The Best Pretending Role

By faithtolove

77K 2.4K 1.8K

It's hard to pretend you love someone when you don't, but it's harder to pretend that you don't love someone... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Drake Ramirez Villarama
Chapter 2 Rea Angelica Dimapilis
Chapter 3 We Meet
Chapter 4 Applicants
Chapter 5 Find Her
Chapter 6 The Proposal
Chapter 7 Suitor
Chapter 8 Her Place
Chapter 9 The Contract
Chapter 10 Slam book
Chapter 11 Brothers
Chapter 12 His Family
Chapter 13 Quickie
Chapter 14 Bath Tub
Chapter 15 Breakfast
Chapter 16 Mangga
Chapter 17 Pick up Lines
Chapter 18 First Date
Chapter 19 Singing
Chapter 20 Necktie
Chapter 21 Ringtone
Chapter 22 Rain
Chapter 23 Mine
Chapter 25 Rejection
Chapter 26 Gift
Chapter 27 Wrong Move
Chapter 28 Kiss
Chapter 29 Date
Chapter 30 Smell
Chapter 31 Dare
Chapter 32 Stars
Chapter 33 His Lips
Chapter 34 Text
Chapter 35 Happiness
Chapter 36 His Friends
Chapter 37 Stay
Chapter 38 Awkward
Chapter 39 Soft Heart
Chapter 40 Restaurant
Chapter 41 Ex
Chapter 42 Falling
Chapter 43 Come Back
Chapter 44 Lullaby
Chapter 45 Adventure
Chapter 46 Game Over
Chapter 47 Beginning
Chapter 48 Courting
Chapter 49 Pink
Chapter 50 Palayan
Chapter 51 Villarama
Chapter 52 LQ
Chapter 53 Basketball
Chapter 54 Decision
Chapter 55 Soon
Chapter 56 Teddy Bear
Chapter 57 Moment
Epilogue
Note

Chapter 24 First Love

1.1K 38 43
By faithtolove

Rea's POV

She's mine. Only mine

Ansabe? Drake naman eh. Takte bakit kinikilig ako? Pinipigilan ko ang pag ngiti kaya lumalaki ang butas ng ilong ko. Nilayo niya ako kay Kean habang nakayakap pa rin ng mahigpit ang kanyang kamay sa aking bewang.

"Easy, man! I'm just kidding." Sabi ni Kean. "You really love her, huh?" Nagbigay pa ito ng nakakalokong ngiti.

Hindi naman natinag si Drake bagkus lalong humigpit ang yakap sa akin. Kung totoo lang ito siguro kanina pa ako naglupasay at nilunok lahat ng tubig dito sa pool. Kaso nakakadala na, kasi naman para sa kanya lahat ng pinapakita namin ay 'pretending' lang.

"H'wag mo na kasing inisin si Drake. Ikaw naman kasi napaka babaero mo kahit na sino na lang pinapatulan mo." Sermon ni Justine saka sinuntok ng mahina sa braso si Kean. Ngumisi lang ang kumag saka kami tiningnan.

"Nice to meet you." Aniya. "You are?" Naramdaman ko ang tensyon mula kay Drake kaya napatingala ako sa kanya. Nilingon ko ulit si Kean saka ngumiti.

"Rea." Tumaas ang sulok ng bibig niya. Ang yabang talaga akala naman niya ubod siya ng ka gwapuhan.

"Tama na yan. Langoy na tayo!" Putol ni Wayne sa alitan ng dalawa. Lumayo na ako kay Drake at hindi na siya umangal pa. Tumabi ako kay Jess kahit na nilalamig ako dahil nakadamit pa ako.

Sana pala hindi na ako umahon ang lamig pala. Naka pwesto na silang lahat sa dulo kami naman ay nasa gilid lang nila para madaling malaman ang panalo.

"Ayaw mo bang maghubad, ate? Baka lalo kang lamigin niyan." Ani Jess sa akin. Sasagot na sana ako kaso naunahan na ni Drake.

"No." Seryosong sabi niya saka ako binigyan ng warning look.

"Possessive." Tukso ni Wayne. Hindi ko na pinansin saka na pinanood ang pandesal boys na lalangoy.

