The Best Pretending Role

由 faithtolove

76.9K 2.4K 1.8K

It's hard to pretend you love someone when you don't, but it's harder to pretend that you don't love someone... 更多

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Drake Ramirez Villarama
Chapter 2 Rea Angelica Dimapilis
Chapter 3 We Meet
Chapter 4 Applicants
Chapter 5 Find Her
Chapter 6 The Proposal
Chapter 7 Suitor
Chapter 8 Her Place
Chapter 9 The Contract
Chapter 10 Slam book
Chapter 11 Brothers
Chapter 12 His Family
Chapter 13 Quickie
Chapter 14 Bath Tub
Chapter 15 Breakfast
Chapter 16 Mangga
Chapter 17 Pick up Lines
Chapter 18 First Date
Chapter 19 Singing
Chapter 20 Necktie
Chapter 21 Ringtone
Chapter 22 Rain
Chapter 23 Mine
Chapter 24 First Love
Chapter 25 Rejection
Chapter 26 Gift
Chapter 27 Wrong Move
Chapter 28 Kiss
Chapter 29 Date
Chapter 30 Smell
Chapter 31 Dare
Chapter 32 Stars
Chapter 33 His Lips
Chapter 34 Text
Chapter 35 Happiness
Chapter 36 His Friends
Chapter 37 Stay
Chapter 38 Awkward
Chapter 39 Soft Heart
Chapter 40 Restaurant
Chapter 41 Ex
Chapter 42 Falling
Chapter 43 Come Back
Chapter 44 Lullaby
Chapter 45 Adventure
Chapter 46 Game Over
Chapter 47 Beginning
Chapter 48 Courting
Chapter 49 Pink
Chapter 50 Palayan
Chapter 51 Villarama
Chapter 52 LQ
Chapter 53 Basketball
Chapter 54 Decision
Chapter 56 Teddy Bear
Chapter 57 Moment
Epilogue
Note

Chapter 55 Soon

2.3K 61 30
由 faithtolove

Rea's Pov

Ang sarap ng  tulog ay naputol ng biglang para akong nahulog. Na experience ko na to dati, e. Yung sarap na sarap ka sa pagtulog tapos bigla para kang mahuhulog sa bangin. Kaya heto napabalikwas ako dahil sa gulat. Akala ko talaga nahulog ako sa bangin.

Tumayo ako saka inayos ang pinaghigaan bago lumabas para maghilamos.

"Gandang umaga.." Umunat ako ng isa pang beses bago umupo sa bakanteng silya katabi si Kira. Kumunot ang noo dahil napakatahimik nila.

Tiningnan ko sila isa isa at pawang nakayuko at malungkot. Napansin ko ang pamumula ng mata ni Kira kasabay ng pagsinghot.

"Anyare?" Walang sumagot sa kanila.

Sinubukan kong hagilapin ang paningin nila pero nabigo ako kaya si Kira ang pinagtuunan ko ng pansin.

"Kira? Why are you crying?"

"Ate naman...no english please." Napasimangot ako sa sinabi niya. Inabala nito ang sarili sa paglalaro ng kanyang suman.

Tumikhim si kuya Xander kaya naagaw naman ang atensyon ko. Si mama ay tumayo para kumuha ulit ng suman sa basket. Weird.

"Asan nga pala si Drake?" Natigilan si Papa pero di nagsalita.

"Kuya..." Pinagtaasan ako ng kilay ng kulugo. Parang may mali sa kanila. Kilala ko ang kilos ng pamilya ko. Alam ko kung kelan may mali or something.

"This time.." Tinignan niya ang relo sa bisig. "Kakaalis pa lang. Siguro mga limang minuto pa lang siyang nakakaalis." Lalong kumunot ang noo ko.

"Aalis? Saan siya pupunta?" Hindi ko alam kung desperada ang boses ko o sadyang nabigla talaga ako. Wala naman siyang sinabing aalis siya. Okay na kami kahapon nagkausap na kami ng maayos.

"Hmm.." Tumawa si kuya Xander saka sila naghigh five ni kuya Cyrus. Nakakaasar!

"Kuya naman eh!" Halos pukpukin ko na ang mesa sa sobrang kaba.

