The Best Pretending Role

By faithtolove

76.9K 2.4K 1.8K

It's hard to pretend you love someone when you don't, but it's harder to pretend that you don't love someone... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Drake Ramirez Villarama
Chapter 2 Rea Angelica Dimapilis
Chapter 3 We Meet
Chapter 4 Applicants
Chapter 5 Find Her
Chapter 6 The Proposal
Chapter 7 Suitor
Chapter 8 Her Place
Chapter 9 The Contract
Chapter 10 Slam book
Chapter 11 Brothers
Chapter 12 His Family
Chapter 13 Quickie
Chapter 14 Bath Tub
Chapter 15 Breakfast
Chapter 16 Mangga
Chapter 17 Pick up Lines
Chapter 18 First Date
Chapter 19 Singing
Chapter 20 Necktie
Chapter 21 Ringtone
Chapter 22 Rain
Chapter 23 Mine
Chapter 24 First Love
Chapter 25 Rejection
Chapter 26 Gift
Chapter 27 Wrong Move
Chapter 28 Kiss
Chapter 29 Date
Chapter 30 Smell
Chapter 31 Dare
Chapter 32 Stars
Chapter 33 His Lips
Chapter 34 Text
Chapter 35 Happiness
Chapter 36 His Friends
Chapter 37 Stay
Chapter 38 Awkward
Chapter 39 Soft Heart
Chapter 40 Restaurant
Chapter 41 Ex
Chapter 42 Falling
Chapter 43 Come Back
Chapter 44 Lullaby
Chapter 45 Adventure
Chapter 46 Game Over
Chapter 47 Beginning
Chapter 48 Courting
Chapter 49 Pink
Chapter 50 Palayan
Chapter 51 Villarama
Chapter 52 LQ
Chapter 53 Basketball
Chapter 54 Decision
Chapter 55 Soon
Chapter 56 Teddy Bear
Chapter 57 Moment
Note

Epilogue

665 14 5
By faithtolove

Thank you so much po sa patuloy na pagbabasa sa story ni Rea at Drake. Super tagal nitong matapos. Heto na po finally. Enjoy reading!

________

Rea's POV

Alas sais palang gising na ako. Tinatamad akong bumangon. Sarap kasing humiga at magmuni muni habang kayakap ang macho gwapito kong asawa.

Yumakap ako sa kanya saka inamoy ang leeg niya.

Hmm sarap papakin ng keroppi ko. Umungol siya sa ginawa ko. Napahagikgik ako. Makagat nga.

"Aray!" Aniya saka ako tinampal sa mukha.

Aray! Sakit ah. Ngumuso ako. Nakakagigil kasi siya. Sarap niyang pagmasdan habang walang damit. Naglalaway tuloy ako sa pandesal niya. Napangisi ako ng may maisip na naman. Kinagat ko ang nipples niya. Napasigaw naman siya.

"Ano ba? Naka drugs ka ba??" Gulo ang buhok niya habang nakasimangot sa akin. Cute talaga ng asawa ko

"Sorry na keroppi. Nakakagigil kasi." Umirap siya sa akin saka humiga ulit at nagtalukbong.

"Ang damot mo naman. Para kagat lang eh. " Hinila ko ang kumot saka sumiksik sa kanya. Niyakap naman niya ako. Ang bango talaga niya. Inamoy ko ang kilikili niya. Napahalakhak naman siya.

Tumayo siya at lumayo sa akin. "Ano bang nangyayari sayo Rea Angelica Villarama huh?" Kahit galit na siya napanguso ako ng makita ang kabuuan niya.

Shet. Sarap yatang pisilin ng pandesal niya.

Sinamaan niya ako ng tingin ng makitang di ko siya pinapakingan. Nanlaki ang mata ko ng makita ang nipple niya.

"Hala may marka. Sorry keroppi." May naiwang marka ang ngipin ko sa nipple niya. Hindi ko napansin na napadiin pala ang pagkagat ko.

"It's okay. I'll cook our breakfast. Just stay here and wait for me. " Umalis siya. Napanguso na naman ako. Iniwan ba naman ako.

