The Best Pretending Role

Par faithtolove

76.9K 2.4K 1.8K

It's hard to pretend you love someone when you don't, but it's harder to pretend that you don't love someone... Plus

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Drake Ramirez Villarama
Chapter 2 Rea Angelica Dimapilis
Chapter 3 We Meet
Chapter 4 Applicants
Chapter 5 Find Her
Chapter 6 The Proposal
Chapter 7 Suitor
Chapter 8 Her Place
Chapter 9 The Contract
Chapter 10 Slam book
Chapter 11 Brothers
Chapter 12 His Family
Chapter 13 Quickie
Chapter 14 Bath Tub
Chapter 15 Breakfast
Chapter 16 Mangga
Chapter 17 Pick up Lines
Chapter 18 First Date
Chapter 19 Singing
Chapter 20 Necktie
Chapter 21 Ringtone
Chapter 22 Rain
Chapter 23 Mine
Chapter 24 First Love
Chapter 25 Rejection
Chapter 26 Gift
Chapter 27 Wrong Move
Chapter 28 Kiss
Chapter 29 Date
Chapter 30 Smell
Chapter 31 Dare
Chapter 32 Stars
Chapter 33 His Lips
Chapter 34 Text
Chapter 35 Happiness
Chapter 36 His Friends
Chapter 37 Stay
Chapter 38 Awkward
Chapter 39 Soft Heart
Chapter 40 Restaurant
Chapter 41 Ex
Chapter 42 Falling
Chapter 43 Come Back
Chapter 45 Adventure
Chapter 46 Game Over
Chapter 47 Beginning
Chapter 48 Courting
Chapter 49 Pink
Chapter 50 Palayan
Chapter 51 Villarama
Chapter 52 LQ
Chapter 53 Basketball
Chapter 54 Decision
Chapter 55 Soon
Chapter 56 Teddy Bear
Chapter 57 Moment
Epilogue
Note

Chapter 44 Lullaby

938 34 3
Par faithtolove

Rea's Pov

Come back to me...

Umuulit sa utak ko ang sinabi niya. Wala na, tapos na ang pagpapanggap namin kasi nga may totoong tao na handa siyang mahalin. Oo nga, gusto ko siya pero hindi naman niya ako mahal. At least sila, the feeling is mutual para sa kanila.

Game over.

Tumalikod na ako saka mahahabang hakbang ang ginawa ko. Kinagat ko ang labi ko kasabay ng pagbara ng lalamunan ko.

Ngayon lang ako nakaramdam ng inis at sakit dahil sa lalaki. I'm falling hard. Dati naman alam ko ang lahat ng plano ko sa buhay eh. Maiahon sa kahirapan pamilya ko. Mapagamot si Kira. Makapag-aral mga kapatid ko at makapagtayo ng sari sari store. Pero ngayon nakalimutan ko lahat dahil laging si Drake ang nasa isip ko.

It's really bad...very very bad.

"Rea!" Tawag ng boses na pilit sumisingit sa gitna ng pag-iisip ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko saka binalingan siya. Humihingal pa ito habang hawak ang magkabilang tuhod niya. Nang tumigil ako sa paglalakad ay umayos ito ng tayo saka dahan dahang lumapit sa akin.

"Don't do that again.." Humihingal na sabi niya.

"Ang alin?"

"Leaving me." Halos matuyuan ako ng lalamunan sa bawat bigkas ng labi niya.

Shit. Mali ito. Maling mali. Pinipilit kong isara ang puso ko pero nakapasok na siya. Habang tumatagal ay tumutubo iyon at lumalaki.

Nakatitig siya sa akin habang nakaawang ang bibig dahil na rin sa pagod. Lumunok ako ng ilang beses dahil sa hirap na akong huminga. Baka mahalata niyang basag ang boses ko.

"A-andun naman si Trisha..k-kung gusto mong tapusin ang contract..s-sabihin mo na.." Nabasag ang boses ko sa huling salita.

Peste! Ayokong bumigay habang kaharap ko siya. Wala siyang dapat malaman sa nararamdaman ko. Biglang gumalaw ang panga na parang galit. Hindi ko alam kung para saan.