"Hindi ba niya sinabi sayo? Ikaw naman kasi pakipot ka, akala niya wala na siyang chance kaya hayun uuwi na ng Cebu."

Teka teka...

Pupunta ng Cebu? Nabibingi na rin ba ako? Pinilig ko ang aking ulo saka humarap sa kanila.

"ANO?" Halos mapatalon sa gulat si Kira kaya nataranta ako. Bawal pa naman sa kanya ang nagugulat. Nakalimutan kong may sakit siya sa puso.

"Sabi ko umuwi na ng Cebu." Tinaas ni kuya Cyrus ang gilid ng labi niya.

"Anong pinagsasabi niyo?" Singit ni papa.

"Pa, di ba nagpaalam na siya kanina? Sabi niya suko na siya kasi itong si Rea napakatigas. Saka hinahanap na siya daw sa kanila." Tugon ni Kuya Xander.

Napatayo ako ng wala sa oras sa upuan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot na maiiyak sa nangyayari. Iiwan niya ako? Iniwan niya ako! Ang daya niya!

"Pero kung hahabulin..baka nasa kanto pa lang iyon." Rinig kong sabi ni kuya Xander.

"Ikaw naman kasi ang dami mo pang drama sa katawan. Yan sumuko si Drake." Sermon ni mama. Hindi ako makagalaw kasi di ko talaga alam kung bakit! Wala na si Drake!

"Boto pa naman ako dun sa taong yon. Once pumunta na siyang Cebu baka di na yun babalik." Panggagatong pa ni Kuya Cyrus. Hindi ako nakatiis kaya tumalikod ako at natalisod pa ako sa dulo ng silya. Lintik na! Napamura ako sa sakit ng aking daliri sa paa.

"Saan ka pupunta?" Tanong nila sa akin.

"Hahabulin ko si Drake! Sasama ako!" Halos pasigaw na sabi ko.

Wala na akong pake kung anong isipin nila. Dapat kasi di na ako nagpakipot eh! Dami ko pa kasing arte sa katawan. Sana inamin ko na kahapon sa kanya para hindi na siya umalis ngayon.

"Di mo mahahabol iyon ng tumatakbo. Gusto mo hatid kita?" Nakangising alok ni Kuya Xander. Agad akong tumango kahit na namimilipit sa sakit ng paa na natamaan ng silya.

"Tara na!" Sigaw ko.

"Hep! Pamasahe mo? Five hundred ah." Nilahad ni kuya Xander ang palad niya sa harapan ko.

Naman! Itong si kuya pagdating sa pera nagkakaiwanan!

"Fine! Dalian mo na!" Sigaw ko sabay takbo palabas ng bahay. Tinatawag pa ako nina mama pero di ko na pinansin.

Bakit naman kasi siya umalis? Naku kapag nahabol ko yon talagang mababatukan ko ng pababa at pataas! Bumilis ang paghingal ko dahil sa kaba at taranta. Baka kasi di ko siya maabutan ang layo pa naman ng Cebu. Mahal kaya nang pamasahe.

Lumingon ako sa likod ng marinig ang tunog ng motor ni kuya. Agad akong sumalampak kahit na hindi pa ako pinapasakay.

"Bumaba ka muna!" Aniya sa akin.

"Bakit? Nagmamadali tayo!"

"Hindi kaya ni baby ang paakyat! Alam mo namang nahihirapan motor ko eh." Kinamot pa ng magaling kong kuya ang kanyang ulo.

Nagmura ako ng isang beses saka bumaba at hinintay siyang umakyat aa mataas na lupa. Nag-iwan iyon ng makapal na usok. Agad kong pinaypay ang sarili ko saka nagmadaling lumabas ng gate at sumakay na sa motorsiklo.

Pinaharurot niya ito kasabay ng pagbuga ng maruming usok at sobrang ingay na dulot ng motor niya. Bagong bago eh. Isa ito sa dahilan ng air pollution.

Abot langit ang kaba ko at di mapakali habang hinahanap kung nasaan ang kotse ni Drake. Araw ng Sabado kaya marami ang lumuluwas ng bayan para mamili ng bilihan sa tiangge.