Nagsimula na sila sa paglangoy. Lahat sila marunong lumangoy ha. Nangunguna si Kean pangalawa si Drake and then si Justine at Walter ay halos tie lang. Halos magkasabay lang sina Harry at Keith. Pinakahuli si Wayne.

Bawat galaw ni Drake ay nakikita ko ang body built niya. Ang ganda ng katawan niya. Siguro regular siyang pumupunta sa gym.

"Galing mo talaga kuya Kean!" Bulalas ni Jess ng makaahon si Kean at humihingal pa. Sumunod si Drake na madilim ang mukha habang tahimik na umupo sa bench saka nagpunas ng katawan sa tuwalya.

"As usual, consistent si Wayne sa pagiging kulelat!" Tukso ni Keith saka sila nagtawanan. Napasimangot ito saka sinaboy ng tubig si Keith.

Lumapit si Kean sa amin tapos tumabi sa akin. "Wala man lang bang congratulations diyan?" Aniya na nakangisi. Sobrang lapit na naman niya. Parang wala naman nakapansin kasi naglalaro pa ang pandesal boys sa pool.

"Paano yan natalo ko boyfriend mo?" Aba yabang nito. Sarap itulak at ng malunod. Nakaka beastmode to ah.

"Edi congrats, iyong iyo na ang korona." Sabi ko saka tumayo para puntahan si Drake na kanina pa pala nanonood sa amin.

"Congrat's." Sabi ko. Umupo ako sa tabi niya kaso hindi ako pinapansin.

"For being a loser?" Aniya. Kumunot ang noo ko. Ito talaga napaka nega. Iniisip niya lagi na talunan siya. Kaya di makapag move on, e.

"No. For doing great. Galing mong lumangoy ah. Ako nga di marunong, e." Sabi ko. Tinagilid niya ang ulo niya para makita ako.

"Tss." Iyon lang ang sagot saka na pinanood ang mga kasamahan namin na naglalaro at naghahabulan sa pool.

"Drake.."

"Hmm." Aniya habang nagpupunas ng buhok. Napakagat tuloy ako ng labi at di maiwasang mapatingin sa katawan niya. Yan na naman ang abs niya. Nakakaloka talaga!

"What?" Nakalimutan ko kasi sasabihin ko dahil sa pesteng katawan niya, e.

"Ano..uhm-err...thank you." Umiwas ako ng tingin.

"For what?" He asked.

"For...uhm..protecting me?" Narinig ko ang halakhak ni Wayne kaya naagaw nito ang atensiyon ko.

"It's just for the show." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ano daw? Show as in palabas? Takte! Pangalawa na ito ah.

Na Colombia-zoned ka na naman, Rea? Umaasa ka kahit hindi naman dapat.

"Gano'n ba?" Nabaling ang tingin ko sa mga kasama namin na maingay pa rin. Parang kumirot ang puso ko. Masakit. Ewan ko kung bakit ganoon pero alam kong hindi maganda.

"Drake..." Bulong ko habang nanonood pa rin sa mga naliligo.

"K-kung sakaling mangyari na may gumawa sa akin ng gano'n...will you protect me?" Abot hanggang Visayas ang kaba ko dahil sa tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako sa maaari niyang isagot sa akin. Katahimikan ang namalagi sa amin kaya nalulungkot na naman ako. Sabi ko na wala talaga siyang pakialam sa akin.

"Yes. I will do that." Sumikdo ang puso ko sa kaba. Wala sa oras na napabaling ang titig ko sa kanya. Siya naman ay malayo ang tingin ni hindi nga makatingin sa akin ng diretso.

"Gagawin ko 'yon kasi..mahalaga ka na sa akin." Napasinghap ako sa sinabi niya.

Mahalaga na ako sa kanya. OMG. Heart, 'wag ka ng magwala baka atakihin ako. Pakiramdam ko tuloy namula ako sa sinabi niya. Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Nagkunwari aking di kinikilig kahit na kanina ko pa gustong gumulong sa tuwa.

"K-kahit naman ako gano'n gagawin ko. Di ba nga sabi ko, I'll be your happiness." Hindi siya kumibo sa akin.

