The Best Pretending Role

Von faithtolove

77K 2.4K 1.8K

It's hard to pretend you love someone when you don't, but it's harder to pretend that you don't love someone... Mehr

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Drake Ramirez Villarama
Chapter 2 Rea Angelica Dimapilis
Chapter 3 We Meet
Chapter 4 Applicants
Chapter 5 Find Her
Chapter 6 The Proposal
Chapter 7 Suitor
Chapter 8 Her Place
Chapter 9 The Contract
Chapter 10 Slam book
Chapter 11 Brothers
Chapter 12 His Family
Chapter 13 Quickie
Chapter 14 Bath Tub
Chapter 15 Breakfast
Chapter 16 Mangga
Chapter 17 Pick up Lines
Chapter 18 First Date
Chapter 19 Singing
Chapter 20 Necktie
Chapter 21 Ringtone
Chapter 22 Rain
Chapter 23 Mine
Chapter 24 First Love
Chapter 25 Rejection
Chapter 26 Gift
Chapter 27 Wrong Move
Chapter 28 Kiss
Chapter 29 Date
Chapter 30 Smell
Chapter 31 Dare
Chapter 32 Stars
Chapter 33 His Lips
Chapter 34 Text
Chapter 35 Happiness
Chapter 36 His Friends
Chapter 37 Stay
Chapter 38 Awkward
Chapter 39 Soft Heart
Chapter 40 Restaurant
Chapter 41 Ex
Chapter 42 Falling
Chapter 43 Come Back
Chapter 44 Lullaby
Chapter 45 Adventure
Chapter 46 Game Over
Chapter 47 Beginning
Chapter 48 Courting
Chapter 49 Pink
Chapter 50 Palayan
Chapter 51 Villarama
Chapter 52 LQ
Chapter 53 Basketball
Chapter 55 Soon
Chapter 56 Teddy Bear
Chapter 57 Moment
Epilogue
Note

Chapter 54 Decision

1.1K 41 4
Von faithtolove

Drake's Pov

"Tol, try this." Xander told me. He offered me a glass of beer. Red horse, I think.

Kadarating ko lang mula sa loob dahil hinintay ko munang makatulog si Rea. Kinuha ko ang isang baso na alok ni Xander saka iyon nilagok ng diretso.

"Congrats! You win her heart again." He grinned at me. Hell yeah, no words can describe how happy I am. After all the shit I've done, I'm still forgiven. I really love her for that.

"Thanks for the help." I said.

"Hmm..What is your plan now?" Tanong ni Greg sa akin.

Nilibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat. Hindi ko alam na sa akin pala sila nakatingin lahat. Si Greg ay katabi si Tom at Jerry. They're Rea's friends. Kasama pa namin ang ibang kagrupo sa basketball. We are all boys. No chix's allowed.

"Alam mo naman kung gaano namin kamahal si Rea. She's our princess." I know Tom. She's your princess and she's my queen. My only queen

Ang dami kong pinagdaanan makuha lang ang loob ng mga kulugong ito. Para rin akong dumaan sa isang lie detector test sa sobrang higpit ng pagtatanong.

Pikit mata kong nilagok ang alak na hawak ko. Suddenly, all the memories flash again.

"Drake..she hurt me.." Humihikbing sumbong sa akin ni Trisha. Halos tulala ako sa kawalan nang makita si Rea na sumama kay Kean.

God! I want to kill him! Gusto kong magwala ngayon din. We're cousins but he betrayed me. At si Rea..ganon na lang basta basta? She left me. Again. Iniwan na naman ako. Wala bang katapusang pag-iiwan ito? Lagi na lang ah. Tangina, ano bang problema sa akin?

Paulit ulit na tumatak sa utak ko kung paano niya yakapin si Kean. Halos natulala ako habang pinasakay siya sa lintik niyang sasakyan. Oh man! Nababaliw na ako!

Ginulo ko ang buhok ko habang nakatingin sa kalsada kung saan sila dumaan. Umaasa na sana bumalik siya at sabihing hindi ako iiwan.

"But I'm okay now. See? Nagising ka sa katotohanan. She used you.." Nag-igting ang bagang ko saka marahas na humarap kay Trisha.

"What did you fucking say?" Mariin kong sabi.

