The Campus Heartthrob Kings A...

Von Dreamerearth

2.3M 67.8K 4.4K

NOTE: The King's trilogy is still unpolished. Please forgive me for being too lazy to edit this work of mine... Mehr

Please, read this first
Disclaimer
Characters
Chapter 01: Heartthrob Kings
Chapter 02: What do you mean?
Chapter 03: Stressed
Chapter 04: Bad Day
-Chapter 05- Partner
-Chapter 06- Two Times Kiss
-Chapter 08- T-shirt
-Chapter 09- Nose Bite
-Chapter 10- The Bipolar
-Chapter 11- Crush
-Chapter 12- Long Hair
-Chapter 13- Grocery
-Chapter 14- Gentleman
Chapter 15: Someone
-Chapter 16- If I told You
-Chapter 17- Ghost
-Chapter 18- In Love ♥
Chapter 19: Manhid ka
-Chapter 20- Confession
-Chapter 21- Ikaw
-Chapter 22- Her Half Sister
-Chapter 23- Typhoon
-Chapter 24- Twin
-Chapter 25- Acute Stress Disorder (ASD)
-Chapter 26- The Superhero
-Chapter 27- I Love You
-Chapter 28- Pick-up Line
-Chapter 29- See you at hospital
Chapter 30: Baby Boy ♥
Chapter 31: Sketch
Chapter 32: Jealous
Chapter 33: First and Memorable Date
-Chapter 34- The Moves
Chapter 35: It Hurts
Chapter 36: Dinner with Barkada
Chapter 37: He's with her
Chapter 38: Plans
Chapter 39: Valentine Surprise
-Chapter 40- Cookie Love Game
Chapter 41: Sweetie Baby Boy
Chapter 42: Review
Chapter 43: Wanted Girlfriend
Chapter 44: Between Us
Chapter 45: Drunk
Chapter 46: Future Couple
Chapter 47: Seven Eleven
Chapter 48: Pretend
Chapter 49: Mad at me
Chapter 50: Lover's Quarrel
Chapter 51: Dysmenorrhea
Chapter 52: Time to Move On
Chapter 53: Welcome Back
Chapter 54: 18th
Chapter 55: Meet his Grandfather
Chapter 56: Fiancé
Chapter 57: The Promise
Chapter 58: Seventh Monthsary
Chapter 59: It's not a dream
Chapter 60: I won't Give up
Chapter 61: His Real Fiancé
Chapter 62: The Difference of Happiness
Chapter 63: Bleeding Heart
Chapter 64: Trouble
Chapter 65: Lifeless
Chapter 66: Unexpected Visitor
Chapter 67: Last Breath
Chapter 68: Missing Her
Chapter 69: Leaving
Chapter 70: One Last Cry
Epilogue
BOOK TWO

-Chapter 07- Punishment

55.4K 1.9K 119
Von Dreamerearth

Racelle's POV

*TUESDAY*

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggal sa isipan ko kung bakit niya ako hinalikan. And that kiss? May kakaiba sa halik niya, hindi gaya no'ng aksidente na nangyari sa amin. Tinampal ko ang sarili dahil malakas pa rin ang impact sa akin kahit apat na araw ang lumipas.

Hindi lang kasi basta dampi ang ginawa niya. Gumalaw ang labi niya na parang may gusto siyang ipasok na kung ano sa loob ng labi ko . Bumuntonghininga ako sabay ilong. Kung saan-saan napupunta ang takbo ng isip ko.

"Why did you kiss me?" tanong ko sa puno.

Ni hangin ay nahiyang sumagot sa tanong ko. Kumagat na lamang ako sa hawak-hawak kong egg sandwich. Kasalukuyang recess namin sa likod ng gyn ako dumiretso imbes na sumama kanila Jerome at Estella.

"May boyfriend ka na?"

Napaigtad ako sa boses ni Tristan. Hindi natuloy ang muli kong pagkagat sa kinakain nang lingunin ko siya. May hawak siyang bote ng C2 na yellow saka cheese burger. Nanunuot sa ilong ko ang bango ng kinakain niya.

"Wala. Wala akong boyfriend," sagot ko sa kaniya.

Tiningnan niya ako nang matagal. Nangunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

"Akala ko mayroon na."

