The Campus Heartthrob Kings A...

By Dreamerearth

2.3M 67.8K 4.4K

NOTE: The King's trilogy is still unpolished. Please forgive me for being too lazy to edit this work of mine... More

Please, read this first
Disclaimer
Characters
Chapter 01: Heartthrob Kings
Chapter 02: What do you mean?
Chapter 03: Stressed
Chapter 04: Bad Day
-Chapter 05- Partner
-Chapter 06- Two Times Kiss
-Chapter 07- Punishment
-Chapter 08- T-shirt
-Chapter 09- Nose Bite
-Chapter 10- The Bipolar
-Chapter 11- Crush
-Chapter 12- Long Hair
-Chapter 13- Grocery
-Chapter 14- Gentleman
Chapter 15: Someone
-Chapter 16- If I told You
-Chapter 17- Ghost
-Chapter 18- In Love ♥
Chapter 19: Manhid ka
-Chapter 20- Confession
-Chapter 21- Ikaw
-Chapter 22- Her Half Sister
-Chapter 23- Typhoon
-Chapter 24- Twin
-Chapter 25- Acute Stress Disorder (ASD)
-Chapter 26- The Superhero
-Chapter 27- I Love You
-Chapter 28- Pick-up Line
-Chapter 29- See you at hospital
Chapter 30: Baby Boy ♥
Chapter 31: Sketch
Chapter 32: Jealous
Chapter 33: First and Memorable Date
-Chapter 34- The Moves
Chapter 35: It Hurts
Chapter 36: Dinner with Barkada
Chapter 37: He's with her
Chapter 38: Plans
Chapter 39: Valentine Surprise
-Chapter 40- Cookie Love Game
Chapter 41: Sweetie Baby Boy
Chapter 42: Review
Chapter 43: Wanted Girlfriend
Chapter 44: Between Us
Chapter 45: Drunk
Chapter 46: Future Couple
Chapter 47: Seven Eleven
Chapter 48: Pretend
Chapter 49: Mad at me
Chapter 50: Lover's Quarrel
Chapter 51: Dysmenorrhea
Chapter 52: Time to Move On
Chapter 53: Welcome Back
Chapter 54: 18th
Chapter 55: Meet his Grandfather
Chapter 56: Fiancé
Chapter 58: Seventh Monthsary
Chapter 59: It's not a dream
Chapter 60: I won't Give up
Chapter 61: His Real Fiancé
Chapter 62: The Difference of Happiness
Chapter 63: Bleeding Heart
Chapter 64: Trouble
Chapter 65: Lifeless
Chapter 66: Unexpected Visitor
Chapter 67: Last Breath
Chapter 68: Missing Her
Chapter 69: Leaving
Chapter 70: One Last Cry
Epilogue
BOOK TWO

Chapter 57: The Promise

19K 596 46
By Dreamerearth

Racelle's POV

-flashback-

Natulala ako ng ilang minuto sa sinabi ng lolo niya sa akin. Bumalik lang ako sa realidad ng biglang lumabas si Kitian sa kusina. Pasimple akong tumalikod at mabilis na pinunasan ang papatulo ng luha ko.

"Lunc— oh, Lolo ba't po kayo nandito?" bakas sa boses niya ang gulat. Humarap ako at pekeng ngumiti sa kaniya na kahit ang totoo ay nasasaktan na ako.

Pumungay ang mga mata niyang tumingin sa akin, saka ito lumapit at ngiting umakbay. Napapayuko ako sa tuwing magsasalubong ang tingin namin ng lolo niya. Ang sama-sama ng tingin niya tila ba mangangain ng buhay dahil sa pag-akbay sa akin ng kaniyang apo.

Halos maihi na ako sa takot at tumakbo palabas ngunit pinipigilan ko lamang ang sarili ko. Iniisip na 'hindi naman siguro mangyayari ang iniisip ko' pilit kong pinapalakas ang aking loob. Subalit sa tuwing mapapatingin talaga ako sa lolo niya ay nawawalan ako ng lakas. Pakiramdam ko, anytime kayang-kaya niya kaming paghiwalayin sa harap niya. Mata pa lang niya, alam mo ng may masamang intesyon.