"She used you. Kita mo ginawa niya sa'kin? Wala siyang breeding! Walang manners! Walang pinag-aralan.." Para aking sinapian saka sumugod palapit si Trisha. Halos bumaon ang kuko ko sa pagkakahawak sa magkabilang braso niya. Kitang kita ko ang takot sa mukha niya habang ako ay nanlilisik ang paningin sa kanya.

How could she accused her like this? She had no right to tell those shits with my girl!

"D-Drake...nasasaktan ako.." Halos magdilim ang paningin ko. Kung hindi pa siya napangiwi at di narinig ang pag-alma ang kasama niya ay di ako matatauhan. Buong lakas ko siyang binitawan na halos matumba na kung di lang nakasuporta ang dalawa niyang kasama.

Mabilis ang hininga ko habang tinuturo ang daliri ko sa kanya.

"Don't you dare to call her like that.." Napaawang ang bibig niya habang nakasuporta ang dalawa sa kanya.

"Drake, wake up! Use your brain. Don't be such a fool!" Sigaw niya sa akin. Matalim ko siyang tinignan. Agad naman siyang napaatras dahil sa ginawa ko.

"I could forgive for whatever you've done. I accept the apology for leaving me. But I can't forgive on what you did to her." Sinubukan akong lapitan ni Trisha ngunit agad kong pinigilan.

"Don't come near me!"

"Drake! Oh my God! Wag ka ngang bulag!" Halos maghisterikal siya sa harapan ko, ginulo na niya ang buhok habang palakad lakad.

"Yeah, hindi ako bulag para di makitang ikaw ang nanakit sa kanya." Natigilan siya saglit sa paglalakad saka humarap sa akin.

"What? She pushed me. The bitch said that she needs your money. Oh come on. She's a gold digger!" Sigaw niya sa akin. She's frustrated. Hell! Malapit na akong mabaliw dito!

"So? Anong pake mo pera ko naman yon?" Natilihan siya. " I could give all the money to her. I could give the world to her. Wala kang pakealam! Sino ka ba para pakealaman ako? Ano ba kita?" Nakita ko ang pagkislap ng mata at ang panginginig ng bibig niya. She's crying! It's all my fault again! She pushed my limit. Basta para kay Rea kaya kong harapin. Wala akong pakialam kung sinong masaktan basta para sa kanya.

"Kung kelan masaya na ako..masaya na kami. Everything's perfect. Pero ano? Saka ka babalik para manggulo?." Umiling ako sa kanya. Damn! Ipaalala niyong babae ang kausap ko. Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mata.

The girl infront of me is my almost. Muntik ko na siyang iniharap sa altar. Buti na lang hindi iyon natuloy.

"Isa lang pakiusap ko, Trisha. Leave us alone." I said then walked away. Bumalik ako sa loob ng bar kung nasaan mga kapatid ko. Bago pa ako nakapasok ay nandoon pala si Wayne na sumipol pa sa nasaksihan.

"That was cool.." Sipol niya.

"Shut up, asshole." Mariing sabi ko bago siya hinila sa kwelyo papasok ng bar.

"Let's rock the world! Crying baby is in the house!" Sigaw ni Wayne sa mga kasama namin. Hindi ko natiis kaya nasapak ko.

Iyon ang huling araw na nakita ko si Trisha. Ang balita ko kinakausap pa niya si Jess pero tinatarayan siya ng kapatid ko. Ang sabi ni Keith ay bumalik na ito ng ibang bansa para ituloy ang naiwang career. Funny right? Matapos niyang makagulo ng relasyon ay aalis na lang siya ng ganon.

"Swerte mo kay Rea, 'Tol." Basag ni Jerry sa pagkakatulala ko.

Inabot ni Tom ang tagay kay Cyrus. Si Xander naman ay abala sa pagpindot ng cellphone niya. Si Greg ay kumakain ng pulutan.

Yes. I'm the lucky bastard. Lucky to be in love again. Lucky to be loved by her.

"Maswerte rin naman si Rea ah, di ba 'tol?" Inakbayan ako ni Cyrus.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa napunta kay Greg ang usapan. Nabasted daw kay Anika kaya broken hearted.