Sa tatlong buwan naming magkasama ang dami kong nadiscover tungkol sa kanya. Ang sarap palang maging asawa ni Drake. Kahit masungit siya kagaya ng personality niyang namana sa ninununuan niya ay nagbabago pagdating sa akin.

Naging malambing siya. Lahat ng gusto ko binibigay niya. Kahit ayaw niya sa pinapagawa ko ginagawa niya pa rin. Buhay prinsesa ako sa kanya.

Kaya kayong mga nakakakilala sa akin maghanap na kayo ng jowa niyo. Yung kaya kang mahalin kung sino ka. Yung aalagaan ka sa gitna ng kahirapan. Yung pupunasan luha mo at sasabihing 'everything will be alright'. Yung mamasahiin ka kapag pagod ka. Yung patatawanin ka kapag malungkot ka.

Hindi puro pabebe at pagwapo moves lang ang alam.

Bumaba ako at sinundan siya. Naaamoy ko na ang ang sinangag sa kusina. Kitang kita ko ang walang hiyang asawa kong nakahubad na parang model sa kusina. Nakatalikod siya sa akin kaya yumakap ako sa kanya.

Napangiti siya saka lumingon sa akin. Tinukod ko ang ulo sa balikat niya. "Sarap naman." Bulong ko sa kanya.

"Syempre luto ko para sa dyosa. " Aniya.

"Pero mas masarap ka." Bulong ko saka kinagat tenga niya. Agad na akong lumayo sa kanya.

"Rea!" Napameywang siyang humarap sa akin. May hawak na spatula ang daddy niyo habang topless at may pawis sa dibdib habang nakabalandra ang anim na pandesal. O imagine? Masarap di ba?

"Kanina ka pa ah. Lagi kang nangangagat. Hindi ako pagkain."

"Ito namang keroppi ko." Lambing ko saka yumakap sa kanya. Hinapit niya ako sa bewang. Inamoy ko ang leeg niya.

"Bango mo talaga Drake. Paamoy ng kilikili mo." Sabi ko sabay taas ng kamay niya.

"Lintik na-" Di niya natapos sinasabi niya napahagikgik na siya. Pinagpatuloy ko naman ang pag-amoy sa kilikili niya.

Agad siyang lumayo sa akin. "Kung di lang kita mahal ipapatukhang kita."

"Adik lang naman ako sayo ah. Damot mo naman." Nilapitan niya ako saka niyakap. Nakakuha ako ng pagkakataon kaya kinagat ko na naman nipple niya

"Tangina!" Tumakbo akong mabilis. Alam ko galit na naman yun kaya napahagikgik talaga ako.

-----

"Keroppi gusto kong kamote saka suka." Nag puppy eyes kong sabi sa kanya.

"W-what? Kamote at suka? Anong gagawin mo dun?"

"Itatanim." Umirap ako sa kanya. Tanga talaga nitong asawa ko. Anong gagawin ko sa kamote at suka? Malamang kakainin.

"Weird ka na nga dati lalo kapang naging weird ngayon." Bulong nya with matching kunot noo.

"May sinasabi ka?" Kumamot siya ng ulo.

"Wala naman wife. Bibili ako basta diyan ka lang. Baby, wait mo si daddy ha. Kukuha lang ako ng pagkain mo." Hinaplos niya ang tiyan ko saka hinalikan ako sa noo bago umalis.

Yes. I'm two months pregnant. Sa tindi ba namang kumayod ni Drake sa kama imposibleng hindi kami makabuo.

Lumabas ako ng bahay habang hinihintay si Drake. "Tagal naman niya. Nakakainis na siya ah."

"E ma'am five minutes pa lang siyang umalis ah?" Tanong ni Inday sa akin.

"May sinasabi ka?!"

"Ah eh wala ma'am. Sabi ko ganda mong buntis. Lumaki ilong mo." Umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Nakakaiinis talaga ito!

"Gusto mong gawin kitang litson Inday?" Namutla ito.

