The Best Pretending Role

Por faithtolove

77K 2.4K 1.8K

It's hard to pretend you love someone when you don't, but it's harder to pretend that you don't love someone... Más

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Drake Ramirez Villarama
Chapter 2 Rea Angelica Dimapilis
Chapter 3 We Meet
Chapter 4 Applicants
Chapter 5 Find Her
Chapter 6 The Proposal
Chapter 7 Suitor
Chapter 8 Her Place
Chapter 9 The Contract
Chapter 10 Slam book
Chapter 11 Brothers
Chapter 12 His Family
Chapter 13 Quickie
Chapter 14 Bath Tub
Chapter 15 Breakfast
Chapter 16 Mangga
Chapter 17 Pick up Lines
Chapter 18 First Date
Chapter 19 Singing
Chapter 20 Necktie
Chapter 21 Ringtone
Chapter 22 Rain
Chapter 23 Mine
Chapter 24 First Love
Chapter 25 Rejection
Chapter 26 Gift
Chapter 27 Wrong Move
Chapter 28 Kiss
Chapter 29 Date
Chapter 30 Smell
Chapter 31 Dare
Chapter 33 His Lips
Chapter 34 Text
Chapter 35 Happiness
Chapter 36 His Friends
Chapter 37 Stay
Chapter 38 Awkward
Chapter 39 Soft Heart
Chapter 40 Restaurant
Chapter 41 Ex
Chapter 42 Falling
Chapter 43 Come Back
Chapter 44 Lullaby
Chapter 45 Adventure
Chapter 46 Game Over
Chapter 47 Beginning
Chapter 48 Courting
Chapter 49 Pink
Chapter 50 Palayan
Chapter 51 Villarama
Chapter 52 LQ
Chapter 53 Basketball
Chapter 54 Decision
Chapter 55 Soon
Chapter 56 Teddy Bear
Chapter 57 Moment
Epilogue
Note

Chapter 32 Stars

1K 39 17
Por faithtolove

Rea's POV

Napalunok ulit ako sa naiisip ko. Amoy chips pa naman ako baka ma disappoint si Drake.

Kaya ko ba 'to? Paano ba ang humalik? Shocks! Gaya ba nung ginawa ni Harry? Ayaw ko yata iyon baka maipit ang ilong ko saka nakakadiri kaya. Palitan kami ng laway? Ewww..

"Okay, bud. Punta ka sa dalampasigan. Nakikita mo yung magdyowa na yun?" Tinuro niya ang pares na naglalampungan doon.

Sarap na sarap ang babae habang hinahalikan siya ng lalaki. Nakayakap ang braso nito sa leeg ng lalaki. OMG..

"Huwag mong sabihing ipapahalik mo ng laplapan ang babae kay Drake?!" Natawa sila sa sinabi ko. Napatingin sa akin si Drake kaya di ako makalingon. Tumaas ang sulok ng bibig nito habang naiiling.

Wala naman akong sinabing masama, 'di ba? Ayoko lang kasing makita na nakikipaghalikan siya sa iba. Basta hindi ko siya keri. Sana ako na lang. Chos.

"Easy, keroppi." Ani Keith at ngumisi, alam ko na tinutukso ako nito. "Punta ka doon at kumanta ka ng malakas. Barney song!"

"What the fvck?" Natawa silang lahat sa reaction nito. Kahit ako ay napanganga.

"Yes the fvck." Ani Keith. Nasanay na yata ako sa pagmumura nila. Umasim ang mukha ni Drake. Kulang na lang gawin na siyang pansahog sa sinigang sa sobrang asim.

"Go man!" Hikayat ni Walter. "Mas nakakahiya ang ginawa ko." Napangiwi ito ng maalala ang ginawang pagsayaw kanina.

Akala ko pa naman ipapahalik siya sa akin. Ang saya sana kaso mali pala. 'Yan tuloy hindi na naman natuloy ang first kiss ko.

"No way!" Asik niya.

"There's a way. Now, get your balls and be a man. Just do it, dude!" Sabi ni Harry. Napalingon ako rito.