Saktong pagtapat namin sa waiting shed ay biglang tumirik ang walang hiyang motor ni kuya. Marami pa naman ang nakatambay at tinatawanan kami.

"Xander, may sakit yata ang motor mo? Naku ipa confine na yan!" Tumawa ang walang bagang na si Elmer. Nakipag high five pa sa kamukha niyang panget.

"Ikaw kaya ang pa confine at nang magkalaman ka naman?" Iritadong balik sigaw ni Kuya kay Elmer.

Bumaba ako saglit saka kumunot ang noo. Humalukipkip ako at naghihintay na sana magkaroon ng milagro at gumana ang motor ni kuya. Ilang ulit niya itong sinubukang paandarin pero ayaw. Takte naghihingalo nga!

"Ano na Xander? Dalhin na natin sa ospital?" Tukso ulit ni Elmer. Sumimangot si Xander habang sinusubukan ulit paandarin ang motor niya.

"Wala akong panahon para patulan yang trip mo, Elmer." Humiyaw pa lalo sila.

"Ano ba naman yan Xander! Bakit ayaw mag start?" Inis na tanong ko. 

"Wag ka ngang maingay ate. Nakakahiya na nga oh." Aniya saka luminga sa paligid. May ilang tao na nanonood sa amin kaya nahiya ang gwapo kong kapatid.

Sinubukan niya ulit paandarin kaso tunog lang ng naghihingalong motor ang narinig tapos huminto lang ulit. Tumawa na naman ang grupo ni Elmer.

"Junk shop na yan! Bruk bruk bruk!" Sigaw nila. Lalong uminit ang ulo ng kapatid ko. Dahil sa panggagaya nila sa tunog ng motor niya. Mas mainit ang ulo ko!

Bago pa sila maaway ni kuya ay ako na ang humarap sa apat na lalaki na nagtatawanan.

"Hoy F4!" Sigaw ko. Naagaw ko ang atensyon nila kaya tumigil sila sa pagtawa.

"Uy, F4 daw. Sabi na nga ba patay na patay si Rea sa akin eh."  Tumatawang sabi ni Elmer.

Eh? Lord, paki remind niyo akong may sayad ang mga kausap ko. Jusko ang dugo ko kumukulo ngayon. Bwiset!

"Feeling Fogi Fangit Forever naman kayo!" Humagalpak sa tawa si Kuya Xander hindi ko alam kung nakikiliti siya o nababaliw na.

"Sinong panget?" Tanong ng kasama ni Elmer, si Bernard.

"Kayo. Pwede ba bago kayo lumabas ng kampo ninyo manalamin muna. Di ko alam kung alin mukha sa paa." Umirap ako saka bumaling kay Kuya.

"Kuya ano na?!" Iritado talaga ako sa mga nangyayari. Si kuya naman ay nakangisi ngayon. Kanina lang nakasimangot ngayon naman ngumingising parang aso. Mabuti na lang di ko kamukha itong kulugong ito.

"Ayaw talaga eh." Aniya. Sa inis ko ay sinipa ko ang gulong ng lintik niyang motor.

"Huy! Sinasaktan mo baby ko!" Nakabusangot niyang sabi sa akin.

"Baby baby baby..tanginang baby na yan. Pag di ko nahabol si Drake yang baby mo ang una kong ibabaon sa hukay!" Kumamot siya saka ngumisi na naman. Ano ba namang buhay 'to!

Wala na akong ibang maisip kung hindi kang maghanap ng tricycle para mahanap si Drake. Bago pa man ako makatalikod ay tinawag na naman ako ni kuya.

"Ano??" Singhal ko sa kanya.

"Bayad.." Ngumuso siya saka nilahad ang kamay. Kumunot ang noo ko saka tinikom ang bibig sa inis.

"Bayad? Limang bahay lang ang dinaanan natin manghihingi ka ng bayad?" Sigaw ko. Kahit na sumisigaw ay kumuha pa rin ako ng pera sa bulsa ko. Inabot ko sa kanya ang kulay orange.

"Bente? Ano ako five years old??" Balik sigaw niya.