"Aray naman. Sakit naman sa dibdib. Nakakahurt ka na ah." Aniya. Bakit ito pa kasing kinuha naming katulong? Sana pala pinabalik ko na ito sa mansyon eh.

"Masikip lang bra mo, Inday. Lamon ka kasi ng lamon. " Umirap ako.

"E ma'am wala na akong pambili. Tsaka nag diet naman ako kaso nga lang mahirap mag diet talaga. Yung sinasabi nilang 30 day challenge sexy na sila kalokohan yun! Sarap kayang kumain."

"E paano pati expired kinakain mo kaya ayan lalo kang tumataba." Kontra ko. Nabwibwisit talaga ako sa pagmumukha ni Inday. Para siyang mamon.

"E ma'am kesa itapon di ba? Sayang naman." Tinitigan ko siya ng masama.

"Ma'am s-sandali lang. Maghuhugas pa pala akong pinggan." Nagmadali siyang umalis. "Jusko hirap kausap ng engot." Bulong niya.

"May sinasabi ka??"

"Wala ho sabi ko gusto kong balot!" Tumakbo siya papasok ng bahay. umuga pa nga ang lupa buti nalang nakahawak ako sa duyan. Joke lang.

Umupo ako dito sa tambayan kong duyan.

Hindi ko maintindihan. Ang hirap palang magbuntis. Naging masungit ako samantalang dati smile to everyone ang motto ko. Minsan si Drake ang nahihirapan. Paano ang pangit niya sa paningin ko.

At dahil bwisit na bwisit na ako kay Drake ay napapadyak na ako. Ang tagal talaga!

Habang nag-aalburuto ako sa inis ay narinig ko na ang busina sa harap ng bahay. Napangisi ako. It's payback time hihi.

---

"Manang nakita niyo ba si Rea? " Dinig kong sabi niya.

"Ha? Naku hindi ko alam. Tanong mo kay Inday. " Napahagikgik ako dito sa mga halaman sa hardin. Kanina pa paikot ikot si Drake sa bahay. Halos namutla na siya. Hindi ko alam kung sa pagod o sa takot.

"Inday!"

"Ay ser!" Sigaw ni Inday sa di kalayuan.

"Si Rea??!"

"Rea? Ah eh....kwan.." kumamot ito ng ulo. "Ewan ser. Kanina pa mainit ulo niya. Tagal mo daw. Pati ang bra ko dinamay sa galit niya. Wala naman ginagawa ang bra ko sa kanya." Napameywang si Keroppi habang nakakunot ang noo. Gwapo talaga ng hubby ko.

"Huy!"

"Ay palaka!" Halos mapatalon ako mula sa likuran ko. Paglingon ko pagmumukha ni Wayne nakita ko.

Dahil sa ingay at sa ginawa ng bakulaw na Wayne na ito napalingon tuloy si Keroppi sa amin. Nakasimangot ito at parang naiirita. Napa peace sign ako.

Nahuli ako ni keroppi kaya naiinis ako kay Wayne. "Ang pangit mo na lalo kapang pumangit sa paningin ko."  Irap ko.

"Teka ano bang ginawa ko?" Nalilitong tanong niya. O di ba? Tanga?

"Kanina pa kita hinahanap. Nilibot ko na buong bahay wala ka. Tapos nandito ka lang. I'm worried about you. I thought you left. Inisip ko baka may kidnapper na kumuha sayo. Ano bang ginagawa mo dito?" Sunud sunod na tanong ni Drake.

"Oa mo naman. Tagu taguan sana tayo. Kaso panira itong si Wayne. Yan tuloy nahuli ako." Ngumuso ako .

"So childish Rea. Ano ka 8 yrs old?!" Napaiyak ako sa sinabi ni Wayne.

"S-sakit mong magsalita. I hate you. Sasabihin ko kay Anika ipakulam ka." Humikbi ako. Napanganga siya. Nagtataka sa inasal ko.

