The Campus Heartthrob Kings A...

By Dreamerearth

2.3M 67.8K 4.4K

NOTE: The King's trilogy is still unpolished. Please forgive me for being too lazy to edit this work of mine... More

Please, read this first
Disclaimer
Characters
Chapter 01: Heartthrob Kings
Chapter 02: What do you mean?
Chapter 03: Stressed
Chapter 04: Bad Day
-Chapter 05- Partner
-Chapter 06- Two Times Kiss
-Chapter 07- Punishment
-Chapter 08- T-shirt
-Chapter 09- Nose Bite
-Chapter 10- The Bipolar
-Chapter 11- Crush
-Chapter 12- Long Hair
-Chapter 13- Grocery
-Chapter 14- Gentleman
Chapter 15: Someone
-Chapter 16- If I told You
-Chapter 17- Ghost
-Chapter 18- In Love ♥
Chapter 19: Manhid ka
-Chapter 20- Confession
-Chapter 21- Ikaw
-Chapter 22- Her Half Sister
-Chapter 23- Typhoon
-Chapter 24- Twin
-Chapter 25- Acute Stress Disorder (ASD)
-Chapter 26- The Superhero
-Chapter 27- I Love You
-Chapter 28- Pick-up Line
-Chapter 29- See you at hospital
Chapter 30: Baby Boy ♥
Chapter 31: Sketch
Chapter 32: Jealous
Chapter 33: First and Memorable Date
-Chapter 34- The Moves
Chapter 35: It Hurts
Chapter 36: Dinner with Barkada
Chapter 37: He's with her
Chapter 38: Plans
Chapter 39: Valentine Surprise
-Chapter 40- Cookie Love Game
Chapter 41: Sweetie Baby Boy
Chapter 42: Review
Chapter 43: Wanted Girlfriend
Chapter 44: Between Us
Chapter 45: Drunk
Chapter 46: Future Couple
Chapter 47: Seven Eleven
Chapter 48: Pretend
Chapter 49: Mad at me
Chapter 50: Lover's Quarrel
Chapter 52: Time to Move On
Chapter 53: Welcome Back
Chapter 54: 18th
Chapter 55: Meet his Grandfather
Chapter 56: Fiancé
Chapter 57: The Promise
Chapter 58: Seventh Monthsary
Chapter 59: It's not a dream
Chapter 60: I won't Give up
Chapter 61: His Real Fiancé
Chapter 62: The Difference of Happiness
Chapter 63: Bleeding Heart
Chapter 64: Trouble
Chapter 65: Lifeless
Chapter 66: Unexpected Visitor
Chapter 67: Last Breath
Chapter 68: Missing Her
Chapter 69: Leaving
Chapter 70: One Last Cry
Epilogue
BOOK TWO

Chapter 51: Dysmenorrhea

18.7K 851 41
By Dreamerearth


Racelle POV

Time na at nagsibalikan na ang lahat sa classroom nila maliban sa aming dalawa ni Mike. Tiningnan ko siya ngunit napatingin din siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at tinaasan niya din ako ng kilay. Iwinagayway ko ang kamay ko at iwinagayway din niya ang kamay niya. Hinampas ko ng mahina ang lamesa at ginaya niya ulit ako.

Nainis na ko sa panggagaya niya kaya inirapan ko ito, laking gulat ko nang irapan niya rin ako. “Ano bang problema mo? Ba't ba nanggagaya ka?” inis kong sabi sa kaniya.

Humalukipkip ito sa aking harapan. “Ano bang problema niyo?” tanong niya. “Ang pinagsimulan ng misunderstanding niyo.” dagdag niya.

Bumuntong hininga ako, ipinaalala na naman niya ang nangyari. Gusto ko na ngang kalimutan para sana ay makapason na ako ngunit wala talagang sumasagi sa aking isipan ang pagkakaroon namin ng misunderstanding.

“Dahil sa hindi ko pagpapaalam na kasama ko si Tristan, doon nagsimula ang ugat namin ng hindi pagkakaunawaan.” malungkot kong sabi.

Bumuntong hininga akong muli maski siya ay napabuntong hininga ng malalim. “Pero ang babaw naman ng dahilan 'di ba? Hindi lang ako nakapagpaalam sa kaniya umabot pa sa hindi pagkakaunawaan at nagalit pa.” sabi ko pa.