"Hindi! Isip five years old! Alis na ako!" Sigaw ko na naman. Pinagtitinginan kami ng ka baryo namin habang nagsisigawang dalawa. Panira talaga ng araw. Mga tsismosa!

Tumakbo na ako para makahanap ng tricycle pero walang dumaraan. Narinig ko na naman si kuya na sumisigaw.

"Ano na naman??"

"Alam ko kung nasaan si Drake.." Biglang napaawang ang bibig ko. Ngumisi na naman si kuya kaya patakbo akong bumalik papunta sa kanya.

"Saan? Where is he?"

"Hep!" Ngumiti siya ng nakakaloko saka pumalad na naman sa akin.

"Nasa palad mo?" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Tanga. Pera muna." Napapikit ako ng mariin. Please lang ipaalala niyong kapatid ko ito. Ayokong manakal ng tao ngayon pero gustong gusto ko siyang sakalin.

"WALA AKONG PERA!" Hiyaw ko. Tumaas ang kilay niya saka nagkibit balikat.

"Well, pera o Drake? I think pinili mo ang pera. Sige uwi na ako." Aniya saka hinawakan ang manibela ng motor niya at naglakad para iuwi na ang motor. "Bakit kasi tumirik ang baby ko."

"Okay fine! Pag-uwi ko wala akong dala nagmamadali ako."

"Tatlong ulo ha." Namilog ang mata ko sa sinabi niya.

"Papatay ako ng tao? Tatlong ulo talaga?" Kung papatay ako papatayin ko ang tatlong tao sa buhay ko. Si Kuya. Si Trisha. Si Ody. Bwiset!

"Tanga mo talaga! Tatlong ulo pera yon!"

"Oh sige sige na! Nasaan?"

Ngumuso siya sa likuran ko kaya napasunod ako. May nakita akong tricycle na nanggaling sa kanto. Kumunot ang noo ko sa magaling kong kuya.

"Ako ba'y pinagloloko mo?"

"Si Drake ang sakay no'n!" Aniya.

Sa halip na tumunganga ako ay kumaripas ako ng takbo saka iyon hinabol habang sumisigaw.

"DRAKE!!" Sigaw ko. Buong barangay yata namin narinig ang pagsigaw ko pero tae ang driver hindi narinig!

Nagpatuloy ang driver at ang masaklap binilisan pa! Itong si Mang Gardo pag nahabol ko kakalbuhin ko lalo! Tatlong buhok na lang meron siya kaya tatanggalin ko na! Tumakbo ako kasabay ng pagtawag sa pangalan ni Drake. Wala akong pakealam kung nagsilabasan sa kanya kanyang bahay ang nakakarinig sa akin. Wala akong pakealam kung tumatakbo ako ngayon habang pinapanood nila.

"TIGIL!!" Sigaw ko na naman. Hinihingal na ako sa kakatakbo. Hindi ko namalayan na medyo malayo na ako sa kinatatayuan ko kanina.

Hingal na hingal na ako habang binubuga ng usok ng walang hiyang tricycle ni Mang Gardo. Hindi na ako magtataka kung mangingitim ang butas ng ilong ko. Panigurado marami akong kulangot nito.

"SANDALI!" Pambihira ang lakas ko ng sumigaw di pa rin niya naririnig? Sawang sawa na ako sa mga bingi! Di ba pwedeng pipi o kaya bulag naman??

Alam niyo yung feeling ko ngayon? Pagod na pagod ako! Humihingal na ako pero di pa rin tumitigil. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako.

Naiiyak talaga ako! Kasi naman pinangarap ko noon na makikita man ang prince charming ko. Ngayong nakita ko naman ganito.

Kung si Sanchai hinabol si Dao Ming Se sa bus. Si Agnes hinabol si Xander sakay ang magarang sasakyan. Si Angelo hinabol si Yna habang nakasakay sa mumurahing sasakyan pero okay pa rin. Si Lea hinabol si Clark sa airport habang pasakay ng eroplano. Ang sweet ng mga moments nila. Pero ako ano? Heto hinahabol si Drake sa maruming kalsada namin. Ang masaklap tricycle siya nakasakay. Tricycle talaga mga dre? Ang saklap dude! Wala bang mas romantic sa scene na 'to? Hinahabol ko talaga tricycle? Sana nagkotse man lang siya!