Ako rin naman nagtataka bakit ganito ako. Mula ng magbuntis ako masyado na akong sensitive. Naging iyakin ako. Madalas nga naduduwal ako. Mabuti nala lang laging nakadamay si Drake.

"Fuck!" Mura niya kaya ngumawa ako. Niyakap naman ako ni Drake.

"Shhh.." Alam ko kahit di ko nakikita galit si Drake kaya nga nagmukhang suka si Wayne sa putla.

"Sabi ko sayo itigil mo ang panonood ng koreanong binabad sa suka ang putla. Kung anu-anong drama naiisip mo." Umirap pa ang siraulo sa akin.

"Gwapo kaya mga characters sa kdrama. Ikaw panget!"

"Aba't talagang kung makapangit. Nahiya naman ilong ko sa ilong mo Reatot." Pang-aasar pa niya.

"You shut up dude or else I cut your tongue." Bumelat ako kay Wayne. Syempre ipagtatanggol ako ni Keroppi ko. Ako kaya ang reyna ng buhay niya.

"Mas gwapo naman ako sa mga koreanong espasol na iyon. Pag ako nakapasok sa loob itatapon ko lahat ng poster mong koreanong multo. Naaalibadbaran ako." Umiyak na naman ako. Bwisit kasi ito. Pati mga oppa ko

"Fuck! Wag ka ng umiyak. Sorry na. Bati na tayo." Ngumuso si Wayne sa akin. May advantage din talaga ang buntis. Nagagawa ko ang gusto ko. Spoiled nga ako kay Drake eh. Pati sa mga kapatid nya ay lagi akong pinagbibigyan.

"Madam heto na ang kamote!" Masiglang sabi ni Inday. Kumunot ang noo ni Wayne ng makita ang bitbit ni Inday.

"Camote with matching suka and chili? Seriously? That's disgusting." Nandidiri nitong sabi habang inaamoy ang camote. May sumilay na kapilyahan sa akin.

"Gusto mo bati na tayo?" Tumango siya sa akin. "Kainin mo yan ubusin mo." Nanlaki ang mata niya habang nakaawang ang bibig. Tumawa naman si Drake.

"Yeah, you just save me dude."

"T-teka ..hindi naman ako ang buntis ah." Umaatras na sabi ni Wayne.

"Ang sabi ko ikaw kumain. Pag di mo ginawa isusumubong kita kay Anika."

"Oo na." Pinanood namin siyang umupo sa bench. Namumutla siyang napalunok. Ako naman ay todo ngisi. Kinuha ni Drake ang cellphone. Alam ko na ang gagawin nito. For sure may video na naman na kakalat sa kanilang magkakapatid.

Tinikman niya ito ng isawsaw sa suka. "Fuck!" Muntik na niyang maluwa ang kamote. Sinamaan ko siyang tingin. Pilit niya itong nilunok.

"Kapag ikaw nanganak na humanda ka." Babala niya sa akin.

"May sinasabi ka?"

"Wala sabi ko masarap." Pilit niyang kinain ang kamoteng may suka. Tawa ako ng tawa habang nakangiwi siyang kumakain.

Habang nag-uusap silang magkapatid ay pumasok ako para kumuha ng chuckie. My favorite hihi.

Pagbukas ko ng ref namin kulang ang chuckie ko. Nakakainis sinong kumuha? "Nasaan ba yon? Chuckie where are you?" Kahit anong kalkal ko sa fridge wala.

"Tatlo ito kahapon bakit isa nalang. Ano nagtampo at nilayasan ka chuckie 1?" Nakakapagtaka talaga.

"Kerroppi!!" Sigaw ko. Humahangos naman si Drake papasok kasunod si Wayne.

"Are you okay? What happened. Manganganak ka na ba?" Tarantang tanong niya. Sinapok ko nga.

"Two months palang baby natin ano siya engkanto?" Kumamot siya ng ulo.

"E bakit ka kasi sumisigaw? Parang sirena yang bunganga mo?" Nilapitan ko si Wayne. Tinaas ko ang damit niya. Nagulantang naman siya at napaatras.

