RULE NO. 12 NO INCEST (Part T...

By zandy_fragileheart

252K 3.5K 85

SA ISANG BASKETBALL TEAM, DI MAIIWASANG MARAMING GWAPO. TOP RULE SA TEAM "NO INCEST. KAPATID-KAPATID LANG TAY... More

RULE NO. 12 [PART TWO INCLUDED]
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 17 (Part 2)
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Ending of Part 1
NOTE
PART TWO: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

CHAPTER 47

2.9K 33 2
By zandy_fragileheart

= = = = = =
CHAPTER 47
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =

Hinayupak na Raymundo yon! Nakakainis. Bakit ba niya ko kinukulit ng kinukulit! Ilang tulak pa ba ang kailangan kong gawin sa kanya para lumayo siya?!

"Ang mukha mo Allisandra, mas maasim pa sa mangga!" Sabay kagat niya sa mangga na hawak niya.

"Ano bang problema mo?!" Tanong niya sakin. Lumapit siya at tinignan ang cellphone ko.

"HO-EM-GEEE?! BAT ANG GWAPO NA NIYA?! SHIT! NAKA-TAG PA SAYO?!" napaka O.A na reaction ni Jasmine habang niaalog-alog ako sa kilig.

Ganito kasi yan. May selfie si Raymond na nakatag sakin. Ang selfie na naka kagat ang labi habang may hawak na white rose at may caption na 'I'll steal what's mine." Steal niya muka niya?!

Pagpasok ko sa school halos lahat nakatingin sakin. Halos lahat kasi nakakita ng picture niya! Nakalikom ng maraming likes ang picture ni Raymond. Napaka raming comment din. Yung ibang babae pa nga dinownload yung picture niya at ginawang DP nila. Grabe! Edi sa kanila na?!

Natatanaw ko si Marco sa sasakyan niya. May hawak siyang sigarilyo na marahas niyang hinihithit. Nakapamulsa pa siya, at napaka seryoso pa ng mukha niya. Galit kaya siya? Bat kaya? Tanga mo Alli! Galit yan dahil may nakatag na porn sayo?!

"Marco." Tawag ko sa kanya. Nagulat pa yata siya dahil nasa tabi niya na ako.

"Baby. Sorry kung nag yoyosi ako, stress lang ako." Sabi niya. Nag iba ang timpla niya pagkakita niya sakin. Phew. Akala ko galit siya sakin. Pero baka galit nga siya.

"Bat ka stress baby?" Tanong ko sa kanya at sumandal na rin sa kotse niya.

"Wala naman. Tara kain tayo." Sabi niya.

"Gago may klase pa tayo!" Sigaw ko sa kanya.

"Wag na natin pasukan yun. Tara na baby!" Wala na kong nagawa dahil bigla niya kong binuhat at pinasok sa kotse niya.

Ang creepy. Natakot ako sa inaasal ni Marco ngayon. Habang nag dadrive siya tahimik lang siya. Wala akong masabi. Urgh! Ayoko ng ganito. Parang may kung anong dahilan ang lahat.

"Marco, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako ng usual energetic smile niya.

"Marco, yung totoo?" Pangungulit ko.

"Baby, I'm okay." I rolled my eyes. Nakarating kami sa Sta. Rosa para kumain ng korean food. Nanood daw kasi siya ng Korean TV series na dinownload niya, natakam daw siya sa Korean foods.

Tinikman namin yung Kimchi na pinag sisisihan ko kung bakit napaka dami ng kinuha ko! At pinag sisisihan kong sumasama ako sa mga lakas-tamang trip ni Marco!

"Tapos na tayo kumain. Balik na tayo sa school." Sabi ko.

"Traffic na pabalik. Hindi na tayo makaka abot. Saka late na tayo, lalagyan din tayo ng absent. Wag na tayo pumasok." Napa iling na lang ako. Ang galing niya talagang gumawa ng mga palusot.

"Oo na sige na! Pero bukas ha?! Papasok na tayo!"

"Yes ma'am!" Nag salute siya habang naka ngiti na nakaka gutom!

Hinayaan ko na lang siya mag drive habang nagpapaka hopeless romantic sa pakikinig ng kanta ni Adele, Ed Sheeran at Sam Smith. Abnormal na din pati playlist ni Marco ngayon. Nakakapanibago.

Hindi ako kinakausap ni Marco. Hindi ko rin alam kung bakit kami nasa tapat ng isang malaking bahay. Hindi ko nga rin alam kung papano kami nakapunta sa isang-

"Les Vallejo?" Pagbabasa ko sa isang plate na nasa gate. Then I realized that, we're in the front of their MANSION!

Its a mansion. Yes, it is. Grabe ngayon ko lang nakita sa personal to. Ito yung bahay na sobra naming ina-admire ni Jasmine sa isang lifestyle TV show every sunday. Nakatungo si Marco sa manibela ng sasakyan niya. Kinalabit ko siya at agad naman siyang nag taas ng ulo.