Pormal itong umupo sa couch at tumingin sa kaniyang apong si Kitian. Naka-akbay pa rin ito sa akin at mas lalong inilapit ako mula sa kaniya kaya mas lalo tuloy sumama ang tingin sa akin ng lolo niya. "Bakit apo? Masama bang dalawin kita rito?" may pagkasarakastiko nitong sabi sabay baling muli sa akin ng tingin.

Mukhang ako yata ang yelo na anytime, any minute, any seconds, matutunaw na ako rito sa kanilang harap. Lumingon ako kay Kitian na kumamot sa kaniyang batok at may ibunulong pa sa akin. “Nandito lang ako.” ang ibunulong niya ay isang reminder na walang masamang mangyayari dahil kasama ko siya. Sana nga.

"Hindi naman po Lo, nabigla lang po ako. Bigla na lang kayong napadalaw sa condo ko ng walang pasabi, eh." sagot ni Kitian. Lunok at ngumiiti ng pilit ang nagagawa ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pagpisil ni Kitian sa balikat ko dahilan upang tingnan ko siya.

"Kailangan pa bang ipaalam ko sa 'yo? Gusto lang naman kitang mabisita," sagot ng lolo niya. Bumitaw sa pagkaka-akbay sa akin si Kitian at muling napakamot sa batok niyang mahahalata ang inis.

"Hindi naman po sa ganon. Anyways, kumain na lang tayo!" pag-iiba niya ng usapan saka ito bumalik sa kusina upang ihanda na ang mesa. Pasimple rin naman akong tumalikod at itinuloy ang ginagawa kong paglilinis sa condo niya. Hindi ko na lang pinapansin ang mga paninitig niya sa akin, ibinabaling ko na lang sa pamumulot ko ng styro at food pack na nagkalat sa mahabang sofa. Nahihiya akong lumapit sa kinaroroonan niya upang pulutin at i-shoot sa plastic na hawak-hawak ko ang pinakahuling kalat.

Nagitla ako mula sa pagkakayuko kaya napatingala agad ako nang nagsalita ang lolo niya. "Hija, mawalang galang na. Hindi kita gusto para sa apo ko. Saka tigil-tigilan mo na ang paglilinis mo diyan at umuwi ka na. Pakiusap ko na din na lubayan mo na ang apo ko dahil ikakasal na siya." prangka at seryoso niyang sabi.

Tila sinakasak ang puso ko sa mga sinabi niya kaya wala akong magawa kundi ang mapayuko at magkunwaring hindi ko naintindihan. "Po?" nagmamaang-maangan kong sagot na tila ba hindi ko narinig 'yong sinabi ng lolo niya.

As of now, pretend is the best to hide the truth. "Hija, hindi ako boto sa'yo." diretsa niyang sabi. Tumango ako at pilit na ngumiti pero gusto ko ulit mag 'po' na parang wala ulit akong naintindihan, kaso sobrang linaw na eh. Kanina pa malinaw ang lahat pilit ko lamang pinapalabo at inililihis sa iba ang usapan para sa ganon ay mabawi niya ang kaniyang sinabi, pero wala, ito ang katotohanan. Ang katotohanang tutol siya sa relasyon namin.

"Race, kain na!" sulpot ni Kitian sa likod ko. Ganiyan kaya kalakas ang boses niya kahit nasa tabi na niya ako upang ipaglaban ako, upang ipagyabang sa lahat na mahal niya ako. Pero tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango.

Sa kalagitnaan ng pagse-senti ko ay bigla akong napaisip… mahal mo ba talaga ako, Kitian? Iiwan mo ba ako? Nangingilid na ang mga luha ko sa kakaisip. Sa mga mangyayari na totoo na talaga, na kailangan ko ng sumuko at ipaubaya sa iba ang taong mahal ko.

Tumingala ako at ipinaypay ang palad ko sa akin. "Huwag kang iiyak, huwag na huwag." suway ko sa sarili.

