TabachingChing [Completed]

By MelalaBells

23.9K 811 36

Panching Tolentino. Nagmahal. Nagtiwala. Nasaktan. Minsan na akong nagmahal at parang hindi ko na gugustuhin... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
xx NOTE xx
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Years later
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47 - Final Chapter
Wakas
Author's Note
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III

Kabanata 11

469 15 0
By MelalaBells

/Panching/

Sabi nila kapag nagmahal ka daw kailangan may itira ka para sa sarili mo, para kung sakasakaling saktan ka niya may matitira pa sayo. Pero hindi eh, kapag kasi nagmahal ako sobra sobra pa. Ibibigay ko lahat para lang sa taong mahal ko, kaya eto ako ngayon halos wala nang natira sa akin.

Akala ko kasi perfect na eh. Akala ko okay na. Akala ko nakahanap na ako ng lalaking papakasalan ko. Akala ko natupad na ang pangarap ko. Pero akala lang pala ang lahat ng iyon. Isang panaginip lang pala ang lahat, at sa panaginip na yon kailangan ko nang gumising. Sino nga ba naman ang magkakagusto sa isang tulad ko? Mataba ako. Hindi kagandahan. Mahirap. Imposible nga namang magkagusto siya sa akin. Bakit ba kasi ako nag-assume? Bakit nga ba kasi ako nagpa-uto? Bakit nga ba kasi ako nagpaloko?

Tama nga siguro sila. Kung sino pa yung matalino siya pa ang tanga pagdating sa pag-ibig.

Sobrang sakit. Sobrang sakit na akala mo ay pinupunit na yung puso mo. Bakit ganon? Hindi pa nga kami umaabot ng 1 month over na agad? At ang mas masakit pa doon ay pinagmukha niya talaga sa akin na niloko lang niya ako, na hindi niya ako mahal. Tangina oo na! Tanggap ko na hindi mo ako mahal pero sana naman hindi mo pinamukha sa akin na ginawa mo akong tanga. Ansarap siguro sabihin ang mga katagang iyan sa pagmumukha niya.

Hayy buhay nga naman, sarap magpakamatay. Chos lang! Hinding hindi ko sasayangin ang buhay ko sa hinayupak na lalaki na yon! Marami pang lalaki dyan sa mundo. Tiwala lang, makakapag move on din ako.

"Panching, anak buksan mo naman tong pinto mo! Ilang araw ka nang hindi kumakain ah." Narinig kong kumakatok si inay sa napakagandang pintuan ko. Oo nga, ilang araw na din akong hindi kumakain at hindi lumalabas ng kwarto ko, ilang araw na din akong hindi pumapasok. Nakakawalang gana kasi. Tuwing pumupunta dito si Stephen sinasabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko. Feeling ko nawalan ng kulay ang buhay ko. Nakakawalang gana kumilos.

Humarap muna ako sa salamin ko at nakita kong mugtong mugto ang mga mata ko, anlalaki na rin ng eyebags ko, dinaig pa maleta. Ang gulo gulo din ng buhok ko. Dinaig ko pa narape, para akong sumabak sa gyera.

Inayos ko muna ang sarili ko atsaka binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang mukha ng pretty kong inay.

"Ang pangit mo na anak, ano bang nangyayari sayo? Para kang narape ng 10 kalabaw." Tignan mo tong si inay lalaitin pa ako brokenhearted na nga.

"Nay naman wala ako sa mood makipagbiruan sayo." Matamlay na sagot ko atsaka umupo sa gilid ng kama.

"Naikwento sa akin ni Stephen ang nangyari. Condolence anak." Ang chismosa talaga ni inay, palibhasa palagi niyang nalalandi si Stephen kapag pumupunta dito eh.

"Condolence ka dyan inay? Anong akala mo sa akin namatayan?"

"Ay hindi ba? Dinaig mo pa kasi mukha nang namatayan eh." Wow. Ang supportive ni inay ah? Grabe. *insert sarcasm*

"Hay nako ayan ang napapala mo kakaboyfriend. Asa kasi ng asa. Nakakalimutan mo yatang humor ang genre ng kwento mo nak? Hindi fantasy. Imposibleng mainlove ang isang prinsipe sa baboy." Aray ah. Sobra na tong si inay! Makapanlait naman.

