The Best Pretending Role

By faithtolove

76.9K 2.4K 1.8K

It's hard to pretend you love someone when you don't, but it's harder to pretend that you don't love someone... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Drake Ramirez Villarama
Chapter 2 Rea Angelica Dimapilis
Chapter 3 We Meet
Chapter 4 Applicants
Chapter 5 Find Her
Chapter 6 The Proposal
Chapter 7 Suitor
Chapter 8 Her Place
Chapter 9 The Contract
Chapter 10 Slam book
Chapter 11 Brothers
Chapter 12 His Family
Chapter 14 Bath Tub
Chapter 15 Breakfast
Chapter 16 Mangga
Chapter 17 Pick up Lines
Chapter 18 First Date
Chapter 19 Singing
Chapter 20 Necktie
Chapter 21 Ringtone
Chapter 22 Rain
Chapter 23 Mine
Chapter 24 First Love
Chapter 25 Rejection
Chapter 26 Gift
Chapter 27 Wrong Move
Chapter 28 Kiss
Chapter 29 Date
Chapter 30 Smell
Chapter 31 Dare
Chapter 32 Stars
Chapter 33 His Lips
Chapter 34 Text
Chapter 35 Happiness
Chapter 36 His Friends
Chapter 37 Stay
Chapter 38 Awkward
Chapter 39 Soft Heart
Chapter 40 Restaurant
Chapter 41 Ex
Chapter 42 Falling
Chapter 43 Come Back
Chapter 44 Lullaby
Chapter 45 Adventure
Chapter 46 Game Over
Chapter 47 Beginning
Chapter 48 Courting
Chapter 49 Pink
Chapter 50 Palayan
Chapter 51 Villarama
Chapter 52 LQ
Chapter 53 Basketball
Chapter 54 Decision
Chapter 55 Soon
Chapter 56 Teddy Bear
Chapter 57 Moment
Epilogue
Note

Chapter 13 Quickie

1.1K 47 54
By faithtolove

Rea's POV

Matapos naming kumain ay dumeretso kami sa sala nila. Buti pa sila may aircon kahit siguro linisan mo ang buong bahay hindi ka pagpapawisan dahil sa lakas ng aircon. O mas tamang sabihin na tatlong araw bago malinisan ang bahay nila sa sobrang laki. Nagkikita kita pa kaya sila dito?

Habang nakatingala ako ay namamangha talaga ako sa mga nakikita ko. May chandelier pa sila. Gusto ko tuloy kantahin iyon.

Umupo sina Tita Henry at Tita Trina sa magkatabing isahang upuan. Sina Candice at Justine naman ay magkatabi. Nakayakap pa rin si Justine sa bewang ni Candice. Nakikita ko na sweet si Candice kay Justine kaya alam kong mahal niya talaga ito.

Sina Keith, Harry , at Wayne ay magkakatabi na umupo sa carpet. Nagbibiruan sila at nagtatawanan. Umupo ako sa sofa katabi si Candice saka naman tumabi sa akin si Drake.

This is it. Magsisimula na talaga ang pagiging sinungaling ko.

"So...paano kayo nagkakilala ni Drake?" Tumikhim si Drake matapos itanong iyon ni Tito Henry.

"Ay! Ganito po iyon.." ako naman ay nag imagine kung paano nga kami nagkita. Nakangiti pa ako habang nagku-kwento.

Naglalakad ako sa parking lot para sumakay ng kotse ko ng may humablot sa aking bag. Nagsisigaw ako dahil mahalaga ang nasa laman ng bag na iyon. "Tulong!" Sigaw ko.

Pinagtitinginan ako pero walang tumulong sa akin. Nahagilap ng mata ko ang gwapong lalaki na kakalabas lang sa kotse niya. "Magnanakaw! Tulong!" Sigaw ko na naman. Nagmadali niya akong nilapitan dahil sa pagwawala ko.

Napanganga pa ang lalaki ng makita ako ng malapitan. Siguro nagandahan siya sa akin kaya natulala siya. Kinaway ko ang aking kamay sa harapan niya para lang magising siya sa pagiging bato.

"Pogi mamaya kaya mabighani habulin mo muna yung bad guy!"

"What happened?" He asked. Basta tinuro ko lang ang tumatakbong magnanakaw saka niya iyon hinabol. Sumunod naman ako sa kanya. Nang mahabol niya ang magnanakaw ay sinuntok niya ito.