Tumawa ako. Wala pa akong planong magka-boyfriend. Saka sino naman ang magkakagusto sa akin? Babae ako pero hindi ako kasingganda ng mga babae rito sa university.

"Iniwan mo iyong dalawa?" tanong ko bilang pagtukoy kay Justin at William.

Pagsapit kasi ng recess ay kaagad naglaho sa paningin ko si Mike, pati iyong babaeng mahaba ang buhok at singkit na kinakausap niya kanina ay nawala rin. Iyon yata ang bago niyang girlfriend.

"Hindi ko sila makita sa canteen kaya dumiretso ako rito. Eksaktong nandito ka rin pala." Kumagat siya sa burger niya.

"Hindi ka naman nagsasawang nakikita ako, ano?" natatawang tanong niya bigla.

Umiling ako. "Hinding-hindi ako magsasawa sa mukha ng mga best friend ko," sagot ko.

I consider him as one of my best friend aside from the two. The other kings are like friends for me—a brother rather.

"Sakit naman."

Umawang ang labi kong kinunutan siya ng noo. "Saan ang masakit?" nalilito kong tanong.

Tumawa lang siya at isinubo nang buo ang pang-tatluhan pa sanang kagat sa burger. Binuksan niya ang takip ng C2 sa kalagitnaan ng kaniyang pagnguya.

Kumagat din ako ng sandwich at inoobserbahan siyang mabuti. Nang masaktuhan kong nalulon niya ang kinakain ay nagsalita ako. "Saan iyong masakit, beh?"

Humarap siya. Nahihiwagaan ang gumuhit na ekspresyon sa kaniyang guwapong mukha. Ngumisi siyang nailing nang isang beses. "Did you call me beh?"

"Oo," sagot ko at bigla naman siyang napangiti nang malawak.

Kinikilig ang sikmura ko. Mas gustong-gusto ko siyang nakangiti makita nang ganito. Ang sarap-sarap niyang pisilin sa pisngi.

Nagtataka ang hitsura niyang napatango. "That is a couple endearment, right?"

"Oo, pero para sa akin... beh is a friendly endearment."

Ngumisi siya na para bang may nakakakilit na pangyayari. Tumatango-tango siya sabay takip ng kaniyang bibig gamit ang palad. Tinanggal niya ang kamay at nilingon ako nang hindi nawawala ang ngiti.

"Beh, I like it..." Hindi nakatakas ang pagbungingis niya dahilan para matawa ako. "I like it, beh."

"Ayan ka na naman, Tristan! Mabuti pang bumalik na tayo sa classroom," paanyaya ko sa kaniya.

Tumango siya at naunang tumayo. Inilahad niya ang kamay sa akin. Kinuha ko ang kamay niya at tinulungan akong tumayo kahit kaya ko naman. Napangiti ako kasabay ng pagbitiw niya ng kamay. Sabay kaming naglalakad patungong classroom at may nadaanan kaming mga fourth-year student na napapatingin kay Tristan. Kahit saan talaga magpunta ang lima sa campus na ito, pinagbubulungan at pinagtitinginan sila.

"Si Tristan!" Dinig kong pasigaw na tili no'ng isang babae.

Nakita ko naman kung paano ngitian ni Tristan ang mga babaeng kumakaway sa kaniya. Humble talaga siya. Napatingin sa akin si Tristan at saka siya ngumiti hanggang sa maningkit lalo ang mata niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong pisilin siya sa pisngi.

"Ang cute mo talaga beh, kaya beh ang tawag ko sa 'yo dahil behbeh face ka," pagbibiro ko.

Tumawa naman siya sa sinabi ko at hinawakan ang kamay kong pinipisil ang pisngi niya. Nakaramdam ako ng kuryente. Nahagip ng mata ko ang palapit na anino ni Kitian sa 'di kalayuan. Agad akong bumitiw na nahagip ko pa ang pagkunot-noo ni Tristan.

Iiwasan mo siya Racelle.

Agad akong tumalikod kay Tristan. "Mauna na ako, time na pala," paalam ko sa kaniya at humakbang na paalis.

Medyo nakalayo na rin ako nang marinig kong tawagin ako ni Tristan. "Racelle!"

Nakayuko akong humarap. Iniiwasan kong magtama ang paningin namin ni Kitian. Sabi niya hindi ko na ipapakita ang pagmumukha ko sa kaniya.