Hinampas kong muli ang lamesa sa canteen na ikinatawa naman ni Mike. Tiningnan ko siya kaya't napatigil ito. “Sabihin mo nga sa akin, sino sa amin ang may kasalanan? Wala naman akong nakikitang mali sa ginawa ko, eh!”

Itinaas ni Mike ang kaniyang dalawang kamay. "Tsk, ikaw ang may kasalanan. Hindi na nga siya pumasok magdamag sa kakahanap sa 'yo, kung alam mo lang."

Kasalanan ko ba talaga? Umirap ako sa kaniya dahil ako bigla ang sinabihan niyang may kasalanan, ako ang sinisisi niya.

"Psh. kasalanan ko bang hanapin niya ako magdamag?" naiinis kong sabi. Hindi ko naman kasi alam na hahanapin niya ako at isa pa hindi naman ako mawawala sa edad ko ng 'to?

"Kahit wala kang load nag smart alert ka na lang sana. Mayaman naman siya at kapag nag smart alert ka man lang sana baka pina-loadan ka pa niya," sabi niya at umiling-iling pa ito na parang hindi ko ginamit ang utak ko.

"I'm not like you." ngumisi siya sa sinabi ko saka umiling ng tatlong beses. "Aish, Race. Sino naman kasi ang hindi mag-aalala? Hindi porket high school ka na at hindi ka na elementary, hindi ka na magpapaalam,” umiling itong muli at ikinaway niya ang kaniyang kamay.

“Kung ako 'yong nasa posisyon niya malamang, mag-aalala ako at magagalit din. Kaming mga lalaki kasi nag-aalala din, hindi porket boyfriend niyo lang kami wala na kaming karapatang alamin ang lahat ng pupuntahan niyo. Gusto lang naman namin kasing siguraduhin na walang masamang mangyayari sa inyo, dahil kung sakaling may nangyari nga, kami ang mananagot sa parents niyo.” sabi nito na nagpatatak sa isipan ko. May punto siya.

Akala ko ay tapos na siyang mangaral subalit hindi pa pala, muli siyang nagsalita. Kumunot ang noo ko nang itinuro niya ako at napaturo siya sa tabi niya na wala namang tao. "At saka kung ikaw kaya yung nasa posisyon niya 'nong araw na 'yon? Iyon bang… magdamag kang naghahanap at naghihintay ng text na kung nasaan ka saka umuwi kang pagod na pagod, samantalang siya may pinuntahan lang pala. I'm sure na magagalit ka din pag ganon ang ginawa sa 'yo. Am I right?" dagdag ni Mike. Napayuko ako muli sa kaniyang sinabi.

Hindi ako nakasagot dahil may malaki siyang punto, ang bright talaga niya pagdating sa mga problema. Naibibigay niya ang mga punto kahit isa siyang babaero. At sa sinabi niya, malamang magagalit din ako dahil magdamag akong naghahanap, samantalang siya nagpapakasaya. Hmp, ang sama ko naman talaga. Ako na lang palagi ang may kasalanan, ang malas ko namang nilalang.

“Siya, speechless ka na sa kaguwapuhan ko.” napaangat ako ng tingin sabay ngiwi. “Sira ka talaga!”

Humalakhak lang itong umalis sa tapat ko at kumaway. Umiling na lang ako.

***

“Ayaw mo talaga mag-jeep?” tanong sa akin ni Estella na ngayo'y naghihintay ng jeep kasama si Jerome. “Mage-eroplano raw siya,” sagot ni Jerome na inirapan ako.

“Mga baliw, maglalakad ako pauwi.” pumeywang ang dalawa. “Nasaan ba ang magaling mong boylet, aber?” tanong ni Jerome.

Ngumuso akong nakasimangot, “Wala na 'yong kotse niya sa parking lot, eh.” matamlay kong sabi sa dalawa.

“Nako! Mag tricyc—” naputol ang sinasabi ni Estella nang nagsalita si Justin, nandito pala siya sa aming likuran.

“Tara na,” nalilitong itinuro ni Estella ang sarili. “Sino kausap mo? Ako?” tanong niya.