"W-what did you say?" Aniya sa malalim na tinig.

"P-patapos na rin ang contract. Two weeks na lang...tapos bumalik pa si Trisha..m-magiging masaya ka na.." Kinagat ko ang labi ko dahil sa panginginig nito. Nangilid ang luha ko.

Mataman niya akong tinitigan na para bang tinitimbang ang nararamdaman ko. Sinikap kong ngumiti kahit na masakit. Ayaw kong makahalata siya.

"At sino ka para magdesisyon para sa akin?" Nagulat ako sa galit niyang tono.

Tumikhim ako saka ngumiti sa kanya. "Sabihin mo na kasi 'wag ng dahan dahan."

"Dammit! Ang tanga mo talaga! Gusto na kitang patayuan ng rebulto sa pagiging tanga." Nabwisit ako sa sinabi niya.

'Yan na naman tatawagin niya akong tanga! Kanina engot. Aba nakakababa ng dignidad itong gagong to ah!

"Tanga? Ako tanga? Hoy ikaw gusto kitang patayuan ng mall sa pagiging manhid!" Umirap ako saka tinalikuran siya.

Nakakairita. Naiiyak na ako kanina dahil alam kong katapusan na ng lahat pero biglang naglaho dahil sa inis ko. Ang harsh talaga niya. Ang sama ng ugali!

"Aray!" Sabi ko ng hinablot niya ang kamay ko. Nagpumiglas ako sa kanya pero sadyang malakas lang siya.

"Hindi kita bati! Bitiwan mo nga ako!" Pilit kong hinihila ang magkabila kong braso sa pagkakahawak niya.

Hindi siya nagsasalita habang ako abot hanggang Batanes ang pagod ko para lang makawala sa kanya.

"Naiinis ako sayo. Nakakainis kang palaka ka.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hilahin papunta sa matipuno niyang dibdib.

Halos naiwan ang kaluluwa sa pagkakahila niya sa akin. Ramdam ko ang tibok ng puso niya na nasa tapat ng tenga ko. Sobrang bilis no'n, parang yung akin. Baka dahil sa pagtakbo niya kanina.

"I'm sorry.." Dalawang salita na nagpalunod sa puso ko.

Hindi ako nagsalita habang yakap pa rin ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano bang pwedeng sabihin? WALA.

"Babawi ako.." Kumawala ako sa pagkakayakap niya sa akin.

Mapupungay ang mga mata nito habang nakayuko sa akin ng kaunti para makita ang mata ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Babawi siya? Really?

"At paano?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumisi siya sa akin.

Wala na ngiti pa lang natunaw na lahat ng inis ko sa kanya. Hindi na kailangang bumawi. Unfair talaga! Kahit anong gawin niya sa mukha niya ang gwapo pa rin.

"Hmm..food trip?" Isang pilyong ngiti ang binigay niya sa akin.

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Ngumiti ito ng malapad ng makita ang reaksyon ko. Alam niya talaga ang kahinaan ko! Halos magtalon talon ako sa saya.

"Tara dali!" Hinila ko ang kamay niya. Umikot ang mata niya sa ginawa ko.

---

Drake's Pov

"Ang sarap! Yum yum yum!" Aniya habang nakapikit.

Anong kinasarap sa kinakain niya? Banana que lang naman?

Nasa malapit na park kami ngayon, hindi naman malayo ito sa resto kaya walking distance lang. Maraming mga turista ang nagdaraan. Marami rin mga souveniers na pwedeng pasalubong.

Halos puno ang bibig niya habang hawak ang isang stick ng banana que. Ako naman ay pinapanood lang siya. Nakangiti na siya ngayon na para bang walang nangyari kanina.

Don't know what happen to her but I want her to be happy. Maybe, she's hurt when I called her 'tanga' and 'engot'. Nabigla lang naman ako saka naiinis na sa kakulitan niya.

Nang hinahabol ko siya ay bigla na lang dumating si Trish. Hindi ko rin maintindihan kung bakit pa siya bumalik. I've moved on. Kinalimutan ko na siya. Si Mira ang huli kong minahal.

"Come back to me, please.." Aniya habang basag ang boses.

