ng lumapit sakin si Jho. Kalalabas niya lang ng shower.

"Wala po. Ikaw? May class ka diba?"

Tumango siya habang nagsusuklay. I signaled her to come near. Kinuha ko yung suklay sa kanya at ako na ang nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok niya.

"Diretso ka na ba? Hatid na kita"

"Dapat lang Beatriz"

Natawa nalang ako. Ang sungit niya but still I find it really attractive. Lahat ata ng gawin niya positive pa rin ang dating sakin eh.

Once we're done, dumiretso na kami sa kotse ko. Pagkaupo ko sa driver's seat bigla akong kinabahan.

Napahinto ako at napahawak sa dibdib ko. What is this? It's creeping me out.

"Ok ka lang beh?" Jho asked and I slowly nod "Bakit? May sakit ka ba?" Kinapa niya yung noo ko "Wala naman ah. What's wrong?"

"Nothing love. Bigla lang akong kinabahan"

"Beatriz naman. Di ka pa nasanay, kasama mo kasi ako kaya nagwawala na naman yang puso mo" she wink at natawa nalang ako.

I reached for her hand and kissed the back of it before starting the engine.

Wala naman siguro 'to no? Baka napagod lang ako sa training.

Pagkahatid ko kay Jho dumiretso nalang muna ako sa dorm. Hindi ko pa rin kasi naaayos ang gamit ko kasi nga dumiretso na ko ng BEG kanina.

Last week ay nagbunutan kami kung sino ang magiging bagong room mate namin at kapag sinuswerte ka nga naman, si Jho pa rin ang kasama ko. But! May nadagdag, napunta kami sa room na may tatlong beds and unfortuntely, si Jia ang kasama namin. Haha

Sa isang taon namin ni Jho, isa si Jia sa mga takbuhan ni Jho kapag nagkakaron kami ng tampuhan. Pagkatapos babatukan ako ni Jia at ipapamukha sakin kung anong mali ko. Kaya malaking tulong samin si Juju. Kahit puro kalokohan yun, I am really thankful that she's our friend.

***

"Bea! Ang bagal mo late na tayo!"

"Eto na nga Trey! Nagmamadali na, nanginginig pa!"

I grab my gym bag, phone, wallet and car keys and jog my way out. Late na kami para sa afternoon training!

I overslept! Ugh. Wala kasi si Jho kaya walang gumising sakin. Mabuti nalang pumunta sa room namin si Maddie dahil may pinakuha daw sa kanya si Jia.

"Come on turtle" Salubong pa sakin ni Trey at inirapan ko nalang siya.

"Sa likod tayo Trey, mab-beastmode si ate mo Jhoana pag sa harap ako naupo" Natatawang sabi ni Madz bago sila pumasok ng kotse.

"Possesive eh. Gwapo ni Bea" dagdag pa ni Trey bago sila mag-tawanan

Pumasok nalang ako at di na nagsalita. Ugh. Ni hindi na ko nakapagsuklay sa pagmamadali!

Before I start my car, tumunog ang phone ko kaya inabot ko muna yun.

"Beatriz. Nasan ka na? Nakatulog ka na naman no?"

"Yeah. We're on our way love, nag-start na ba?"

"Malapit na. Bilisan mo na. Ingat. Love you"

"Ok ok. Love you too"

She hang up at nag-drive na ko agad.Jusko! Ayoko mag-push-ups!

Pagkarating namin ng BEG, stretching na sila kaya naman nagmadali na kong mag-suot ng sapatos. Ako lang kasi si Therese at Maddie nakasapatos na! Unfair!

Habang nagsasapatos ako tumunog na naman ang phone ko.

Ugh mom, not now. Late na ko eh. Naputol ang tawag pero wala pang 5 seconds ay tumatawag na ulit si mommy.

Habang nagsusuot ng sapatos ay sinagot ko na yung tawag.

"Mom, I'll call you later. Late na k---" I was cut off by mom's loud cries and sobs. Napahinto ako sa ginagawa ko "M-mom? Why are you crying? W-what's wrong?"

"B-bea.. anak.."

I gulp and look for Jho. Sobra akong kinakabahan at alam kong siya lang ang makakapag-pakalma sa akin.

Nakita ko siya at saktong nakatingin din siya sakin. Sht. Nanginginig ang mga kamay ko.


"Bea.. come here .. your dad.. your dad had a h-heart attack.. please come here baby.. I need y-you"

---------

Happy monthsary JhoBea! Chos! hahaha

Kamusta mga beh? Stick na tayo sa plot :)

Salamat sa 70k reads! Hooo suhlehd! xD

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

158K 3K 58
Sa Mundong susubukin ka talaga kung hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa taong mahalaga at mahal mo. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo ka...
140K 4.6K 53
(HiDDEN AFFINITY Continuation) This story will make you believe in Second Life and Reincarnations of two people who is deeply inlove with each other...
135K 3.5K 43
Maraming pagkakataon na nakakasakit tayo.. at sa dami ng ng yon eh hindi na halos natin alam kung sino ba yung mga taong nasaktan natin. Pero pano ku...
899K 14.2K 72
Love was never enough, it takes efforts and Perfect Timing.