I remembered the day she left me. It's living like a hell. Bumuntong hininga ako at hinayaan silang magkwentuhan. Maingay sila pero wala dito ang utak ko. Nitong nakarang araw ay di nawawala si Rea sa utak ko. Siguro frustrated ako dahil hanggang ngayon hindi pa kami maayos.

"Teddy bear na naman??" Naiiritang bungad tanong sa akin ni Wayne. "Magpatayo ka na lang kaya ng toy store."

Hindi ko siya pinansin saka umakyat sa taas. I opened the door and familiar feeling attacks in my chest. Everytime I enter my room..her face flashed my mind.

Tahimik kong nilapag ang yellow bear sa cabinet na may konti pang space. I sat on my bed while looking at the bear I bought.

"Dude, wala pang balita?" Kuya Harry asked me. Umiling ako habang siya ay tahimik na nakamasid sa mga teddy na nabili ko na.

Simula ng umalis siya araw-araw akong bumibili ng bear. Ang sabi ko, hindi ako titigil sa pagbili nito hangga't hindi siya bumabalik. Halos mapuno na ang kwarto ko pero wala pa ring Rea'ng bumabalik.

I really missed her! Bawat sulok dito sa kwarto ay siya ang nakikita ko. Parang naririnig ko ang halakhak niya. Ang matinis niyang boses. Ang kadaldalan niya. Pati na rin ang kakulitan niya habang tinutukso ako. I closed my eyes while remembering my happy days with her.

"Ayokong matulad ka sa'kin, dude. Just do your fucking best to win her back. Don't you dare to give up." Banta ni kuya Harry sa akin. May pinaghuhugutan?

"Hell no! I won't give up! Ang tagal kong naghintay na may magmamahal sa akin tapos bibitawan ko lang ng ganon? No way." Ngumisi si kuya sa akin bago tinapik ang balikat ko bago umalis.

Everyday I did the same routine. I went the company and trying my best to find her. Halos sumuko na ako dahil wala akong nakuhang impormasyon kina Bryan at Aya. I got punches from Bryan. Well, I deserved it.

Almost one month past pero wala pa rin balita sa kanya. Kasalukuyan kong kausap si Dennis na taong inutusan ko para hanapin si Rea nang tawagin ako ni Candice. She's blooming this past few days. Siguro dahil sa pinagbubuntis niya.

"I'm sorry for what I did years ago." Ngumiti ako ng mapakla sa kanya. Looking at her now is nothing to me. I mean, she's my first love but my feelings fade away. Kung meron man akong nararamdaman ngayon iyon ay ang friendship na lang.

"Candice..ano ba yan, matagal na yon ah. Nakalimutan ko na nga kung bakit kita nagustuhan non. And don't feel sorry para akong nakakaawa niyan." Tumawa ako. Sumimangot naman siya sa akin.

"Pero seryoso..you're deeply in love with her. I mean, yes, you loved me but you didn't fight for me. Pinaubaya mo ako kay Justine ng ganon na lang. Ngayon kasi, halos mabaliw ka na para lang mahanap mo siya." She smiled at me. What can I say? Totoo naman ang sinabi niya.

Araw-araw walang pagbabago sa paghahanap ko sa kanya. Halos ginulo ko na silang lahat para lang may makapagsabi sa akin kung nasaan ba siya. Madalas na isama ako ng mga kapatid ko sa bar para daw makalimot man lang pero wala pa rin.

Hindi rin kami nagkausap ni Kean simula ang araw na iyon. Huli kami kasing nagkausap ay nagkasuntukan lang kami. Naabutan kami ni Wayne ng ganon pero imbes na umawat ay pumalakpak pa ito at sinabing matira ang matibay.

In this life, I realized many things. Learn to gamble for love. Kahit na one percent lang yan kailangan mong isugal. Baka ang one percent na iyon ang magpapanalo sayo. Learn to forgive and move on. I learned to forgive myself and forget the pain. Hindi naman pwedeng mag stop ka na lang kung saan ka nadapa at di na magmove on. Mapag-iiwanan ka ng lahat kung di ka makikisabay.

Learn to accept the flaws and focus on the right side. Yes, she's not perfect and definitely I'm not a perfect man. I learned to accept this. I'm willing to kiss the flaws. Alam ko madaldal siya. Maingay. Nakakahiya minsan pag kasama pero mahal ko eh. Kapag pala mahal mo kaya mong tanggapin lahat. Mas minahal ko pa nga siya sa pagkukulang niya.