Ngayon ko lang sila nakasama na ganito. Mga loko pala sila talaga. Ibang trip ng mga ito. May ganitong side din pala si Harry, akala ko puro lang siya kasungitan. Tinapik ko sa balikat si Drake.

"Kung ayaw mo ng barney, yung madalas kong kinakanta na lang sayo." Kinagat niya ang labi niya sa frustration.

"Magbabayad ka sakin, bud. Maghintay ka lang." Inis na sabi nito na kay Keith ang tingin. Humalakhak lang ito kahit na iritado na si Drake.

Sila na nga lang mag bestfriend laglagan pa. Sabagay, ganoon naman talaga yon. Kami nga nina Aya at Bryan madalas nag-aaway pero sweet na away hindi yung bugbugan.

"Go keroppi!" Sabi ko. Natigilan siya saka ako tinignan. Tumango ito bago tumayo. Nagpalakpakan pa ang mga mokong.

Lumapit ito sa dalampasigan. Huminga siya ng malalim. Kahit na may kadiliman na ay kita ko ang inis sa mukha niya.

Sigurado pinapatay na niya si Keith sa utak niya. Kung ganoon ang ginagawa niya, malamang pinaglalamayan na namin si Keith. Syempre ako ang singer kung nagkataon.

"Mag-exercise tayo...shit!" Pumikit siya ng mariin. Natawa ako sa reaksyon niya. Ang cute niya!

"Yan ang themesong ninyo? Heck..you're crazy!" Naiiling na sabi ni Wayne.

Kaya nga crazy couple kami, e.

"Go Drakey!" Tili ko kaya napamulat siya. May binubulong ito pero di namin marinig kasi may kalayuan siya.

Tumapat siya lalo sa dalawang magdiyowa na natigil sa paghahalikan at napanganga na lang na nakatingin sa kanya ang dalawa.

"Mag-exercise tayo tuwing umaga..tuwing umaga.." Tumawa ng malakas mga kasama namin. Hawak na nga ni Jess ang tiyan sa kakatawa. Ako naman ay naluluha na.

Hindi ko talaga ma imagine na ganito ang ginagawa niya. "Louder!" Sigaw ni Keith. He glared at him. Tumawa lang si Keith.

"Mag-exercise tayo..duling si Rea. Duling si Rea." Kanta niya habang nakapikit ng mariin.

"Pfft! Hahaha!" Yan ang narinig ko sa kanila. Si Keith ay nahiga na sa buhangin. Walang kwentang bestfriend talaga!

"Langya!" Di mapigilang sabi ni Harry.

"Hindi ko lubos maisip na darating ulit ang araw na magiging ganito ulit si Drake." Sabi ni Justine na nawala na ang ngiti pero mga kasamahan namin ay tumatawa pa rin.

Nawala ang ngiti ko at napaisip. Posible kayang nakapag move on na talaga siya? Sana nga...sana nga.

Narinig ko na naman ang halakhak nila kaya tinanaw ko na ulit si Drake na parang engot at nakapikit sa harapan ng magkasintahan. Walang tigil ito sa pagkanta at paggawa ng sariling steps.

Tumayo ang magdyowa at tinalikuran siya. Tumigil saglit ang babae saka siya sinigawan.

"Baliw!" Aniya bago tuluyang umalis. Halatang inis na inis ang mga ito dahil naudlot ang romansa.

Panay naman ang mura ni Drake bago bumalik sa amin. Tawang tawa pa rin kami sa ginawa niya.

Swear. Lakas ng tawa ko as in hagalpak. Si Drake na masungit ay kumanta ng ganoon? Nakakatawa di ba? Madilim ang mukha nito habang nakikita niya kaming tumatawa.

Never pumasok sa utak ko na gagawin niya iyon. Para siyang ewan. Ang putla nito at halatang nahihiya sa ginawa. Hindi ko expect na mapapasunod siya sa kalokohan nila.

"May talent ka na man pala, bro!" Tukso ni Justine sabay ngisi. Umirap ito sa kuya niya bago umupo. Ako naman ay pinipigilan ang tawa kasi alam ko na naiinis na siya.