"T-teka! Rea naman alam kong gwapo ako pero tangina di tayo talo!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Tinaas ko ulit ang damit niya. Kinapa ko ang bulsa niya. "H-huy! Tsansing na yan. Kuya!" Tawag niya kay Drake na tulala pa rin.

"Saan mo dinala yung chuckie ko." Naiiyak na sabi ko. Nalaglag ang panga niya. Hinila naman ako ni Drake at pilit na nilalayo sa kapatid.

"Anong chuckie???"

"Ilabas mo! Kinuha mo! Tatlo yun e bakit isa na lang?!" Nakakainis. Lumapit na naman ako kay Wayne. Umatras naman siya. Pilit kong hinihila ang damit niya.

"What the..fuck.." Di makapaniwalang sabi niya.

"Minumura mo ba ako?"

"Hey wife. Baka naman nainom mo na nakalimutan mo lang. I'll buy you again. Just don't get upset okay?" Marahang sabi niya. Inaalo niya ako.

"Chuckie ko yun eh. Hanggang sabado dapat yon. Bilang na bilang ko. Pag nalaman ko kumuha lintik lang walang ganti." Sabi ko.

"Hello po. Ser ano pong gusto niyong ulam?" Binalingan ko si Inday. Agad na may naisip ako.

"Inday ilan ang chuckie sa ref?"

"H-ho? Tatlo? Ay isa?" Namumutlang sagot niya

"Inday!!!"

Mabilis siyang umalis. Hahabulin ko sana pinigilan ako ni Drake.

"Hey sabi ko ibibili kita. Okay na hayaan mo na." Pampalubag loob na sabi ni Drake sa akin.

"Walang hiyang Inday pati chuckie inaagawan ako!"

"Hindi ko alam kung saan ako matutuwa. Sa engot na Rea o sa baliw na buntis." Sinuntok ko sa braso si Wayne. Nakaasar kasi.

"Aray!" Namula siya sa galit.

Nagposisyon siyang ala Manny Pacquiao saka hinahamon ako. "Sige suntukan nalang tayo." Aniya.

"Ah ganon." Tinaas ko ang sleeve ng damit ko sa braso saka humarap sa kanya. "Sige Manne tapang mo Manne wala kang binatbat saken." Aling Dionisia kaya ako. Anong laban ni Mane sa nanay niya.

Tumalon talon pa ako habang siya ay umunat unat pa. Napahilot ng ulo si Drake.

"Sige larga na." Ani Wayne. Susugod na ako ng binuhat ako bigla ni Drake.

"Drake boxing kami hindi wrestling." Inis na sigaw ko. Para akong sako na buhat niya. Inakyat niya ako sa kwarto kaya tawang tawa si Wayne.

"May araw ka rin sa akin!" Bumelat lang ang walang hiya.

-----
"Keroppi dalian mo!" Sigaw ko. Check up ko ngayon. Magpapa-ultrasound ako. Excited na akong malaman kung boy o girl. "Hubby!"

"Hayan na!" Nagmamadali siyang bumaba. Hinawakan niya ako sa bewang para alalayan. O di ba sweet ng hubby ko.

Marami ng nangyari sa amin. At masasabi kong masaya kami. Masungit pa rin si Drake pero malaki na ang pinagbago niya. Masyado siyang maalaga sa amin ng magiging baby niya. Araw-araw ginagawa niya akong prinsesa. Matagal na rin kaming lumipat ng bahay.

"Kerroppi anong gusto mo boy o girl." Tanong ko habang nasa kalsada na kami.

"Hmm boy."

"Ayoko gusto ko girl." Umirap siya sakin.

"Sana di mo na ako tinanong, tss "

"Sana di ka na rin sumagot. Basta girl tapos dapat kaugali ko siya. Gusto ko little Rea. " Lalo siyang sumimangot at bumubulong.

"May sinasabi ka?"

"Wala. Sabi ko kahit ano basta healthy."

"Yes. Tska dapat nagmana sa akin." Huminga siya ng malalim na wari ay may gustong sabihin.