I'm so speechless on what she said. I mean, six years? Dammit! She left me for her dreams, then came back just to say she still loves me and accept her like that?

Hindi na ako galit sa kanya, tanggap ko na iyon kasi nga naging successful naman siya. Hindi na nga apektado sa kanya, e. Ang hindi ko lang matanggap ay ang pagbalik at gusto akong angkinin na parang iniwan lang sa tabi tapos pupulutin kung saan iniwan? What the hell?

"Trish, I have a girlfriend. I don't wanna hurt her. I don't wanna leave her just for you."

Hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay tumalikod na si Rea saka ko hinabol. Hindi ko alam kung anong problema ng taong 'to kung bakit ganoon ang reaksyon niya kaya naman heto, nag-peace offering ako sa kanya.

Food trip lang pero ang saya na niya. Sobrang babaw niya. Pakiramdam ko, sobrang saya ko kapag nakikita siyang masaya kaya gusto ko lagi siyang masaya.

"Keroppi, gusto ko yun oh." Turo niya sa medyo malayo na tindahan ng isaw. Napanguso ako habang hinihila niya ang kamay ko.

Kahit na mapagod ako sa kakalakad ngayon okay lang, kasi at the end of the day masaya ako dahil masaya siya.

---

"Kumusta ang heart?" Tinaas ni Keith ang paa niya sa maliit na mesa.

Umupo ako sa harapan niya saka huminga ng malalim. "I dunno, bud. I'm confused."

Bumalikwas si Keith sa pagkakaupo saka ako tinignan na parang may mali sa sinabi ko. Kinuha ko ang whiskey saka diretsong ininom iyon.

"Fuck. You're in love again??" Mataas na tono ng boses ang ginamit niya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero wala lang sa kanya. Sumandal ako sa sofa saka pinahinga ang ulo ko do'n.

"Hindi pwede, bud." Umiling ako.

Ngumisi siya sa akin saka umiling. Sabi na eh. Walang mahihita sa taong to. Dumating ang kasambahay nila kaya natigil muna kami sa pag-uusap. May sinabi si Keith sa kanya. Binalingan lang niya ako ng makaalis na ang kasambahay.

"Never thought in my entire life that you could fall in love with her. I mean, she's the totally opposite of your ideal woman." Umiling siya kasabay ng halakhak.

Nairita ako kaya binato ko siya ng throw pillow. Lalo lang siyang tumawa.

"Ang dali mong ma-fall, buddy!" Aniya. Wala akong masagot do'n kasi nga totoo. Ewan ko ba kasi kung bakit nagustuhan ko si Rea. Aish, ang gulo!

Umiling iling si Keith sa akin. It's his idea afterall! Siya ang nagbigay ng payo sa akin na maghanap ng magpapanggap pero ako ang nahuli sa patibong.

"Malapit ng matapos ang contract..and Trisha wants me back." Walang anumang sabi ko. Tumigil siya sa paghalakhak.

Tinitigan niya ako saka sinuri ang kaloob looban ng mata ko.

"And?"

"Told her that I have a girlfriend."

"That's only part of pretending, right?" Hindi ako sumagot.

"Alam mo, bud. Bakit hindi mo subukan." Natigil sa ere ang pag-inom ko ng whiskey.

"No. Aish, I'm not really in love with her, alright. We're just doing it for pretending shit. After that, we will live separately. She can go back to Manila and me? Well, life must go on." Tinungga ko ang alak na ininom ko. Mataman sllang siyang nakatitig sa akin.

Hindi na siya nag komento pa. Basta ang alam ko hindi pwede. Lalong nagging kumplikado ang lahat kaya nga habang maaga ay pipigilan ko na. Walang lunas sa heartbroken kung hindi tutulungan ang sarili.

"Yeah yeah, lokohin mo sarili mo." Sarkastikong sabi niya. Hindi na ako nagkomento pa.

Pagkauwi ko sa amin nadatnan ko si Rea na nakikipagtawanan sa mga kasambahay namin. Humagikgik pa ito na parang wala ng bukas. Nakaupo siya sa high chair habang si Inday ay abala sa pagkuskos ng counter. Si Debbie naman ay abala sa paghuhugas ng plato.