 And lastly, learn to love again even if it's hard.

Napangiti ako sa nagtatawanang kasamahan ko. Itong mga taong to kaya ay walang problema? Parang wala pa silang sineryosong babae ah.

"Son, I know you love her for the first time you introduced her to us. The way you looked at her, it's different. That's why I told myself..wow..my son finally found her right girl." Ngumiti si papa habang ako ay tahimik lang na nakikinig.

Hindi ako nagsalita habang siya ay tinapik ang balikat ko. Matagal na panahon kaming di nakapag-usap. Kung mag-usap man kami ay civil lang. Pagdating sa ganitong bagay ay hindi ko masabi sa kanya simula ng mangyari ang sa amin nina Kuya at Candice noon.

"I'm sorry, son. Alam ko nasaktan kita. I love you. Pareho ang pagmamahal ko sa inyo ng mga kapatid mo." Napailing ako kasabay ng pagngisi. Probably, it's the most serious conversation with him.

"Always remember that." Nabasag ang boses niya kaya pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko. Agad kong tinungga ang alak na nasa harapan ko. God! I don't wanna cry!

"Y-you don't know how happy I am..the first time you call me papa. It's heaven for me. Kung di mo alam umiyak ako no'n pagkulong ko sa kwarto namin ng Mama Trina mo." Natawa siya sa huling sinabi pero bakas sa mukha ang maiiyak na.

"Pa.."

"That's why I promised to myself..I'll do everything just for you. Sabi ko babawi ako. Sa lahat ng kasalanan ko sa inyo ng mama mo napatawad mo pa ako. I'm a lucky bastard." Tumawa ulit siya.

"I'm a lucky bastard, too." Humalakhak si Papa. Pinunasan nito ang luhang tumakas sa mata niya. He sighed without looking at me. May ngiti sa labi nito at wari malayo ang iniisip.

"And then..I broke my promise..because I hurt you. I'm very sorry for what I did. Kinampihan ko si Justine na dapat pala ako ang namagitan sa inyong dalawa." Ngumiti ako ng mapait sa kanya. Hindi ko alam pero naiiyak ako sa alaalang iyon. 

Oo, inaamin ko masama ang loob ko kay Papa. Kasi naman pinaniwalaan niya si kuya. Ang masakit pa, alam niyang mahal ko si Candice pero suportado niya si kuya. Noon ko naramdaman na hanggang do'n lang ako. May pader sa amin kasi nga anak ako sa labas. Umalis ako ng bahay na hindi buo. Kalahati ng pagkatao ko nawasak.

That was the time when Papa chose to believe on what Kuya said. Pinagmukha nilang lahat sa akin na ako ang mali. Na ako ang nanggugulo. Parang sinampal ako sa katotohanang I'm not belong.

"When you left..God knows how much regret I am. Sinisi ko ang sarili ko sa pag-alis mo. Kung sana wala akong kinampihan. Kung sana pinakinggan ko muna ang anak ko na matagal kong di nakasama." Tinitigan ako ni papa. Hindi ko na mapigilan tumulo ang luha ko.

Agad kong pinunasan iyon saka huminga ng malalim. This is so gay. Father and son are crying with their conversation. Dammit!

"For the first time in my life, I'm scared. Natakot ako na baka hindi ka na bumalik. Three years. Three fucking years without a lead from you. Imagine that?" Yun ang time na nasa Maynila ako at nagtrabaho mag-isa. Naiisip ko noon na ako ang nahihirapan pero hindi ko alam na halos mabaliw si papa sa kakahanap sa akin. I don't know what to say.

"Kaya ng bumalik ka..Fuck!" Tumawa ako kay Papa. Tawa na may kasamang pagluha. Ngayon ko lang ulit narinig na magmura ng ganito sa papa. Sa harapan ko pa talaga.

"Anong ginawa mo, Pa?" Panunuya ko sa kanya.

"Do I need to repeat it?" Tinaasan niya ako ng kilay. Nakikita ko ang mukha ko kay Papa. Yung kilay at mata niya pareho kami. Medyo dark lang si Papa samantalang ako ay nakuha ang kulay ng balat ni Mama.