"Hindi dyan ang daan."

Napaangat ako ng ulo para kumpirmahin ang sinasabi niya. Lumingon ako sa likod sabay kamot sa buhok. Pumikit ako sa kahihiyan. Nang dahil sa kaba, maling daan ang napuntahan ko. Bakit kasi nandito siya? Sinasadya ba niyang magpakita sa amin?

Sumulyap ako sandali kay Kitian. Blanko sa ang tingin niya sa akin.

"Paranoid." Dinig kong sabi niya nang nag-iwas ako ng tingin.

Bigla kong naisip kung bakit ako kinakabahan. Parang halik lang naman iyon at saka puwede ko naman siyang itulak o tumakbo kapag gagawin niya iyon. Humugot ako ng lakas ng loob para maglakad palapit sa kanila. Tumabi ako sa kaliwa ni Tristan dahil nasa kanan niya si Kitian.

Nagsimula kaming maglakad para bumalik sa classroom habang ramdam na ramdam ko ang nakatutusok na titig niya sa akin. Inilalagay ko sa isip kong hindi niya magagawa iyon dahil nandito si Tristan.

Nakarating kami sa classroom at tamang-tama ay kakapasok lang din Ma'am Villanueva, aming araling panlipunan subject teacher.

Umupo agad ako sa upuan ko at pinandilatan naman ako ng dalawang magaling kong kaibigan sabay nguso sa dalawang kasama ko.

"Hinahanap ka namin at hindi ka namin mahanap, bakla pero kasama mo na pala iyong dalawang hari."

Napaigtad ako sa ginawa niyang pagsundot sa tagiliran ko. Si Estella ay binigyan lang ako ng malisosyang tingin nang paningkitan niya ako ng mata.

"Nag-date kayong tatlo sa SNM, bakla?"

Kinunutan ko ng noo si Jerome sa sinabi niya. Ano'ng SNM?

"Silong ng mangga," sagot ni Estella habang ang paningin ay nasa harap.

Nag-umpisa si Ma'am Villanueva sa pagdi-discuss kaya itinuon ko ang buong atensyon doon para makinig dahil malakas ang kutob kong may seatwork kami pagkatapos. Panay ang kamot ko sa buhok ko dahil sa wala ring tigil na pagbulong-bulong ni Jerome sa tainga ko. 

"Makinig tayo sa discussion," saway ko para matahimik siya.

"Wala ka lang din namang naiintindihan," sumbat niya.

Patuloy lang siya sa pagdadada hanggang sa matapos ang subject na halos wala akong naintindihan. I'd rather want Estella to be my seatmate than Jerome.

Si Estella kasi madaldal din pero random ang ikukuwento niya, pero kapag class hours, ang ikinukuwento niya ay nasa lesson and she's giving some information, unlike Jerome. Halos umay na umay na ang tainga ko sa kaniya. Ikinikuwento niya sa akin iyong mga boy band na magaganda ang kanta at pakinggan ko raw saka mga girl bands na worth it daw i-stan dahil pinagpuyatan niyang i-stalk.

Hapon na't ganito pa rin ang takbo ng buhay estudyante. Kakasimula palang ng pasukan ay discussions na agad. Sa bagay, mahirap na umasang hindi sila magtuturo. Kung papiiliin naman ako, mas gusto ko pa naman 'yong araw araw na nagtuturo kaysa sa hindi nagtuturo.

Last subject kaya mabuti na lang iba ang katabi ko. Pagkatapos ni Jerome, si William ang naging katabi ko na nag-enjoy ako dahil marami siyang kuwento tungkol sa lesson, pero sinusumpong ng pagka-slow niya. Tapos iyong subject before ng lunch ay si Tristan ang katabi ko. Noong hapon, mga one o'clock ay si Justin na maraming ginagawang ka-weirduhan. Iniikot-ikot niya ang dulo ng ballpen sa loob ng tainga niya saka tatawa nang mahina.

Pagkatapos ni Justin ay si Kitian ang sumunod noong bandang two o'clock. Halos lamunin na ako ng upuan ko sa sobrang init na nararamdaman ko noong sandaling iyon. Malamig nga katabi ko, upuan ko naman parang nagliliyab sa apoy sa sobrang awkwardness.