“Sino pa nga ba ang tinitingnan ko? Ikaw lang naman ang babaeng lagi kong tinitingnan.” pasimple kaming umubo ni Jerome.

“Hatid na kita.” sabay lahad ni Justin ng kaniyang kamay kay Estella, tumingin pa ito sa amin.

“Jusme! Pakipot ka pa, sige na lumayas na kayong dalawa!” saka ipinagtulakan ni Jerome si Estella palapit kay Justin, napangiti naman si Justin sa ginawa ni Jerome.

Naglakad sila paalis at nasaksihan pa namin kung paano pagbuksan ni Justin ng pintuan si Estella. Ibinaling ni Jerome ang tingin niya sa akin sabay duro, “Ikaw naman bakla, sumakay ka na lang.  Papagurin mo pa ang sarili mo kung maglakad ka.” saka ito pumara ng jeep.

Umawang ang bibig ko. Ganon? Iniwanan ako. Sa bagay wala na akong pagpipilian kaya't sasakay na lamang ako kaysa maglalakad.

Pasakay na ako nang biglang may humigit sa braso ko. Gulat ko siyang tiningnan, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngunit nandoon pa rin ang walang kaemo-emosyon niyang ekspresyon pati na ang malamig niyang tingin.

“Sakay na,” sabi nito. Titig na titig lang ako sa kaniya. Napakurap na lang ako nang pumitik siya sa harap ko. “H-huh?”

“Tch, ang sabi ko sakay na.” tumalikod na ito at iniwan ako roon. Naintindihan ko lamang ang ibig niyang sabihin nang buksan niya ang pintuan ng kaniyang kotse.

Lumingon ako upang sabihin sa driver na hindi ako sasakay, pero wala na pala. Nagmadali akong naglakad palapit sa kotse niya at sumakay, pinaandar naman niya ito agad. Tumingin ako sa kaniya na nasa daan lang ang pokus ng kaniyang tingin.

Hindi ko rin magawang magsalita, natatakot at nahihiya ako sa kaniya. Hanggang sa makauwi na kami ay wala pa ring imikan. Sinundan ko na lamang siya ng tingin nang tumungo ito agad sa kaniyang kuwarto. Pabagsak akong umupo sa sofa na may inis sa mukha.

“Hay, hanggang kailan ito?” napasabunot na lamang ako sa aking buhok. I don't know what to do, para akong tutang nagmamakaawa sa kaniya, naghihintay na pansinin niya ako. Suminghap ako at ipinahinga ang aking sarili sa sofa.

Napaupo ako ng maayos at kinuha ang aking bag na ginawa kong unan. Inilabas ko ang notebook saka ang ball pen at nagpunit ng isang piraso ng papel doon saka nag-umpisang sumulat.

“Baby boy, miss na miss na kita. Gusto na kitang makausap pero natatakot ako, para ka kasing mangangain ng buhay sa tuwing magsasalita ako. Alam mo bang nasasaktan na ako sa ginagawa mo? Nakakaduro—”

Napatigil ako sa pagsusulat nang sumagi sa isipan ko na baka itapon lang niya ito at hindi basahin. Nagpunit akong muli ng papel. Gagawin ko na lang sweet ang sulat ko na galing sa puso na punong-puno ng pagmamahal. Ipinwesto ko ang ball pen sa dulo ng aking baba habang pinanliliitan ng  tingin ang flower vase na nasa center table.

“Aha!” nag-umpisa muli akong nagsulat ng panibago. Sa bawat salitang isinusulat ko ay napapangiti ako. Ang corny ng dating pero ito ang laman ng puso ko, ang sinasabi.

Umakyat ako at akmang kakatok na ako nang may marinig akong padabog na footsteps palapit sa pintuan. Agad akong bumaba sabay umupo sa sofa at nagkunwaring tulog. Dinig na dinig ko ang mga footsteps niya pababa, napapapikit na lang ako dahil tila bato ang kaniyang mga paa.

Kahit nakapikit ako habang nakapatong ang kamay ko sa aking mga nakapikit na mata ay naramdaman ko ang kaniyang presensiya sa tabi ko. “Tch.” tanging sabi niya, ramdam na ramdam ko ang pagtingin niya sa akin.