"Oh yeah, humagulhol ka sabay yakap sa akin. Umiyak na parang batang paslit habang tumutulo ang sipon." Napahalakhak ako ng makitang ngumuso si Papa. Wayne na Wayne, eh?

"Kidding aside, I'm really happy coz you're my son. I can shout it to the world." Nakakataba ng puso ang sinabi ni Papa kaya napangiti ako.

"Isa lang ang kulang..find her. I know, you'll completely happy if you have her. I can help, son. Basta 'pag nahanap mo wag mo ng pakawalan." Tumango ako saka niyakap si Papa.

Iyon ang huling pag-uusap namin ng personal ni Papa. Ngayong nasa Tarlac ako ay dalawang beses ko pa lang siyang nakausap. Madalas si Wayne at Keith ang tumatawag sa akin at tinutukso ako kung nagkaugat na ba ang paa ko sa bukid.

"What? Ako na naman ang bibili? Dude, nong isang araw nasampal ako ni Dana sa akalang may iba akong pinopormahan!" Naiiritang sigaw ni Wayne sa akin.

"Basta gawin mo, dude! Akala ko ba gusto mong mabawi ko si Rea?" I asked. Narinig ko siyang nagmura sa kabilang linya.

"If you can't win her back I'll kill you." May binubulong bulong pa ito pero pumayag naman.

Everyday tumatawag ako para magpabili ng teddy bear sa kanya. Naiirita siya pero pumapayag pa rin. Hindi ko makontak si Keith malamang may kasama na namang babae. Si Kuya Harry ay abala sa business. Si Jessica ay panay ang ismid. Di ko alam kung anong problema ng babaeng iyon. Kapag nabawi ko na si Rea saka ko pagtutuunan si Jessica.

"Wala pa rin? Ano ba naman yang si Rea pakipot." Naririnig ko pa lang siya ay alam ko ng nakasimangot siya. "Hina mo kasi sa diskarte kuya." Kantiyaw sa akin ni Wayne.

"Nagsalita." Sagot ko.

"Tss. Okay, memoryado na ako ng mga cashier at sales lady do'n sa shop. Baka maligawan ko sila pag di mo pa nabawi si Rea. O baka naman maubos na lahat ng manika sa shop na yon. Pag-uwi ni Rea marami siyang laruan." Humalakhak ito. Minura ko siya pero tumawa lang.

"What color this time?"

"Pink."

"What? Nakakabading naman, dude!" Reklamo niya.

"Just do it, dude." Giit ko.

"Baka isipin nila bading ako!" Sigaw niya. Bahagya kong nilayo ang cellphone sa tenga ko.

"I don't fucking care! Bakla na kung bakla!" Nagmura na naman siya ng malutong sa gitna ng pagsasalita ko.

"Fine! Kung hindi lang ako mabait, di kita susundin, tss."

Narinig ko ang halakhak ni Tom kaya bumalik ang utak ko sa kasalukuyan. Panay ang tukso nila kay Greg na ngayon ay pulang pula na.

"Kung makapagsalita kayo kala niyo naman di kayo nabasted kay Anika ah." Aniya saka nilagok ang alak na hawak. Tumawa si Xander saka tiningnan ang kuya Cyrus niya.

"Boom sapol!" Sumipol pa ito. Binatukan siya ni Cyrus saka nag-amba ng suntok na ikinatawa lang nila.

"Pero seriously, hirap makaporma sa kanya pare." Ani Greg.

Nagpasalamat ako at di si Rea ang pinag-uusapan nilang ganito. Mabuti na lang talaga kaibigan lang ang turingan nila.

"Ang daming gusto sa lalaki. Gusto niya daw lalaking may dimples. Dun palang bagsak na ako." Humalakhak sila sa sinabi ni Greg.

"May dimples ka naman ah. Sa pwet nga lang." Kantiyaw ni Jerry. Lalong lumakas ang tawanan. I don't know what's with them. No'ng kami ang nag-iinuman hindi lang iisang babae ang pinag-uusapan eh. Sina Keah, Keith at Wayne ay paramihan ng babae.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa narinig ko na lang ang pag vibrate ng cellphone ko.

Napangiti ako ng nagsend ng picture sa akin si Wayne habang hawak ang isang pink teddy bear sa messenger. Ang lapad ng ngisi ng mokong habang nakaharap sa camera.