Hinawakan ko ang magkabilang tuhod ko sa sobrang hingal. Pawis na pawis ako habang nakaawang ang bibig na parang gusto kong makahinga ng mas malalim. Nabwisit lalo ako ng di man lang tumigil ang borokbok na tricyle.

"Ayaw mong tumigil ah!" Hinihingal na sabi ko.

Yumuko ako para pumulot ng bato dito sa daan saka buong pwersang binato ang tricycle.

"SINABI NG TIGIL!!" Buong lakas kong hiyaw kasabay ng pagbato.

Narinig ko ang kalampag na naidulot ng pagkakabato ko. Tumigil ang tricycle.

Tumigil ang tricycle!

Tumayo si Mang Gardo saka kumamot ng ulo habang sinisilip ang likuran ng tricycle niya. Lalong kumintab ang ulo niya dahil sa papasikat na araw. Nang wala itong makita ay sumakay ulit.

What the..anak ng kalbo!

"Sandali!" Sigaw ko. Tumigil si Mang Gardo saka ako tiningnan.

Bumaba ang kanina ko pa hinahabol mula sa loob ng tricycle. Ginulo nito ang buhok saka kunot noong nakatingin kay Mang Gardo. Ngumuso si Mang Gardo sa akin saka iyon sinundan ng tingin ni Drake. Nanlaki ang mata niya dahilan para mawala ang pagkunot ng noo.

Tumakbo ako palapit sa kanya. Naninigas na ang binti ko pero sumige pa rin ako. Binigay ko lahat ng pwersa ko kahit na pinipilit ko na lang. Sigurado sasakit ang paa ko mamaya nito. Pagkalapit ko ay naaninag ko na ang gwapo niyang mukha.

"Anong ginagawa mo dito?-" Bago pa niya matapos ang tanong niya ay tumalon na ako para yakapin siya. Kahit na gulat naman siya ay kinarga niya ako sa bewang para bigyan ng suporta. Pinulupot ko ang kamay ko sa kanyang leeg saka sinubsob ang mukha ko sa kanyang mabangong dibdib.

"Rea..."

"Kainis ka!" Inis sa sabi ko kahit na hinihingal pa. Ilang segubdo rin akong nasa ganoong posisyon bago naisipang bumaba.

Bumaba ako saka tumingala sa kanya. Nakanganga pa rin ako at humihinga ng mabilis. Hingal na hingal talaga ako. Pasalamat talaga ako at wala akong sakit sa puso.

"Why are you here?"

"S-sandali...tubig please.." Sabi ko. Tumutulo ang pawis ko. My God! hinihingal talaga ako! Napahawak ako sa kanyang brasong matigas saka huminga. My goodness! Buti talaga hindi ako athlete. Halos matuyuan ako sa buong katawan.

"Wait, I'll buy for you.."

"No!" Agad kong suway. "Mang Gardo tubig please?" Baling ko kay Mang Gardo.  Kumamot ng ulo kahit wala namang buhok. Panira ng moment eh.

Habang hinihingal pa ako ay kumuha ng towel si Drake sa kanyang bulsa saka iyon pinahid sa mukha ko...sa pisngi...sa noo..kahit sa leeg at batok ay pinunasan niya. Nakanganga lang ako habang ginagawa niya iyon. Hindi naman siya makatingin sa akin basta sa bahaging kung saan ako pinupunasan doon siya nakatingin. Shet. Nakalimutan kong tumakbo ako ng malayo. Simpleng punas lang bayad na siya.

"Oh!" Abot ni Mang Gardo sa ice water sa akin.  Ay galit?

"Walang softdrinks?" Tumalim ang mata ni Mang Gardo sa akin kaya ngumisi na lang ako.

Pinanood ako ni Drake habang binubutas ko ang plastic ng ice water saka ininom iyon. Tahimik lang siyang nakamasid habang ginagawa ko iyon. Isang beses pa niyang pinunasan ang noo ko habang umiinom ako.