"Race, you okay?" tanong ni Kitian. Agad ko namang pinunasan ang namumuong luha ko at tumawa. "Ha? Oo, okay na okay ako. Maalikabok lang kasi rito sa nililinisan ko kanina kaya napuwing ako," pagdadahilan ko sabay tingin muli sa kisame upang pigilan ang luha ko.


Hinawakan niya ang mukha ko dahilan upang mapaubo ang lolo niya, alam kong sadya iyon pero ewan ko lang kay Kitian kung napansin niya ba iyon o hindi dahil nakatingin lamang ito sa akin. Inilapit niya ang kaniyang mukha at akmang iihipan niya ang mata kong napuwing nang tabigin ko ang kamay niya na ikinagulat niya. "Ah! Hindi na, ayos lang ako,” sabi ko at pinunasan ang papatulong luha ko sa kanang mata.

Kumunot lang ang noo niyang tumingin sa akin. “Haha. Baka malagyan pa ng laway 'tong mata ko eh, baka mabulag pa ako't mapatingin sa iba." biro ko. Muli kong naramdam ang pamumuo ulit ng luha ko sa kaliwa kong mata. Ang hirap magpigil ng luha, ipinagdadasal ko na lang na 'wag pang tumulo, ayokong masaksihan niya ito.

Napa 'tch' siya sabay higit sa akin palapit sa kaniya. "Ayan! Sinabi ko ng huwag kang maglinis dahil ako na ang bahala, ang kulit-kulit mo!" galit niyang sabi ngunit napangiti ako.

Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang lumayo sa kaniya. "Huwag ka ng magalit, okay? Parang napuwing lang naman saka hindi naman mababawasan ang kaguwapuhan mong taglay sa paningin ko." biro kung muli na napangiwi dahil alam kong nako-kornihan na ang lolo niya sa palitan namin ng salita rito sa harap niya.

"Ehem!" tumikhim nang kay lakas ang lolo niya kaya naman napaatras ako at tumalikod upang kunin ang bag ko sa katabi niya. Kukunin ko na ang bag ko nang higitin ako paharap ni Kitian. “Tara, kain ka muna. Kain tayo nina lolo, para naman makapag bonding kayo.” nakangiting paanyaya niya subalit nang lingunin ko ang lolo niya ay nakangiwi itong nakataas ang isang kilay na tila ayaw niya ang ideya ng kaniyang apo.

Agad akong umayaw at nag-isip ng dahilan. "Kitian, uwi na ako. Si mama kasi nagluto rin at naalala ko pala na nakapag-promise na akong may family lunch kami.”

Mabilis kong kinuha ang bag ko at isinukbit sa balikat ko saka nagmamadaling humakbang palabas nang pigilan niya akong muli. “Totoo ba 'yan? Pakiramdam ko ay nagdadahilan ka lang.”

Nakonsensiya ako bigla ngunit pinandigan ko ang pagdadahilan ko. Patawarin mo sana ako sa pagsisinungaling ko Kitian, nangako akong sabay tayo kakain at dito ako matutulog ngayong gabi ngunit ang pangako ko sa 'yo ay kailangan ko munang hindi sundin. Gusto ko munang mapag-isa at nang mapag-isip isip ko kung ano ang dapat kong gawin.

Hindi na ako sumagot pa sapagkat lumabas na lamang akong maluha-luha. Narinig ko pa ang sinabi niya, "Race, ihahatid na kita. Saglit lang." pero nagkunwari akong walang narinig, patuloy lang ako sa paglalakad.

"Kitian, kaya na niya ang sarili niya. Halika na, kumain na tayo nagugutom na ako." mabibigat ang bawat hakbang ko at mabagal. Walang balak na bilisan dahil ang tenga ko ay may gusto pang pakinggan.

"Lo, saglit lang, ihahatid ko muna siya."

"Sinong pipiliin mo, ang lolo mo na ngayon mo lang ulit makakasama o ang babaeng iyon?" hanggang sa hindi ko namalayang nasa loob na pala ako ng elevator at hindi ko na narinig pa ang sagot niya.

