RULE NO. 12 NO INCEST (Part T...

By zandy_fragileheart

252K 3.5K 85

SA ISANG BASKETBALL TEAM, DI MAIIWASANG MARAMING GWAPO. TOP RULE SA TEAM "NO INCEST. KAPATID-KAPATID LANG TAY... More

RULE NO. 12 [PART TWO INCLUDED]
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 17 (Part 2)
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Ending of Part 1
NOTE
PART TWO: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

CHAPTER 41

2.6K 36 0
By zandy_fragileheart

= = = = = =
CHAPTER 41
-RAYMOND'S POV-
= = = = = =

Unang beses nangyari na hindi sinagot ni Alli ang message ko sa kanya. Maya't-maya ako ng check sa phone ko dahil gusto kong malaman kung sasagutin niya ba yung huli kong chat sa kanya. Online naman siya pero di niya ko kinakausap.

Hindi ko na lang din siya kinausap. Baka may problema siya na hindi ko na sakop ng buhay niya. Hahayaan ko siyang magshare ng kusa.

x x x

Dalawang linggo na lang at pasko na. Ilang araw na kaming ganito ni Alli. Hindi na siya nag-oonline sa oras na pinag usapan namin. Medyo kinakabahan na ko.

Hindi kaya may ginagawang mali si Alli?

-ALLISANDRA'S POV-

"ALLI! BAKIT MO KINAIN YUNG CADBURY KO!" mula sa kusina hanggang sa kwarto ko, rinig na rinig ko ang sigaw ng bestfriend ko. Napailing na lang ako na may halong awa sa mga makakarinig. Hays.

Mga ilang segundo lang nasa kwarto ko na siya at galit na galit siya.

"What?" cool kong tanong.

"Huh? Seryoso ka ba? Alam mo bang hindi ako galit dahil kinain mo yung chocolate ko? Galit ako dahil alam kong stress na stress ka at wala na kong alam sa nangyayari sayo!" Napatingin ako sa baba habang sinasabi niya yan.

"Wala akong problema." pag-dedeny ko.

"Wala ka palang problema eh? Edi bayaran mo yung kinain mo." sabay alis niya sa pinto ko at pumasok sa kwarto niya na nasa kabilang pinto.

Huminga ko ng malalim. Ilang araw na kong naiyak. Pagtulog at kada pag-gising ko. Lalo na kapag napapaharap ako sa pader.

Akala ko masayang mag break ng rules. Hindi pala. Hanggang ngayon hindi ko sinasabi kay Raymond ang nalalaman ko. Hanggang ngayon kasi, pinapaniwala ko ang sarili ko na hindi niya kailaman magagawa ang bagay na yun. Mahal namin ang isa't-isa. And he made a promise.

Christmas break na. Gusto kong maging exciting ang bakasyon pero, paano? Paano ko gagawin ang bagay na yun kung alam ko sa sarili ko na may kulang?

Online si Raymond ngayon. Sana lang gumana sa kanya ang cold treatment ko.

Bored na ko so kakausapin ko na lang siya.

Me: Hi Bae. Kamusta na?

Ray: Bae, ayos lang ako. Buti na lang nagpang-abot tayo.

Me: Oo nga eh? I miss you.

Ray: I miss you too. Busy ka ba palagi?

Me: Oo

Ray: Baka naman may lalaki ka na bae?

Pagkabasa ko ng sinabi niya kaunti na lang mag-eevolve na ko into GoKu na anytime gagamit ng kemekeme wave! Ang kapaaaaaaal ng kalyo niya sa mukha. Infairness sa kanya!

Nawalan na ko ng gana sa sinabi ni Raymond. Syempre dineny ko na may lalaki ako. At kung meron man, edi its a tie!

Sobrang sakit lang dahil yung nagsabi pa sayo ay ang taong mismong gumawa ng ganung kasalanan.

x x x

Ilang araw na kong nainom ng beer. Natuto na kong uminom ng dahil sa sobrang stress. Kilala na nga ko ng mga tao sa bar at pati na rin sa 7/11 na palaging nabili ng tatlong can ng beer habang nakasuot ng pajama at loose long sleeves polo.

"Miss?" sabi ng isang babae. Pagkalingon ko, siya yung babaeng higad!

"Yes?"

"Do you still remember me?" Tanong niya. Bitch. Of course I do remember her ugly face!