"Sige tumawa kapa, kabagin ka sana." Sabi niya sa akin na nakanguso kaya humalakhak na ako. Pulang pula naman buong mukha niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko kasi naman nakasimangot siya parang bata. Sa inis niya at inakbayan ako sa leeg saka tinakpan ang aking bibig manahimik lang ako sa kakatawa. Kung hindi ko lang alam, baka paniwala na rin ako na totoo kaming magkasintahan.

Walang tigil kami sa pagtawa kaya sumimangot siya. Pinaikot niya ang bote habang si Keith ay tumatawa pa rin kaya kumuha siya ng maliit na kahoy sa likuran niya at binato sa bestfriend niya. Napa aray naman ito pero tumawa pa rin.

Habang umiikot pa ang bote ay hindi na niya tinanggal ang pagkakaakbay sa akin. Aaminin ko kinikilig ako at gusto ko na ganito kami kahit nagpapanggap lang. Masaya na ako sa simpleng galaw niya sa akin. Para sa akin sweet na ito what more kung kami na, di ba? Wait...baliw na nga ako. Imposible na maging kami. Umiral na naman ang imagination ko.

Naka dalawang bote na pala ako ng hindi ko namamalayan marahil sa sobrang tawa. Huminto sa pag-ikot ang bote at tumapat iyon kaya Kean. Umayos ito ng upo at mukhang excited sa ipagagawa sa kanya. Buti na lang hindi pa kami na 'dare' ni Jess. Marunong makisama ang bote sa amin.

"Can you see those girls?" Turo ni Wayne sa babaeng nagtatawanan sa isang cottage.

"I'm not blind, dude." Sarkastikong sabi niya. "Ipapahalik mo sila sa akin?" Ngumisi ito. Uminom ito ng beer saka hinintay ang dare sa kanya.

Busy ako sa pag nguya ng chips at hindi ko namalayan na ubos na pala. Hahanap pa sana ako ng iabot ni Drake ang isa pang chichiria sa akin.

Napangiti ako. Galawang Drake. Simpleng galaw pero nakakakilig.

Kinuha ko iyon at nagpasalamat sa kanya. Nang buksan ko iyon ay kumuha din siya. Napatingin ako sa kanya. Nasasanay na siya sa akin. Mukhang hindi ko na kailangan pa ng bonggang effort para mawala ang kasungitan sa akin.

"Humingi ka ng sanitary napkin sa kanila at sabihin mong may regla ka ngayon."

"What the fvcking hell? Are you kidding me? It's not funny, dude!" Tumirik ang mata nito kay Wayne.

Natawa si Walter sa dare na sinabi ni Wayne. Kahit ako ay napangisi.

"Well, mas nakakahiya yung akin dude. Isigaw mong bakla ka kahit na kaya mong makabuo ng sampung baby ng sabay-sabay? Di ba mas nakakahiya iyon?" Tumitirik na matang sagot ni Wayne. Ngumisi si Walter. Kinurot siya ni Jess kaya natigil ito.

"Gawin mo na lang kasi dear cousin." Ani Jess. Umirap si Kean saka uminom ng beer. Tumayo ito na panay bulong.

Pinanood namin siyang lumapit sa tatlong babae. Napatili pa nga sila at mukhang kinikilig. Kami naman ay tahimik lang para marinig siya dahil hindi naman kalayuan ang pwesto nila sa amin.

"Hi." Malanding sabi nito sa tatlo. Kinikilig naman sila saka nag hello din.

Habang hinihintay namin sila ay panay ang subo ko sa chips. Ganoon din mga kasama namin. Panay ang shot nila. Kahit si Drake ay naka apat na bote na yata.

"Pwedeng humingi ng sanitary napkin.." Nawala ang ngiti ng mga babae pero si Kean ay nakangiti pa rin ng ubod ng tamis.

"Bakit?" Tanong ng isa na naka blue sleeveless.

"My period kasi ako ngayon. With wings gusto ko ah." Aniya na ikinalaglag ng panga ng mga kausap niya.