-end of flashback-

Four days later…

Apat araw na ang nakalipas, still nasa isip ko pa rin ang lahat na parang kahapon lang nangyari at hindi ko kayang mag-move on. Hindi pa rin ako nakapagpapasiya sa gagawin ko. Hindi ko rin alam kung susundin ko nga ba iyon o hindi? Kung ikaw ako, anong gagawin mo? Ipaglalaban mo ba siya o susundin mo na lang ang sinabi ng kaniyang lolo upang hindi na magkagulo pa.

"Bakla, huwag mong dibdibin ang sinabi ng lolo niya. If you love someone fight for it." sabi ni Jerome sa akin, ikinuwento ko kasi sa kanila yung nangyari. Nakasimangot ko lang siyang tiningnan at hindi makasagot, hindi nila yata naintindihan ang gusto ko o baka naaawa na sila kay Kitian dahil ilang araw ko na siyang hindi pinapansin, kumbaga iniiwasan ko na siya.

Kahit ayaw ko naman ang pag-iwas ko ay may parte sa akin na dapat gawin ko ito, na dapat ay layuan ko na siya kaso sa ginagawa ko ay mas lalong nasasaktan ang puso ko.

Marahang niyugyog ni Jerome ang balikat ko ngunit inalis ko ito at sinamaan siya ng tingin kaya't napataas siya ng dalawang kamay. "Race, kapag mahal mo ipaglalaban mo. Hindi yung susundin mo yung gusto ng lolo niya. Bakit nasa kaniya ba ang puso mo para sundin iyon? Siya ba ang nagmamahal?" tanong sa akin ni Estella. Napaisip ako sa sinabi ng aking kaibigan. May punto naman siya, kaso paano, paano kung may tutol? Aish, bakit ba kasi ganito ang pag-ibig? Magkakaroon na nga nga karibal, nagkakaroon pa ng mga taong tutol na handang gawin ang lahat upang mapaghiwalay lang kami.

"Gaga, tinagalog mo lang yung sinabi ko kanina. By the way, may point si Estella," sang-ayon ng bakla naming kaibigan na madalas laging nagse-second the motion.

“Ano ba ang mas susundin niyo ang itinitibok ng puso niyo o ang isang dikta?” tanong muli ni Estella na mas lalong nagpaisip sa akin upang piliin ang tama.

Napahampas sa mesa si Jerome. “Payong kaibigan lang na huwag mo siyang iwasan. Mahal ka niya, mahal mo siya edi kayo na ang may forever. Kapag may tutol, lumaban lang kayo dahil diyan tumatatag ang isang relasyon kapag parehas kayong lumalaban. Iyang tutol, wala ng magagawa kundi ang tanggapin dahil wala talaga siyang magagawa sa puso ng dalawang tunay na pagmamahalan." pumalakpak kaming dalawa ni Estella sabay tawa ko. Ang daming alam ng baklang 'to kahit single pa naman, ni wala pa ngang girlfriend… este boyfriend pala.

"Hala! Paano mo alam ang ganiyang mga bagay, bakla?" gulat na tanong ko. Umirap lang ito ng bongga sa akin at hinila ang ilang hibla ng aking  buhok. Maarteng itinaas ni Jerome ang kaniyang kanang kamay at ikinaway ito sa hangin. “Haler mga bakla kahit single ako ay alam ko ang mga bagay na ganiyan sa epekto ng panonood ng mga romance. Kahit single kayang humugot, hindi lang kayong may mga karelasyon.” 

Malaking tulong ang mga payo at opinyon ng mga kaibigan ko. Kahit baliw sila, kahit harsh at minsan ay madamot sila sa blessings ng sagot sa exam, quizzes, activities ay ayos lang. Lagi naman silang nandyan sa tabi ko upang damayan ako. Sila pa nga 'yong unang nasasaktan kapag alam nilang nasasaktan ako, 'yong tipong sila pa ang mas affected sa nangyayari sa buhay mo. Iyong tipong magmumurahan pa kayo at mang-aasar bago magbigay ng payo at opinyon. Yong problema mo, problema rin nila. Kapag may mapapahiya sa amin, pasimple pang tatawanan ka pero ipagtatanggol ka nila. Yong mga nang-aaway sa'yo talo, dahil susugod din sila para rumesbak. Iyan ang dalawa kong kaibigan na kahit minsan ay out of place ako ay nasa tabi ko pa rin sila.