Napapa 'wow' ako sa galing niyang makipagsuntukan. Halos tulala ako ng ibalik niya sa akin ang bag. "Miss?" Aniya. Doon pa lang ako nagising kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Dahil sa taranta ko ay nahulog ang bag ko kaya tumilapon ang laman niya. Tinulungan niya akong mamulot saka binalik sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Then he asked me to go out. Hanggang sa naging malapit kami sa isa't-isa at ligawan ako.

"Tapos iyon..sinagot ko na siya..ang sweet 'no?" Nakangiti kong sabi sa kanila. Tahimik lang silang nakikinig sa amin. Si Wayne ay napangiwi pa nga. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya.

"Hindi ganyan ang nangyari. Nung nahulog ang bag mo inaway mo ako kasi nga natilapon ang gamit mo. Imbes na magpasalamat ka ay nanermon ka. Hindi naman importante ang laman ng bag mo." Singit ni Drake.

"Ano bang laman ng bag niya?" Ani Jess.

"Ah-eh...sandwich." Kinagat ko ang labi ko. Natawa naman sila sa sinabi ko. Narinig ko pa nga sina Wayne at Keith na nagbubulungan.

"Pero salamat sa egg sandwich ko dahil niyaya ako ng date ni Drake."

"Anong ako? Ikaw ang nagyaya kinukulit mo nga ako." Aniya sabay ng pagkunot ng noo.

Itong mokong na ito ipapahiya pa ako!

"Ay hindi! Di ba nga niyaya mo ako sa malapit na resto?"

"Ah..ikaw ang nagyaya tapos sinabi mo na may manliligaw ka. May ari ng punerarya, 'di ba?" Pinanlakihan niya ako ng mata at nagngitngit na sa galit. Binibigyan niya ako ng warning.

Narinig ko ang tawa ni Wayne sa gilid pero hindi ko siya pinansin.

"Ikaw ang naghabol sa akin." Aniya.

"Ikaw." Nakangiti ako. Nagkatitigan kami at walang gustong sumuko sa titigan.

"Eh sino ba ang mas gwapo, si Funeral boy o si Drake?" Ani Keith. Silang lahat ay nakamasid sa amin. They find us weird? Maybe. Sino bang siraulo na maniniwala na may relasyon kami kung sa umpisa pa lang e nag-aaway na kami.

"Siyempre si Drake." Napangisi si Wayne. Si Jess naman ay mukhang kinikilig sa amin. Kung alam lang nito na halos magpatayan nakami sa sobrang inis niya sa akin.

"Kaya nga ikaw ang nanligaw, di ba?" Aniya. Aba! Kapal ng mukha! Kahit na nagpapanggap lang kami dapat itayo niya ng konti ang bandera ko. Nakakaloka ito ah. Ako pa ang maghahabol? May pride ako, oy!

Si Tito Henry ay palipat lipat ng tingin sa aming dalawa habang palitan kami ng salita. Ganoon din ang iba. Tanging si Harry lang ang walang pakialam dahil busy siya sa cellphone niya na kanina pa pinipindot.

"Sungit mo kaya! Pasalamat ka mahal kita." Ngumuso ako. Narinig ko ang pagmura ni Wayne sa gilid pero hindi ko pinansin. Basta nakatitig lang ako kay Drake na hindi maipinta ang mukha sa kahihiyan.

Ewan ko ba kung sa amin sila lahat nakatingin. Masyado bang big deal ang pagkakaroon ng girlfriend ni Drake? Kung tutuusin dapat bigyan ng pansin sina Justine at Candice kasi sila ang bagong dating.

"Psh." Bumubulong si Drake saka umiwas ng tingin sa akin. Hinawakan ko ang kanyang mukha para muling humarap sa akin. Halos humaba ang nguso niya dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa pisngi niya. Pumalag pa ito kaso hinigpitan ko lalo.

Ang cute niya! Sarap kurutin! Pwedeng tikman ito kahit isang beses lang? Bakit kaya wala itong girlfriend hanggang ngayon? Sayang ang lahi ah.

"Sorry na." Ngumuso ako at nagpacute sa kanya. Nakita ko ang pandidiri niya at pilit na tinatanggal ang kamay ko. Pinanlakihan ko siya ng mata.

Makuha ka sa tingin, gago.