"Grabe nay. Sana suportahan niyo na lang ako hindi yung lalaitlaitin mo pa ako. Oo na tanggap ko naman na hindi happy ending ang magiging katapusan nito. Wag mo nang ipamukha." Matabang na sagot ko kay inay. Kung alam ko lang na sesermunan ako ni inay edi sana hindi ko na siya pinagbukas ng pinto.

"Pero alam mo anak dapat hindi mo iniiyakan ang mga lalaking sinayang lang ang puso mo. Hindi ikaw ang kawalan sa kanila. Oo nga at mataba ka pero may mga katangian sayo na hindi nila mahahanap sa iba, tulad na lang na matalino ka, mabait kahit may pagkasabog minsan. At higit sa lahat sobra sobra ka magmahal. Tanga na lang nila kung papakawalan ka pa nila. Tandaan mong hindi lang panlabas na anyo ang minamahal natin sa isang tao." Huhuhu nakakaiyak naman ang sinabi ni inay. Nakakaiyak at nakakainis naman si inay, moment ko to inaagaw niya eh. Chos! Pero natats talaga ako sa sinabi ni inay, biruin mo yon? May matino rin palang masasabi si inay.

"I know nay. Kawalan nila ako! Panching Tolentino na aaayaw pa ba? Edi wow." Confident na sabi ko. Medyo gumaan na ang loob ko dahil kay inay.

"Tama! Move on move on din pag may time nak. Pumapayat ka na din dahil hindi ka kumakain ng ilang araw. Saka tumawag sa akin yung teacher mo, tinatanong kung bakit hindi ka daw pumapasok, ang dami mo na daw namimiss na quizzes." Sabi ni inay sa akin. Taray concern si inay. Ang dami ko na daw namimiss na quizzes, eh ang quizzes kaya namimiss ako? Siya kaya namimiss ako? #BoomHugot

"Atsaka pabalik balik dito si Stephen, ayaw mo naman kausapin. Kawawa naman si pogi, ikaw na nga kinakamusta ayaw mo pa." Sus if I know nag-eenjoy lang yan si inay tuwing pupunta dito si Stephen. Paano may kalandian.

"Sige na inay, nakakahalata na ako sayo. More talk more exposure ka nanaman. Bukas papasok na ako." Sabi ko kay inay dahil dumadami na ang mga lines niya sa story ko. Kaloka nabrokenhearted lang ako bida bida na siya.

"Sige magluluto lang ako. Wag mo na rin kalimutan maligo, nangangamoy ka na anak." Sabi no inay sabay labas ng kwarto ko. Kaloka nanglait pa.

Kinuha ko na yung twalya ko atsaka dumiretso sa banyo, nahiya naman ako kay inay. Mukha daw akong narape ng 10 kalabaw.

Binilisan ko lang ang paliligo ko dahil medyo nakakaramdam na din ako ng gutom. Ngayon ko lang narealize na 4 na araw na pala akong hindi kumakain. Seriously? Kinaya ko pala yon. Ilan na kaya ang timbang ko?

Matapos ko maligo ay lumabas na ako ng lungga ko at nakita ko si inay na naghahain sa lamesa. Hmm ano kayang ulam namin ngayon? Sana naman hindi tuyo. Leche brokenhearted na nga tuyo pa din.

"Nay anong ulam natin?" Tanong ko kay inay habang nagsisimula na akong magdasal sa isip ko na sana hindi tuyo ang ulam.

"May pritong tilapia tayo atsaka afritada, meron din akong ginawang graham para sa dessert. Ano bang gusto mo?" Wow. Parang nagdilang anghel ako ah. Ang dami nanaman naming ulam at may dessert pa. Kahit papaano pala may pakisama tong si inay eh.

"Sige kakain na po ako." Sabi ko naman sabay upo sa upuan at ready nang lumantak. Aba ilang araw din akong diet.

Pinaghain na ako ni inay ng makakain at sinimulan ko na din agad ang paglamon. Infairness ang sarap ng luto ni inay.

Naputol ang pagkain ko nang biglang may dumating na bwisit-- este bisita.

"Ayy Stephen! Pasok ka, buti naman at napadalaw ka ulit." Rinig kong paglandi ni inay.

Biglang pumasok si Stephen at nadatnan niya akong nakaupo sa hapagkainan. Hindi ko alam pero parang nahiya ako kay Stephen. Sino ba naman kasi ang hindi mahihiya kung natika na niya ang weak side ko? Nakita niyang naging miserable ako dahil sa isang lalaki. Tapos siya na nga ang palaging tumutulong sa akin tapos siya pa ang itataboy ko tuwing dumadalaw siya sa akin? Nakakahiya talaga.