“Great pretender.” nagmulat agad ako ng mata at umupo ng maayos. Pakurap kyrap akong napatingin sa gawi niya kung saan nakaupo siya sa single sofa, katabi ko lamang. Napalunok ako nang samaan niya ako ng tingin bago niya i-switch on ang TV.

“Sabay na tayong kumain,” mahinhin kong sabi. Napakagat labi ako nang hindi niya ako pinansin. Sa inis na nararamdaman ko at kirot ng dibib ay tumayo na ako upang magtungo na sa kuwarto ko. Nilingon ko siya bago ko buksan ang aking pintuan ng kuwarto, ngunit nanatili siyang nakatingin sa TV na ni hindi ko alam kung lumingon ba ito sa akin ng isang beses nang ako'y nakatalikod.

Nangingilid ang mga luha kong tumalikod din sa kaniya at pumasok na sa aking kuwarto pero bago ko tuluyang maisara ang pintuan, nahulog ang papel na isiniksik ko sa aking garter ng shorts ko kanina. Pinulot ko ito at muling binasa ang sulat kong para sa kaniya. Talagang sineryoso niya ang araw na 'yon, ni hindi nga niya ako magawang kausapin man lang.

“Baby boy, Gustuhin man kitang kausapin subalit para kang mangangain sa hitsura mo, pero alam mo bang mahal na mahal kita, ang corny 'no at paulit-ulit na rin? Pero ito ang sinasabi ng puso ko, 44423,4334252 Kitian ko.

4-Ikaw
4-lang
4-wala
2- ng
3-iba
,
4-baby
3- boy
3- ice
4- King
2-ng
5-buhay
2-ko…”

Ngumisi ako sa ka-cornyhan ko. Shet, ibibigay ko pa ba 'to? Habang nakatalikod siya at nasa sala pa siya ay agad akong ipinasok ang papel sa butas ng kaniyang pintuan sabay pasok ko na din sa kuwarto ko. Umaasang sana basahin niya at hindi itapon.

***

“Akin lang siya!” sigaw ni Yvonne sa labas ng bahay kasama ang isang matanda. “He is only mine, mine, Racelle mine!” sigaw nito habang pilit na binubuksan niya ang nakakandadong main gate. Samantalang ako nanatiling nakatingin sa napakadesperada niyang hitsura, katabi si Kitian na hapit-hapit niya ako sa bewang.

“Masasaktan ka lang kapag nagmatigas ka pa ng ulo, Racelle,” salita ni Yvonne na ngayo'y nakaduro na sa akin. “Paano ako masasaktan kung ayaw naman akong pakawalan ng taong mahal ko?” nakangisi kong sabi sa kaniya na tila inaasar ko pa siya sa pamamagitan ng facial expressions ko.

“Huwag kang pakasiguro hija, baka malay mo mamaya o bukas ay wala na siya sa tabi mo.” sabi ng matanda na ang talim ng kaniyang tingin sa akin. Napalunok ako sa kaniyang sinabi, tama siya baka nga ay iiwanan niya rin ako.

Tumingin ako kay Kitian nang luwagan niya ang pagkakahapit sa aking bewang.  “Hindi mo naman ako iiwan 'di ba?” tanong ko sa kaniya nang unti-unti kong nararamdaman ang pagkalas ng kaniyang kamay, hindi rin ito makatingin ng maayos sa akin.

“We are n—”

Agad akong napamulat at bumangon. Pinukpok ko ang aking ulo sabay iling ng maraming beses. “Masamang panaginip.” usal kong nakahawak sa aking dibdib na mabilis ang pintig ng puso.

Tumayo ako at lumabas ng kuwarto upang uminom ng tubig. Magsasalin na ako sa baso ng tubig nang may napansin ako sa lamesa na sticky note. Dahil sa kyuryosidad ko ay binasa ko naman ito. “Baby girl, hinihintay kitang bumaba para kumain tayo kahit ten o'clock na kaso hindi ka na bumaba pa. Kainin mo ito.”

Napangiti ako sa sulat niya kahit hindi ko masyadong maintindihan dahil sulat doctor ng manok ang penmanship niya. Gumaan tuloy ang pakiramdam ko ng basahin ko ang sulat niya, hindi na pala siya totally galit sa akin at salamat naman kung ganon. Hindi rin pala niya ako matitiis.