Ngayong last subject  ay si Mike katabi ko at busy sa pakikipagbolahan sa babaeng kaklase namin.

"One plus zero is equal to?" tanong niya.

"One."

"We are one. Together." 

Napangisi na lang ako sa ka-kornihang dulot ni Mike. Napahagikgik naman sa kilig 'yong babae. Ngumiwi ako sa tabi nila. Hindi ako masayang katabi si Mike ngayon, malaki din pala siyang istorbo sa pakikinig ko. Sana si Estella, Justin, William o si Tristan na lang nakatabi ko. Sino ba kasi nagpauso ng seating arrangement.

"And will you be my girlfriend?"

Umubo ako nang mahina. Hindi ko maiwasang makinig sa kanila kaysa sa nagdi-discuss sa harap.

"H-ha? Me?" maliit ang boses niyang tanong.

"Yes, beautiful lady. You don't want me to be yours?"

Tunog malandi ang boses ni Mike sa pandinig ko. Nahagip ko naman ang walang pakundangang pagtango ng babae.

"Of course, I want."

Umubo ako nang malakas dahilan para mapalingon ang mga kaklase ko sa akin. Nahihiya akong ngumiti at nilingon ang dalawa.

Nakangisi si Mike. "Tampo ka na baby Race?"

"Never." At umirap ako.

Tumawa na lang nang mahina si Mike at itinuloy ang gawain nila ng kaniyang new girlfriend. Napapangiwi ako sa palitan nila ng linya. Tumataas ang balahibo ko sa mga banat ni Mike na napaka-corny.

Natapos ang discussion hudyat na dismissal na rin namin. Umalis 'yong girlfriend ni Mike at ako naman ay busy sa pagliligpit ng gamit ko.

"Bukas break na kayo?" tanong ko.

"Oo, ano pa nga ba?" Ngumisi siya pagkaharap ko.

Naiiling akong nagsalita, "Mapanakit ka."

"Kahit kailan talaga epal ka sa buhay ko!"

Lumingon ako sa galit na boses ni Estella. Masama ang titig niya kay Justin na nakatayo sa kaniyang harap. Itinaas ni Estella ang kaniyang hintuturo noong subukan ni Justin ang humakbang palapit. Tumawa naman si Mike sa tabi ko.

Nakasusutil siyang inilapit ang mukha at hinalikan ang daliri ni Estella. "Yuck!" diring-diri niyang ipinunas sa manggas ng polo ni Jerome ang hintuturo.

Tumawa si William at Tristan na natawa sa pagkukweutuhan nila.
Gumawi ang tingin sa amin ni Jerome nang nakasimangot. Tinampal nito ang braso ni Mike.

"May girlalu ka na naman Mike. Wala na talaga ako pag-asa sa 'yo," nakalabing sabi ni Jerome sa tonong nagtatampo.

Itinulak ni Mike ang kamay ni Jerome. "Asa ka namang papatulan ko ang katulad mo."

"Alam ko naman, sadyang gusto ka lang nito." Sabay turo ni Jerome sa puso niya.

Humagalpak sa tawa si Mike. "Hindi pa ako naghihirap para kumapit sa patalim, saka na ako papatol 'pag wala na akong kayamanan," pagbibiro niya.

Sabay-sabay kaming lumabas sa classroom at nagkakahiwalay pagkalabas namin sa high school building.  Naghintay ako sa babaan at sakayan, samantalang hinatid ni Mike si Estella dahil madadaanan nito ang bahay nila Estella. Dapat sana ay si Justin, pero malayo ang bahay nila kaya si Jerome ang isinakay niya kasi madadaanan din niya. Si William, umalis na gayon din si Tristan na nagpresinta pang ihatid ako, pero tumanggi ako.

Ilang minuto akong naghintay ng jeep at sa wakas ay nakasakay din ako. Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kuwarto para magbihis, at pagkatapos niyon ay bumaba ako para tumambay muna sa sala habang may dala-dala akong coupon bond at lapis. Nakagawian ko na ang mag-sketch habang nanonood ng TV.

Naghanap ako ng magandang palabas. Afternoon primetime ang pinapanood ko sa GMA. Nakatutok lang ako sa TV at napapaismid sa pinapanood ko. Ma-drama masyado, parang buhay ko lang.

"Sige, pakibaba na lang diyan. Salamat."

