The Best Pretending Role

By faithtolove

76.9K 2.4K 1.8K

It's hard to pretend you love someone when you don't, but it's harder to pretend that you don't love someone... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Drake Ramirez Villarama
Chapter 2 Rea Angelica Dimapilis
Chapter 3 We Meet
Chapter 4 Applicants
Chapter 5 Find Her
Chapter 6 The Proposal
Chapter 7 Suitor
Chapter 8 Her Place
Chapter 9 The Contract
Chapter 10 Slam book
Chapter 11 Brothers
Chapter 12 His Family
Chapter 13 Quickie
Chapter 14 Bath Tub
Chapter 15 Breakfast
Chapter 16 Mangga
Chapter 17 Pick up Lines
Chapter 18 First Date
Chapter 19 Singing
Chapter 20 Necktie
Chapter 21 Ringtone
Chapter 22 Rain
Chapter 23 Mine
Chapter 24 First Love
Chapter 25 Rejection
Chapter 26 Gift
Chapter 27 Wrong Move
Chapter 28 Kiss
Chapter 29 Date
Chapter 30 Smell
Chapter 31 Dare
Chapter 32 Stars
Chapter 33 His Lips
Chapter 35 Happiness
Chapter 36 His Friends
Chapter 37 Stay
Chapter 38 Awkward
Chapter 39 Soft Heart
Chapter 40 Restaurant
Chapter 41 Ex
Chapter 42 Falling
Chapter 43 Come Back
Chapter 44 Lullaby
Chapter 45 Adventure
Chapter 46 Game Over
Chapter 47 Beginning
Chapter 48 Courting
Chapter 49 Pink
Chapter 50 Palayan
Chapter 51 Villarama
Chapter 52 LQ
Chapter 53 Basketball
Chapter 54 Decision
Chapter 55 Soon
Chapter 56 Teddy Bear
Chapter 57 Moment
Epilogue
Note

Chapter 34 Text

1.1K 31 23
By faithtolove


Rea's POV

Kanina pa kami nakaahon ni Drake matapos ng halikan namin. We kissed many times. Once, twice, thrice? Hindi apat yata pero pinipilit niya lima daw. Ewan ko ba sa kanya.

Matapos kasi no'n ay bigla na lang siya nag walkout. Kanina ko pa siya hinahanap hindi ko makita. Nakapagbihis na ako para pag-alis namin mamaya ay ready ako.

Nagpunta ako sa kubo para hanapin siya doon pero wala siya. Tanging sina Wayne at Keith na kumakanta ang nakita ko. Sa sulok ay si Harry na nakapikit ang mata.

"Nakita niyo ba si Drake?" Tanong ko kaya tumigil saglit sa pagbirit si Wayne. Promise, nakakabasag pinggan ang boses niya. Si Harry naman ay napamulat ng mata.

"Si Drake? Ay oo!" Sagot ni Wayne. "Tumalon ng dagat. Tigok na yon." Aniya saka humalakhak. Binatukan ko naman siya sa inis.

"This song is donated by Rea Dimapilis." Humalakhak si Wayne. Binatukan naman siya ni Keith na nasa tabi niya.

"Dedicated, gago!" Umirap na lang ako sa kanila.

Kesa mabaliw ako lalo sa kakatanong sa kanila ay iniwan ko sila para hanapin siya. Hinanap ko siya sa dalampasigan halos kalahating oras na rin akong naghahanap sa kanya. Uuwi na kami mamaya di ko pa siya mahanap!

"Hindi kaya totoo ang sinabi ni Wayne? Eh ba't di siya umiiyak lakas pa ng tawa?" Kinati ko ang aking ilong saka luminga sa paligid.

"Nasaan ka na ba?" Nakapameywang ako saka naisipan naglakad na naman.

Nakailang puno ng niyog na ako pero di ko pa rin siya mahanap. Nauubusan na ako ng pasensiya sa taong iyon! Ayoko na. Balik na ako do'n. Kumuha ako ng bwelo para tumalikod ng nahagilap ng mata ko ang pamilyar na bulto ng lalaki.