Kahit ako ay nabulunan sa narinig. Narinig ko ang paghalakhak ni Keith kaya sumabay mga kasama namin. Inabot ni Drake ang hawak niyang beer at iyon ang pinainom sa akin. Ininom ko naman ng straight iyon.

"You okay?" Aniya. Ngumiti ako saka nagpasalamat.

"Galing mo, dude!" Pumalakpak pa sina Wayne at Justine. Hindi naman maipinta ang mukha ni Kean habang palapit sa amin.

Inagaw nito ang bote sa akin pero pinigilan siya ni Drake. "Nainom na ni Rea yan." Walang emosyong sabi niya.

"And?" Tinaasan ng kilay ni Kean. Natigil sila sa pagtawa at humarap sa amin.

"Indirect kiss." Singit ni Jess. Natigilan ako.

Kaya ba ayaw niyang ibigay kay Kean dahil do'n? Pero sa kanya galing ito ibig sabihin nag-indirect kiss kami? Emeged. Para na rin kaming nagkiss no'n.

Napailing si Kean saka umupo sa pwesto niya. Kinuha naman ni Drake ang bote sa akin sa ininom iyon. Napaiwas ako ng tingin habang ginagawa niya iyon. Shocks. Indirect kiss nga.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan, panay ang hiyaw ni Wayne at Keith marahil sa kalasingan. Ang daming nakakalat na basyo sa aming paligid pati nga pinagkainan ko ay nakakalat na rin.

Tinignan ko ang cellphone ko, alas dose na pala. Kaya pala inaantok na ako at pagod. Humikab ako ng isang beses.

Nauna ng pumasok si Wayne dahil sa kalasingan. Inakbayan siya ni Justine para maihatid sa suite namin. Sumunod na rin sina Kean at Keith na pareho ring sumusuray sa paglalakad.

"Rock en roll! Woooh!" Sigaw ni Wayne na naririnig namin.

Habang inuubos ko ang laman ng beer ay napapakanta ako. Medyo umiikot na rin ang paningin ko, hindi talaga ako sanay na uminom. Napamulat ako at nakita ko na binuhat ni Walter si Jess na tulog na. Nagpaalam si Walter sa amin saka na tumayo habang buhat si Jess. Napangiti ako habang tinatanaw silang palayo. Madalas silang mag-away pero halata namang gusto nila ang isa't-isa.

Habang pinapanood ko sila ay napapitlag pa ako ng sumandal si Drake sa balikat ko. Binaba ko ang tingin ko para makita siya. Mukhang natamaan na rin siya ng alak. Kami na lang dalawa ang nandito. Iniwan nila ang gamit dito na nakakalat.

"Keroppi.."

"Hmm." Hindi pa rin siya gumalaw, ang ulo niya na nanatiling nakasandal sa balikat ko.

"Tara na." Bulong ko. Inayos ko ang upo ko saka kinalabit siya.

"Ayaw." Tiningala niya ako saka napanguso. Ang gwapo ng kumag na ito talaga. Huminga ako ng malalim saka hinayaan siyang gano'n.

Tumingala ako sa langit habang binibilang ang bituin. Hayaan ko munang ganito kami kasi bihira lang mangyari ito. Kahit na mabigat ang ulo niya ay okay lang. Gusto ko ang side na ganito ni Drake. Sweet siya pero di pinapahalata sa iba.

"Hmm..ummm...humuum.." Kumanta ako ng walang lyrics wag kayong echos. Ginagawa ko lang siyang baby.

Siguro umabot din kami ng ten minutes bago ko napagdesisyunang gisingin siya.

"Drake.."

"Mag-exercise na tayo gwapo si Drakey..gwapo si Drakey.." Kanta niya ng pabulong habang nakapikit pa rin. Natawa ako sa ginawa niya.

"Mag-exercise tayo pangit si Rea..pangit si Rea.." Napasimangot ako saka siya tinulak kaya bumagsak siya sa buhangin.

Kainis naman kasi bihira nga lang siyang kumanta tinawag pa akong pangit. Aba! Ako kaya ang pinakamaganda sa angkan ng Dimapilis. Sabi ng nanay ko pinakamaganda ako sa barangay namin tapos tatawagin niya akong pangit? Letse!