"Sino yan?" Hindi ko alam na nakikisawsaw pala si Xander sa cellphone ko kaya nakita niya ang larawan.

"My brother."

"Kala ko chix." Aniya.

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Wala akong chix. Wala akong babae. Si Rea lang."

"Asus!" Ayaw nilang maniwala!

"Uy, may dimples!" Puna ni Xander. Kinuha niya ang cellphone sa akin saka pinakita sa mga kasama namin.

"Di kayo magkamukha." Ani Steven.

"May dimples nga!" Sabi naman ni Greg.

"Bading siya?" Halos mailuwa ko ang iniinom kong beer sa tanong ni Tom.

Kung nandito lang si Wayne malamang nasapak na niya ang mga ito. Ngayon pa lang natatawa na ako sa reaksyon niya kapag nalaman ito. Porke't may yakap na pink bear bading agad? Tss.

Hindi ko na lang sila pinansin. Nagpatuloy sila sa tawanan hanggang sa umilaw ang phone ko.

Engot:

Drink moderately. Tulog ka na pagkatapos niyo diyan. Goodnight. XOXO.

I smiled. Simple text but means a lot to me. She cared for me. I know it's all worth it. Worth the wait.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit na anong oras na kaming natulog kagabi. Bago ako lumabas ay huminto muna ako sa tapat ng pinto ni Rea. We can share bed again, soon..

Dumiretso ako sa kusina at do'n naabutan silang nagkakape. Daily habit na ng mga nandito ang magkape tuwing umaga kaya pati ako nasanay na. Mukhang hahanapin ko ito pag nasa Cebu na.

"Aalis ka na?" Tanong ni Xander sa akin.

"Yup."

Tumango naman ang papa ni Rea. Sa maikling panahon ay nakasama ko na sila at masasabi kong napamahal na sila sa akin. Hindi naman sila mahirap pakisamahan. In fact, I am thankful for bringing Rea in this world. Kung hindi, baka tatandang binata na ako.

I was about to leave when Kira called me. She's crying! Lumuhod ako ng kaunti para magpantay ang paningin namin. Puno ng luha ang kanyang mga mata.

"Hey, crying again?" Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi.

"B-babalik ka?" I smiled a little.

Nang malaman ko ang sakit ni Kira ay agad kong kinausap ang magulang niya. Siya ang dahilan kung bakit kumakayod si Rea sa Maynila. Ang alam ko nagpa schedule na sina Tita para sa operasyon niya. May bara sa puso si Kira kaya kailangan ng operasyon. Medyo tumagal lang dahil sa kakulangan ng pera.

Ayoko munang sabihin kay Rea baka magalit na naman sa akin yon. Mahirap na baka hindi ko na siya madala sa Cebu ulit.

"I'll be back. Promise me..magpagaling ka. Be a good girl, alright?" Ngumiti si Kira saka tumango sa akin bago ako niyakap. I laughed. Naalala ko si Jess sa kanya. She used to be sweet before. How I wish ganito pa rin siya ngayon.

"Bye, kuya. Promise babantayan ko si ate. Walang makakalapit na lalaki sa kanya." Natawa na naman ako sa sinabi niya.

"Good!" Ginulo ko ang buhok bago tumayo saka nagpaalam sa kanilang lahat. Ngumiti si Tito sa akin saka tumango. Tinapik ako ni Xander at Cyrus sa balikat.

Sumulyap pa ako ng isang beses sa kabuuan ng bahay. Ngayon pa lang namimiss ko na ito. How I wish, she's here and calling my name. Alam ko naman na tulog pa siya. Tumayo na ako ng maayos sa nagpaalam sa kanila bago tumalikod.

I know my decision is right. Magalit man si Rea sa akin wala na siyang magagawa. Kailangan ko lang panindigan ang akin.

 

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

My Little Bride Von Tsina Lee

Aktuelle Literatur

493K 10.6K 58
Franz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters...
233K 3.2K 28
[Warning : SPG] "Buntis ako." Agad niya akong niyakap. "Pananagutan kita. Magsasama tayo!" Sana ganoon nalang kadali iyon. Pero papaano kami magsasam...
474K 7.2K 94
10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm fallin...
305K 3.8K 60
(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to h...