Malalim na naman ang iniisip niya. Ano bang iniisip mo, Drake? Kelan ka mag-o-open about sa buhay mo? Gusto kong malaman kaso wala akong magawa.

"Dude, come on! KJ naman kayo, e!" Maktol ni Kean. Sabay pa kaming napalingon sa kanya. Bumuntong hininga siya bago niya tinanggal ang tuwalya na nakapatong sa balikat niya.

Nagulat pa ako ng pinatong niya iyon sa aking katawan. "Para 'di ka lamigin. Just stay here, okay?" Aniya sa masuyong paraan. Napalunok naman ako. Tumayo na siya saka sumali ulit sa kanila. Ako naman ay humigpit sa towel na binalot niya sa akin habang nakangiting nanonood sa kanila.

Galawang Drake. Pasimple pero nakakakilig.

---

Two days passed ganun pa rin ang routine. Minsan nga naiinip ako dito sa mansyon nila. Wala akong libangan kundi ang pagtripan sina Inday at Manang Celia. May time na sinasabihan ko sila ng jokes tapos kapag 'di tumatawa tatakutin kong mababawasan ang sahod nila kaya yun tatawa sila ng tatawa. Minsan nga hindi ko pa nasasabi joke ko tumatawa na sila, parang mga baliw lang.

Madalas naman na tumutulong ako kina Manang sa pagluluto. Kahit na ayaw niya ay namimilit ako kaya sa huli ay napapayag ko siya. Busy din kasi si Drake sa kumpanya. Kung nandito lang parents niya baka mapagalitan pa iyon dahil iniiwan ako sa bahay. Mabuti na lang christmas break kaya lagi kong kasama si Jess sa pamamasyal. Hindi na ako humihiwalay baka kasi maligaw na naman ako.

Habang abala ako sa pagdidilig ng halaman sa garden ay nakita kong bumukas ang gate. Kumunot ang aking noo ng makitang si Keith iyon at kasama si Eula.

Ano kayang sadya nila, wala naman si Drake dito, e.

"Hi!" I greeted. They smiled at me and greeted back.

"Wala si Drake dito. Di ba nga pumasok siya sa work." Sabi ko matapos kong tumigil sa pagdidilig ng halaman. Umupo sila sa bench na gawa sa bato.

Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa habang nagbubulungan sila. Habang ginagawa ko iyon ay di mawala ang aking ngiti.

"Wala nga si Drake dito." Ulit ko. Wala kasi akong kasama ngayon dito. Si Jess umalis kasama friends niya. Si Wayne ewan ko kung nasaan.

"Actually, ikaw ang sadya namin." Ani Keith. Nagsalubong ang maganda kong kilay sa kanya.

"Tama. Ikaw ang sadya namin." Segunda ni Eula.

"Hub? Teka..di ba may pasok ka? Andun ang boss mo ah!" Ngumisi si Eula sa akin. Anong problema nito?

"Day off, duh?" With matching roll eyes pa ang gaga.

"Upo muna kayo." Sabi ko. Tinawagan ko si Inday para ipaghanda kami ng makakain. Oh di ba feeling donya na talaga ako. Utos dito utos doon lang ang peg ko. Umupo sila tapos nagbubulungan. Hindi ko maintindihan binubulong nila parang mga bubuyog.

"Ah, hello andito ako baka nakakalimutan niyo." Singit ko sa usapan nila.

"Alam namin na hindi kayo totoong magdyowa." Pahayag ni Keith.

"Ay, ngayon mo lang alam? Wala na bang latest?" Nagkatinginan silang dalawa bago humarap sa akin. "Teka. Magdyowa ba kayo?"

"Hindi ah!" Agad na kontra ni Keith sa tanong ko. Napaka defensive ah.

"Pero malapit na." Singit ni Eula. Napangiwi si Keith saka bumulong ng 'yuck'.

Pustahan tayo, someday magiging sila din. The more you hate the more you love ika nga. Nakita ko silang nagbabangayan da aking harapan. Kung tutuusin bagay sila.

