Love at First Sight

Por MyTrixietrix

90.9K 3.6K 195

Love at first sight Más

PROLOGUE
First One
Second One
Third One
Fourth One
Fifth One
Sixth One
Seventh One
Eight One
Ninth One
Tenth One
Eleventh One
Twelfth One
Thirteenth One
Fourteenth One
Fifteenth One
Sixteenth One
Seventeenth One
Eighteenth One
Nineteenth One
Twentieth One
Twentyfirst One
Twenty-second One
Twenty-third One
Twenty-fourth One
Twenty-Fifth One
Twenty-Sixth One
Twenty-Seventh One
Twenty-Eight One
Twenty-Ninth One
Thirtieth One
Thirty-First One
Thirty-Second One
Thirty-Third One
Thirty-Fourth One
Thirty-Fifth One
Thirty-Sixth One
Thirty-Seventh One
Thirty-Eight One
Thirty-Ninth One
Fortieth One
Forty-First One
Forty-Second One
Forty-Third One
Forty-Fourth One
Forty-Fifth One
Forty-Sixth One
Forty-Seventh One
Forty-Eight One
Forty-Ninth One
Fifty-First One
Fifty-Second One
Fifty-Third One
Fifty-Fourth One
Fifty-Fifth One
Fifty-Sixth One
Fifty-Seventh One
Fifty-Eight One
Fifty-Ninth One
Sixtieth One
Sixty-First One
Finale

Fiftieth One

1.2K 57 3
Por MyTrixietrix

Fiftieth One

Matapos namin pumunta ni Julie sa carnival pumunta na kami sa lugar kung nasaan si Enrique. Tinawagan ko talaga si Enrique para makausap ito tungkol sa kalagayan ni Liza.

"Here. Uminom ka muna. Ano bang nangyari at umiiyak ka?"

Uminom siya ng tubig.

"Si Enrique kasi.."

"Anong meron kay Enrique?"

Bigla nanaman siyang umiyak.

"Ayaw na niya...ayaw na niyang pakasalan ako.."

Napatingin naman ako sakanya.

"Liza..."

Tumingin siya sakin. "Moe, buntis ako. Buntis ako, Elmo."

At umiyak nanaman siya. Hinagod ko naman ang likod niya.

"Paano na ang baby namin.."

"Maaayos din ang lahat, Liza. Ngayon, magpahinga ka muna. Buntis ka makakasama yan sa baby niyo."

Bigla nalang napatingin si Liza sakin at nagulat ako ng bigla siyang natumba. Mabuti nalang at nasalo ko siya.

"Liza!"

Dinala ko kaagad siya sa ospital.

"Kayo po ba ang asawa ng pasyente?"

"Uhm, hindi po. Kaibigan lang po niya ko. Kamusta na po siya?"

"Okay naman siya pero dapat hindi pinapabayaan ang sarili niya. Doble ingat kasi makakasama sa baby niya. Nasaan ba ang asawa niya?"

"Tatawagan ko na po."

Tumango naman ang doctor sakin. Nakita ko ang cellphone number ni Enrique sa cellphone ni Liza. Kinuha ko yun. Pinaubaya ko muna siya sa nurse. Gustuhin ko man siyang samahan pero kailangan kong umuwi dahil may pupuntahan kami ni Julie bukas.

"Hello? Enrique."

"Sino ito?"

"Si Elmo."

"Elmo.."

"Magkita tayo bukas."

Pagkatapos ko sabihin sakanya yun binaba ko na ang tawag. Hindi ko muna sinabi sakanya ang kalagayan ni Liza dahil baka ma-istress pa ito.

"Yam? Hindi pa ba tayo bababa?"

Napatingin ako kay Julie. Nandito na pala kami.

"Tara?"

Bumaba na kami ni Julie. Pumasok na kami sa resto at nakita namin si Enrique na nakaupo dun.

"Elmo."

"Hi. Ito nga pala si Julie. Fiancee ko."

Nginitian naman siya ni Enrique.

"Hi Julie."

"Hi din. Ikaw ba si Enrique?"

Tumango naman ito. "Ako nga."

Umupo na kami ni Julie.

"Enrique, bakit ayaw mo ng pakasalan si Liza?"

Nagulat naman siya sa tanong ko.

"Pumunta sakin si Liza kagabi. Umiiyak siya. Ayaw mo na daw siyang pakasalan. Bakit? Anong meron? May iba ka na ba?"

"Elmo."

Mahalaga sakin si Liza. Naging parte din naman ito ng buhay ko at kahit pa nasaktan niya ko nag-aalala pa din ako sakanya lalo na at buntis ito.

"Bakit Enrique?"

Nagulat nalang ako ng bigla siyang natawa. Nagkatinginan kami ni Julie.

"Uhm, bakit ka tumatawa?" Tanong ni Julie.

"Hindi ka ba naaawa kay Liza? Bakit ka tumatawa?"

Pinigil naman niya ang tawa niya.

"Niloloko ko lang siya. Sinabi ko kasi sakanya na bakit parang tumataba siya tapos sabi ko sige ka hindi na kita papakasalan kapag tumaba ka pa. Yun lang yun, hindi naman totoo yun eh. Joke lang."