Umupo ako upang kainin ang pagkain na itinira niya para sa akin, bago ako sumubo ay binalingan ko muna ng tingin ang orasan na ngayo'y pasado alas tres na pala ng madaling araw. Ang bilis ko naman ng oras halos hindi ko na namalayan. Sumubo lang akong sumubo ngunit nararamdaman ko ang pagkirot ng aking puson. Tae, mukhang ngayon pa ako dadatnan.

Hindi ko na pinansin pa ang pagsakit ng puson ko bagkus ninamnam ko na lang ang sarap ng pagkain. Napapatango na lang ako sa sarap at walang masabi, para akong hindi nakakain ng ilang taon sa sitwasyon ko dahil kulang ko pa, pero busog na ako. Isang araw lang naman ako nagpalipas ng gutom, hays tas parang… napadighay ako sa kakaisip.

Napahimas ako ng aking tiyan sa kabusugan, “Hay salamat, may karga na si tiyan.” sabi ko sa aking sarili. Saglit akong umupo at nang nasiguradong okay na ako ay tumayo na ako at hinugasan ang pinagkainan ko.

Bumalik ako sa kuwarto kong may ngiti sa labi. May pag-asa ng magkabati kami, salamat naman at hindi na 'to papatagalin pa. Dali-dali akong nagpunit ng isang pirasong papel muli at sinulatan ito ng pasasalamat.

“Baby boy, salamat sa pagkain ha? Ang sarap saka wait… hindi mo ako matiis 'no? Diyosa ko talaga kaya hindi mo ako matiis. Diyosa ang girlfriend mo totoo ba? Ano? sagot! Oo o oo lang haha.”

Tawang-tawa akong lumabas at ipinasok muli sa pintuan niya. Hihintayin ko ang sagot niya. Bumalik akong muli sa aking kuwarto at humiga sa kama. Paulit-ulit na lang nasasabi ko sa aking sarili at ang nararamdaman, masaya ako dahil bukas magkakabati na kami, pero baka hindi pa. Aish!

It's six thirty in the morning and I am still awake. Oo, gising na gising, wala akong tulog. Magmula four midnight hanggang ngayon ay hindi pa ako natulog. Kasalukuyan akong namimilipit sa sakit dahil sa kirot na nararamdaman sa aking puson, ilang beses na akong napabalikwas sa kama at hindi ko malaman laman ang eksaktong posisyon ko upang maging komportable ako.

Nakailang tayo at higa na ako sa kama dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko, kanina pa nga ay sa banyo ako tumambay. Ito ang ayaw ko bilang isang babae eh, 'yong magka-ka dysmenorrhea ka. Iyong hidbi mo alam ang gagawin at kung saan mo ibabaling ang ulo mo sa sakit, kahit ano pang gawin kong poise hindi nawawala ang sakit.

Tumayo ako at sa sahig na lang ako humiga at niyakap ang unan. Napapaungol na lang ako sa sakit, langya! Talagang maiiyak ka.  Aish! Tae!” singhal ko.

Maya-maya may kumatok at tanging ungol lang ang sagot ko. Mmmm…” nakaka-bwiset ang dalaw na 'to, dadalaw na nga eh bibigyan pa ako ng sakit. Jusko!

“Breakfast is ready, common let's e— ” agad siyang napatakbo palapit sa akin at hinawi ang buhok ko.

"What the fuck! What happened to you?" nag-aalala niyang sabi, hindi ako ka agad nakasagot dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

Bigla naman siyang nagsalita nang kung anu-ano na ikinainis ko. "What the! Natanggalan ka ba? Shit, why you didn't tell me that you're pregnant! Sino ang ama?!" Langya naman oh, anong pinagsasabi nitong artistang 'to.

Napatingin ako sa kaniya at sinamaan ito ng tingin. Gusto ko siyang hampasin para bumalik siya sa realidad dahil ang tanga na niya. "Fvcking shit! Who's the father?!" galit niyang sabi na pulang pula pa ang mukha niyo sa galit dahil. Sa sobrang inis ko pinaghahampas ko siya ng unan, ang unan na yakap-yakap ko. 