"Ano ngang sadya niyo?" Tanong ko. Sakto namang dumating si Inday na may bitbit na tray. Natigilan sila saglit saka tumikhim si Keith. Nang ihapag nito ang juice at ilang slice ng cake at nanatili itong nakatayo sa tabi ko tapos pinapanood kami.

Tiningnan siya ni Keith maging si Eula. Napatingala ako at nakita ko nga si Inday na nakikinig sa amin.

"Inday, baka gusto mong pumasok sa loob." Sabi ko.

Umiling siya sa akin." No madam."

"Inday, pag sinabi kong pasok, pasok." Pinandilatan ko siya ng mata. Ang slow kasi di makaintindi eh.

Kumamot siya ng ulo bago umalis. Napakatsismosa talaga.

"Are you in love with Drake?" Bungad ni Keith.

"Dun? Dun sa palakang 'yon? Hindi ah. Ayoko sa lalaking ubod ng sungit at ubod ng gwapo, duh?" Irap ko sa kanila. Narinig ko ang tawa nila kaya napasimangot ako. Mga baliw siguro tong dalawa na ito. Tumatawa kahit wala naman nakakatawa.

"What's funny?" I asked.

"Defensive? Simple lang ang tanong. Yes or no lang ang sagot." Ani Eula. Kinuha nito ang chocolate cake saka sumubo.

Natakam ako sa cake kaya kinuha ko ang akin saka kumain na. Ang sarap talaga ng buhay mayaman. Nakakatikim lang kasi ako ng ganito kapag birthday. Ang sarap!

"Alam ba ni Drake na nandito kayo?" Tanong ko habang ngumunguya. Sabay pa silang umiling sa akin.

"Kayo ang pinagkakatiwalaan ni Drake, 'di ba? Ibig sabihin kilala niyo talaga siya?" Curious na tanong ko. Tumango si Keith. Ang bestfriend niya. Ibig sabihin may makukuha akong impormasyon kung sino nga ba si Drake Villarama.

Tumigil ako sa pagsubo ng cake saka uminom na. Mataman akong tinitigan ni Keith na parang binabasa ang nasa utak ko. Wala naman akong iniisip ayokong maluma ang utak ko.

"Keith..sino nga ba si Drake Villarama?" Seryosong tanong ko.

"Siya yung boss ko at kunwari dyowa mo." Singit ni Eula. Sinamaan ng tingin si Keith sa katabi.

"What do you want to know about Drake?" Shet. Eto na makikilala ko na talaga siya.

"Everything about him. Aside from family, I want to know his past. Paano sila nagkakilala ni Candice? Bakit kailangan ni Drake na magpanggap?"

Nagkatinginan muna sila bago ako tinitigan ni Keith. Malalim ang titig niya na parang ibabaon na sa pinakailalim ng lupa.

---

Drake's POV

Nasa kalagitnaan ako ng meeting kanina ng tumatawag si Mira. I tried to ignore her calls but dammit..I can't. Nang matapos ang meeting ay nagkulong ako sa office. Kung bakit ba kasi wala si Eula ngayon. Narinig ko ulit ang pagring ng cellphone ko kaya sinagot ko na.

"Drake.." Napapikit ako sa boses niya. God, I missed her so bad.

"Mira." I tried to be casual. Ayaw kong mahalata niyang excited ako na kausap siya.

"Next month na ang wedding, you'll be there, right?" 'Yan na naman ang boses niya na nakapanghihina sa akin. Ang lambing nito at ang hirap tanggihan.

"Alright." I answered. I heard her screamed. I closed my eyes again while she's laughing. Sarap marinig ang halakhak niya.

I ended the call. Tumanaw ako sa salamin kung saan nakikita ang kabuuan ng siyudad.

Bakit hindi na lang kasi ako? Mahirap ba akong mahalin? I closed my eyes as I remembered everything..

Several years ago...

"Drake!" Tawag sa akin ng nakangiting babae. Ang ganda nito sa suot niyang dress. Bagong lipat pa lang ako sa Villarama's mansion. Halos dalawang buwan pa lang akong nakakalipat sa kanila.