Nang matapos ako ay binigay ko ulit kay Mang Gardo ang plastic. Hinarap ko si Drake na ngayon ay blanko ang mukha.

"What are you doing here?"

"Hep! Wag ka munang magsalita!" Sabi ko ng mahimasmasan na. Pakiramdam ko nilibot ko ang buong barangay sa sobrang pagod.

"Ang daya mo!" Sabi ko sabay hampas sa kanyang dibdib. Gusto kong part kasi iyon ng katawan niya.

"Aalis ka ng di mo sinasabi! Uuwi ka ng Cebu para iwan ako? Suko ka na ba ha?" Kumunot ang noo niya.

"What-"

"Shut up! You're so unfair! Ba't di ka nagpaalam? Ayaw mo ba akong isama sa Cebu?"

"Sasama ka ba?"

"Sabi ng wag kang magsasalita eh!" Umirap ako sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya upang humugot ng suporta. Nanghihina talaga ako.

"Nagtatanong ka kasi.."

"Sumasagot ka pa. Ako muna pwede?" Umirap ako. "Sabi mo mahal mo ako...sabi mo hindi ka susuko..b-bakit ka aalis?" Pumiyok na ako kasabay ng paglandas ng pesteng luha ko. Nanlaki ang mata niya ng makita ang pag-iyak ko. Dapat lang na makonsensya siya! Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Iisipin ko pang na wala si Drake sa buhay ko umiiyak na ako.

"Ano? Hindi mo na ako mahal? Ang hina mo pala hindi naman tumatagal. Akala ko pa naman motolite ka. Pangmatagalan. O kaya Boysen. Habang buhay ako sayo'y maghihintay." Humihikbing sabi ko.

Yung mukha niya pabago bago. Kanina nakakunot ang noo tapos napanganga ngayon naman natatawa. Baliw yata ang taong minahal ko.

"Ginawa mo pa akong komersyal ha?" Ngumuso siya.

"Tse! Nakakainis ka! Huwag kang aalis ng gano'n! Wag mo akong iiwan.." Hikbi ko naman.

Inagaw ko ang towel sa kanya saka ako nagsinga. Narinig ko pa ang pandidiri ni Mang Gardo. Si Drake naman ay napangiwi sa ginawa ko. Wala naman akong pakealam sa kanila. Eh sa tumutulo ang sipon ko anong magagawa nila? Bumuka ang bibig niya para magsalita pero pinigilan ko.

"Mahal kita. Oh yan nasabi ko na." Sabi kong nakanguso. Nanlaki naman ang mata niya sa gulat.

Itong taong 'to kung makareact parang nasa tv. Ganon ba kagulat ang pag amin ko sa kanya? Parang siya yung taga probinsiya sa inasal niya.

Inamin ko na talaga sa kanya. Hindi na kailangang itago kasi naman nagsawa na ako sa larong taguan. Nung bata ako mahilig ako sa taguan at ako lagi ang taya. Ngayong matanda na ako ayoko ng taguan nakakasawa. Taguan ng feelings. Ang huli taya. Ayoko na ng ganon.

"What?" Humakbang siya ng isang beses para marinig ako.

"Bingi ka rin? Jusko wala na nga si Aya dito nagpalaganap pa siya ng epidemya!" Reklamo ko. Hindi niya ako pinansin. Hinawakan niya ako sa baba para mag angat ng tingin at magkatitigan kami.

"What did you say? Please, say it. I just want to hear it again.." Pumikit siya ng mariin.

"S-sabi ko..ano nga kasi yon? Saan na ba tayo?" Kumunot ang noo ko. Napamulagat naman si Drake saka pinaglapat ang labi niya. Inis na inis na ito sa totoo lang. Ano ba kasi ang pinapaulit niya? Ang dami ko kayang sinabi di ko alam kung alin.

"Say that you love me. Say it." Mariing utos niya. Lumapit pa siya ng kaunti. Yumuko siya para marinig ang sasabihin ko.

Napalunok ako habang naaamoy ang mabangong hininga niya. Pisti! Bagong gising pala ako at di nagtoothbrush. Shet. Ba't ngayon ko lang naalala? Hindi ko nga alam kung may muta ako. Damn girl!