"I-inyo ba yan?" Bobo kong tanong sa kanya. He bitterly smile.

"Yes. My whole family lives there. Ako lang ang nasa condo. They were so mad at me when I runaway in the day of my engagement party. I don't want to give up my night life and be engaged to a boring little lady so I did my best to escape." He said and rolled his eyes as he remember what he did.

"So, blacksheep ka?"

"Yeah. I think so? Well hindi lang naman ako ang gumawa ng ganito samin. Even my uncle ran away, my cousin enrolled to a what did you call this... Ah basta! Nag kunwari siya na mag papari para di siya ipakasal sa iba! My point is, my life is so boring. Lahat kalkulado, bilang na bilang lahat. Palagi nilang sinasabi ano ang dapat gawin. They let me to live my own life. They said that I could go back if I think I met someone who'll never broke my heart." Tumingin sakin si Marco pero parang may kakaiba sa tingin niya.

"So do you found one?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita ng ilang sandali. He hold my hand and let out a heavy sigh.

"Alli, always remember that I love you. I will never leave you but I won't promise that I'll stay forever." Sabi niya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya at umalis kami sa tapat ng bahay.

Marco, I'll always be a good friend for you.

x x x

Valentines week na. Tangina, buti pa yung Valentines pinag laanan ng isang linggo samantalang yung foundation week ginawang days! Bullshit hindi ba?!

Maraming naka pula sa school, showing that were so crazy in love. Sus! After nitong Valentines malamang bitter na yang mga yan. Lutang na lutang ang suot kong black jeans, black loose long sleeves blouse and a black combat shoes.

"You're in black, really? Alli?" Nayayamot akong tinignan ni Eunice. Hello?! Ano namang mangyayari kung susunod ako a dresscode! Eew. Bat ba kasi may dress code pa? Kailangan mag white, pink, at red. Pati mga professors at mga staff ganyan ang mga suot. Ako lang ang bukod tangi.

"Ano ba? Eh wala akong susuotin eh? Duh? Kunwari outsider ako!" Sabi ko sa kanya. Nang makita din ako ni Jasmine, halos masapak niya ko sa suot ko. Ang cool ko kaya. Center of attraction ako!

"Ayan ang gusto mo Alli, ang masabihan ka ng bitter sa Valentines day?" Bulong sakin ni Eunice at parang nahihiya pa sila ni Jasmine na ako ang kasama nila.

Center of attraction talaga ko, compliment sa tenga ko ang mga sinasabi nilang bitter ako sa araw na to dahil all black ako. Bakit ba? Eh kung sa nagluluksa ako sa buhay pag ibig ko eh?

Hindi pa rin ako kinakausap ng matino ni Marco. Nag aalala na ko. Feeling ko kasi responsible ako sa nararamdaman niya ngayon. Hays. Hindi ko rin siya makita ngayon. Jusko naman Lord! Saang lupalop ko po ba makikita ang lalaki na yun!

AJ is walking with a bouquet of white and pink rose in his hands. Tumigil siya sa harap ko wearing his usual nakakatunaw smile. Halos lahat nag tinginan sa kinalalagyan namin. Hindi ko nga alam bakit siya lumaoit sakin at iniaabot ang bulaklak na hawak niya.

"May nagpapabigay sayo." Kumunot naman ang noo ko.

Biglang may nag piring ng mata ko gamit ang kamay.

"Advance Happy Valentines Bae." Nanlambot yung tuhod ko. Totoo ba tong nangyayari? Hindi ko ba panaginip to? Baka mamaya Wow Mali lang pala to ha? Dahil alam na alam ko kung kaninong boses yun.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya na ginamit niya sa pag piring sa mata ko. Unti-unti akong umikot para makita ko siya.

"Raymond?" My voice cracked. Any moment iiyak na ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong umupo dahil hindi ko na kayang tumayo pa. Gusto ko ring saktan sa pisikal si Raymond pero di ko magawa. Hindi ako makapag salita. Ano bang gagawin ko?

Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"I'm sorry bae, patawarin mo ko please. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka." Sabi niya. Niyakap ko siya at sabay tinuhuran ang "toot" niya.

"AAAAH!" sigaw niya sa sakit. Napaupo pa nga siya sa sobrang sakit eh?

"Ooouch!" Sabi pa ng mga nakakita.

"Masakit ba Ray-earth?" Pang asar kong tanong sa kanya.

"Fuck! My future!" Iyak niya pa.

"Mas masakit pa dyan yung ginawa mo sakin!" Sabay walk out ko, leaving them with their jaws, opened.

Tumakbo ako ng mabilis para magtago sa likod ng puno atsaka umiyak. Halo-halo na emosyon ang nararamdaman ko. Gusto kong magalit sa kanya. Gusto ko rin naman siyang yakapin at kamustahin. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para sipain siya. Siguro nabuhay lahat ng ininom kong beer at narecognize nila na siya yung dahilan kung bakit sila nasa katawan ko.