Nakatayo ito mula sa di kalayuan habang pinapanood ang sunset. Magulo ang buhok nito at nasisinagan ng araw ang mukha kaya lalong na emphasize ang tangos ng ilong nito. Nakapamulsa siya habang naka white t-shirt, blue dark blue shorts at top sider. It's always him. He can handle himself kahit anong suot.

Pak na pak.

Mabagal ang hakbang ko habang nasa kanya ang buong atensyon. Nakita ko pa siyang yumuko saka tumingala ulit. Bawat galaw niya gusto kong mapanood. Naaadik na yata ako sa kanya.

"Keroppi!" Tawag ko ng di makatiis. Ngumiti ako sa kanya ng nilingon niya ako, siya naman ay nakasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin.

Tumakbo ako palapit, siya naman ay napaatras kaya napanguso ako.

"Kanina pa kita hinahanap." Sabi ko. Tumango siya saka umiwas ng tingin sa akin.

Problema nito? Nawala ang dila? Nakakaloka.

"Let's go." Aniya saka ako nilampasan. Hinila ko ang braso niya kaya tumigil siya.

"Huy! May problema ka ba sa akin?" Tanong ko.

Bumuntong hininga ito na parang nahihirapan na.

"Wala."

"Meron eh. Ano yon?" Umigting ang bagang niya at mahigpit na naglapat ang labi niya. Hindi niya ako matingnan ng diretso sa mata, ako naman ay panay huli sa titig niya kaso bigo ako.

"It's nothing..I'm just..tired." Bulong niya.

"Meron, e. Naku Keroppi isang buwan na kitang kasama at alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi. Lumalaki yang butas ng ilong mo oh!" Turo ko sa kanyang ilong. Nanliit naman ang mata niya sa akin sa inis niya. Napanguso ulit ako. Pinapatawa lang ayaw pa rin. Sungit na naman may dalaw na naman yata.

"I said it. I'm okay!" Aniya.

"Hindi e! Kanina lang okay tayo ah! Tawa ka pa nga ng tawa tapos binuhat mo ako at tinapon sa dagat-"

"Rea-"

"Tapos nagalit ako at ikaw naman iniinis mo pa ako kaya ng nalaman mong di ako marunong lumangoy binuhat mo ako at ako naman si gaga nagpabuhat-

"Rea-" Awat niya sa akin pero di ako magpapatinag.

"Wait! Di pa ako tapos! Tapos mo akong buhatin nakayakap ka sa akin tapos-

"I said stop!" Nanggigil na sabi niya.

"Hala grabe ka galit ka na niyan? Kanina lang ang saya saya mo hinalikan mo pa nga ako di ba, di ba?! Not once not twice but kwadro times!"

"Five times nga!" Sigaw niya at biglang natigilan. Namula ang mukha nito saka umiwas ng tingin sa akin.

"Oh kita mo! Nasarapan ka pati pagbibilang ng halik di mo matandaan." Humagikgik ako. Lalo naman siyang namula habang nanlalaki ang mata sa akin.

Sarap niya talagang tuksuhin. Gusto ko lang kasing maulit ang halikan namin kaya pinapaalala ko pero yung mukha niya..priceless!

"Tama na nga yan. Tara na!" Sabi niya saka humakbang.

"Uy, keroppi..hindi pa ako nag toothbrush nun ha. Uhm nagtoothbrush ako ngayon baka..gusto mo ulit." Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtawa. Siya naman ay napaawang ang bibig at kitang kita ang pamumula.

"Rea Angelica!" Iritadong sabi niya. Napahagalpak ako sa tawa! Pumalakpak pa ako sa sobrang tawa ko. Nagngitngit naman siya sa inis saka napamura.

Lumapit ako ng tumigil sa pagtawa, siya naman ay napasinghap. Umabante ako umatras naman siya. Grabe naman! Parang ako ang lalaki sa aming dalawa ah! Nilapit ko ang mukha ko siya naman ay nilalayo ang kanya. Konting dangkal nalang ang layo namin bago ako nagsalita.