"Mag-exercise tayo pangit si Rea..pangit si Rea." Ulit niya. Ngumisi pa ito sa akin habang nakahiga siya sa buhangin. Imbes na magalit ako ay natawa na lang ako.

Humiga ako sa tabi niya bahala na kung mapuno kami ng buhangin. I want to cherish every minute I spend with him. Hindi ko makakalimutan ang gabing ito kasama siya.

Habang nakahiga ako ay inunat niya ang braso niya saka pinaunan sa akin. Baka ganito talaga siya kaya walang malisya. Pinapanood ko lang ang mga stars at tahimik lang kami. Walang nagsasalita sa amin. For my entire life, ngayon lang ako nawalan ng sasabihin.

"Alam mo first time ko rin na humiga sa buhangin.." Sabi ko na parang pabulong lang. Tinaas ko ang kamay ko saka kunwaring inaabot ang mga bituin.

"First time ko rin mapanood ng ganito ang mga stars. Sobrang busy kasi ako sa buhay kaya wala akong time para magrelax." Nakataas pa rin ang kamay ko na parang may inaabot. Nagulat na lang ako ng tinaas niya rin ang kamay niya saka hinawakan ang akin.

Ramdam ko ang init at kuryenteng dumaloy sa kamay niya papunta sa kalamnan ko. Halos kabugin na ang dibdib ko sa ginawa niya.

Tinagilid ko ang aking ulo para makita siya. Nakatingin pa rin ito sa kalangitan na parang walang epekto sa kanya ang ginawa niya samantalang ako abot hanggang langit ang kaba sa simpleng galaw niya.

"Me too. It's my first time to do this. I find it cute and relaxing." Humarap siya sa akin saka ngumiti ng tipid.

Pupunahin ko sana ang ngiti niya pero di ko na magawa. Ang pesteng puso ko kasi kanina pa nagwawala sa sobrang kaba. Tumingin ulit siya sa langit kaya sumunod ako. Binitawan niya ang kamay ko saka nilaro ang kamay niya na parang gumuguhit doon kaya nakigaya ako.

"Uhm, first time ko rin mag-enjoy sa buhay ko." Sinikap kong mag-isip ng mapag uusapan para mawala ang kaba ko. Baka kasi ma heart attack ako dito bata pa ako para mamatay.

"Maaga kasi akong namulat sa hirap ng buhay. Hindi kasi ako sinwerte na maging mayaman agad."

"Hindi rin naman ako mayaman. Nakaranas din ako ng hirap." Aniya. Huminga ako ng malalim habang nakatingin pa rin sa langit na puno ng bituin.

"This is the first time that I learn to be happy again..thank you." Aniya na nagpawala na naman sa puso ko.

Lasing na yata talaga si Drake kung anu ano ang lumalabas sa bibig. Ngumiti ako sa kanya saka tumango.

"Thank you din. Ang dami kong first time na kasama ka." Ngumisi ako habang siya ay malamlam ang mata na nakatitig sa akin.

Kinurot niya ang ilong ko na ikinagulat ko. Ngumiti ito sa akin. Tangina para na akong mamatay sa kilig sa ginagawa niya. Kung ganito malasing si Drake, araw araw lalasingin ko siya. Uubusin ko lahat ng supply ng alak at gagawin naming tubig para malasing siya!

"No. Thank you, masaya ako na ako ang kasama mo sa lahat ng first mo. I promise na ako ang kasama mo sa susunod mong first time, Rea. Totoong masaya ako." Bulong niya saka tumingin ulit sa mga bituin.

Napahawak ako ng wala sa oras sa dibdib ko. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang pintig nito. Pakiramdam ko nakipag karera ako sa sampung kabayo.

"Ah...hehe.. Sige..pwede.." This is awkward! Wala akong alam sa sabihin. "Second time ayaw mo?" Humarap siya sa akin kaya sobrang lapit na niya. Naaamoy ko na nga ang mabangong hininga niya na may halong alak. Pati nga yata chips with cheese flavor naaamoy ko.

"Sira ka talaga!" Aniya saka ako pinitik sa noo.

