The Vampire Princess: Prophec...

By Reileighxx

585K 21.6K 1.6K

The Vampire Princess #1: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED] Sherez Monica Centrias, ang nag-iisang anak ng... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
🌒 Chapter 2
🌒 Chapter 3
🌒 Chapter 4
🌒 Chapter 5
🌒 Chapter 6
🌒 Chapter 7
* Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Extra Chapter

Chapter 22

8.9K 375 16
By Reileighxx


Keira's Pov

Naninilipit pa rin si Sherez sa sakit na nararamdaman niya sa kanang bahagi ng leeg niya. May itim na ugat ang lumilitaw sa leeg niya. Hindi rin siya mapakali habang nakahawak dito.

"K-keira! Sobrang init!!"

Lumapit ako at pilit na pinapakalma siya. Pawis na pawis na siya at hinihingal, unti-unti na rin na lumalabas ang mga pangil niya. Ilang oras na lang ang natitira at malapit na siya maging bampira.

"K-kei...ra..."

"Bakit?"

Nagulat ako ng hatakin niya ako pahiga sa kama at siya naman ay umupo sa mga hita ko. Tinitingnan niya ako na parang sinusuri pa. Nagbabago na rin ang kulay ng mga mata niya, nagkukulay ginto na ito.

"Sherez..." Hindi siya sumagot at hinawakan ang leeg ko gamit ang dalawang kamay ng mahigpit..

Wala na siya sa sarili niya at kinokontrol na siya ng kapangyarihan niya. Inilapit niya ang mukha sa akin at inaamoy ako. Paniguradong uhaw na uhaw na siya sa dugo dahil hindi pa nakakatikim ng dugo ang systema niya.

"Oh! Fvck!!" Hindi ko naiwasan ang mapamura ng kagatin niya ang leeg ko.

Sa sobrang pagkauhaw niya ay paniguradong mauubusan ako ng dugo. Napahawak ako ng mahigpit sa kanya nang idiin niya pa lalo ang mga pangil sa leeg ko.

"Sherez... hindi ko akalain na ganito na pala ang maaabutan ko."

Napatingin ako sa pinagmulan ng tinig. May isang babaeng nakatayo sa tabi ng bintana habang nakatingin sa amin, paano siya nakapasok dito? Nakasuot siya ng itim na mask para takpan ang ilong at bibig niya. Hindi pa rin humihinto si Sherez sa pag-inom ng dugo ko. Kapag hindi siya huminto mauubusan talaga ako ng dugo!

"Mamaya ko na lang siguro siya istorbuhin kapag napatay ka na niya." Sumandal siya sa wall habang nakahalukipkip.

"Sino ka?!" Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa dahil nakadagan sa akin si Sherez.

"Ako ang nagbabalik mula sa nakaraan ni Sherez.."

Sino ba siya?

Wait! Kung siya ang nagbabalik mula sa nakaraan ni Sherez? Ibig sabihin, si Death ang babaeng kaharap namin ngayon?! Bakit hindi ko maamoy ang pagiging wolf sa kanya?!

Huminto si Sherez na ipinagtaka ko. She groaned loudly at bumagsak sa tabi ko. Hinihingal siya at sobrang higpit ng pagkakawak niya sa kumot. Napansin kong unti-unting nawawala ang kulay ginto niyang mata at bumabalik ang asul na kulay nito. She's fighting against her Vampire form...

"Aaahh!! Keira! I-it hurts! Pa...parang sinusunog a...ang loob ng k...katawan ko!" Kinakain na naman siya ng Vampire form niya dahil nagsisimula na namang maging ginto ang mga mata niya.

Muntik ko nang makalimutan na may iba pa kaming kasama rito. Napatingin ako sa kanya at nakatitig lang siya kay Sherez. Bakit parang wala siyang balak patayin ito? Lalo na't magiging ganap na Vampire na si Sherez at pagkakataon na niya ito pero bakit?. Tumayo ako at tinitigan siya ng masama kaya nakuha ko ang atensyon niya.

"Ang ayoko sa lahat ay yung may tumititig ng ganyan sa kanya... naiirita ako."

"Bakit? Pagmamay-ari mo ba siya? Hindi naman di ba?" Bigla akong na inis sa sinabi niya. Lalapit sana ako pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa kanya at siya ang naglalakad palapit sa akin.