"Uhm.." Sabi ko. Lumapit pa ito saka pinagdikit ang ilong namin. Naduling ako sa kakatitig sa kanya habang siya naman ay nakapikit habang dinidikit ang ilong niya sa ilong ko.

"I'm waiting." Aniya saka nagmulat ng mata. Kinagat ko ang labi ko.

Paano ko sasabihin sa kanyang 'I love you?' ng hindi naamoy ang hininga ko? Wrong timing!

Tinakpan ko ang bibig ko saka nagsalita. "I love you." Kumunot ang noo niya. Hinawakan niya ang kamay kong nakaharang para mawala iyon sa bibig ko. Pinagdikit naman niya ang noo namin ngayon.

Kikiligin na sana ako pero ngayon pinagpapawisan ako sa sitwasyon. Damn! Engot kasi talaga ako!

"I love you, Rea. Mahal na mahal kita." Bulong niya habang magkadikit ang noo namin. Kinagat ko ang labi ko ng isang beses.

He loves me! Kinikilig ako na pagod na kinakabahan na iritado ngayon! Parang roller coaster ang feeling! Bahala na nga!

"I...I love you..." Bulong ko. Pinikit ko ang isa kong mata habang ang isa ay nakasilip sa kanya. Titig na titig ito sa akin saka siya ngumisi. Tapos non ay hinalikan niya ako sa noo.

Tinulak ko siya para malayo siya ng konti sa akin. Gosh. Ngayon ako na conscious sa mukha at amoy ko. Kasi naman sobrang linis at bango niya. Mabango pa yata ang kilikili niya sa akin.

"Really?" Pinagtaasan niya ako ng kilay pero naroon na ang mapaglarong ngiti sa labi.

"I love you nga. Mahal kita! Kaya wag mo akong iiwan. Kung nasaan ka dapat andun din ako." Sabi ko. Ngumuso lang ang kumag sa sinabi ko.

"Who told you na aalis ako?"

"Sina Kuya. Silang lahat. Sabi nila napagod ka na daw sa akin kaya babalik ka ng Cebu. Iiwan mo raw ako. Paano kung di kita nahabol? Babalik ka kay Trisha? Kakalimutan mo talaga ako?" Nangilid ang luha ko.

Ano ba 'to? Kanina lang kinikilig na ako ngayon naiiyak na naman. Iisipin ko pa lang na aalis siya at di na kami magkikita ay di ko kaya! Ayoko siyang umalis. Gusto ko kasama ko siya palagi.

"Hey! I'm not leaving. I'll leave if you come with me." Ngumiti siya sa akin. Ako naman si gaga ay kumunot ang noo sa kanya.

"Pero sabi nila..."

"It's a bluff." Lalong kumunot ang noo ko.

"Papunta parents ko dito. My whole family, actually. They want to help me. Ang sabi ko mamanhikan na ako. Then, they're all excited to come here and fetch us."

"Wait." Ang dami niyang sinabi pero mamanhikan lang ang narinig ko.

"M-m-mamanhikan??" Nanlalaki ang mata ko. Tumaas naman ang kilay niya saka ngumuso. Shet. Ba't ang cute ng lalaking ito? Muntik ng malaglag ang underwear ko sa kilos niya.

"Ayaw mo?"

"GGG! Gustong gustong gusto!" Sabi ko saka siya niyakap. Humalakhak siya sa ginawa ko.

Grabe! Halos mapunit ang labi ko sa kakangisi para akong baliw!

"Hindi ka man lang nagtaka na tricyle ang sinasakyan ko ha?" Bulong niya sa tenga ko. Agad akong kumawala sa kanya.

"Eh malay ko ba! Nagmamadali ako baka di kita maabutan. Hindi kita mahahabol sa Cebu wala akong pamasahe saka takot akong mag-isa sa biyahe." Ngumuso ako.

"Nasira sasakyan ko. Nagpaalam ako sa pamilya mo na pakakasalan kita. Pumayag sila." Pinindot nito ang ilong ko habang sinasabi niya iyon. Ginawa niyang push button ang ilong ko ah. Kinati ko iyon kaya natawa siya.