Binitawan ko ang pisngi niya na namumula na sa higpit ng pagkakahawak ko. Hinawakan pa niya iyon para haplusin. Ako naman na kunwari mabait ay hinaplos ang pisngi niya. Nagtataka pa rin sila lalo na ang magulang ni Drake. Tahimik lang sina Justine at Candice. Minsan nga naglalambingan sila.

Habang hinahaplos ko ang pisngi niya ay napapitlag siya. Tiningnan niya ako ng nagtataka. Ngumiti ako sa kanya at hindi na siya pumalag. Nahagilap naman ng paningin ko ang pagsiko ni Wayne kay Harry na busy sa cellphone. Nanonood si Wayne sa amin habang si Harry ay walang pakialam.

"Sorry na, keroppi." Usal ko saka siya hinalikan sa pisngi. Natilihan siya sa ginawa ko. Si Wayne ay siniko ulit si Harry.

"If you want to kiss by someone, go to hell dude, 'wag kang istorbo!" Inis na sabi niya kay Wayne. Umirap naman si Wayne sa kanyang kuya saka bumaling ulit sa amin.

"Oh yan, hindi na masakit.." Malambing na sabi ko. Tulala pa rin si Drake habang nakatingin sa akin. Pinindot ko ang ilong niyang matangos. "Oy!" Tawag ko kaya nahimasmasan siya saka umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung sa pagkakurot ko sa pisngi o sa sinabi ko ang pamumula ng mukha niya.

"Langya alis na ako." Bulong ni Wayne sabay tayo. Nilingon siya ng lahat. Kahit si Jess na busy sa pakikinig ng music sa ipod niya ay napalingon.

"Where are you going, bro?" Justine asked him.

"I'll find my forever. Lintik na pag-ibig na yan nakakainggit." Seryosong sabi niya saka na umalis ng hindi na nagpapaalam sa lahat.

Yung totoo? Abnormal ba si Wayne? May sayad yata, e. Tumayo naman si Harry para sumunod sa kanya.

"Maghahanap ka rin ng forever mo, dude?" Tukso ni Keith sa kanya.

"That's so gay!" Umirap pa ito sa amin bago lumabas ng bahay. Halakhak naman nina Keith at Tito Henry ang narinig.

Ano bang problema sa utak ng mga ito? Akala ko si Drake lang ang may topak mas malala pa pala mga kapatid niya.

Tahimik na si Drake sa aking tabi. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa aking bewang kaya nagulat ako. Pakiramdam ko nakiliti ako sa pagkakahawak niya. Hindi kasi ako sanay na nahahawakan doon.

Lumikot ang aking mata saka pinanood silang lahat. Matalim pa rin ang titig ni Tita Trina sa akin. Si Tito Henry ay nakangiti habang pinapanood kami. Si Jess ay abala pa rin sa pakikinig ng music habang nakasaksak ang earphone sa kanyang tenga. Si Keith naman ay matalim ang bawat titig sa aming dalawa ni Drake. Ang alam ko may alam na siya kaya ganito ang reaksyon niya.

"I'm happy for you, son..I think you already found her." Ngumiti si Tito Henry saka na siya tumayo. Si Tita Trina na nakataas ang kilay ay sumunod na rin.

"Goodnight, hija. Ituring mo na ring bahay ito." Pahabol pa nito sa akin.

"Goodnight tito tita! Sweet dreams!" Habol ko sa kanila.

Nakahinga ako ng maluwag dahil napaniwala namin sila. End of day one.

Tumayo na rin si Keith. Sinenyasan niya si Drake na pumunta sila sa labas. Tiningnan muna ako ni Keith. Ngumiti ako at nagpaalam. Sumunod naman si Drake palabas. Naiwan ako dito kaya tumayo na rin ako para pumunta saglit sa kusina. Hindi ko pa kasi alam ang kwarto ni Drake, e.

"Rea." Nagulat pa ako sa boses ni Candice na nasa tabi ko pala. Kaming dalawa lang ang nandito. Tumayo siya saka pinagpantay ang paningin namin. Halos pareho kaming maliit kaya hindi ako mahihirapang tumitig sa kanya.

"Yes?" Kunwari sabi ko.

"Do you really love him?" Nagsalubong ang kilay ko sa kanya.

"Ay tanga! Malamang kaya nga boyfriend ko siya, 'di ba?" Gusto kong umirap sa kanya kaso pinigilan ko. Siya ang dahilan ng pagkasawi ni Drake kaya naiinis ako ng kaunti. Anong karapatan niyang itanong kung mahal ko siya?