"Ang gwapo mo talaga." Bulong ko. "Sarap ng halik mo, kung mamatay ako ngayon alam ko na ang dahilan..patay ako sa kilig." Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko kaya kinagat ko ang labi ko siya naman ay napalunok.

"Kinikilig ako, Drake. Promise. Kinikilig ako lalo na ngayong namumula ka." Pagkasabi ko no'n ay tumalikod na ako saka humakbang at tumakbo bigla. Mga sampung hakbang ang nagawa ko na marinig ko siyang sumigaw.

"Rea!!" Sigaw niya. Natawa ako sa biglang pagsigaw niya. Yes. I know inis na inis na siya.

Alam ko na walang preno ang bibig ko pero totoo ang sinabi ko sa kanya.

Kinikilig ako and I admit it! Habang tumatakbo ako ay di ko mapigilan ang pagngiti habang naaalala ang mukha niya kanina.

Langya! Kinikilig talaga ako!

Humihingal pa ako ng makarating sa suite namin. Nakaayos na pala silang lahat kami nalang ang hinihintay. Nakasandal si Kean sa pinto ng van. Si Wayne naman ay may kaharutan na babae sa di kalayuan.

"Hay salamat! Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap ah!" Salubong ni Kean saka ako inakbayan.

Humihingal pa ako kaya di ako makasagot agad. Lumabas si Walter na may bitbit na bag, sa likuran niya si Jess na tahimik lang.

Naramdaman ko ang pagkalas ng akbay ni Kean kaya nilingon ko siya.

"Hey!" Aniya na natatawa sa aking likuran. Madilim ang mukha ni Drake sa kanyang pinsan.

"She's mine, dude!" Aniya na seryoso ang mukha.

Okay, too much pretending. Best actor ka na, Drake.

"Easy, dude!" Tinaas nito ang dalawang kamay sa harapan saka ngumisi.

"Saan ba kayo galing ba't ang tagal niyo?" Kunot noong tingin niya sa amin habang palipat lipat ng tingin.

Namataan ko si Wayne na palapit na sa direksyon namin matapos na halikan ang babae. Si Walter at Jess ay masinsinang nag-uusap sa gilid at walang pakialam sa amin. Dumating na rin si Harry na nakasuot ng headphone saka dumeretso sa loob ng van ng walang paalam.

"Ano bang ginagawa ng magkasintahan kapag nagsosolo?" Aniya ng may mapaglarong ngiti sa mata. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Inakbayan niya ako kaya di makapagsalita dahil sa gulat.

"Hmm..jack en poy?" Tukso ni Wayne. Naging seryoso naman ang mukha ni Kean hindi ko alam kung bakit.

Ngumisi si Drake sa sinabi ng kapatid. Shit. Bakit di siya sumagot? Anong ibig niyang sabihin don?

"Ah naghalikan?" Ngumisi si Wayne sa amin. Tumawa si Drake sa sinabi nito kaya siniko ko.

"It's more than that, dude. More than kissing." Sagot niya na ang mata ay na kay Kean ngayon. Napaawang sa bibig ko. Alam ko engot ako pero hindi ako gano'n ka tanga.

Sumipol si Wayne habang si Kean ay mataman akong tinitigan. Pakiramdam ko tuloy umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Damn you, Drake!

Tinignan ako ni Drake saka nilapit ang mukha bago bumulong. "Kinikilig ako kapag namumula ka." Humagikgik ito sa tenga ko bago ako iniwan at nauna sa loob ng van. Nag-iwan iyon ng kiliti at after shock sa buong katawan ko.

Naiwan ako na namumula at nakatunganga sa dalawa. Humalakhak si Wayne. Base sa mukha ni Kean ay iniisip nilang may milagro kaming ginawa.

Langya ka talaga, Drake! Gantihan ba gusto mo? Fine!

----

Drake's POV

"Boss, you have a meeting with Mr. Pascual at 3 pm." Tumango ako kay Eula na kanina pa nakangisi.

Sinara ko ang laptop saka sumandal sa swivel chair at mataman siyang tinitigan.

"Okay." I said. Tumayo ako para kunin na ang coat ko nang marinig ko ang tawa ni Eula. I creased my brow while looking at her. What's going on?