"I hope not. Sakit sa ulo." Bulong na naman niya.

"Ano kamo?"

"Wala sabi ko malapit na tayo." Di ko na lang siya pinansin. Ilang minuto lang ay nakarating na kami.

Grabe hirap na hirap ako sa paglalakad. Six months palang tiyan ko feeling ko kabuwanan ko na.

"Kerroppi buhat." Nag puppy eyes ako. Kumunot ang noo niya niya sa akin.

"Nagpapatawa ka ba? Palagay mo mabubuhat kita? Sa bigat mong iyan, Rea." Napanguso ako.

"Sakit mo namang magsalita. Kasalanan ko bang dambuhala na ako ngayon. E kung di ka ba naman halimaw na gabi gabi sumisisid ka malamang di ako balyena ngayon!" Nakakainis siya huh.

Namula naman siya habang lumilinga sa paligid. "Just lower down your voice. People might hear you." Bulong niya.

"At bakit? Nahihiya ka? Napakawalang puso mo talaga. Di ka na makakaulit sa akin."

Tumaas ang gilid niya saka tumitig sa akin. "Talaga? Are you sure?"

O kita niyo na. Gwapo lang pero tangina wala talaga pagmamahal sa katawan to. Walang kalambing lambing.

Umirap ako saka iniwan siya. Nakasunod lang siya na parang body guard. Pagkarating namin sa loob syempre hinanap ko agad secretary ni doktora. Infairness kay secretary todo postura. Lagkit pa kung makatingin sa kerroppi ko.

"Miss ako ang buntis hindi ang asawa ko." Sabi ko habang nakangiti. Artista ako di ba. Best actress in a pretending role nga ako hindi ba?

"I know ma'am. Masyadong gwapo kasi asawa mo." Sabi pa niya ng nanunuya.

"At ano ako pangit?"

"Ho? Wala akong sinasabi ma'am. Sabi ko gwapo asawa niyo." Inakbayan ako ni Drake saka bumubulong. Pinapakalma ako. Nakakastress kasi.

"Gwapo nga kaya asawa ko di ba? Diyosa kaya ako." Natawa si Drake na ikinapula naman ng secretary sa harapan ko.

"Let's go wife. Baka lumabas si baby ng di oras. Magiging curious si baby kung totoong dyosa ka nga. And ting! Fake news " humalakhak ang baliw.

Nakakainis ka talaga kerroppi! Kinurot niya ang ilong ko kaya pinalo ko siya. "Ganda ng ilong mo wife. Parang kamatis sa laki."

"Drake!!!" Humalakhak lang siya saka na ako hinila papasok sa kwarto ni doctora.

Pagkabukas ng pinto bumungad ang nakangiting si doktora. Pinaupo niya kami. "How are you hija."

"Still alive and kicking, doc. Malikot ang baby ko feeling ko dancer ito paglabas." Tumawa si doktora.

As usual tinanong niya kung anong nararamdaman ko. Kung walang bleeding. Kung wala akong nararamdamang kakaiba. Pagkatapos ay pinahiga niya ako sa bed saka nilihis ang tiyan ko. May oinahid siyang gel na malamig.

"Oh. There is the baby!" Masayang sabi ni doctora. "Heto ang ulo. Ay wait. Bakit dalawa yata."

"Ho? Dalawa ulo ang baby ko?" Gulantang kong sabi. Napatawa naman si doktora sa akin.

"No. I mean. They are twins. Congratulations!"

Twins

Twins

"What? Twins?" Tumango ang doktora sa akin na nakangiti. Binalingan ko si Drake na tulala pa rin.

"Drake, twins daw."

"Yeah. Narinig ko. Twins. Shit."

"Drake. Twins daw."

"Oo nga. And I'm very happy." Hinalikan niya kamay ko. Mukhang naluluha pa nga

Napaiyak ako. "Drake twins daw. Ano ba yon? Sabi ko gusto ko girl eh. Ano ba yung twins?" Muntik ng malaglag da upuan si Drake. Mukhang timang na di makapaniwala sa sinabi ko. Si doktora naman ay tawang tawa

Napanguso ako. Ano ba yun?