Nakita ko ang pagkagulat sa maganda niyang mukha. Hindi niya siguro naisip na sasabihin ko iyon.

"I want him to be happy. I want the best for him." Malumanay na sabi niya sa akin. So, anong punto niya? Na hindi ako best?

"And I am the best..don't worry I'll take care of him. Mamahalin ko siya ng buong buo. Mula ulo hanggang talampakan." Napangiti siya sa sagot ko.

Ang totoo? Hindi naman siya mukhang maldita. Siguro mas mahal niya lang talaga si Justine. Sabagay, may sayad kasi si Drake kaya hindi ko siya masisisi.

"Basta...alagaan mo siya. Mahalin mo siya na hindi ko naibigay sa kanya. Panatag na ang loob ko dahil nahanap ka niya." Lumamlam ang mga mata nito. Parang may something, e. Ano nga kaya ang past ng mga ito? Napakahiwaga.

"Hindi naman ako nawala bakit niya ako nahanap?" Ngumisi ako sa kanya. Natulala pa siya sa sinabi ko. Kagaya siya ni Eva. Napaka slow.

Natigilan lang kami ng may tumikhim sa aking likuran. Paglingon ko ay si Drake pala iyon. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Walang ngiti sa kanyang labi saka na ako hinila paakyat sa itaas nila. Nagtataka naman si Candice sa inasal nito.

Pagkarating sa itaas ay nanginginig ang aking paa. Ang taas ba naman ng inakyat namin tapos hinihila pa ako hindi makapaghintay. Pagkarating sa itaas ay may apat na pinto akong nakita. Dumeretso kami sa pinakasulok. Pumasok siya habang hila ako. Binitawan niya lang ako ng makapasok na kami saka niya nilock ang pinto.

"Ouch! Masakit yun ah!" Asik ko sa kanya saka pinisil ko ang aking braso na hinila niya.

"What kind of show was that?"

"Talk show." Sagot ko. Namumula kasi siya sa galit, e. Wala naman mali sa sinabi ko kanina. Paniwala nga sila, 'di ba?

Mabigat ang kanyang paghinga marahil sa inis sa akin.

"Hehe reality show yun." Biro ko saka nagpeace sign sa kanya. He glared at me. Naman! Bawat sabihin ko ayaw niya! Kelan ba siya sasang-ayon sa mga sagot ko?

"Hindi ganoon ang usapan natin!" Bulyaw niya sa akin. Kinalikot ko ang aking tenga dahil sa sigaw niya.

"Huwag ka ngang sumigaw! Baka marinig ka nila mabuko pa tayo."

"This room is sound proof. Tss." Nakasimangot na naman ito.

"Sound proof?" Kumunot ang aking noo. Napailing na naman siya sa akin.

"Meaning hindi tayo maririnig kahit na ano pang sigawan na gawin ko." Dumeretso siya sa couch na nandoon. Ako naman ay sa kama umupo saka siya tinitigan.

"Sosyal! May gano'n?" Ma try nga.

"Hoy Rea ang ganda ganda mo! Saksakan ka ng kagandahan! Awooohh!" Tili ko na parang asong ulol. Nagtakip naman siya ng tenga habang sumisigaw ako. Bwisit na bwisit na siya.

"Stop!" He shouted back.

"Don't stop believing!" Kanta ko habang pumipikit pa. Sa inis naman niya ay tumayo ito saka ako nilapitan. Nagulat na lang ako ng takpan niya ang aking bibig. Halos sakop nito ang buo kong mukha. Laki ng kamay niya, eh. Lahat yata sa kanya malaki.

Pumiglas ako para matanggal ang kanyang kamay kaso ang lakas niya. Sa pagwawala ko ay napahiga ako. Hindi pa rin siya bumitaw habang nakatunghay sa akin ay nakatakip parin ang aking bibig.

"Asdfgssh!" Hindi ko masabi sabi dahil sa kamay niya!

Sabay kaming napalingon sa pinto ng bumukas iyon.

"Langya naman oh! Sige ituloy niyo lang." Nakasimangot si Wayne sa amin. Pabagsak niyang sinara ang pinto. Pakiramdam ko namula talaga ako. Ako si Rea, wala akong hiya. Makapal ang mukha ko. But now..damn! Why I am blushing?

