Gods and Demons [COMPLETED]

By _CheekyAngel_

291K 9.2K 208

What will happen if you are brought to a new different world? More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
English or Tagalog?
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Book 1 Fin
Fantasy

Chapter 13

6.3K 238 1
By _CheekyAngel_


" Kumalma ka na mahal kong Corin.. " alo niya sa'kin dahil sa aking paghikbi.

Nilukot ko ang kanyang damit sa pagkuyom ng aking kamao.

" Sinubukan niya akong halikan... gusto niya ko lagutan ng hininga... b-bakit.." paghihinagpis ko ng dahil sa paninikip ng aking dibdib.

Lahat nalang ng tao. Mapa dito o sa lugar na kingisnan ko ay hindi ako nais na mabuhay sa mundo.

Ano bang nagawa ko para maranasan ko ang lahat ng to?

Hindi na ko naging masaya, puro nalang kalungkutan at pasakit ang nararanasan ko. Ayoko na at sawa na ko sa paulit-ulit na hindi magandang pangyayari sa buhay ko.

" Mahihirapan silang dampian ka ng halik.. kapag naglapat ang labi niyo'y mamatay ka.. ako lang ang maaaring umangkin sa'yo kamahalan.. " paalala niya sa'kin na seryoso ang mga matang nakatitig sa akin.

" Bata pa ako.. Labing-anim na taong gulang lang ako Shenrin... Hindi maaari ang mga sinasabi mo..  " malungkot na sabi ko sa kanya at napayuko.

Ito ba ang kapalaran ko? Ang balutin ng kalungkutan? Isa talaga akong sawi at mahina.

" Wag na wag kang yuyuko kamahalan dahil isa kang hari...Hindi maaari dahil mamaliitin ka ng iba. " sabi niya sakin sa matigas na tinig.

Alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko. Matagal ko naman ng alam na minamaliit nila ko.

Tumingin siya sakin na para bang nagagalit.

" Tumingin ka sa akin kamahalan.. Ako at ikaw ay iisa.. "

Umiling ako agad.

" Hindi ko kayang tumingin sa mga mata mo.. h-hindi ko lang kaya lalo na pag ganyan ang titig mo sa'kin, pinapagalitan mo ako hindi ba?... " paliwanag ko dahil hindi ko talaga magawa minsan kapag seryoso siya.

Nakakatakot kasi. Mas gusto ko ang payapa at maamo niyang mukha kesa sa tuwing seryoso siya. Para siyang malamig sa'kin at wala manlang bahid ng emosyong ang kanyang mukha.

Narinig ko ang buntong-hininga niya at ibinalik niya ang kanyang payapang aura.

" Tumingin ka rito...ipangako mong hindi ka matatakot kapag nakita mo na ang iyong sarili... "

Kumuha siya ng isang salaming kwadrado. Pinahawak niya ito sakin at sinulyapan ko ito ng tingin.

Sa salamin ay nakita ko ang babaeng itim ang mahabang buhok at may pagkahalong pula. Maputla ang balat nito at maganda ang pangangatawan. Mapula ang manipis nitong labi at nakakalunod pagmasdan ang ganda ng lilac nitong mga mata.

Nakaka-inggit. Kaano-ano kaya ito ni Shenrin?

" Maganda siya.. sino siya Shenrin? Isang napakagandang babae... Bakit mo siya pinakita? " tanong ko kahit sa loob ko ay parang may tinik sa dibdib ko.

Ngumiti lang siya habang pinamamasdan din ang salamin. Kaya ko rin kayang pangitiin si Shenrin katulad ng pagngiti niya sa pagtingin lang ng larawan ng babae sa salamin. Pero nagulat ako sa kanyang sagot.

" Ikaw yan kamahalan.. Isa kanang ganap na babae.. Ngayon sabihin niyo sa'kin na hindi maaari ang sinasabi ko sa'inyo kanina... " makahulugan ang ngiting nasilayan ko sa kanyang mga labi.

Shenrin kung alam mo lang kung gano ka kagwapo sa paningin ko sa tuwing nasisilayan ko ang mga ngiti mo.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Hindi siya nagulat at dinama niya pa ang haplos ng aking kamay.

Nakatingin siya sa'kin at ganun din ako sa kanya. Gusto ko siyang hawakan at madama ang kanyang init. Matipuno talaga si Shenrin at hindi ko yun maikakaila. Gusto ko siya, gustong-gusto.

" Mahal na kamahalan, akin ka lang... at ayoko pa sanang gawin na natin ang bagay na nararapat pero kailangan na bago pa may makasira ng kasunduang ginawa mo.. " sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Isang kasunduan? Kailan pa ko natutong gumawa ng kasunduan?