Napalingon agad ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni mama. May dala-dala siyang mga plastic.

"Ang dami naman niyan mama," puna ko sa mga nakalapag na plastic sa labas ng pinto nang tumayo ako para silipin saka tulungan na rin si mama.

"Oo, pero hindi naman marami ito. Puro plastic na paso at gamit sa panghahalaman ang laman ng dalawang plastic diyan," sabi ni mama.

Tinulungan ko siyang ipasok sa loob ang pinamili niya saka lumabas ng bahay, naiwang bukas ang TV dahil si mama raw ang manonood muna habang nagpapahinga sandali.

Muli kong napansin ang taong pumasok sa katabi naming bahay. May tumao na rito? Sino kaya? Kaya ba namalengke si mama para i-welcome ang bago naming kapit-bahay?

Tumungo ako sa bahay-kubo namin sa likod ng bahay. Pagkaupo ko ay maganda ang salubong ng hangin. Masyadong presko, inililipad pa ang ilang hibla ng buhok ko. Maganda rin ang paligid dahil sa napakaraming ornamental plants ang nakapalibot sa kinaroroonan ko, samantala puro gulay sa kaliwang bahagi ng bahay.

Ang puwesto ko nakaharap sa bahay at tinitigan ko ang pinto para makilatis ang lalabas. Hindi naman ako nabigo dahil biglang lumabas 'yong ang pamilyar na lalaki sa akin. Napatakip na lamang ako ng bibig sa nakita.

Humarap ito sa akin at alam kong tinataasan niya akong kilay at nakangisi ito. Nagkrus na naman ang landas namin.

Lumapit ito at tumalon sa maliit na bakod na nakatirik, kung saan nagsisilbing harang para alam kung hanggang saan ang kalawak ang sakop ng bahay. Agad akong tumayo at tumalikod sa kaniya. Handa na akong lumayo dahil naalala ko ang sinasabi niya.

Akala ko pa naman ligtas na ako, pero hindi pa pala. Nagdadasal akong sana hindi na niya ulitin ang paghalik niya sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa kaba nang tumikhim siya.

"Ngayon ka pa iiwas kung alam mo namang kanina mo pa ako nakita?"

"Yumuko naman ako at saka kahit anong gawin ko ay talaga namang magkikita tayo. Anong gagawin ko? Lilipat na lang ulit? Ang hirap kayang mag-adjust 'pag sakaling 'yon nga ang ginawa ko," sabi ko habang nakatayo nang nakatalikod pa rin sa kaniya.

"Tch," sabay palo niya sa kahoy na mesa.  "Ako na lang iiwas sa 'yo. Magtra-transfer na ako," sabi niya.

Humarap ako sa kaniya. "Bakit? Ano bang dahilan mo't pinapaiwas mo ako? May kasalanan ba ako sa 'yo?" sunod-sunod kong tanong at hindi ko namalayan na nahawakan ko na pala ang kamay niya. Binawi niya ang kamay at napaiwas siya ng tingin sa akin.

"I just can't."

"Hindi kaya ang alin? Ano nga ba kasing dahilan mo at aabot pa sa puntong lilipat ka? Ano bang kasalanan ko sa'yo?" Umupo ako sa tabi niya nang may ilang metrong distansya. "Hindi ko naman kasi sinasadyang mapalapit sa mga kaibigan mo at higit sa lahat ayaw kong may lumilipat ng ibang school nang dahil lang sa akin."

"I'm not blaming you.
I have a certain reason. I just cannot forget her."

Nanatili ang tingin ko sa kaniya pero hindi nagbago ang ekspresyon niyang blangko, ngunit ang himig ng boses niya ay malungkot.

"You don't need to do this. Maraming dahilan para kalimutan siya."

Umismid siya. "Tss." 

Akala ko pa naman ay natunaw na ang pagiging masungit niya, pero hindi pa pala.

"Wala kang alam sa nakaraan ko. Stop saying encouraging words on me. I have many ways to forget her but how can I forget her if she's always in my head?" inis na inis niyang sabi at tumayo ito.

Nakasimangot naman akong umirap sa likod niya. "Palagi ka namang ganyan. Lalapit ka sa akin ang sungit sungit mo, kung hindi naman hahalikan mo na lang ako bigla at buti na lang hindi mo ako hinalikan ng—"

Hindi ko naituloy ang sinasabi nang lumapat ang labi niya sa labi ko dahilan para mamulagat nang husto ang mata ko at itinulak siya.