"Wala ng proposal?" Tanong ko.

"Do I need to do that? I thought you love me?" Ngumisi ito sa akin. Bago pa ako magreact ay may kinuha siya sa bulsa niya. Tumambad sa akin ang red box na may lamang singsing! A diamond ring!

Automatikong nagtakip ako ng bibig sa pagkabigla. Ewan ko pero naiiyak ko! Sinuot niya ng dahan dahan ang singsing sa daliri saka pumungay ang mata niya. Nangilid ang mata ko sa sobrang tuwa. Hindi ko namalayan na may nakatakas ng luha sa isang mata ko na agad naman niyang pinunasan.

Tumingala ako habang naghihintay ng kiss sa kanya. Napaawang ang bibig ko habang naghihintay pero ang kumag hindi ako hinalikan!

"God! I'm very happy!" Aniyang basag ang boses. Sinundan ko ng tingin ang mukha niya. Gusto ko talaga siyang halikan! Nangangawit na ako habang nakatingkayad at nakatingala sa kanya. Ngayon ko natanong sa Diyos kung bakit maliit ako. Hindi ko abot ang labi niya!

"After so many years of pain...I found you. You're my life..." Aniya.

Hello! Wala na akong pake sa sinasabi mo. Just kiss me Drake! Tinagilid niya ang ulo niya kaya sinundan ko iyon. Para akong langaw na sunod ng sunod sa direksyon ng ulo niya. Sinadya ko ng ngumuso para halikan niya ako pero mission failed pa rin.

"Hindi mo ba ako hahalikan?" Singit ko sa pagda drama niya. Kumunot ang noo niya habang ako ay nakatingala pa rin para abutin siya.

Nang maproseso iyon sa utak niya ay humalakhak siya saka umiiwas sa akin. Damn! Nakaka frustrate!

"Matapos mo akong patakbuhin. I run run over here run over there and run again..then kiss sa forehead lang mapapala ko? Nasaan ang climax, Villarama?" Iritado kong sabi sa kanya.

"Not so fast, baby." Humalakhak siya. Lumayo siya ng kaunti kaya napasimangot ako.

Sabagay, bagong gising lang ako. Magulo pa ang buhok ko at di nagtoothbrush. Naka hello kitty outfit pa ako kasi nga pantulog ko ang damit na ito. Ang sweet ng proposal niya takte! Sinong babae ang kikiligin sa eksenang ito?

Habang lumilipad ang utak ko ay di ko namalayang nakalapit na siya saka ako hinapit sa bewang kasabay ng paghalik sa akin. Sa gulat ko ay nanlaki na lang ang mata ko habang siya ay nakapikit at nakakunot ang noo.

Marahang halik lang at di nagmamadali pero buong sistema ko yata ay nagising. Pinulupot ko ang kamay sa leeg niya. Bahagya siyang yumuko kaya napahiga na ako buti na lang salo niy ako sa likod. Lumalim ang halik niya kaya gumanti na ako. Wala na akong pakealam kung nasa daan man kami. Wala na rin akong pakealam kung pangit ang proposal niya. Wala akong pakealam kung di pa ako nagtoothbrush, bawi na lang ako next time.

"Ehem...aalis pa ba tayo?" Narinig kong sabi ni Mang Gardo pero walang sumagot sa aming dalawa. Napangiti ako sa gitna ng halik namin.

This is my best day! It's not perfect, though. Still, my best day because of him. Oh I love this man.

Dinikit niya ang noo niya sa akin habang nanatili kami sa ganoong posisyon. Nkayuko pa siya kaya sobrang lapit namin. Ako naman ay nakayakap sa kanyang leeg. Ngumiti siya sa akin.

 

"Mrs. Rea Angelica Villarama, soon." Aniya saka ngumisi sa akin.

繼續閱讀

You'll Also Like

1M 19.9K 58
Celestine Marquez believes that money doesn't grow on trees. She needs to work hard to get what she wanted--to have her own business. But life seemed...
1.8M 37K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
218K 2.7K 22
"Once upon a time, I fell inlove with the person who CAN'T LOVE ME BACK. The END!"