" Ginawa ko..? Anong kasunduan ang sinasabi mo Shenrin..? Wala akong natatandaan.. " tanong ko sa kanya.

" Hindi mo na siguro naaalala pero hayaan mong ipaalala ko sa'yo sa pamamagitan nito... "

Lumapit siya sa'kin at tinawid ang maliit na distansya ng aming mga labi. Naramdaman ko ang kanyang mainit na labi sa akin. Sa bawat galaw nito ay may mga pangyayaring pumapasok sa isip ko.







Sa dagat.

Ang hangin.

Ang alon.

Ang ulap.

Sa silid at isang babae ang nakadungaw.

Ang itim na lobo.

Ang pagdilim.

Ang aking pagsakit ng ulo.

Ang kulay abong tigre na si Keiko.

At ang lahat ng nangyari bago ako napunta dito.

" Aaah...masakit Shenrin.. Anong ginagawa mo.. " mariin akong napapikit at naramdaman ang sakit. Tuloy sa pagdaloy ang init sa aking katawan at ang kirot na parang humihiwa sa'kin.

Hindi ko magawang imulat ang mga mata ko. Para akong nasa loob ng isang kwarto na sumisingaw ang mainit na pawis sa aking balat.

Tila ba nagdedeliryo ang aking buong katawan at naghahanap ng makakapitan ng dahil sa sakit na pumapasok sa akin.

Ang init ng kanyang mga labi gayon din ang kanyang mga palad na humahaplos sakin.

Tagaktak na ang pawis ko. Pagod na rin ako at namanhid na yata ang aking buong katawan. Naaalala ko kasama ko si Shenrin hindi ba.

" Huminahon ka lang kamahalan.. andito ko..kailangan ko tong gawin para mawala ang panghihina mo.. " boses ni Shenrin na aking narinig.

Isang napakalakas na sigaw ang pinakawalan ko ng hindi ko na kinaya ang mga sumunod na sakit na bumugso sa aking katawan.

Napakapit ako sa kanyang balikat at ang isang kamay ko ay kusang naglandas sa kanyang likod at nadala na ko sa daloy ng ginagawa niya sa'kin.

-----------------

" Lord Shenrin! Lord Shenrin! " narinig kong malakas na sigaw sa labas ng silid.

Nagising ako at ewan ko ba pero parang sobrang gaan ng pakiramdam ko. Tumayo ako.

Parang nagkakagulo at ang babaeng yun ay tila nagmamadali.

Sinulyapan ko si Shenrin na tahimik at mahimbing na natutulog sa kama. Mukhang kailangan niya pa ng pahinga kaya lumabas muna ako para malaman ang nangyayari sa labas.

Pagkalabas ko ay isang daan lang ang nakikita ko papunta sa baba at ito ay ang nakakalulang mahabang hagdan.

Pano ko narinig ang babaeng tumitili kanina gayong wala naman pala yun dito? Napapaisip na talaga ko. Sobrang hiwaga ng mundong to.

Alam kong mapapagod ako sa pagbaba pero humakbang parin ako sa baitang ng hagdan pababa. Pagkatapak dito ay lumabas ang isang pulang simbolo ng korona at namalayan ko nalang na nasa baba na ko.

Nilingon ko ang likod ko at ganun nalang ang gulat ko. Pano yun nangyari? Nililinlang ba ko ng aking paningin?

Nagkibit-balikat nalang ako sa hiwaga ng malaking palasyo. Naglakad nalang ako kung saan at wala ni isang nakasalubong. Nang didiretso na ako sa isang malaking pinto ay may nakita akong nakaawang na silid.

Dinala ako ng paa ko sa loob at bumati sa akin ang isang trono sa dulo at ang simbolo ng pink na dragon sa tuktok ng matayog na salamin nito sa likod.

Parang pamilyar ang dragon.. San ko na nga ba yun nakita? Nakakahanga ang pisilyo papunta doon. Para tong isang lugar na mga aristocrat lamang ang maaaring makapasok sa loob.

The throne, come upon the throne...


Narinig kong tinig at napako ang tingin ko sa dulo ng pasilyo. Muli ang tinig at sinabi...


You will sit upon the throne...

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." πŸ–‡ COMPLETED Date Starte...
156K 6.6K 63
Are you sure you're a princess? Do you have powers just like we have? Are you powerful? Am I a princess?πŸ‘‘
20.6M 759K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #01 β—’ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
78.2K 3.2K 71
COMPLETED [Under Revision] She was not inform Born to be weak Until she lost everything Everyone betrayed her And then, she met the princes She's us...