------
Drake's POV.

My life before is in the dark. I live in sadness. Akala ko dahil sa pinagdaan ko wala ng pag-asa. I'm broken hearted many times. Hindi ko alam na magiging masaya pa ako ngayon. Maybe God's plan is the best. Hinayaan Niya munang pagdaanan iyon bago ko makilala ang babaeng magbibigay ng kulay sa buhay ko.

"Kerroppi!!"

"Yes wife?" Pinagmasdan ko ang mukha ng babaeng mahal ko. She's wearing simple blouse and maong shorts. Nakapusod ang buhok at may ilang hiblang tumatabing sa mukha niya.

"Nasaan ang kambal?"

"I don't know. Wala ba sila sa kwarto?" Kumunot nag noo ng napasimangot na naman misis ko.

"Wala sila. Pagod akong maglinis tapos dadatnan ko ang kwarto nila para sinabugan ng bomba." Napabuntong hininga ako.

Makulit at malikot talaga ang kambal. Pinaglihi kasi sa chuckie kaya energetic. Sakit sa ulo ang araw-araw may ginagawa silang kalokohan. Mabait naman ako noong bata. Sigurado nagmana sila kay Rea.

"Kambal!" Tawag niya. "D1 D2!" Wala sila. Pumunta kami sa kwarto, sa labas,sa kusina wala pa rin sila.

Naiwan ako sa kusina para kumuha ng tubig. "Hihi dalian mo ubusin mo yan." Kumunot ang noo ko saka binuksan ang cabinet.

"Patay!" Sabi ni Drew.

"Patay din ako." Dugtong ni Drei. Marumi ang damit nila pti mukha ay puno ng chocolate.

Mga pasaway talaga. Ngayon palang na bata sila sumasakit na ulo ko paano pag lumaki na? Maaga yata akong makakalbo.

"Keroppi sundan na natin sina Kambal." Bulong ni Rea sa akin

"Yeah. Tara." Nagningning ang mata niya sa saya. Kumunot ang noo ko. Susundan lang ang saya na niya. Ang babaw talaga ng kaligayan ng asawa ko.

"Tara nasa labas sila sundan natin." Laglag ang balikat niya . "O bakit?"

"Keroppi naman eh!" Pumadyak na parang bata.

"What?"

"Sabi ko sundan na natin kambal. As in gawa na tayo another set of kambal." Napangisi ako.

"Pilitin mo muna ako." Ngumuso siya. Cute talaga ng misis ko.

"Ikaw naman. Pasalamat ko nga sayo may lahi kayong kambal. Akalain mo yon may tito ka palang kambal. Kaya sige na sayang ang lahi." Natawa ako sa pinagsasabi niya. I pinch her nose.

"Pilit pa." Napangisi na naman ako ng bumubulong siya.

"Basta mamaya sexy time tayo. Dapat makabuo na tayo. Itatali kita kala mo." Napahalakhak ako sa kanya. Nanggigil akong niyakap siya.

"Sige na nga mapilit ka. Tara sundan natin kambal..sa garden." Sinamaan niya ako ng tingin pero sumunod naman.

"Panget!"

"Mas panget ka!"

"Pinakapangit sa balat ng lupa!"

"Ikaw pangit sa buong universe!"

"Kids enough!" Awat ko sa kambal. They are four years old now. Drew Rain Villarama and Drei Raven Villarama.

Inosenteng lumingon ang mga anak ko. "Papa! Si Drew sabi niya pangit daw ako."

"E pangit ka namang talaga." Sagot ni Drei.

"No!"

"Yes!"

"Hep! Ano ba? Magkamukha lang kayo. Kung pangit ang isa edi pangit kayo pareho. Sino ba kamukha niyo?" Nakapameywang si Rea habang nanenermon sa kambal."Si papa po." Inosenteng sagot nila

"Kung pangit kayo edi pangit din si papa?" Umirap ako. Hanggang ngayon inis pa rin ito. Noong nanganak at makitang kamukha ko ang kambal gusto niya gawa daw kami ulit. Gusto niya kamukha niya. Di daw kami titigil hanggat walang small version niya.