Hindi ko sinasadyang matabig ko sa kamay ko ang nakasuot na bracelet sa akin. Naalala ko ang palitan namin ng pangako ni Kitian dito, ito 'yong bracelet na napalunan namin sa cookie love game. Nakangiti kong pinadausdos ang kamay ko sa nakaukit na susi sa kalahating puso. “The evidence of our love that we'll be in forever.” wika ko saka ako inipit ng dalawa mula sa tabi ko at ipinatong ang kanilang baba sa magkabilang balikat ko.

“Ayon naman pala eh, ang OA mo pa diyan.” sabay nilang sabi na ikinabingi ko. Nakalimutan ko, matapos ka nilang payuhan sasabihan ka pa nilang oa kapag na-realize mo na. Umirap na lang ako sa kanila kasabay nang pagtili ng mga estudyante sa kantina. Isang hudyat na nasa canteen na ang mga Heartthrob Kings ng Academy.

Nagsilungunan kaming tatlo sa entrance. Kitang kita ko pa kung papaano humahaba ang nguso ni Jerome sa tuwing makikita niya si Mike, habang ang isa naman na si Estella, ang dating nakabusangot sa tuwing nakikita si Justin ay ngayon mamula-mula na ang pisngi. Mas lalong namula si Estella nang tumabi si Justin sa kaniya sabay halik nito sa noo ni Estella na ikinagulat at ikinangisi ko kay Estella bilang pang-aasar subalit gaya ng dati nginiwian niya ako nang maghugis puso ako gamit ang aking ipinagdikit na daliri't palad.

"Oy! Hindi pa kayo kaya huwag kang tsumantsing!" puna ni Mike saka umupo ito sa tapat ko. Nagsi-upuan naman ang dalawa, tumabi sa akin si Kitian na ipinaubaya na pala ni Jerome ang kaniyang upuan sa lalaking iniiwasan ko. Napaubo ako nang mahina dahil ito na naman ang mga moves ni Jerome upang magkaayos kami. Ito talagang baklang 'to hindi man lang ako bigyan ng isa pang palugit upang mag-isip ng mabuti.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kaniyang mga kamay sa bewang ko. “Wala pang oo 'yang nililigawan mo kaya kaunting space, baka ma-busted ka.” natatawang suway ni Jerome sa dalawa.

Ngumisi si Justin saka umakbay ito kay Estella, habang si Estella ay hindi mo malalaman kung naiinis ba o kinikilig sa loob loob. "Malapit ng maging kami. Kaunting halik pa, magiging kami na." mayabang na tugon ni Justin. Tinanggal ni Estella ang kamay ng lalaking katabi niya ang pagkaka-akbay rito saka ito umirap sa kaniya dahilan upang mapanguso si Justin.

"Don't be so confident, boy." nakangising banta ni Estella. Naaalala ko tuloy 'yong sinabi niya sa aming wala siyang balak, hindi kaya itutuloy niya pa rin iyon? Kung ganon, kawawa naman si Justin sakaling matutuloy nga ang masamang balak ni Estella.

“Huwag puros love, pansinin niyo rin ang mga taong gutom na.” reklamo ni Mike sa aking tapat. Siniko naman ni William si Mike saka ngumuso. “May mga chicks don, hindi mo lalapitan?”

“May pagkain ba? Hindi ako lalapit sa kanila kung wala silang pagkain.” sagot nito. “Ha? Edi bumili ka,” sagot naman ni William na humalukipkip na lamang at ngumuso sa gilid ni Mike.

“Huwag ka ngang ngumuso diyan para kang bibe.” inis na suway ni Mike kay William. “Guwapo ako hindi bibe, saka ikaw lang ng bebe ko.” lambing nito.