"Ano, okay na?" nakangising tanong niya.

"Bakit mo na naman ako hinalikan?"

"Iyon ang gusto mo," tipid niyang sagot na nakahalukipkip ito sa aking harapan.

Hiniling ko ba? Wala naman akong hiniling sa kaniya. Sinabi ko lang naman na mabuti at hindi niya ako ngayon hinalikan. Sobra-sobra na ang kaba ko kanina noong lumapit siya sa akin at hindi pala iyon ang sadya niya, kaya kumalma ang puso ko pero... nakakainis!

"Hindi ko gusto. Sinabi kong mabuti na lang hindi mo ako hinalikan, akala ko pa nama—"

"As long as you show your face on me, I won't let you pass."

Napalunok ako sa pagiging seryoso niya masyado at nagsalitang muli. "Every time we cross our paths, get ready because your punishment will always be like this."

Hinila niya ang kamay ko at nasasaktan ako sa ginagawa niya. Ngumisi siya habang nakatitig sa mismong mata ko sabay baba ng tingin sa labi ko.

Itinagilid ko ang ulo ko para hindi na niya magawa pa ang binabalak. Binitiwan naman niya ang kamay ko.

Namilog ang mata ko nang nasa harap ko na pala siya at biglang dumampi ang labi niya sa aking labi.

"Bye," paalam niya at nakangisi pa siyang umalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin papalayo habang hawak-hawak ko ang labi ko. "He's insane," sabi ko na lang.

Patakbo naman akong pumasok sa loob ng bahay. Hinawakan ko ulit ang labi. Gano'n ba siya magparusa?

Ayaw ko na. Nakakarami na siya sa akin!

"Anak, kanina mo pa hawak-hawak ang labi mo? Nasugat ba?"

"Ah. . . Ma, makati lang po." Sabay kunwaring kamot ko sa labi ko.

***

Maaga akong ginising ni mama sa pamamagitan ng malakas at sunod-sunod na pagkatok.

"Opo ma, maliligo na ako!"

Bumangon akong pumipikit-pikit pa. Para akong zombie na inayos ang higaan ako sabay kuha ng tuwalya sa kabinet at diretso sa banyo.

Mabilis lang akong natapos sa pagligo, kaya nagbihis agad ako ng uniform ko. As usual ako ang naunang nag-almusal ulit. Basta kumuha lang ako ng isang hotdog at isang sandwich sa mesa saka humalik sa pisngi ni mama. Hindi ko na kailangang mag-tooth brush dahil uso naman ang candy.

Pagkatapat noong tricycle sa tapat ng Wonderland Universsity ay iniabot ko ang bayad kong ten pesos. Pagkababa ko binuksan ko ang kendi na hawak-hawak ko at isinubo ito. Pa-cool akong pumasok sa campus kahit alam kong nandiyan sa tabi-tabi ang mga may ayaw sa akin.

Malapit na ako sa building ng mga third year high school nang nakita ko sa 'di kalayuan si Kitian. Nakapamulsa itong nakayuko.

"Anong gagawin ko? Nakayuko naman siya kaya hindi niya ako mapapansin," balisang-balisa kong sabi sa aking sarili. Chin up lang akong naglakad at kunwaring hindi ako kinakabahan.

Malapit na siya sa akin ng ipinapagtuloy ko ang paghakbang. Gumilid ako para hindi niya ako mabangga.

Nakahinga naman ako nang maluwag ng malampasan namin ang isa't isa.

Ngumiti ako sabay sabing, "Hoo! Suce—"

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

7.5M 54.9K 64
[Accidental Romances Series Book I] - SPLIT INTO FOUR PARTS; PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS; ADAPTED INTO A WATTPAD PRESENTS: TV MOVIE [Summary] ...
369K 9.4K 47
Kahit kasal na ako at pamilyado na ako, Wala pa ring sinuman ang makaka-pantay sa trono ko. I, Franshezcka Fritz Smith ang nag-iisang SIKAT NA REYNA...
31.1K 1.2K 16
Maituturing niya itong napakalaking malas sa buhay simula nang maaksidente siya dahil roon unti-unti bumagsak ang kanyang career sa pagiging journali...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.