Buti nalang malakas ang dugo ko.

"Say sorry."

"Sorry." Sabay na sagot ng kambal.

"Pero Papa sino ang pinakapangit sa atin?" Kuryosong tanong ni Drei.

"Sino nga ba?" Kumunot ang noo ko.

"Si Mama!" Sabay na sagot nila. Humagikgik pa ang mga loko.

"Aba talagang!" Hinabol niya ang kambal. Napangiti  ako. Pinanood ko sila habang naghahabulan.

Kamukha ko nga sila ugali naman ni Rea ang nakuha. Well, I have a cute wife and I'm proud of it.

"Reatot pangit!" Sigaw ni Wayne. Isa pa ito. Walang magawa sa buhay. May bitbit siyang cassava cake.

"Wow! Tito pogi pahingi po." Masiglang sabi ng kambal.

"Of course. Give me a kiss first." Aniya . Tinuro pa niya ang pisngi niya.

"Boys don't kiss boys. It's nakakabading." Umirap ang mata ni Drei. Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng anak ko. Sinasabi ko na nga ba.

"Hoy Reatot yang anak mo oh." Natatawang sabi ni Wayne. "Parang si Jessica kung magsalita."

"Hey! I heard my name. Miss me?" Tinampal ni Wayne sa noo si Jess kaya nainis naman ito. "Kuya its masakit kaya."

"Ikaw kung anu anong tinuturo mo sa kambal!"

"Tama na yan. Kainin nalang natin yang dala mo. " Singit ko.

Masaya kaming kumain. Tawa ng tawa si Wayne habang inis na inis naman si Jessica. Hindi na talaga nagbago ang dalawang ito.

"Arte arte mo tindero ng ice cream ang mapapangasawa mo niyan."

"Kuya! I hate you talaga!"

Habang pinapanood ko silang naglalaro ng taguan ay napapangiti ako. Sinong mag-aakalang ang pagpanggap namin ay nauwi sa totohanan. Maybe we begin in a pretending but we end up in happy and contented life.

"Taya ka!" Turo ni Wayne kay Drew.

"No! Mandaraya ka tito pogi!" Nag-away-away pa sila kung sino ang taya.

Habang pinapanood ko sila naramdaman ko ang pagyakap ng asawa ko sa bewang ko. "Thank you Drake."

"For what?" Inakbayan ko siya. Sumandal naman siya sa balikat ko.

"For loving and giving me a happy family."

Ngumiti ako sa kanya. "No. Thank you for giving me a new life. I love you wife."

"Mas mahal kita keroppi ko. Gawa tayo mamaya babaeng kambal naman. Dapat kamukha ko na saka dapat energetic rin kagaya ko." Napasimangot ako sa sinabi niya. Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Cute mo." Ngumuso ako sa kanya. Ang kulit talaga.

"Mas cute ka." Sagot ko. Niyakap niya ako. Napangiti nalang ako habang pinapanood ang mga anak ko. Wala na akong mahihiling pa. Tama nga ang sinasabi nilang love comes at a right time. And the woman beside me is the right person for me. I love my wife. I love her flaws. I love everything about her. And  I'll spend my life time with her.

"Ako si Rea Angelica Dimapilis Villarama ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa!" Sigaw niya. Natawa naman ako. Baliw talaga ito.

"And I'm Drake Villarama ang pinakaswerteng tao sa balat ng lupa. Dahil misis ko na si Rea Villarama."

"Ayiiee kinikilig ako." Aniyang namumula. Mabilisan ko siyang hinalikan sa noo.

And this is our life. We're now signing off.

The End

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 29.2K 41
"I'll do anything you want, wag ka lang mag sumbong." He was staring at my eyes and lips alternately. Nawala yung ngisi nito. "Anything? Seryosong ta...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
12.6K 532 36
Masaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang tra...