Itinulak ni Mike si William na umambang yumakap sa kaniya. “Lalaki tayo, walang bromance.” pigil nito. Tumahimik na ang dalawa at tanging ang dalawa lang rin sa tabi ko ang naglalambingan pa, mukhang nagsusuyuan at kaunting tulak na lang talaga masasaksihan na namin ang pag-oo niya. Samantalang ako, wala akong balak lingunin si Kitian dahil halo-halo ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung papairalin ko pa ba ang pride ko o pansinin na lamang siya dahilan upang hindi ako tumupad sa sinabi ng lolo niya. Ewan. Gulong-gulo na ako, sumasakit na ang ulo ko sa sitwasyon kong ito.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat at pagpisil rito kaya't hindi ko natiis na harapin siya. Mga mata niyang nagtatanong ang sumalubong sa problemado kong hitsura. “Baby girl, may kasalanan ba ako?” tanong niya subalit bilang sagot ko ay ngumiti na lamang ako.

Bumuntong hininga na lang siya. Alam kong naiinis na siya, ramdam kong gusto na niyang umalis pero mas ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng aking puso na sinasabing, 'pansinin ko na, huwag ko ng pairalin ang pride ko'. Mahal ko siya at tama sina Estella at Jerome kanina, ako ang nagmamahal hindi ang lolo niya.

"William," tawag niya kay William na ngayo'y nakaubob ang mukha sa mesa. Nag-angat ng tingin si William na nakakunot ang noo.

"Oh bakit? Ako mag-oorder? Oo ako nga, palagi namang ako." asik nito dahilan upang matawa kaming tatlo nila Mike, Kitian at ako. “Nako fafa, ikaw na mag-order pero basta hiramin ko muna itong yayamanin mong cellphone.” sabat ni bakla.

“May cellphone ka naman at bakit iyang cellphone pa ni William ang hihiramin mo?” singit na tanong ni Estella sa tabi ko. Akala ko ba ay may sarili ng mundo ang dalawa pero nakikinig pa rin pala sa usapan ang baklitang ito.

“Aba bakit masama bang hiramin? Magpapapasa lang naman ako ng mga pictures ng fafa dahil ang dami sa gallery niya.” tuwang-tuwa na sagot niya.

Siguraduhin mo lang.” sabi ni Estella. “May pagtingin ka pa pala sa kaniya,” malungkot na puna ni Justin.

“Mag-order ka na.” utos ni Kitian kay William na nakatayo. Ngiting aso itong naglakad patungong counter upang mag-order hanggang sa napailing na lang ako nang magsialisan sa linya ang mga nakapila at pinasingit sa pangatlo si William.

"Tch, tch, kawawa naman si William. Bakit hindi na lang ikaw mag-order, Kitian? Para sana ma-try mo rin once in a lifetime ang mag-order sa mahabang pila." dismayang puna ni Mike sa seryosong nakapila sa counter na marahang pinapadyak ang kanang paa niya para malibang siya sa paghihintay.

"Psh. Bakit kaya hindi na lang ikaw? Tutal, naawa ka eh. Tsaka ikaw na rin magbayad para naman ma-try mo ring manlibre, once in a lifetime." ganting sagot ni Kitian kay Mike.

“Walang forever.” sagot ni Mike.

“May sinabi ba akong forever? Tch, bingi.” asik ni Kitian.

Napairap ako sa kawalan sabay lingon kay Jerome na tila may problema. Ang lalim ng iniisip, tulala pa ito at parang walang alam sa nangyayari sa paligid niya. Sinundan ko ang titig niya at napag-alaman kong nakatingin siya sa dalawang nasa tabi ko pero nang tumingin pa ako sa likod ni Justin ay nandoon si Claire na mag-isang nakaupo habang kumakain, nangunot ang noo ko. Sino ba sa dalawang ito ang tinitingnan niya? Sinubukan ko pang tumingin sa iba, sa parehong direksiyon ay may nakita akong lalaki sa tapat ni Claire. Hindi kaya ito 'yon?

Ibinalik ko ang tingin ko kay Mike nang marinig ko siyang nagsalita. "Masamahan na nga lang si William, kawawa naman ang bebe ko." pabirong sabi ni Mike at narinig naman ni William ang sinabi ni Mike kaya umirap ito at ngumiwi. "Yuck! Mandiri ka nga, Taken na ako jowahin mo na lang yang nasa tabi mo."