Sa una mahirap dahil alam kong hindi ako tanggap pero kalaunan nakapag adjust na rin ako. My dad treat me as one of them. He never failed to prove it.

Pinasok nila ako sa private school at doon ako nag-aral ng maayos.

Doon ko nakilala si Candice.

One time na nakaupo ako sa bench malapit sa grand stand ay may lumapit na magandang babae sa akin.

"Hi." She said with a sweet smile. I greeted back.

"Classmate kita." Aniya. I looked at her with a questioning one. Ngumiti siya ulit ng ubod ng tamis. Napaiwas ako ng tingin dahil sa ngiti niya. Nakakadala ang kanyang ngiti.

Days..months..years past mas naging close kami. Madalas kaming magkasama sa school. Sa canteen, library, park, grand stand, kulang na lang pati week ends magkasama kami.

"Taba!" Tukso ko sa kanya ng minsan nahuli ko siyang natutulog sa loob ng library. Nakatakip ito ng libro kaya di halata ng librarian.

"Ano ba!" Sigaw na nakakuha ng atensyon sa buong library. Ngumisi ako habang siya ay inis na inis dahil sa pagkapahiya. Napagalitan pa siya ng matandang librarian na masungit na nagbabantay dito.

Agad akong tumayo at umalis sa lugar. Siya naman ay sumunod at nagmamadali. Tawang tawa ako habang nakikita siyang hinahabol ako. Hindi maipinta ang mukha dahil sa kanyang inis.

"Hey! Pangit mo!" Sigaw ko. Kinagat niya ang labi niya saka matalim niya akong tinitigan. Sa kakatawa ko ay nahuli niya ako. Ilang sapak pa ang binigay niya sa akin.

"Stop!" Sabi ko habang natatawa pa rin. Ilang ilag pa ang ginawa ko dahil sa batok, kurot, at sapak na binigay niya.

"Nakakainis ka talaga! I hate you!" Ismid niya sa akin saka nag cross arms habang nakaupo sa bakanteng upuan. Tumikhim ako para matigil ako sa kakatawa.

Ang cute niya talaga.

"Sorry." Sabi ko na natatawa pa rin. She just ignore me. She pouted her lips while playing her hands.

"Punta ka bukas sa bahay." Natigil siya sa pagsimangot saka ako tinitigan. Kumislap ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"Really?" She bite her lips to keep on smiling. How I wish I could hug and kiss her easily. I nodded with a smile on my lips.

Tumayo siya saka tumili sabay yakap sa akin. "Thank you, Drake!" Aniya. Para akong na estatwa sa kanyang ginawa. "Thank you talaga!" Ulit niya. Ngumiti na ako saka siya niyakap.

Gaya ng sabi ko ay sinama ko siya sa bahay. Birthday kasi ni Kuya Justine. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Si Kuya Harry naman ay four months lang ang tanda sa akin.

"Wow! Ganda ng mansyon niyo ah." Aniya habang tinatanaw ang kabuuan ng bahay. Marami na rin ang bisita dito karamihan business partner o kaya mayayamang tulad nina papa.

"Taba, 'wag kang malikot." Suway ko sa kanya. Kung anu ano kasi ang hinahawakan niya baka makabasag. Napasimangot siya sa akin.

"Sinong taba?" Ngumuso ito. Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya. Ang lusog kasi ng pisngi. Nakakagigil!

"Aray! Ano ba!" Pinalo niya ako para makawala sa kurot ko. Nang makawala siya ay tinakbuhan ako. Agad ko naman siyang hinabol baka kasi may mabasag siya lagot ako kay tita!

"Sorry.." Dinig kong sabi niya. Nakayuko ito habang humihingi ng tawad sa lalaking nabangga niya.

"Candice.." Tawag ko kaya pareho silang lumingon sa akin.

"Kuya!" Ngumiti ako saka niyakap si Kuya. "Happy birthday!" Bati ko. Ngumisi siya sa akin saka ako sinuntok sa braso.

"Ah, kuya si Candice kaibigan ko. Candice si Kuya Justine." Pakilala ko. Para namang natulala si Candice habang nakatingin kay kuya. Palipat lipat ako ng tingin sa dalawa habang nagkatitigan sila. Tumikhim ako kaya umiwas ng tingin si Candice habang namumula ang mukha.