"Ah. Ikaw yung napahiya sa mall kasi naputol yung heels mo. Tama di ba?"

"Ah... Oo, ako nga." Nailang yata siya sa talas ng dila ko. Sorry siya may powers ako ng beer ngayon.

"So ano ngayon kailangan mo? Mighty bond para sa heels mo? Dun oh?! Meron!" Sabay turo ko sa isang shelves ng store.

"Wag mong alalahanin yung heels ko, ayos na yun. Nakita ko lang na nandito ka at sakto kailangan kita." Sabi niya.

"Hindi ako super hero para kailanganin mo. Chupi!" sigaw ko sa kanya. Nagtitinginan na yung mga tao sakin. Iniisip siguro nila na baliw na ko o hindi kaya lasing na lasing na. Pero imposibleng isipin nila yun dahil dalawang can palang ang naiinom ko.

"Uh... Ganto kasi, nakita kita sa facebook page ng Greenfield University kasama ang mga basketball varsities. I just want to ask if Ralph o Raymond ang pangalan niya?" tanong niya at sabay pinakita niya sakin ang wallpaper niya.

"Ano bang business mo sa taong yan?"

"Malaki ang business ko sa kanya. In fact seryosong business yun."

"Ano nga sabi eh? Miss dont waste my executive time. Sabihin mo na."

Inilapit niya ang sarili niya sakin at pabulong na nag salita

"He got my virginity the last night we met at the bar."

Guguho na ata ang mundo ko. Tama ba ko ng rinig? Nag sex sila?

Sa sobrang galit ko napisa ko ang can. Hindi na ko nakapag salita. At para makaganti ng kaunti sa higad na to, tinabig ko ng sadya ang beer na nasa table ko dahilan para matapunan siya.

"Ay sorry miss! Pero nag mamadali ako!" Sabay takbo ko palabas ng store.

Pinipigilan kong wag maluha pero hindi ko talaga kaya. Bakit? Bakit kailangang mangyari to? Bakit?

Ano pa bang dapat mangyari? Sana ngayong araw na mangyari lahat para isang sakit na lang.

Umuwi ako sa bahay na parang ninakawan, nirape, at lahat na ng krimen na pwedeng mangyari sakin. Ang saklap naman ng unang experience ko ng pagkakaroon ng boyfriend.

"Allisandra?! Ano ba yang itsura mo, para kang nirape?!" Sigaw sakin ni Jasmine. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang sleeves ng damit ko.

"Napa-away lang ako sa lamok. Aakyat na ko." Wala kong ganang sabi. Bigla naman akong binato ni Jasmine ng suklay at natamaan ako sa ulo. Hindi ko siya pinansin, dirediretso lang ako sa pag-akyat.

Rinig ko ang hakbang ni Jasmine na nagmamadali. Nang maabutan niya ko sinabunutan niya ko ng full force!

"Masakit ha?! Masakit!" Pag react ko sabay hawak ko sa ulo ko.

"Ayun... May pakiramdam ka naman pala. So bakit masokista ka?" May halong meaning ang tanong ni Jasmine. Kaya niya sigiro ako sinabunutan at binato ng suklay.

"Dahil di ako basta-bastang nag gigive up sa mga taong mahal ko! I choose to hear their side! I choose to love... But now it hurts like hell... Tangina..." Hindi ko na napigilan. Umiyak na ko. Pinakawalan ko na ang luhang kanina pa hindi bumabagsak.

Niyakap ako ni Jasmine ng mahigpit at yumakap ako sa kanya.

"Alli, naalala mo ba nung una akong nasaktan? Tandang tanda ko pa yung sinabi mo. Ang sabi mo sakin, wag kang mahirapang mag let go sa mga gagong yan... Ang mga gago hindi deserving ng isang patak ng luha, isang pag-sulyap at isang malaking paghanga. Tanda mo ba yun Alli?"

Ayun yung panahon na biniro ko siya. Biro lang talaga ang mga katagang yan. Nasaktan kasi siya dahil pinaasa siya ni Jericho. Si Jericho ay dating basketball varsity na natanggal dahil nabuntis niya ang dating P.A ng team.

"Binigay ko naman lahat sa kanya eh? Pero bakit ganun?"

"Sabi nga nila, wag mong ibigay ang lahat, magtira ka para sa sarili mo. Alli, tumahan ka na. Kahit na si Marco at AJ na ang bago mong bestfriends mahal pa rin kita, gaga ka!" sabi niya na may halong pag seselos. Napangiti ako sa sinabi ni Jasmine.