"Sayang bro. bagay pa naman tayo, nai-imagine ko na 'yong mga magiging future babies natin.” nakangusong sabi ni Mike saka ito lumapit kay William na magbabayad na ngunit biglang nag-abot ng pera si Mike dahilan upang mapayakap si William na ikinatawa ng lahat.

"Sa wakas nanlibre rin ang jowa ko!" masayang sabi ni William at kinuha na niya ang tray ganon din ang ginawa ni Mike na ngayon ay nakabusangot.

"Jowa? Di ba break na tayo?"

"Ano ka ba naman bebe ko, pag may pera jowa kita." ngiting sabi ni William.

"Ewan ko sa 'yo, baliw!” asik niya.

Kumamot ako sa ulo dahil sa sala silang planong ilapag ang tray sa mesa. “Kakain ba tayo o magtatalo na lang kayong dalawa diyan?” tanong ko dahil sa gutom.

Nagsikuhanan na kami ng pagkain sa tray at nag-umpisa ng kumain. Habang sarap na sarap kaming kumakain lahat ay may napapansin akong hindi kumakain. Tumikhim ako upang bumuwelo muna saka nagtanong. “Hindi ka ba kakain?”

Nakanguso siyang tumingin sa akin at maluha-luha na ang kaniyang mga mata. Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng tawa dahil mukhang iiyak na siya. Gulat ako nang napayuko siya at nagsimulang suminghot singhot. Sa taranta ko ay hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. “Hala! Bakit?”

Halos matawa na ako sa kinauupuan ko nang makumpirma ko ngang umiiyak siya. “Ano bang kasalanan ko para hindi mo ako pansinin ng ilang araw?” tanong niya kahit umiiyak pa rin ito.

"This past few days, Simula nung pumunta ka sa condo ko at nagkausap kayo ng lolo ko, lagi ka na lang nagpapalusot. Ano bang problema? Sabihin mo naman sa akin para alam ko ang dahilan." dagdag niya.

Pinahid ko na lamang ang luha niya gamit ang palad ko. Hinawakan ko ang kamay niya at saka ako yata ang susunod na iiyak. “Walang problema. Wala kang kasalanan. May dahilan lang ako na hindi ko puwedeng sabihin pero…” saglit akong napatigil at kumuha ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha upang magtanong.

“Pero?” takang tanong niya na parang gusto na niyang marinig ang karugtong. Matamis akong ngumiti at pinisil ang kamay niyang hawak-hawak ko.

“Kapag ba may nagsabi sa'yong hiwalayan mo na ako, susundin mo ba o susuwayin mo para ipaglaban ang pag-iibigan natin?”

“Ipaglalaban kita. No matter what happened we're going to fight for our love. Mahal kita at alam mo naman na ikaw lang, wala ng iba. Ang muling susi ng puso ko ay sa'yo ko natagpuan.” sagot niya sabay higit niya sa akin palapit at hinalikan ang aking noo.

“Pangako?” tanong ko. Alam kong ang pangako ay napapako pero dahil may tiwala ako sa kaniya, hindi niya sisirain iyon.

“Pangako. Itaga mo pa sa yelo.” seryoso niyang sabi ngunit natawa ako bigla.

“Baliw ka talaga minsan.” saad ko na humiwalay na sa yakap niya.

“Mahal mo naman?” natatawa niyang tanong bago kami humarap upang kainin na ang pagkain namin.

“Sobra. Hindi nga kita matiis eh.” sagot ko. “I love you.” sabi niya at saka humarap na kami sa mesa subalit nawawala ang pagkain namin, ang pinggan na nandito lang kanina ay nawala na. Inilipad na ng langaw o baka nilanggam na o hindi kaya… kinuha ni...

“Mike!” sigaw naming dalawa.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 29K 47
So, you're THE GANGSTER???! Well I'm THE BITCH! I DARE YOU, to fall in love with me.... Ang storyang ito ay RATED SPG.. Punong-puno ng kasalanan, kar...
368K 10.5K 102
(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess. This is the continuation of 3rd Generation pero storya na ng pinakabunsong anak nina Shimi and Daz...
8.9M 223K 65
Campus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY T...
58.2K 6.4K 110
Sa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved