JASPER, The Demon Slayer

DyslexicParanoia द्वारा

4.3M 120K 14.3K

Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng prope... अधिक

Jasper, the Demon Slayer [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
UKOL SA IKALAWANG BAHAGI
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES
3rd Batch for JTDS Limited Book Collector's Edition is now open!

KABANATA 80

19.6K 730 45
DyslexicParanoia द्वारा

Jasper's P.O.V.

"Gago ka rin talaga 'no? Kung isumbong kaya kita kay Jasper?"

Nadatnan kong sinesermunan ni Ricardo ang isa sa aming mga kasamahang si Domingo. Tila hindi naman nila napapansin ang aking pagdating sa kampo.

"Isusumbong ang alin?"

Nagulat si Domingo. Namumutla ito. Habang si Ricardo nama'y nakatitig sa kanya nang matalim.

"Ano? Ha?!" Singhal ni Ricardo kay Domingo. "Mangungumpisal ka ba, o ako na ang magsasabi?"

Kakamot-kamot si Domingo. Tila nag-aalinlangang ito sa kanyang sasabihin.

Sinimangutan ko na ito. "Ano ba 'yon?"

Hindi talaga makapagsalita si Domingo, kaya kay Ricardo na lang ako tumingin.

"O pa'no? Ako na ba ang magsasabi?" Sabi ni Ricardo kay Domingo. Wala na naman nagawa ang huli kundi ang tumango habang nakayuko.

Pinandilatan ko na si Ricardo ng mata.

"Eh etong tarantandong 'to eh." Yamot na yamot na itinuro ni Ricardo si Domingo.

"Ano nga?" umiinit na ang ulo ko.

"Naalala mo ba 'yung babaeng laging nagungulit sa 'yo do'n sa construction site? 'Yung babaeng tila parati ka na lang nawawala sa sarili mo kapag inaaya ka nitong sumama sa kanya?"

"Sino, si Kriselda?"

"Oo, 'yun nga."

"Eh ano ngayon ang tungkol kay Kriselda?"

"Eh etong gagong 'to, nakipagtagpo do'n sa babaeng 'yon kahapon sa construction site."

"Kahapon?! Wala naman tayong pasok kahapon ah."

"Oo nga."

"Eh bakit--"

"Sorry po boss." Mangiyak-ngiyak na pagsingit ni Domingo. "Nadesperado lang ako boss, kaya sana...mapatawad mo ako."

Napakunot-noo ako, "Mapatawad saan?"

Muli na naman itong napipi.

"Sa pagpapanggap na ikaw, para maka-isa ro'n kay Kriselda." Pagsambot sa kanya ni Ricardo.

"Ha?!"

Biglang lumuhod sa aking harapan si Domingo. Niyakap nito ang aking mga binti.

"Boss!" Umatungal ito na tila isang kalabaw, "Patawarin mo 'ko boss!"

Nakapagtatakang natatawa naman ngayon si Ricardo. Iniipit nito ang kanyang bibig para mapigilan ito.

"Patawarin kita saan?" Medyo napapangisi ako kay Ricardo. "Ano na naman bang kabastusan ang ginawa mo?" Iniipit ko na rin ang aking mga labi; sumusulyap-sulyap kay Ricardo. Kilala kasi namin si Domingo sa aming hukbo sa pagiging malibog nito. Tipikal sa isang normal na kapreng napakahilig maniktik sa mga kababaihan sa mga liblib na pook, para makaisa.

"Boooosss!" Nagpatuloy ito sa pag-atungal na parang gago.

"Aamin ka ba?!" Nagpanggap akong nagagalit, "O pupugutan na lang kita." Tahimik na tumamatawa si Ricardo. Hawak-hawak nito ang kanyang tiyan.

"Boss 'wag boss!" Pinaghahalikan nito ang aking paa, lalo akong nagpigil sa pagtawa. "Sorry po, hindi ko na po kasi matiis. Ang ganda-ganda po kasi n'ya, ang puti-puti at ang bango-bango."

Hindi na natiis ni Ricardo. Humagalpak na ito ng tawa.

"Hindi naman po kasi n'ya ako pinapansin." Pagtutuloy ni Domingo, "Dahil kayo po ang gusto n'ya kaya..." Muli itong umatungal.

"Kaya ano?!" Kunwari'y galit na galit na talaga ako; lalong nataranta ito.

"Kaya nagpangnggap po akong ikaw." Anito.

Gumulong na si Ricardo sa katatawa. Lalo tuloy akong nahirapang magpanggap na galit.

"Tumayo ka nga!" Utos ko kay Domingo. Sumunod naman ito. Tumayo naman itong nakayuko sa aking harapan. "Tumingin ka sa 'kin!" Tumingin naman ito. Bagama't bakas sa mga mata nito ang matinding takot sa akin. Lalo na nang tinitigan ko ito nang matalim, na tumagal ng mahigit sa isang minuto, bago ko sinabing... "Nag-enjoy ka ba naman?" Nguminiti na ako.

Unti-unti na rin s'yang napangiti, "Opo."

"Good." Tumatango-tango ako.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Hindi ka galit?"

"Hindi, pero dahil mali ang ginawa mo at may atraso ka sa 'kin, may iuutos ako sa 'yo."

Tila napalundag ito sa tuwa, "Kahit ano boss, gagawin ko, mapatawad n'yo lang ako. Ano po ba ang ipagagawa mo?"

"Gusto kong bantayan mo si Kriselda."

"Po?" nagliwanag ang kanyang mukha.

"Bingi ka ba?"

"H-hindi po. Nagulat lang. Pero bakit po?"

"Gusto kong matiyagan mo s'ya, at alamin, kung anong klaseng kapangyarihan meron s'ya at kung kanino ito nagmumula. Gusto ko ring alamin mo kung may kaugnayan s'ya kay Lucio o alinman sa kanyang mga kampon."

"'Yun lang po?"

"Anong 'yun lang? Hindi madali ang ipinagagawa ko sa 'yo Domingo, mag-iingat ka. Alam kong gusto mo s'ya, pero masama talaga ang kutob ko sa kanya kaya hangga't maaari, h'wag kang lubusan magtitiwala sa kanya. Lalo't hindi pa rin tayo nakatitiyak kung kaisa s'ya sa ating mga kaaway."

***

"Kumusta na si Jordanna?" tanong ko kay Helena. Naririto kami ngayon sa bahay ng aming mga magulang.

"Bakit ako ang tinatanong mo?" Masungit na balik nito sa 'kin, "She's your wife? Why don't you find it out yourself!"

"Alam mong marami akong inaasikaso, Helena. Ilang pook na ang nababawi namin sa mga kampon ni Lucio sa loob lamang ng ilang linggo. Kung hindi kami magtutuloy-tuloy sa pagkilos, parang binigyan ko na rin ng pagkakataong makabawi ang kabilang kampo. Hindi ako p'wedeng basta-basta na lang mamahinga para sa aking sariling kapakanan!"

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Nagbago ka na nga." Sabi sa akin ni Helena, "Naging mas mahusay ka ngang pinuno ng iyong hukbo.Pero masyado ka namang naging tutok sa kanila, napapabayaan mo na ang iyong asawa! Kailan ka ba huling umuwi para kamustahin si Jordanna?"

"Anong gusto mong gawin ko?" sagot ko, "Ang maging katulad ng dati? Mahina at talunan? Hindi na pwede! Dahil hindi na ako makapapayag na muli pang magapi ni Lucio. Mamatay muna akong muli, bago mangyaring muli n'ya akong matalo."

"Sana'y hindi mo pagsisihan ang mga nagiging paninidigan mo, Kuya."

"Hinding-hindi ko pagsisihan ang magampanan ko ang aking misyon. Kung hindi mauunawaan ni Jordanna 'yun. Pasensyahan na lamang kami."

"Talaga?" nakangising reaksyon ni Helena, "Kasama ba sa dapat na pagpasensyahan n'ya ang pakikipaglandian mo sa ibang mga babae?"

"It's none of your business."

"Ginagantihan mo lang ba s'ya dahil sa nangyari sa inyong mga anak?"

Hindi ako nagsalita. Lalo't wala naman akong dapat ipaliwanag

"Hindi naman n'ya ginusto na makunan s'ya ah."

"Sure, but it doesn't change the fact that she's neglectful."

"Wow!" Nang-uuyam na reaksyon ni Helena, "So lumabas din ang totoo, magpahanggang sa ngayon, sinisisi mo s'ya sa pagkawala ng mga anak n'yo. Kailan mo ba matatanggap d'yan sa sarili mo, na s'ya ang ina ng mga batang 'yon. Masakit din sa kanya ang pagkawala ng mga—"

"Really? Masakit din sa kanya? Kung masakit din sa kanya, bakit parang ang bilis n'yang naka-move on? Bakit parang ang bilis n'yang naka-recover. 'Yun ba, hindi mo man lang ba 'yun nahalata sa kanya? Bakit ako lang ang nakikita mo? Porke ba ako ang nagkukulang sa kanya ngayon, ako na rin ang may kasalanan ng lahat? Parang hindi naman yata patas 'yun!"

"Bakit, porke ba hindi s'ya mukhang nalulungkot, hindi talaga s'ya nalulungkot? Hindi mo ba naisip na, baka magaling lang talaga s'yang magdala ng mabibigat na problema? Hindi katulad mo! Naturingan ka pa namang pinuno ng 'yong hukbo, pero hindi ka marunong magdala ng problema. Kapag depressed ka at mainit ang ulo mo, halatang-halata, kaya nga hindi na ako nagtatakang kahit si Lucio'y nababasa ang mga pinagdadaanan mo! Wala ka man lang kamiste-misteryo. Tapos nagtataka ka pa kung bakit parati ka n'yang naiisahan?!"

"Ano ba 'yan?!" Pagsingit ni Mommy, na tila hindi na matiis ang aming pagtatalo. "Kung nagpunta lang kayo rito para mag-away, iwanan n'yo na lang kami ng Daddy n'yo. umuwi na kayo!"

Napatingin ako kay Daddy. Tahimik lang ito.

"Eh ito kasi eh!" Dinuro ko si Helena. "Napaka-nagger! Kaya 'di na ako nagtatakang walang tumatagal sa kanyang karelasyon!" I know it was below the belt. But she left me with no better choice. Naiinis na kasi ako sa pakikialam n'ya sa buhay namin ni Jordanna.

Hinataw ako ni Helena sa ulo, "Fuck you!" Bulyaw nito sa mukha ko bago nag-walk out.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming mga natitira.

"Anak." Malumanay na pagbasag ni Daddy sa aming katahimikan, "Hanggang kailan mo ba titiisin ang asawa mo?"

Nagbuntong-hininga ako. "Ewan ko po. Kapag nakalimutan ko na po siguro ang kapabayaan n'ya."

Nagkatinginan sila ni Mommy.

"Pa'no kung hindi mo na makalimutan?" tanong ni Mommy. "Habambuhay na lang kayong ganito?"

Natahimik ako.

"May tanong ako sa 'yo." Nanlulumong wika ni Daddy sa akin.

"Ano po 'yon?"

"Mas magiging masaya ka ba, kung pati s'ya, napahamak sa pagkawala ng inyong mga anak?"

Of course not. Pero mas pinili ko ang hindi sumagot.

"Jasper, anak." Pagsingit ni Mommy, "Napakabata n'yo pa. Lalo na si Jordanna. I'm sure, magkakaro'n pa kayo ng mga supling sa hinaharap. Pero hindi mangyayari 'yun kung hindi n'yo patatawarin ang isa't isa. Kalimutan mo na ang nakaraan. Wala na tayong magagawa ro'n eh. Alam kong masakit ang nangyari sa inyo, pero lalo lang kayong masasaktan kung parati n'yong aalalahanin ito."

"Ingatan n'yo ang isa't-isa." Si Daddy naman, "H'wag n'yong hayaang paghiwalayin kayo ng mga pagsubok at suliranin n'yo sa buhay. Mas gugustuhin mo ba na pati s'ya, mawala sa 'yo? Naalala mo pa ba kung gaano mo s'ya katagal hinintay?"

"Dad," Tumayo na ako. "The truth is, I am really exhausted." Pag-iiba ko sa usapan, "Dumalaw lang ako rito para batiin kayo sa inyong anibersaryo. Kailangan ko na pong umalis." Umakma na akong aalis nang hinawakan ni Daddy ang aking braso.

"Alam kong marami kang iniiisip ngayon at maraming bagay ang hindi mo maaaring ipagpaliban para sa iyong misyon. Pero h'wag mong kalimutan si Jordanna, anak. Bisitahin mo rin naman ang 'yong asawa paminsan-minsan. Ano ba naman 'yung umuwi ka sandali't kamustahin s'ya? Maawa ka naman sa asawa mo, anak. H'wag mo s'yang pabayaan. H'wag mong hintayin na mawala pa s'ya sa 'yo bago mo maalala ang kahalagahan n'ya sa buhay mo."

Walang ganang nagkibit-balikat ako. "I'll try."

"Don't try, son. Do it."

[ITUTULOY]

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

20.6M 759K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
325K 6.2K 32
"I love her so much. Too much. And I am not capable of telling what's going to happen to me if I lose her." These days, rejecting werewolf mates are...
65.7K 3.2K 22
[TAGALOG] "In this game of life called fate, what will I choose? Freedom or Love?" Natalie Sylvanus is a one shot-one kill assassin who is taking ord...
1.6M 49.6K 90
[Published Under Precious Pages] Book 2 ng Ang Boyfriend Kong Mummy na, Vampire pa. Simula nang maglaho ang vampiric curse, si Sage Elizalde ay nagi...