Parang hinawi niya lang ako gamit ang kanang braso niya pero ang impact ay ang pagtalsik ko at paghampas ng malakas sa wall. Lumapit siya kay Sherez na hanggang ngayon ay naninilipit pa rin sa sakit na nararamdaman niya. Gulat pero hirap na napatingin sa kanya si Sherez nang ipatong niya ang mga kamay sa kama.

"Lumayo ka sa kanya!" Sigaw ko pero hindi ako makatayo kahit pilitin ko. Anong ginagawa niya sa akin?!

Nakapikit ng madiin ang kanang mata ni Sherez dahil sa pain na nararamdaman nito ngayon.

"S-Shy? I-Ikaw si D-Death?" Halata sa boses ni Sherez ang pagkagulat. Teka? Sino si Shy na tinutukoy niya?!

"Ako nga..." binuhat niya si Sherez at naglakad patungo sa bintana.

"Bitawan mo si Sherez!"

Nagpupumilit akong makatayo pero pakiramdam ko may mabigat na nakadagan sa akin.

"K-Keira.. tulungan m-mo 'ko.. Ah!"

Ito ang huling sinabi niya bago naging purong ginto na ang asul niyang mga mata. Ang kulay itim na ugat sa kanang leeg ni Sherez ay umabot na sa pisngi niya. Mas lalong naging matulis ang mga pangil niya at may malakas na kapangyarihan ang unti-unti kong nararamadaman na nagpupumilit na lumabas.

May nakita akong espadang yelong mabilis na nagtungo sa direksyon ni Death pero agad niya itong nailagan. Napatingin ako sa pinto at nakatayo na doon si Reilee.

"Anong nangyari sayo at nakadapa ka lang dyan?" Baling sa akin ni Reilee. Sinubukan kong tumayo at nawala na ako sa kapangyarihan ni Death.

"Hindi ka man lang nagdalawang isip na baka matamaan mo si Sherez?!"

"Pasensya na." Halata sa mukha niya ang guilt.

Lumabas si Death sa bintana kasama si Sherez kaya sinundan namin sila, Sa rooftop siya pumunta.

Kasalukuyan namang nakikipaglaban ang mga Guardians at iba pang bampira sa mga wolf sa ibaba.

Ibinaba niya si Sherez at hinayaan itong tumayo mag-isa. Nakatayo lang siya sa tabi ni Sherez. Anong binabalak niya?

"Sherez... balak ka nilang patayin, hahayaan mo bang mangyari iyon?" Teka! Pinagsasabi ng babaeng 'to? may ibinubulong siya "Patayin mo sila, bago ka nila unahan.." what the!

Mabilis na nakapunta si Sherez sa likod ni Reilee at agad niya itong sinuntok. Sa lakas ay tumilapon si Reilee. Tiningnan ko si Death at kahit na nakamask siya ay kita kong nakangiti siya dahil masaya ang mata niya sa nakikita niya. Mabilis akong lumapit para yakapin si Sherez pero mabilis siyang nakapunta sa likod ko, kinalmot niya ako.

"Aaaahh! Shit!" Hinawakan niya ang leeg ko at malakas na inihagis.

Tiningnan ko siya at dinidilaan niya ang kamay niyang may dugo habang palapit sa akin. Mahaba na pala ang mga kuko niya. Napatingin ako sa wristwatch ko, 11:56pm na at malapit na mag 12:00am. Hinawakan niya ang buhok ko at iniangat.

"Hindi kami ang kalaban mo Sherez!"

Nagtataka lang itong nakatingin sa akin. Umiilaw ang ginto niyang mata at parang hinihipnotismo ako. Sinimulan niyang dilaan ang mukha kong may dugo, galing sa ulo ko.

"Can't you see? Wala na sa katinuan si Sherez at ang tanging nakatatak sa isipan niya ngayon ay ang patayin kayo."

"Dahil nilalason mo ang isipan niya..." Naglalakad na pabalik si Reilee. Napatingin sa kanya si Sherez kaya agad ko itong dinamba pahiga. Hinawakan ko agad ang magkabilang kamay niya.

"Aaaarrhggg!" Galit siyang nakatingin sa akin habang nagpupumilit na makaalis sa pagkakahawak ko. Shit! Kailangan na makarating ni Mr. Centrias dito! Hindi namin kaya si Sherez!

Lumapit si Reilee sa akin at binalutan ng yelo ang katawan ni Sherez. Nagpupumilit itong makatakas pero wala siyang magawa. Tumayo ako at binalingan si Death.

"Ang lakas ng loob mo na kontrolin ang pag-iisip niya!" Hindi ito sumagot at nakatingin lang kay Sherez na nagpupumilit na makaalis sa yelong ibinalot sa kanya ni Reilee.