Kinuha ko ang tissue na nasa harap namin at binato sakanya.

"Gago ka! Alam mo ba kung nasaan si Liza ngayon? Nasa ospital siya! May gana ka pang mag joke joke dyan!" Sigaw ko.

"Ha? Anong ginagawa niya sa ospital? Elmo! Bakit?" Nag-aalala na siya ngayon.

"Talaga namang tataba si Liza kasi buntis siya." Sabi ni Julie.

Napatayo naman siya. "What? Buntis siya? Pupuntahan ko siya!"

At nagmamadali na siyang pumunta sa ospital. Sumunod nalang kami dun.

"Ano bang ginagawa mo dito!"

Narinig namin ang sigaw ni Liza.

"Babe, nagloloko lang naman ako eh. Wag ka ng magalit makakasama yan sa baby natin."

"Joke joke ka pa! Ewan ko sayo!"

"Babe, sorry na oh."

Pumasok kami ni Julie sa loob. Inakbayan ko si Julie.

"Liza."

Napatingin sakin si Liza.

"Moe.."

"Patawarin mo na siya. Kailangan mo siya ngayon."

Tiningnan niya si Enrique. "Totoo ba yung sinasabi mo?"

"Na ano?"

"Na mataba na ko?"

"Okay lang sakin kahit na mataba ka pa. Okay lang yun kasi buntis ka eh. Tska kahit ikaw pa ang pinaka mataba ikaw pa din ang pinaka maganda."

"Babeeee.."

Niyakap naman siya ni Liza. Mabuti nalang at natapos na din. Pati problema ng ibang tao pino-problema na namin. Mabuti at isa isa ng natatapos. Tumingin sila samin.

"Kelan ang kasal niyo?"

Ngumiti kami. "Malapit na. May mga inaasikaso lang kami. Tuloy na nga ang preparations. Punta kayo ah?"

Tumango naman sila.

"Julie."

"Hmm?"

Lumapit naman si Julie kay Liza.

"Ninang ka ng baby ko ah?"

Napangiti naman si Julie.

"Sure."

Iniwan na muna namin si Liza at Enrique sa loob ng kwarto. Umupo muna kami sa may labas.

"Napagod ka ba?"

Tumingin sakin si Julie. "Hindi naman. Nag enjoy naman ako. Ikaw ba?"

"Hindi din. Kasama naman kita eh."

Natawa naman siya. "Hindi ko alam kung anong problema pa ang pwede nating harapin bukas o sa mga susunod pang araw. Pero kung magkasama naman tayo lahat ng yun malalagpasan natin diba?"

Tumango ako. Hinalikan ko siya sa noo.

"Malalagpasan natin yan. Malakas tayo eh."

Hindi na din kami nagtagal sa ospital. Dinala ko na si Julie sa condo niya dahil kakausapin daw kami ni Carly.

"Bakit naman kaya tayo kakausapin ni Carly?"

"Hindi ko din alam sa besh kong yun."

Pumasok na kami sa loob. Nakita namin na hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Frencheska.

"Cheska? Anong.."

"Mabuti naman at dumating na kayong dalawa! Tara! Kain muna tayo ng pizza. Nag order kami."

Habang kumakain naikwento ni Julie ang nangyari sa buong araw namin.

"Ganun? Okay naman ba siya?"

"Okay naman na. Bati na sila ni Enrique."

"Teka, ano ba kasing pag-uusapan natin? Cheska? Carly?"

Tanong ko sakanila. Ngumiti naman sila samin.

"May mangyayari bukas. So ngayon palang magsama na kayo dahil bukas hindi kayo magkikita."

Napakunot noo ako.

"Bakit naman?"

Nagtinginan sila.

"BRIDAL SHOWER AT STAG PARTY NIYO BUKAS!!!"

Nagulat naman kami.

"Teka, hindi pa naman sa susunod na kinabukasan ang kasal namin bakit bukas na kaagad ang bridal shower at stag party namin? Tska, kailangan pa ba nun?" Tanong ni Julie.

"Oo naman noh!" Sabay nilang sabi.

Napailing nalang ako. Inakay ko si Julie papasok sa kwarto.

"Hoy!"

"No! Hindi ako papayag!"

Ni-lock ko yung pinto. Napatingin naman sakin si Julie.

"Yam?"

"Ayoko ng ganun. Baka mamaya mauntog ka pa at makalimutan mo ang gwapong mapapangasawa mo."

Natawa naman siya. "Loko ka talaga."

Nilapit ko naman siya sakin.

"Akin lang ang Fiancee ko."

Napangiti siya. "Akin ka lang din."

Nakarinig kami ng sunod sunod na katok. Bigla kaming natawang dalawa.

"Bahala na sila!"

At nahiga kami sa kama. Nakinig kami ng music at pareho na ata kaming nakatulog..

To be continued..

Seguir leyendo

También te gustarán

1.7K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
339K 7.7K 33
Bored ako
1.2M 24K 56
just for fun
178K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...