No..it can't be..

"Tara Candice.." Yaya ko rito. Habang akay ko siya ay di nito mawala ang tingin kay kuya.

Halos araw araw ay bukambibig na ni Candice si kuya. Puro na lang si Kiya Justine. Sa pamilya siya ang bida. Sa mga kaibigan ni Papa siya ang magaling..tapos ngayon..pati kay Candice?

Hindi ko na dinibdib ang mga nangyayari. Three years after ay naisipan ko ng magtapat kay Candice. I love her. Noon pa mahal ko na siya kaso masyado pa kaming bata. Alam ko crush niya si kuya pero susubukan ko dahil alam ko naman na may chance ako sa kanya.

Kinakabahan ako habang nakaharap sa malaking salamin sa aking kwarto. Ngayon kasi ipapakilala ni kuya ang kanyang girlfriend. Natuwa ako kasi may mahal na siya kaya may chance ako kay Candice. Alam ko naman na hindi niya mahal si Candice. Bukas ko balak magtapat kay Candice. Sa ngayon, pagbibigyan ko muna si Kuya.

Bumaba na ako habang suot ang vneck shirt at khaki shorts. Sabi ni kuya mabait daw girlfriend niya at maganda daw. Wala ng mas gaganda kay Candice ko.

Pagkababa ko ay nadatnan ko na sila na nasa sala. Maybe, hinihintay na lang si Kuya. Sinundo niya kasi ang girlfriend niya.

"I'm really happy that you made it, son." Tapik ni Papa sa balikat ni Kuya Harry. Graduated na kami ni kuya, mas focus niya ang rancho kaya siya ang mamamahala nito. Samantalang ako, sa company namin kasama si Kuya Just. Hindi pa talaga ako gano'n kabihasa kumbaga kumukuha pa lang ako ng training.

"Wala pa si Kuya?" Tanong ko. Natigilan sila saka tumingin sa akin.

"Naku, malapit na 'yon. I hope galing sa matinong pamilya ang girlfriend ng panganay natin." Ani Tita. Sasagot pa sana ako ng bumukas ang pinto. Napalingon kaming lahat sa pinto at agad naming nakita si Kuya Just.

"Oh, finally!" Sambit ni Wayne. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanyang likuran. Ganun na lang ang kaba ko ng bumungad ang mukha ni Candice mula sa pinto.

This is not good. No, impossible..

"Ma, Pa, guys...Si Candice, girlfriend ko." Halos kapusan ako ng hininga habang napako ang tingin ko kay Candice. Ngumiti ito ng tipid at bumati sa amin pero wala akong maintindihan.

Paano nangyari ito? Bakit wala siyang sinasabi sa akin? Bakit wala akong alam?

Na estatwa ako habang sila ag sinalubong siya. Natulala ako. Fuck. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. I don't know how to react. Can I curse? Scream? Or I should walk out? This is hurt. Big time.

"Drake." Tawag ni Candice sa akin. I don't know what to say. I'm just stare at her lovely face.

Wala na huli na ako. Such a loser l, right? I didn't answered back. I gave him a cold stare because I was stunned, damn!

Hindi ko alam kung saan ako galit, sa sarili ko, o sa kanila dahil nilihim nila sa akin? Lalapitan sana ako ni Candice kaso umiwas ako. Dumeretso na ako sa dining area at umupo. Sumunod sila at ang masaklap umupo sila sa tapat ko.

Great. Just great. I want to punch my brother directly on his face!

"So, kelan pa naging kayo?" Panimula ni papa. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruam ang tinidor.

"Five months ago, Pa." Pinigilan ko ang mapasinghap. All along tinago ni Candice sa akin? Bakit niya ginawa iyon? Sa gilid ng aking mata alam kong nakatingin siya sa akin.

"Drake and you were bestfriend, di ba?" Ani Tita. Napaangat ako ng tingin kaya nagtama ang titig namin. Guilt was visible all over her face. I saw how kuya Just put his hand on hers. Shit.