"Uhmm hi Stephen." Nahihiyang bati ko kay Stephen nang umupo siya sa harap ko.

"Okay ka na ba?" Malumanay na tanong niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa boses niya.

"Oo namam hehehehe." Nahihiya kong tugon kay Stephen.

"Wag mong sabihing okay ka kahit hindi naman. Wag kang tumawa kung hindi ka naman masaya. Okay lang na maging mahina ka minsan pero that doesn't mean na palagi ka na lang iiyak, try to forget things and start a new one." Seryosong sabi ni Stephen sa akin kaya bigla nanaman akong napaluha. Nakakainis akala ko sapat na ang ilang araw na pagmumukmok at pag-iyak ko, hindi pa pala. Pesteng mga luha to ayaw magsitigil.

"Okay lang na iiyak mo lahat ng sakit na nararamdaman mo, pero mapapagod ka din. At kapag napagod ka gigising ka na wala na yung sakit at makakalimutan mo na lang ang lahat." Sabi ni Stephen sabay lapit sa akin at hinimas ang likod ko. Para akong batang inagawan ng lollipop, ang miserable ko. Lecheng Patricio kasi yan eh, siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Kung hindi niya ako niloko edi hindi ako nasasaktan ng ganito?

"Ayy taray may telenovela pala dito. May payakap yakap effect pa." Pagextra ni inay sa drama ko. Si inay talaga panira ng drama ko, palibhasa selos lang siya sa amin ni Stephen eh.

Tinapos ko na ang pagkain ko at lumabas muna kami ni Patricio para mag gala gala. Matagal tagal na rin akong hindi nakakalabas ng kural ko.

"Papasok ka na ba bukas?" Tanong sa akin ni Patricio hqbang naglalakad lakad kami sa park.

"Hindi ko alam." Malungkot nq sagot ko dahil kapag pumasok ako bukas baka makita ko lang si Patricio at maiyak lang ako. As much as possible ayaw kong makita niya ako mahina. Ayan napapaenglish nanaman ako.

"Pumasok ka na bukas, baka maapektuhan ang pag-aaral mo. Papayag ka ba na bumaba ang mga grades mo ng dahil lang sa lalaking niloko ka?" Napaisip ako bigla sa sinabi ni Stephen. May point nga siya doon, pero baka kasi masaktan lang ako kapag nakita ko si Patricio na may kasamang ibang babae. Nakakainis, feeling ko pagmamay-ari ko si Patricio pero pag naaalala ko na wala na pala kami mapapatanong na lang ako sa sarili ko na 'Ano pa nga bang karapatan ko sakanya kung in the very first place ay hindi nqman niya talaga ako mahal at niloko lang niya ako?'

"Susunduin na lang kita bukas para sabay tayong pumasok. Wag ka mag-alala kahit anong mangyari nasa tabi mo lang ako." Napatingin ako kay Stephen ng sabihin niya iyon. Bakit ba napakabait sa akin ni Stephen?

"Alam mo wag kang masyadong mabait sa akin baka mafall ako tapos hindi mo ako masasalo." Matabang na sagot ko sakanya pero nginitian niya lang ako.

"Wag ka mag-alala kahit ma fall ka sa akin sasaluhin kita.."

Napatingin ako kay Stephen nung may sinabi siya na hindi ko narinig dahil may dumaang trycicle.

"Ha? May sinasabi ka?" Tanong ko kay Stephen pero umiling lang siya bilang sagot.

"Nga pala, diba sabi mo working student ka? Anong trabaho mo? Pusher ka ba? Nagtitinda ng shabu? Drug addict? Mamamatay tao? Akyat bahay gang? O baka naman isa ka sa mga wanted na riding in tandem?" Pagtatanong ko kay Stephen dahil bigla akong nacurious kung anong klaseng pag-aadik-- este trabaho ang meron siya.

"Hahahaha hindi. Hindi masama ang trabaho ko. Disenteng trabaho ang meron ako." Napatango na lang ako sa sinabi ni Stephen. Kung titignan mo si Stephen hindi siya mukhang mahirap kasi ang kinis kinis ng balat niya, kutis mayaman. Tapos minsan english speaking pa.