"Tulungan ko na kasi kayo." Prisinta niya. Kukunin na niya sana ang basahan pero napigilan iyon ni Inday.

"No no no madam. Just sit over there and relax. Kwentuhan mo na lang para malibang habang naglilinis." Ani Debbie.

Napanguso ito sa sinabi niya. Mukhang nakalimutan niya yatang para na rin siyang amo rito. Kung makipagkwento parang close talaga sila.

"Kanina pa ako kwento ng kwento. Naubos na ang joke ko sa inyo ah." Reklamo niya.

Hindi siya pinansin ng dalawa saka saka nagpatuloy sa paghuhugas si Debbie.

"Oh sige knock knock." Aniya.

"Madam, pang twenty three knock knock niyo na pero wala pang havey." Ani Inday. Lalo itong ngumuso.

"Basta iba 'to. Narinig ko kanina na sinabi ni Trisha." Nagulat ako sa sinabi niya. Weird talaga siya.

Bahagya pa itong natulala saka umaliwalas ulit ang mukha. "Knock knock.."

"Who's there?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Come back to me."

Natigilan ako nang maalala iyon. Come back to me. Never akong babalik sa kanya, Rea. Ngumisi ito saglit saka nagpatuloy.

"Come back to me who?"

"Come back to me bok ang puso! Wala ka ng magagawa kundi sundin ito!" Kanta niyang habang gumagawa ng konting aksyon.

Humagikhik siya habang ang dalawa ay nakitawa sa kanya. Pumapalakpak ito, ilang saglit lang ay bigla siyang naging seryoso at nawala ang ngiti sa mukha na para bang malayo ang iniisip.

"Ayoko na..kakapagod.." Tamad niyang sabi.

"Basta madam, kapag umuwi ka ng Manila textmate tayo ha." Sabi ni Inday.

Tumango naman ito kasabay ng pagngiti. Parang naramdaman niya yata na may nakatitig sa kanya kaya lumingon siya sa kinaroroonan ko. Agad itong tumayo saka ako pinuntahan.

"Keroppi!" Masiglang sabi niya saka yumakap sa akin. Napangiti ako sa ginawa niya. Ginantihan ko ang yakap niya saka siya hinalikan sa ulo.

Narinig ko ang pagbubulungan ng dalawang kasambahay kasabay ng impit na pagtili ni Inday.

Tumingala siya sa kin saka ko inayos ang buhok niya. Nilagay ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga niya. Napangiti siya sa ginawa ko.

"Lasing ka na naman." Reklamo niya saka nakanguso.

"I'm not drunk. Kaunti lang." Ngumiti ako. Nakayakap pa rin siya sa likod ko habang ako naman ay yakap ang bewang niya.

Namataan ko pa ang dalawa na nagmamadaling umalis, siguro para mabigyan kami ng privacy.

"Uminom, nakainom, iinom pareho lang naglalasing." Aniya.

Marahan akong tumawa sa sinabi niya. Diretso lang ang tingin siya sa dibdib ko kung hanggang saan ang level ng mata niya. Pasimple akong napangiti.

You're incredible. You make me crazy in just one move. I lied. I'm falling hard. Lintik na. Mukhang tatamaan talaga ako ng husto sa'yo. I lifted her chin. There, our eyes met. She parted her lips a little that's why I swallowed hard.

"I'm sleepy.." I whispered. Ngumiti siya sa akin saka dinikit ang ulo niya sa dibdib ko.

She's weird nowadays. Ano kaya ang iniisip ng babaeng ito?

Kesa sa itanong ko iyon ay hinalikan ko siya sa ulo ng isa pang beses. Narinig ko ang pagsinghap pero di naman nagsalita.

"Tara, matulog ka muna." Aniya saka na ako hinila paakyat sa itaas.

Nadaanan namin sa sala si Jess na abala sa paper works niya pero hindi ko na pinansin. Nakatingin kasi ako sa likod ni Rea habang akay ako paakyat. Binuksan niya ang pinto saka kami pumasok. Sinara ko naman agad iyon.