"Aww!" Ang sakit no'n ha. Aray masakit. Pasalamat siya naka mood siya kaya susulitin ko.

Tahimik na ang buong paligid at tanging pagaspas ng dagat ang aking naririnig. Kung pwede sanang tumigil ang oras para hindi siya magising sa katotohanan. Bukas kasi wala na ang epekto ng alak magiging masungit na naman siya.

"Masaya din ako, Drake. Masaya ako kasi nakilala kita. Dahil sayo, hindi na ako kumakayod sa bangketa. Hindi na ako ume emote sa patay. Hindi na ako kumakanta sa libing. Hindi na ako tumatakas sa mga utang ko. Hindi na ako umuulam ng tuyo..."

Hindi pa nga natapos ang sinasabi ko binara na niya ako gamit ang daliri niya na nilagay sa bibig ko.

"Shhh..." Shocks! Ang hot naman no'n.

"Ako ang masaya kasi nakilala kita. Hindi na ako nagmukmok. Hindi na ako galit sa mundo, na laging tinatanong bakit..life is so unfair? Hindi ko na maalala ang sakit na napagdaanan ko..kasi lagi kang nandiyan para pasayahin ako." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ah-"

"Shhh..hindi pa ako tapos." Aniya na nilagay na naman ang daliri sa labi ko.

"I always say I'm okay but just one time I want someone to look into my eyes say..you're not and give me a big hug and telling me 'hey, I'm here. I'm here for you. At least then I'd know people cared..someone cared..but none."

"Drake-"

"I just want to find a girl that won't play me..a girl that won't hurt me..that If I give my heart to her, she will take care of it not break it into pieces." Suminghap siya saglit pero ang mata ay nanatili sa langit.

"I'm so tired of being hurt..of being a loser. May hangganan din ako. My heart is tired of being hurt over and over again. I believe in love. I believe in true love..but why I wasn't good enough? Kulang pa ba? Kasi ilang ulit kong tinanong kung anong kulang? Pero wala akong nakuhang sagot."

"Ah-"

"Shhh..Let me finish first." Nilagay na naman niya ang daliri niya sa labi ko. Napalunok ako. Hindi ako makasingit. Ang daldal talaga niya kapag nakainom. Hay naku!

"Bakit ako malulungkot kung nandiyan ang happy pill ko? Bakit ako magsusungit kung andiyan ka palagi? Bakit ko hahanapin ang 'the one' ko kung andiyan ka naman?" Napanganga ako sa sinabi niya.

Ano daw? Langya paki explain. Natulala na lang ako habang siya ay diretso ang tingin sa kalangitan.

"Rea..if I give my heart to you..will you take care of it?" Parang binayo ang puso ko sa narinig.

Hindi ako makahinga sa sobrang pagwawala ng puso ko. Gosh! Humihika na ba ako?

Napanganga na lang ako sa narinig. Nabibingi na ba ako o lasing lang ako?

Nakumpirma ko iyon ng dumampi ang labi niya sa noo ko na ikinalaki ng mata ko. Hinila niya ako palapit kaya sobrang lapit na namin. Hindi na ako magtataka kung marinig niya ang kalabog ng puso ko. Para itong gumagawa ng construction site sa sobrang lakas ng pukpok.

"Promise me..If I give you this.." Turo niya sa puso niya. "Don't break it. Kasi pagod na akong buuin ang puso ko dahil basag na basag na."

Hindi ko alam kung para saan ang pagwawala ng puso ko..sa tanong niya? Sa sinabi niya? Sa yakap niya? O sa halik niya saksi ang mga bituin?

Damn it. Why are you doing this to me, Drake? You make me crazy in just a minute!

Seguir leyendo

También te gustarán

61.3K 4.7K 72
Lance Muriel Scott is one of the Scott triplets, full-time CEO, stand-in model. He's smart, handsome, and charismatic. Women threw themselves at him...
23.4K 453 44
(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato
2.7M 29.2K 41
"I'll do anything you want, wag ka lang mag sumbong." He was staring at my eyes and lips alternately. Nawala yung ngisi nito. "Anything? Seryosong ta...