"Wala boss. Take care." Sabi niya ng nakangisi saka iniwan ako.

Saan ka makakakita ng sekretarya na ganon ang ugali? Kung umasta parang siya ang boss ah. Umiling na lang ako saka pumunta sa conference room. I have a meeting with the board member regarding the project this month. Nauna na si Eula doon at iniwan ako. Siga di ba?

Bawat nadadaanan ko ay umiilag sa akin. Ganoon ba sila katakot sa akin? Nakasalubong ko si Kuya sa tapat ng elevator.

"Good afternoon, sir!" Bati ng dalawang babae at tatlong lalaki.

Nakangiti ang mga empleyado sa kanya, nang bumaling sila  sa akin ay nakayuko at takot. I took a deep breath. I trained them this way. I put a wall and give them limits.

"Bro." Ngumisi si Kuya Just sa akin tumango lang ako. Pareho kaming pumasok sa loob ng elevator at may nakasabay kaming apat na empleyado.

Wala na dito si kuya Harry, since last week pa iniwan na niya ang kumpanya. Sabi niya mas gusto niyang i manage ang restaurant namin. Hindi naman siya marunong magluto at wala siyang interes sa ganoong konsepto. I wonder why?

"Tumawag na ba si Harry?" Tanong ni kuya sa akin.

"Hindi pa nga e."

"Ano kayang iniisip ng taong yon? Dati naman sa hacienda ang gusto niya. Inagawan kapa ng posisyon." Ngumisi si kuya sa akin.

Dati kasi sa hacienda si kuya pero ng mawala si Margo ay pinabayaan na niya iyon. Sa akin sana ang ilang branch ng resto, hindi sana ako mahihirapan dahil mahilig sa pagkain si Rea pero wala, e. Gusto ni kuya.

"Bakit di mo na lang siya tulungan?" Tinapik ako ni kuya sa balikat. May point naman siya. Pwede akong tumulong dito sa kumpanya at the same time tutulong din ako kay kuya Harry. Si Wayne kasi sa foundation siya dinala ni Papa, ang kaso mukhang walang balak magtino ng isang iyon.

Tumango na lang ako kay kuya. Ilang saglit pa ay tumunog na ang elevator at sabay kaming lumabas saka dumeretso sa conference room.

"Good morning, sir!" Sabay na bati nila. He smiled and greeted back. I just nodded. Mahilig siyang makipag socialize pero ako hindi.

Nasa kalagitnaan kami ng meeting pero wala doon ang utak ko. Excited akong isama si Rea sa ilang resto namin. Naiisip ko palang na titikman niya lahat ng pagkain ay napapangiti na ako.

"So, kelan ang campaign?." Dinig kong sabi ni kuya.

Bumalik ang kaluluwa ko ng nag vibrate ang cellphone ko. May message ako at galing kay Rea iyon.

Engot:

Keroppi, mtgal pa ikaw? I'm bored here :) What tym u uuwi? :(

Napailing ako sa text niya. Jejemon talaga. Nasa ilalim ng mesa ang cellphone ko saka nagtipa doon.

Ako :

Later. Why?

Nag-angat ako ng tingin pero hindi naman ako nakikinig. Narinig ko ulit phone ko kaya binasa iyon.

Engot:

I miss you..Yan tuloy, si baby bear na lang ang ka hug ko. :)

Napangiti ako sa text niya. She missed me? Oh man! Tumipa ulit ako sa kanya.

Ako:

I miss you too. I miss your voice.

Pinitik pitik ko pa ang mesa habang naghihintay ng reply niya. Mukhang natagalan yata eh.

"Ms. Divine kayo na ang bahala sa campaign na ito. I will monitor your plan regarding this campaign."

"Yes sir." Sagot ni Divine.

"How about the concept and ideas?" Tanong ng isa na di ko matandaan ang pangalan. Bahagya pa akong nagulat ng umilaw ang phone ko at excited na binasa iyon.

Engot:

Ang bango talaga ni baby bear. Mana sa daddy niya hihi :)

Natawa ako sa sinabi niya. Basta masaya ako sa text niya. Pakiramdam ko tuloy totoo kaming mag-asawa at anak namin ang bear na iyon.