Naglakad lakad pa kami ng kaunti hanggang sa kailangan ng umalis ni Stephen, marami pa raw kasi siyang gagawin. Oh diba pati si Stephen aalis na din, lahat na lang sila iniiwan ako. Chos! Humuhugot nanaman ako.

"Bye na Panching, basta susunduin kita bukas okay?" Pagpapaalam ni Patricio nung may humintong jeep.

"Uhmm sige pero natatakot pa rin ako." Pagdadalawang isip ko.

"Okay lang yan. Basta susunduin kita, at kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo." Sabi ni Patricip atsaka binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

"Hoy ano magdadramahan na lang ba kayo dyan? Sasakay pa ba kayo o ano?" Bulyaw ni manong driver. Tengeners tong driver na to di makapag-antay, panira ng drama.

"Saglet lang ho manong driver! Makabulyaw naman kayo dyan!" Bulyaw ko ulit kay manong driver. "Osige na Stephen bye bye na. Ingat." Pagpapaalam ko kay Stephen at sumakay na siya sa jeep. Pero bago ako umalis binigyan ko muna ng dirty finger yung driver ng jeep, aba brokenhearted na nga ako eh bubulyawan niya pa.

Naglakad na ako pauwi sa bahay at sa paglalakad ko nakasalubong ko nanaman si Popoy.

"Panching sino yung kasama mong lalaki kanina?" Pagtatanong ni Popoy.

"Ahh si Stephen? Kaibigan ko yun baket?"

"Akala ko yun yung boyfriend mo eh." Nalungkot agad ako nang banggitin niya ang word na boyfriend.

"Wala na kami ng boyfriend ko. Break na kami." Matamlay na sabi ko.

"Bakit? Anong nangyari? Sinaktan ka ba niya? Resbakan ko na ba?" Maangas na tanong ni Popoy habang itinataas pa ang dalawang manggas niya na para bang ready nang mambugbog.

"Hindi, wag na. Nalaman ko kasi na niloloko niya lang pala ako." Malungkot na sabi ko, namumuo na rin ang mga tubig sa mata ko.

"Okay lang yan. Tanga na lang yung gagong yon dahil iniwan ka niya, sino siya para saktan ang pinakamamahal ko? Hayaan mo pagnakita ko yun sasapakin ko ng isa." Bigla akong napatingin kay Popoy sa sinabi niya at nakita ko ang lungkot at pag-aalala sa mga mata niya.

"Wag ka nang malungkot, nandito naman ako eh. Kahit ipagtabuyan mo ako nandito lang ako sa gilid mo at handang tulungan at pasiyahin ka kung kinakailangan." Hindi ko alam pero parang nagbago yung tingin ko kay Popoy nung sinabi niya iyon. Pero a part of me says na wag akong basta basta magtiwala sa mga tao na puro pangako. Ganyan na ganyan din ang sinabi sa akin ni Patricio noon, puro pangako. Pangakong mamahalin ako habang buhay, pangakong hindi ako iiwan kahit kailan. Pero anong nangyari sa mga pangako niya? Ayun napako.

Lecheng pangako yan. Nang dahil sakanya nagkakaroon na ako ng trust issues. Nang dahil sakanya hindi ko na kayang magtiwala at maniwala sa iba. Natatakot kasi ako na baka kapag ibinibigay ko muli ang puso ko baka mabasag nanaman ito, at kapag nangyari iyon hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka magpakamatay na lang ako. Charot!

"Salamat Popoy pero sana maintindhan mo na hindi ko muna kayang magtiwala sa iba ngayon." Sabi ko at sabay walk out. Nakakainis bakit ba kasi ang ganda ganda ko? Ang dami tuloy naghahabol sa beauty ko. Pero yung gusto kong humabol sa akin iniwan na ako. #BoomHugot

Umuwi na ako sa bahay at naabutan ko si inay na nanonood ng Power puff girls. Himala nga kay inay hindi ko na siya nakikita na nagbibingo. Bagong buhay na yata.

Mukhang hindi ako napansin ni inay kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nahiga.

Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si Patricio bukas, natatakot ako. Natatakot ako dahil alam kong kapag nakita ko si Patricio masasaktan nanaman ako. Hindi ganoon kadali limutin yon, oo nga't hindi kami umabot ng 1 month man lang pero siya kasi ang first boyfriend ko, first love at akala ko siya na ang forever ko. Pero hindi pala, siguro nga pinagtagpo kami pero hindi kami ang itinadhana.