Nang hinila niya ako papunta ng kama ay hindi ba ako nagreklamo. Humiga ako doon na halos patalon. Nakatingin ako sa kisame habang nakababa pa ang paa ko sa sahig. Umiikot na ang paningin ko. Pumikit ako saglit para mawala ang pag-ikot ng paningin ko.

Halos mapabalikwas ako ng tinatanggal ni Rea ang sapatos ko. Hinanap ng mata ko kung nasaan siya, nakaluhod siya habang tinatanggal ang sapatos ko. Nang matanggal niya ito ay inayos ang paa ko sa kama.

"Bakit tahimik mo ngayon?" Ngumisi ako para pagtakpan kung anong namumuo sa kaloob looban ko.

"Hindi ako tumatalak kapag kaharap ang taong lasing. Kapag naglalasing kasi si papa noon, si mama talak ng talak kaya nauuwi sa away. Madalas gano'n ang nangyayari sa mag-asawa. Kaya tahimik muna ako." Aniya habang may kinakalkal sa closet ko.

Napangisi ako sa kawalan. Naririnig ko ang yabag niya palapit sa akin. Lumubog ang kama ng umupo siya.

"Tayo." Utos niya.

Hinila niya ako patayo saka hinawakan ang laylayan ng t-shirt ko saka niya iyon hinubad. Ngumisi ako ng magtama ang tingin namin.

"Nagmamadali, mommy?" Namula ang pisngi niya. Lalong lumapad ang pagngisi ko.

Hindi siya kumibo saka pinasuot sa akin ang ang sleeveless shirt. Tinulak niya ako para mahiga. Tinanggal niya ang pagkakabutones ng pants ko.

Humagikgik ako.

"You're so naughty, mommy." Humagikgik ulit ako.

Napasimangot siya saka niya iyon hinubad. Ako naman ay hinawakan ang boxers para tanggalin.

"H-huy! T-teka..time out!" Aniya.

Ang cute niya. Nanlaki ang mata niya habang nakanganga. Pulang pula pa ang mukha niya. Damn. She's amazing! Alam ko na kung paano siya patatahimikin.

"What?"

"Matulog ka na." Aniya saka umiwas ng tingin.

"Naghuhubad pa ako eh." Sinapak niya ako bigla.

"Ayokong pumatol sa lasing, gago." Inis na sabi niya. Medyo masakit ang pananapak niya ah.

Ngumiti ako sa kawalan. Kinuha niya ang kumot saka binalot ang katawan ko. Parang bumaligtad ngayon ah.

"Caring si mommy.." Tukso ko sa kanya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

"G-good night." Tatayo na sana siya pero pinigilan ko. Kumunot ang noo niya sa akin.

"Stay, please.." Bumuntong hininga siya saka na humiga sa tabi ko.

Tumagilid ako saka niyakap siya sa bewang. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

"Goodnight, mommy." Narinig ko siyang nagmura kaya humagikgik ako. Yakap ko pa rin siya habang naninigas siya sa posisyon namin.

"G-good night..." bulong niya.

Pumikit ako saka ko naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Ngumiti ako saka humigpit ang yakap ko sa kanya.

Ayaw ko siyang umalis sa tabi ko. Ayoko siyang mawala sa akin. Gusto ko sa akin lang siya. Darn. Nalulunod na yata ako sa kanya.

Naririnig ko pa ang paghehele niya sa akin. Para akong baby na pinapatulog niya. Sarap sa pandinig ng boses niya habang kinakanta ang pamilyar na lullaby.

Sinusuklay niya ang buhok ko habang ako yakap siya. Pakiramdam ko nawala ang pagod ko sa ginawa niya. Pumikit na ako ng may ngiti sa labi. Alam ko makakatulog ako dahil katabi ko siya.

 

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

4.1K 79 53
Si Rex Abella ang binatang walang kinatatakutan bukod sa kanyang Lolo na si Fernado kaya kung nasa ibang bansa ang matanda ay malaya si Rex na gawin...
1.1M 22.1K 42
In just a day, Your husband asked for annulment... Then you found out na may brain tumor ka... And lastly you are 5 months pregnant. Ano nga ba ang...
23.3K 453 44
(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato
349K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...