Anong buntis? Anong ama? Takte! Nabaliw ba 'to sa isinulat ko kagabi o ganito lang ang epekto ng hindi namin pagpapansinan? Pero tae talaga! Natatae na ako! Pero kapag nakikita ko siyang ang OA,mas lalong natatae ako na hindi makalabas labas.

Aray! Aray! Sino ba ang ama ng dinadala mo?!”

"Hoy! Lalake huwag ka ngang OA, anong pinagsasabi mong pregnant ka diyan. May dalaw lang ako at anong pinagsasabi mong buntis, sino ang ama? Sipain kita diyan eh!"

Bumangon ako upang umupo at isinandal ang likod ko sa center table. Nangunot ang kaniyang noo sa aking sinabi. Rumehistro ang napaka inosente niyang mukha nang ituro niya ang aking kama. "Huh? And what's that blood?"

Ngayon ko lang napansin na natagusan ko na pala ang bed sheet ko. Nako! Mahirap na namang labhan. Umirap lang ako at hindi na siya sinagot pa. Siguro naman ay alam na niya ang sagot dahil sinabi ko ng may dalaw ako. “Kung wala ka ng madaming maganda kundi ang painitin lang ang ulo ko, lumabas ka na.” walang gana kong sabi sa kaniya at itinuro ang bukas na pintuan.

Bumalik sa walang emosyon ang kaniyang ekspresiyon. “So mas gusto mong hindi tayo magpansinan? Tsk, akala ko ba okay na tayo tapos iyan pa ang ibubungad mo sa akin. What a fucking morning.”

Huwag ka kasing over acting, hindi din nakakatuwa ang bungad mo sa akin. Hindi mo lang kasi alam ang feeling nang magkaroon ng dysmenorrhea tuwing dinadatnan ka.” sumbat ko sa kaniya at tumayo saka ako humiga sa kama na patagilid habang nakapuwesto ang kamay ko sa aking puson.

Ramdam ko ang paninitig niya sa akin subalit hindi ko na ito pinansin bagkus hinilot ko na lamang ang puson ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Kung lalabas na siya, sige lang. Wala rin naman ako sa mood.

Ilang minutong katahimikan ang nangyari at nararamdaman ko pa rin ang presensiya niya sa likod ko. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya habang ipinagpatuloy ang paghilot ko. Nagulat na lamang ako nang tumabi ito sa akin saka niya tinanggal ang kamay kong hinihilot ang puson ko at ipinalit niya ang kaniyang kamay. I feel his soft and long fingers gently stroking on my hair and I feel his lips kissing my forehead.

"I don't know how to comfort you, but I think it will relieve your pain." unti-unti ring nababawasan 'yong sakit dahilmsa ginagawa niya. Inaantok tuloy ako sa ginagawa niyang paghaplos sa buhok ko.

Napapapikit na ako ngunit nilalabanan ko lang ang antok, hindi puwedeng makaidlip ako. "Matulog ka na muna. Halata sa mga mata mong kumikislap na wala kang tulog.” sabi niya at tumango ako.

“And sorry kung nagalit agad ako, saka sorry din kung OA ako mag re-act kanina. Gusto ko kasing ako lang ang magiging ama ng anak mga anak natin balang araw, wala ng iba at ikaw lang ang gusto kong pakasalan pagdating ng tamang panahon." Naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking pisngi.

How sweet. I just give him a small smile as my answer. “Thank you.” I answered before I closed my sleepy eyes.

To be continued …

Fb: Rach WP

Maraming maraming salamat sa paggugol mo ng oras para basahin ang #TCHKAM LAB NA LAB po kita dahil minamahal mo rin ang aking story. Salamat din sa paghihintay sa bawat updates ko, pagpasensiyahan niyo na ako dahil mabagal talaga ak mag-update.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 13.2K 5
1.2M 17.3K 60
[Highest Ranking Achieved:#13 in Teen Fiction] Paano kung ang isang babaeng nagmahal ng tapat ay ginamit lang. Paano kung ang tanga ay matuto. Paano...
23.4K 396 62
2020 checklist: Kill the cheating bastard. Kill the traitor friends. Kill the mistress.
412K 2.3K 5
Every action has good or bad consequence and choosing to live or to die is not easy especially if the one you loved is involved. Zamora Series 1: Ar...