Naalala ko lahat ng pinagsamahan namin ni Raymond. Lahat ng mga bagay na ginawa namin noon nung hindi pa kami. We're better when we're friends. We are, really. Walang broken hearts, walang teary eyes, walang expectations, at hard times kapag wala ang isa saming dalawa.

Tinatraydor pa ko ng sarili kong emosyon. Pinipili nitong lapitan si Raymond para pakinggan ang side niya. Natatakot na kong magbalik ng tiwala sa taong nagpakilala sakin ng ganitong klaseng galit na kailan man hindi na maalis ng ano pang bagay. Kahit na Cadbury at Curly tops pa yan!

Ngayon lang ako makakatakas. Alam ko namang bukas, magkikita at magkikita kami. Kahit naman mamaya eh? Sa pag harap ko sa pader alam kong nandun na siya. Tangina niya.

x x x

Nasa Speach Lab kami ngayon. Mabuti na lang at nauna ako sa kanilang lahat kaya nakapili pa ko ng mauupuan. Napaka boring ng klase na to kaya minarapat kong maupo sa huli kung saan walang makakapansin sa akala mong nag yosi kong mga eyebags sa sobrang itim. Masakit din ang katawan ko lalo na ang braso ko dahil full force kong nilipat ang kama ko! Kumatok kasi si Raymond kagabi dun. Bago pa ako pagtaksilan ng mga nerves ko iniurong ko na ang kama ko malayo sa pesteng pader na yan.

Siya naman ang gumawa ng pader saaming dalawa eh? Magtiis siya dyan!

Panay ang lingon sakin ni Raymond. Syempre todo dedma lang ang lola niyo! Bahala siya sa buhay niya dyan! Wala akong pakialam kung mabali pa ang leeg niya sa kakalingon sakin!

After ng Oral Communication namin, uwian na. I have no plans of going somewhere, I just want to have my pajamas on and watch an action movie. Pinauna ko silang lumabas. Mabuti na lang at hindi na ako inantay ni Raymond sa labas. Mabuti na lang talaga.

Mas madami ng tao sa school ngayon. Halo halo na. Meron kasing mga taga ibang schools na nagpupunta dito para maki celebrate ng Valentines Week sa school. Tss. Nakakairita! Sobrang sikip kasi sa school grounds dahil sa mga booths and other activities na ginawa ng mga fraternities and school organizations. Ang Marriage Booth ng Men's Volleyball mabenta, ang Free Hugs ng Basketball naging Hugs and Kisses na. Dahil sa nandun ang dalawang kutong lupa na kasama sa Sex Machine.

Nagtama ang mata namin ni Marco. Sumenyas siya na antayin ko daw siya. Ginawa ko naman. Ngayon lang kasi kami ulit mag uusap.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya sakin. Hinawi niya pa ang ilang buhok ko at inipit niya sa tenga ko.

"Sa bahay na ko kakain. Ikaw?" Tanong ko naman sa kanya. Naglakad lakad kami habang magkausap kami.

"Busog na ko nakita na kita eh?"

"Napaka breezy mo naman magsalita!" Atsaka kami tumawang dalawa.

Dinala kami ng mga paa namin sa isang tumpok ng mga street foods paglabas ng school namin. Syempre kumain kami ng kumain. Food trip buddy ko na yata tong si Marco!

"Kamusta ka naman Alli?"

"Ayos lang naman."

"I mean kamusta ka ngayong nandito na si Raymond."

Natahimik lang ako. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko kay Marco. Masyadong magulo ang sitwasyon namin at nahihiya ako sa kanya.

"A-ayos lang." Bigla naman siyang tumawa ng mahina.

"Marco..."

"Yes, Alli?"

"Galit ka ba sakin?"

"Hindi ako kailaman magagalit sayo. Umpisa pa lang alam ko na. Gusto ko lang malaman mo na mahal kita. Pero alam ko namang siya talaga ang laman ng puso mo. Ayokong maging pabigat sa inyo. Alli, one month is enough. I'm happy that I became part of your life for at least one month. I love you."

"Break na ba tayo?"

"Let's break our shitty relationship and continue our friendship. Don't worry I'll never tell Ray how sexy you are last night!" And there I blush. Sasapakin ko sana siya kaya lang puno ang kamay ko at mabilis siyang naka iwas.

"Happiest and memorable and awesome break up! Let's cheers!" Pinagdikit namin ang hawak naming sago't gulaman at saka tumawa.

Its time to fix the first problem. I should admit that I really love Raymond. No matter what happen!

Continue Reading

You'll Also Like

491K 7.4K 47
Ni minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dah...
143K 1.7K 12
** BOOK 2 ng Sextutor ng Artista ** Tayo nga ba hanggang sa huli?
5.2K 102 18
Ice Rodriguez..... isang babae...na nghahangad ng payapang buhay...sa highschool.. pero maguguho ang lahat ng iyon dahil lang sa isang mayabang na la...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...