Sinugod ni Reilee si Death, nakailag ito at bumawi pero mabilis si Reilee kaya nailagan niya rin ito. Gumawa ng matutulis na yelo si Reilee at ipinaulan kay Death pero mabilis itong nakaiwas. Gumawa ako ng lightning ball at hinagis kay Death pero mabilis siyang umiilag kaya sunod-sunod na ang ginawa ko. Inihagis ko ang panghuling lightning ball pero hinawi niya ito gamit lang ang kamay kaya sa ibang direksyon ito pumunta. Isang malakas na pagsabog ang narinig ko sa ibaba.

"Nasaan si Sherez?" Tanong ng kakarating lang na isang babae at may kasama siyang isa pang lalaki. Pumwesto sila sa tabi ni Death.

"Sandali... sila ang mga bestfriend ni Sherez." Nagtataka akong napatingin kay Reilee.

"Mga bestfriend niya?" Tumingin ako sa dalawa na nakatingin na rin pala sa amin. Bakit hindi ko maamoy ang pagiging wolf sa kanila?

Biglang napakapit yung dalawa kay Death ng may malakas na hangin ang nagmumula kay Sherez at may itim na apoy din ang bumalot sa kanya ngayon. Kasabay rin non ang pagyanig ng paligid at pag-itim ng ulap na unti-unting tinatakpan ang full moon. Nakawala na pala si Sherez sa yelong ibinalot sa kanya ni Reilee kanina. Bumibigat ang buong katawan ko.

"Alas dose na.. Kei." tumango lang ako kay Reilee. Nahihirapan na akong tumayo dahil may sugat pa ako sa likod.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Suz kasama niya sina Aishel, Sakira, Seba at Keiro. Mukhang yung iba na ang tumatapos ng laban sa ibaba.

"Sino ang gumawa nito sayo?"

"Maniniwala ka ba na si Sherez ang gumawa nito?" Sagot ko kay Keiro na may halong biro.

"Keira, kailangan mo munang magtago." Tinitigan ko ng masama si Reilee dahil sa sinabi niya.

"At bakit ko naman gagawin yon?!"

"May sugat ka at paniguradong walang awa kang papatayin ni Sherez pagkatapos niya inumin ang dugo mo."

"Tingin mo magagawa niya sa akin yan?!" Hinawakan ko ang collar ng uniform niya.

"Oo... dahil hindi na si Sherez ang kumokontrol sa sariling katawan at pag-iisip niya."

"Tama si Reilee.. tingnan mo si Sherez..." Sang-ayon ni Keiro

Tumingin ako sa direksyon ni Sherez. Nkatingin din sa akin habang dinidilaan ang kamay niyang may bahid ng dugo pa.

Na galing sa akin...

"Kaya ko ang sarili ko." Pagmamatigas ko sa dalawa.

Nagulat kami nang biglang nawala sa paningin namin si Sherez. Hindi pa kami nakakalingon sa likod ay tumalsik na kaming lahat. Hinanap ko agad siya at kahit sina Death ay inaatake niya rin. Naglabas siya ng itim na kidlat at hinagis sa amin. Nagsialisan ang mga kasama ko pero naiwan ako. Nanghihina pa ako dahil sa malaking sugat na iniwan ni Sherez sa likod ko pero nagulat ako nang may kumuha sa akin at inilagay ako sa gilid.

"R-Reilee..."

"Di ba sabi ko sayo? Hindi siya magdadalawang isip na patayin ka.. tayong lahat."

Tama, nasa ilalim siya ng sarili niyang kapangyarihan at wala siyang nakikilala kahit pa ang sarili niya. Umalis si Reilee pero ibinilin niya ako kay Suz. Nilabanan nila si Sherez pero ang way nila ay yung naghahanap ng pagkakataon na mapatulog ito. Natatakot ako na baka masaktan siya. Okay lang na ako ang masaktan, h'wag lang siya...

"Death! Umalis na tayo!" Sabi nung lalaking kasama niya.

"Tama si Reynold." Sang-ayon naman nung babae. "Kapag kaya na niyang kontrolin ang kapangyarihan niya, doon na natin itutuloy."

Ano ang itutuloy nila? Halatang ayaw umalis ni Death pero di kalaunan ay naglaho na sila.