Narinig ko ang tikhim ni kuya na napaangat ang tingin ko sa kanila. Tahimik ang mga members at walang mababasa sa mukha nila tanging si kuya lang ang nakangisi.

Umirap ako sa kanila saka yumuko para magreply sa text niya. I don't care if we're in the middle of the meeting. Masaya ako pakialam nila?

Ako:

Daddy? So, you're the mommy?

Tumikhim ako saka umayos ng upo. Umiwas sila ng tingin sa akin pero si kuya nangingiti na bumaling sa akin.

"I'm sorry, where are we?" I asked.

"We are in the middle of the meeting here at conference room. But I think you're mind is out of the country?" Tinaasan ako ng kilay ni Kuya.

May mali ba? Shit. I think something is wrong with me.

Tumahimik na ako saka nakikinig sa brainstorming na ito. Hindi ko nga alam kung anong pinag-uusapan namin, e.

Engot:

Pwede? Anong pabango mo? Yung akin kasi ang baho..nakakamatay..

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. May pabango bang nakakamatay?

"Group A, focus kayo sa presentation.  Group B, sa site and C, sa finance." Sabi ni kuya. Napalingon ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay, si Eula naman ay ngumingisi habang nagte take down notes.

Ako:

Anong pabango mo?

Umayos ako ng upo saka sinubukang makinig. Damn. I'm distracted! Para akong estudyante na may ka textmate at hindi nakikinig sa prof!

Tinagilid ko ang ulo ko saka hinanap ng mata ko si Eula. Tinaasan niya ako ng kilay ng makitang nakatingin ako sa kanya. Nagvibrate na naman ang cellphone ko kaya hindi ko na naman narinig kung ako ang plan nila sa campaign.

Engot:

Baygon. HAHAHAHA :)

Natawa ako sa nabasa ko. Kelan pa naging pabango ang Baygon insecticide? Ang baho nga at nakakamatay nga naman.

Naiimagine ko palang na nag-i-spray siya ng baygon sa katawan ay natatawa na ako.

"Ehem!" Tumikhim si kuya ng malakas at halata namang sinadya lang. Nilibot ko ang tingin sa kanila na nasa akin ngayon.

"What?" Iritadong sabi ko.

Tumahimik silang lahat. Tanging si Kuya at Eula lang ang nanunuksong mukha ang binigay sa akin. Masama bang sumaya sa isang text? Hindi naman di ba?

"You're too much in love, bro. So whipped. So smitten." Ngumuso si kuya at ako naman ay nakakunot ang noo. Ano bang pinagsasabi niya? In love dahil lang sa text? Crazy!

Sasagot pa sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

*Mag-exercise tayo gwapo si Drakey..gwapo si Drakey..*

Natawa sila sa ringtone ko. Damn. Nakalimutan kong palitan ang ringtone ko! I gave them a death glare kaya tumahimik ang mga ito. Tumikhim pa ang matandang panot na nasa tabi ko. Si Kuya Just at Eula ay nakangisi pa rin sa akin.

*Mag-exercise tayo Gwapo si Drakey*

Tumayo na ako saka sila iniwan. Pagkasara ng pinto saka ko sinagot ang tawag.

"He-"

"Hi Keroppi! Nakangiti ka na ba? Kumusta ang work? Kumain ka na ba? Anong ulam-"

"Rea isa isa lang." Natatawang sabi ko. Pag talaga bumukas ang bibig wala ng preno.

"Ito naman. Oh siya. Anong oras ka uuwi? My gosh, I'm bored! Ay, keroppi pwede ba akong pumunta sa hacienda? Kukuha ako ng mangga!" Masiglang sabi niya.

Napasandal ako sa dingding saka lang siya pinapakinggan. Kahit na wala akong sabihin okay lang kasi energetic naman siya at mukhang maraming baong kwento.

Dumaan ang dalawang empleyado under sa finance department saka ngumiti sa akin pero wala sa kanila ang isip ko.