Tumayo ako saka tinapik ang kanyang kamay. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Nahagilap pa ng maganda kong mata kung paano niya amuyin ang kanyang kamay.

"Hoy! Nag toothbrush ako. Kutitap ang toothpaste ko. Kutitap." Pag-uulit ko. Hindi naman niya ako pinansin bagkus humiga siya.

Nakaunan ang kanya ulo sa kanyang braso. Gumalaw tuloy ang biceps niya. Oh siya na ang hot peste!

Dahil sa tensyon na nangyari ay nilibot ko na lang ang kwarto. Dahil favorite color niya ang white and black ay ganito ang kulay ng room niya. Ang bedsheet niya ay white maging ang unan. Sa tapat ng headboard ay may nakasabit na painting. Sa tapat naman ng kama ay may flat screen na tv.

"Wow.." Bulong ko habang hinahawakan ang tv niya. Yung akin kasi ang liit lang.

Sa tabi nito ay may cabinet na black. Sa tabi ng main door ay may couch na black din. Sa kanang bahagi ay may pinto na malamang cr. Agad akong nagtungo sa cr. Hindi ko siya pinansin dahil sa pananahimik niya.

Kagaya sa loob ay white painting din. May maliit na sink na may gamit pampaligo. May shampoo, shower gel, toothpaste, toothbrush at iba pa. Napangiti ako sa harap ng salamin.

Ganda ko talaga!

May kurtina na humahati sa bathroom at comfort room. Hinawi ko iyon kaya tumambad ang bath tub at shower.

"Shocks! Ganda to the highest level!" Wait..bath tub? Lalaki siya tapos gumagamit siya nito?

Nagmamadali akong lumabas nang nakangiti. Gusto ko na talagang maligo. "Ang ganda ng kwarto mo ha! Parang buong bahay na namin ito sa probinsiya." Hindi siya umimik. Ginalaw lang niya ang kanyang mata para tingnan ako.

"Na paralyze ka?" Usisa ko. "Hala! Hindi ka na makagalaw?" Lumapit ako para matingnan siya.

Umirap siya sa akin. Sungit nito. May dalaw? Psh.

"Knock knock!" Sigaw ni Wayne sa labas.

"Who's there?" I shouted back.

"Gwapong nilalang!" Napamura si Drake sa sagot ng kapatid nito. Bago pa ako nakalapit ay pumasok na ang unggoy ng nakatakip ang mata gamit ang kamay pero nakasilip naman ang isang mata niya sa amin.

Hindi nakatiis si Drake, binato niya ng unan ang kapatid. "Naninigurado lang ako kuya! Iniingatan ko ang virgin eyes ko." Humalakhak siya.

Para akong nahiya sa sinabi niya. Sa tanang buhay ko..twenty three years of existence sa mundong ibabaw..ngayon lang ako nagblush ng sobra dahil lang sa pananalita nila.

"Shut up!" Ani Drake.

"Asus! Kanina pa ako kinukulit nang dalawang unggoy sa labas! Dating gawi raw!" Umirap si Drake sa kanya. Nanatili siyang nakaupo sa kama. Ako naman ay parang nanonood ng pingpong habang palipat lipat ng tingin sa dalawa.

"Give me ten minutes!" He answered.

"To do the quickie thing?" Wayne smirked at me.

"Just get out." Madiing sabi ni Drake. Kulang na lang mabasag ang ngipin sa sobrang inis. Wag naman! Ang gwapong lalaki para maging bungi.

Humalakhak pa si Wayne bago lumabas. Si Drake naman ay hindi maipinta ang mukha. "Mauna ka ng matulog." Aniya bago naisipan tumayo palabas ng kwarto.

"Drake.." Lumingon siya sa akin.

"What is quickie thing?" Sana hindi ko na lang tinanong. Kulang na lang mamatay ako sa talim ng titig niya.

Masama ba ang magtanong? Hindi naman, 'di ba? Ano nga ba yung quickie?

Hay naku!

Continue Reading

You'll Also Like

263K 14.6K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
24.5K 593 43
Paghiwalayin si Bestfriend at ang first love nito? Hindi iyan ang kagustuhan ni Liana Brisette Morgan ngunit napilitan s'yang gawin dahil sa Mommy ng...
2.7M 29.2K 41
"I'll do anything you want, wag ka lang mag sumbong." He was staring at my eyes and lips alternately. Nawala yung ngisi nito. "Anything? Seryosong ta...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...