Sinamahan niya ko sa kwarto ko. Kinuwento ko sa kanya kung ano ba ang nangyari. She was so furious na akala mo siya ang betrayed girlfriend. Nagbukas kami ng facebook para hanapin sa friend list ni Raymond o ng kahit na sinong malapit sa kanya ang babaeng yun. Hindi naman kami nabigo. Nahanap namin siya sa friend list ni AJ.

"Mica Rodrigo? Aba, at taga St. Bernadette pa siya pero di siya santa gaya ng iniisip ko sa lahat ng nag-aaral dun. Weird." Naiiling na sabi ni Jasmine.

"May alam kaya si AJ?" Tanong ko habang nakatingin sa profile picture niya. Naalala ko namang bigla nung gabing nasa condo ako ni Marco. May nasabi siya about sex.

Simula nung gabing nasa condo niya ko, hindi na kami nakapag usap ulit dahil bakasyon din. Wala namang gathering na pinaplano si coach para sa team kaya tahimik lang ang lahat. At panigurado, busy ang mga lalaking yon sa mga bagay na palagi nilang ginagawa.

Kinabukasan, nakipag kita ako kay Marco sa sports complex. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. Kung wala ba talaga akong kaalam-alam.

Mas nauna akong dumating kaysa kay Marco. Nakita ko siyang naglalakad papalapit sa direksyon ko. Nag ipon ako ng lakas ng loob para prankahin ko siya sa mga bagay na alam niya.

Naupo kami sa bench na malapit sa playground. Tahimik lang kaming dalawa at hindi ko alam kung paano ako magsisimulang mag salita.

"Alli, I'm sorry..." nagulat ako sa kanya kung bakit siya nag sosorry sakin. Nakatungo pa niyang sinabi yon.

"Para saan?" nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.

"For keeping the truth to you." bumilis ang tibok ng puso ko. Naguguluhan na ko lalo sa sinasabi ni Marco.

"Nakita kita kausap mo si Mica sa 7/11. Nakita ko kung pano ka tumakbo paalis na nasasaktan."

"Okay. Please! Ano bang truth yung sinasabi mo?!" halos pasigaw kong tanong sa kanya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at piniga niya ito habang nag-iipon ng lakas ng loob bago mag salita.

"Nung gabing nasa bar kaming lahat sobrang lasing na lasing siya. Halos sabay na kaming umalis ni Raymond sa bar at may kasama siya sa kotse niya. Hindi ko sila sinundan, pareho lang kami ng direksyon na pupuntahan, may malamit na motel sa bar na yun at nakita kong lumiko ang kotse na sinasakyan nila don." isa-isang pumatak ang luha ko habang naririnig ko ang sinasabi ni Marco.

"Sorry Alli kung hindi ko sinabi sayo nung una palang. Maniwala ka, gustong-gusto kong sabihin sayo ang lahat pero ayokong pumapel." pagpapaliwanag niya. Hindi ko na kinaya ang sakit at napayakap na lang ako sa kanya. Umiyak ako ng umiyak dahil di ko naisip na may pangangailangan si Raymond. Hindi ko kaagad naibigay yun sa kanya.

Sirang-sira na yung buhay ko. Naibigay ko sa maling tao ang pinaka-iingat ingatan kong bagay na kahit sino di na maibabalik sakin. Pakiramdam ko pinarusahan ako ng langit sa pag suway.

Hinalikan ni Marco ang ulo ko habang hinahagod niya ang likod ko. Hindi ako matigil sa pag-iyak. Yung mga batang nasa play ground, pinag titinginan kaming dalawa.

Mabuti pa yung mga bata, mabilis lang silang makatayo mula sa pagkakadapa. Pero ako, matapos mabugbog, parang gusto ko ng itapon ang sarili ko sa kung sino-sino.

Na-realize ko na, mahirap palang mag-mahal ng isang taong saglit mo palang nakikilala.





At hindi ako makapaniwala na, hindi ko pa pala siya lubos na kilala. Ang tanga ko.

x x x

-zandy_fragileheart<3

Vote and Comment :'>

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 76.1K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
14.3K 833 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.9K 95 16
Simula ng magkaisip si Hilda Alegre bukod sa pagmamahal at maka-survive wala na siyang ibang hinihiling pa. Inasam niya ang pagmamahal na iyon at pr...