"I thought kayo ni Drake ang magkakatuluyan." Tumawa si Wayne. Natigil sa ere ang pag-inom ko ng tubig. I tried to keep calm.

Kaya mo Drake. Kaya mo.

"Well, di hamak na mas angat si Justine. Mas magaling, mas matalino, mas responsable..and now pati sa babae. " Kinuyom ko ang kamao ko habang nakatitig sa plato ko na hindi pa nagagalaw.

"Trina." Babala ni Papa. Hindi ko sila nililingon. I took a deep breath. Patience Drake . You know how to handle you emotions, right?

"Sabagay kung ako ang babae, I will choose Justine over Drake. No need to explain why." That's it.

"Yeah, maybe I'm not good atleast I'll do my best to make myself better. Excuse me." I said without looking at them. This is enough. I'm deadly tired, I want to scape and unwind for a while.

Gano'n nga ang ginawa ko. Hindi ko na muna kinausap si Candice kahit mahirap ginawa ko.

"Drake, talk to me please." Ani Candice. Hawak niya ang braso ko. Kanina pa kasi ako umiiwas siya naman ay habol ng habol.

Ilang linggo ko na rin siyang hindi kinakausap. Ayoko ngang sagutin mga calls and texts niya. Kapag nasa bahay sila ni kuya agad akong umaalis. I need to breath. Kapag nakikita ko sila para akong namamatay.

"Drake.."

"What?" Inis na sabi ko. Nangilid ang luha niya. Fuck. Hindi kita pinaiyak.

"I'm sorry. G-gusto ka lang namin sorpresahin ni Justine kaya hindi ko agad sinabi sayo." Napangisi ako. Tangina surprise? Wow. Nasurprise nga ako. Sobra.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin habang nagmamasid ako sa mga taong nagdaraan dito sa park. Ang layo na pala ng tinakbo ko para maiwasan niya.

"Drake, alam ko galit ka.."

"Alam mo naman pala bakit ka pa habol ng habol? Please, leave me alone!" I said. Umatras siya ng konti kasabay ng pagpatak ng luha niya. Agad akong nakaramdam ng guilt. Pinigilan kong yakapin siya dahil sa huli ako ang masasaktan.

"Kasi mahalaga ka sa akin..you're my friend." She answered. I don't want to look in her eyes. Kahinaan ko ang titig niya pero mukhang kailangan kong gawin iyon.

"I don't want to be your friend." Natigilan siya habang nakatitig sa akin. "Mahal kita. Noon pa..naunahan lang ako ni kuya." Hindi siya nakaimik at napanganga na lang.

Sa wakas nasabi ko rin. This is it man. Wala ng bawian. "Sasabihin ko na sana sayo, e. Kaso ano? Kayo na. Hindi mo sinabi sa akin para naman hindi ako nagmukhang tanga."

"Drake.."

"I love you, Candice. Ngayong alam mo na, kaya mo ba akong mahalin?" Matagal siyang hindi nagsalita. Abot langit ang kaba ko habang naghihintay ng sagot.

"I'm sorry Drake. " Napapikit ako ng mariin. " I love Justine very much." Parang nadurog ang puso ko habang naririnig ko iyon. Nagmulat ako ng mata para matitigan siya.

"He's my life. Kaya kong talikuran ang lahat para sa kanya." Naramdaman kong sumakit ang lalamunan ko dahil sa luhang nagbabadyang bumigay.

"You chose kuya over me. Hindi ko na kailangan pang itanong. You already made your decision." I said.

"I'm sorry Drake. Your my friend but he's my boyfriend. He's important to me over anything else." Iyon lang ang sinabi niya saka ako tinalikuran. She left me alone. Hindi ko na mapigilan ang luha na kanina pa gustong lumabas habang nakatingin sa kanya palalayo.

She chose him over you, Drake. Funny right? Uso ang move on, Drake. Hindi na uso ang martir ngayon.

****

Happy New Year, Guys! Talon tayo mamaya para tumangkad haha.

Love lots :)

ailalaine

Continue Reading

You'll Also Like

474K 7.2K 94
10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm fallin...
305K 3.8K 60
(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to h...
984K 33.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
46.4K 542 34
[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her...