"Pasalubong ko ah! Kukuha ako ng mangga mamaya. Sana makauwi ka ng maaga. Naiinip ako dito mamaya pa kasi ang uwi ni Jess. Si Walter naman wala din. Kaya yun, sina Inday nalang kausap ko saka si Manang." Ang haba ng sinabi niya. Hindi kaya hinihingal ito?

Naglakad ako pabalik ng office. Bahala na ang meeting na iyon tutal labas na ako sa campaign. Pagkarating ko sa office ay pabagsak akong umupo sa swivel chair saka sumandal. Siya naman ay talak ng talak.

"Uwi ka na!" Aniya.

"Rea, I'm busy. Marami akong appointment ngayon." Bulong ko na nanatiling nakapikit.

"Gano'n ba? Oh sige--Kean!" Napamulat ako at napabalikwas sa pagkakaupo.

"Shit. Si Kean? Nariyan si Kean?"

"Oo. Sige wag ka ng umuwi may kasama na ako!" Tumatawang sabi niya. Narinig ko pa ang boses ni Kean sa background at parang nagtatawanan sila.

"Rea-"

"Bye Keroppi! Pahinga ka muna may kasama na akong pupunta ng hacienda. Bye!"

"Rea--shit!" Binabaan ako ng phone! Bigla akong nairita sa narinig.

Bakit nandoon si Kean? Wag niyang sabihing may gusto siya kay Rea? No way!

Iisipin ko pa lang na magkasama sila ngayon ay gusto ko ng manapak. Hindi pwede to. I need to go. Hindi ako papayag na sila ang magkasama at wala ako do'n.

"Drake.."

"Kuya, not now! I have to go." Kinuha ko ang susi ng kotse saka inayos ang sarili ko. Nagtataka naman si Kuya habang ako ay natataranta sa pag-aayos.

"Hey! Is there something wrong?" Takang tanong niya.

"Uuwi na ako. Andon si Kean at sila lang ni Rea ang magkasama." Humakbang ako palabas pero pinigilan ako ni kuya.

"So?"

Tumigil ako saka ginalaw ang panga ko. "Baliw ka ba kuya?"

"I think Kean likes Rea."

"No. She's mine. Sabihin mo sa gagong pinsan mo na matuto siyang lumugar." Nangigil na sabi ko. Nasa pinto na ako ng tinawag ulit ako ni kuya.

"Well, sila lang ang magkasama. Mukhang friendly pa naman si Rea..ano kaya ang ginagawa nila ngayon?" Ngumuso si Kuya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Friendly? Yes..and she is my girlfriend. She's mine. Get it?" I gritted my teeth.

Humalakhak lang si Kuya na ikinainis ko kaya pabalya kong sinara ang pinto at nagmamadaling tumungo pababa.

Malapit na ako sa parking lot ng namataan ko si Keith at hinarang ako.

"Fuck! Get out of my way!" I said. Nagtataka naman siya sa ginawa ko pero nakangiti pa rin.

"Bud!"

"Not now, bud." Lumapit ako sa kotse ko saka bubuksan niyo pinigilan ako ni Keith.

"I have something to tell you." Pigil niya sa akin.

"It can wait. I need to go, bud. Mas importante pa ito sa sasabihin mo."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Okay fine! Pupuntahan ko si Rea kasama si Kean. Okay na?" Nabigla naman siya kalaunan ay ngumisi sa akin. Umirap ako saka siya iniwan.

Nagmadali akong pumasok ng kotse saka pinaharurot iyon kahit na muntikan ng masagasaan si Keith.

I tried to call Rea. Once, twice, and so on. Ni isa wala siyang nasagot!

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ng kotse.

Wait for me, Rea. Just wait. Lagot ka sa kin Kean. Kahit pinsan pa kita masasapak kita 'pag inagaw mo si Rea.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 19.9K 58
Celestine Marquez believes that money doesn't grow on trees. She needs to work hard to get what she wanted--to have her own business. But life seemed...
2.7M 29.2K 41
"I'll do anything you want, wag ka lang mag sumbong." He was staring at my eyes and lips alternately. Nawala yung ngisi nito. "Anything? Seryosong ta...
797K 27.1K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...