Naglabas ng yelo si Reilee para balutan si Sherez pero inunahan siya nito gamit ang paghagis ng itim na apoy sa kanya. Naglabas si Sherez ng itim na espada gamit ang apoy at binabalutan ito ng itim at asul na kuryente. Hindi ko alam pero namamangha ako sa kapangyarihan na meron si Sherez ngayon. Nawala si Sherez at biglang naging alerto sina Keiro. Lumitaw si Sherez sa likod ni Reilee, gumawa agad si Reilee ng harang gamit ang yelo para pigilan ang atake ni Sherez pero nasira ito. Sunod na sinugod ni Sherez si Seba at hindi agad ito nakailag kaya  kinalmot niya ito sa braso. Hinawakan ni Keiro ang kamay ni Sherez dahil nakaamba na yung espada nito sa leeg ni Seba. Akala ko matatapos na doon pero nagulat ako ng lumayo si Keiro kay Sherez. Napatingin siya sa kamay niya na may sign ng pagkapaso. Gusto kong tumulong pero nanghihina pa rin ako.

"Keira, anong gagawin natin?"

"Hindi ko nga alam eh..." Sagot ko kay Suz na hindi maitago ang pag-aalala.

"Sherez, masyado ka nang nagpapainit kaya pwedeng cool ka muna?" Saan naman nakakuha ng lakas ng loob na may sabihin si Sakira. Tumagilid lang ang ulo ni Sherez, halatang hindi naintindihan ang sinabi ni Sakira.

"Sakira baliw ka talaga, hindi ka naiintindihan ni Sherez dahil wala siya sa sarili niya." Sagot ni Aishel.

Gumawa ng fireball si Sherez habang busy yung dalawa. Bakit kulay itim yung apoy niya? Hinagis niya ito sa dalawa kaya sinalag ito ni Sakira gamit ang tubig.

"Sherez wag ka madaya, nag-uusap pa kaming dalawa ni Aishel!"

"Hoy! Sakira puro ka reklamo diyan! Gumawa kayo ng paraan para mapigilan at mapatulog si Sherez!" Sigaw ni Suz.

"Suz! Labanan mo rin si Sherez tutal apoy naman din ang kapangyarihan mo!"

Napatingin si Sherez sa direksyon namin ni Suz. Naglakad siya pero hinarangan agad siya ni Keiro.

"Kami ang kalaban mo at hindi sila."

Hindi siya pinansin ni Sherez at naglakad papunta sa amin. Hinagisan ni Keiro ng lightning ball si  Sherez pero hinawi ni Sherez ang espada niya para sa ibang direksyon mapunta... sa direksyon nila Aishel at Sakira, umilag naman ang dalawa.

Pumunta si Sherez sa harap ni Aishel. Sa gulat ay hindi nakapag-react ito kaya hinawakan ni Sherez ang batok niya at kinagat siya sa leeg.

"Aaaahh!"

Pilit na itinutulak ni Aishel si Sherez pero niyakap siya nito ng mahigpit. Hindi makalapit sina Keiro dahil may harang na bumabalot sa kanila.

"Anong gagawin natin?! Mapapatay niya si Aishel!"

"Sherez!" Tawag ko bago tumayo.

Kita ko ang pagsulyap ng kulay ginto niyang mata sa akin habang kagat si Aishel. Binitawan niya ito pero hawak niya ang bewang nito habang nakatitig sa akin. Naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko nung bitawan na niya si Aishel. Humarang si Seba at Sakira pero parang papel lang silang hinawi ni Sherez.

Nakatayo na siya sa harap ko habang nakatutok sa leeg ko ang espada niya. Nagtaka ako ng ngumisi siya sa akin at hiniwa niya ang pader sa likod ko. Kitang-kita ko na nagliliyab ang hiniwa niya at.... parang ipinapakita niya na ganon ang mangyayari sa akin.

"H'wag mong ituloy yan Sherez."

Napatingin si Sherez kay Suz na nakalabas na ang apoy sa kaliwang kamay nito kaya tiningnan ito ni Sherez. Gulat na napatingin si Suz sa mga kamay niya nang kusang nawala ang apoy dito.

"K-Keira! Malakas nga talaga siya!" Sigaw ni Suz.

Iniangat na ni Sherez ang espada niya....

Hindi na niya ba kami nakikilala?

______________________

Continue Reading

You'll Also Like

465K 8.7K 29
Si Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nya...
3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
61.6K 3.4K 52
Barkada Series #3 Highest Ranks in Tags: #7 Confuse #7 Lesbian Story #6 WLW # 9 GL
169K 1.9K 78
[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Stories Real Life confessions from Readers