Naaalala ko noong 1st year high school pa lang ako, at bago palang ako sa Dyosa University, naliligaw ako first day of school pa lang dahil hinahanap ko ang function hall noon para sa orientation ng mga freshmen.

"Excuse me kuya pwede bang magtanong?" Sabi ko sa isang lalaking nakatalikod dahil kanina pa ako hanap ng hanap sa lecheng function hall dito sa school.

Pero nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin, natulala ako sa angking kagwapuhan niya. Sobrang kinis niya, sobrang puti din. Mayroon siyang mapang-akit at mapupulang labi, ang mga mata niya ay sobrang itim na para bang kapag tinitigan ka nito ay malulunod ka.

"Ano iyon?" Nawala lahat ng pagpapantasya ko sakanya ng magsalita na siya.

"A-ahh saan po ba ang function hall dito?" Nauutal na tanong ko habang pinagmamasdan ko pa rin ang napakagwapong mukha niya.

"Diretsuhin mo lang daan na yon at kumanan ka, makikita mo na ang function hall." Kaswal na sagot niya pero dahil nakatitig lang ako sa mukha niya hindi ko na naintindihan ang sinabi niya, tumango na lang ako atsaka ngumiti ng pagkatamis tamis sakanya.

"Ahh salamat." Sagot ko at akmang aalis na sana ako nang magsalita pa ulit siya.

"Freshmen ka rin ba? Tara sabay na tayo pupunta rin kasi ako doon eh." Bigla akong napangiti ng malaman kong freshmen din pala siya, at sasabay pa siya sa aki ln papunta roon.

Tahimik kaming naglakad papuntang function hall pero mas nauuna siya ng kaunti sa akin at nakasunod lang ako sakanya dahil hindi ko naman alam ang papunta sa hall.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapatingin sa matipuno niyang likod, ang angas niya rin maglakad. Para bang lahat ng babae na makakita sakanya ay mapapatingin. Hanggang sa dumako ang tingin ko sa matambok niyang pwetan, at nakaramdam ako ng pamumula.

Ipinokus ko na lang ang tingin ko sa dinaraanan namin pero hindi ko pa rin maiwasan na tumingin aa likod niya.

Hanggang sa makarating na kami sa hall at bigla na lang siyang humiwalay ng landas at pumunta sa mga kaibian niya yata. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.
Matapos ang araw na yon, hinihiling ko na magkita ulit kami, alam kong maliit ang tyansa na mangyari iyon dahil hindi ko alam ang pangalab at seksyon niya pero umaasa pa rin ako na magkikita kami.

Hanggang sa isang araw narinig ko ang mga kaklase ko na nag-uusap tungkol sa isang gwapong lalaki na nagngangalang 'Patricio'. Hindi ko alam pero ang lakas ng kutob ko na siya iyon kaya't tinanong ko sa mga kaklase ko kung anong seksyon ang 'Patricio'na iyon, noong una ay ayaw pa nilang sabihin kaya pinagbantaan ko sila na ipapaamoy ko ang utot ko sakanila kaya napilitan din nilang sabihin sa akin ang seksyon ng Patricio na iyon.

Agad kong pinuntahan ang seksyon na iyon at hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko siya kasama ang mga kaibigan niya na nagtatawanan sa klasrum na iyon.

Hanggang sa niresearch ko ang lahat ng tungkol sakanya, mga paborito niyang kulay, pagkain at kung ano ano pa. Doon na rin nagsimulang lumago ang nararamdaman ko sakanya. Minsan pinagluluto ko rin siya ng mga specialties ko at inilalgay ko sa locker niya ng palihim.

Simula ng araw na makilala ko siya hindi na mawala ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa tuwing nakikita ko siya, ultimo ang mga taba ko ay nagtatalunan sa tuwa kapag nakikita ko ang mga ngiti niya.

Dumaan ang mahigit tatlong taon na hindi ko nasasabi sakanya ang nararamdaman ko. Hanggang sa mag 4th year high school ako dala dala ko pa rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Kaya laking tuwa ko nang mapansin niya ako noon nang bigyan ko siya ng cupcake na pinangutang kobpa sa kapitbahay namin.

At akala ko doon na magsisimula ang lahat...

Pero isang malaking akala lang pala ang lahat ng iyon. Dahil ngayon eto ako at nasasaktan ng dahil sakanya.

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
205K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West