Kabanata 17

376 16 0
                                    

Author' Note:
Sorry for the long wait. Nagkasore eyes kasi ako eh. Nakakatuwa kasi may nga nag-aabang talaga ng updates dito. Kenekeleg naman ako. HAHAHAHA. Hope you love this one. :)

PS. Dedicated kay @Snoopy_potato! He/She made my day. <3

--

Kabanata 17

/Panching/

"Diba sabi ko sabay tayong pupunta sa part time job?!" Napatungo ako sa tono ng pananalita ni Stephen, may bahid itong galit na dinaig pa ang tatay ko kapag nakakagawa ako ng mali.

"Paano na lang kung may nangyari sayong masama?!"

"Ano bang tingin mo sakin? Bata? Kaya ko na ang sarili ko, alam ko namang walang gagawing masama sakin si Patricio. Gusto niya lang makipag-usap." Naiinis na sabi ko dahil simula nang makarating kami dito sa restaurant na pinagtatrabahuhan namin ay panay na siya talak at sermon sa akin.

"Walang gagawing masama sayo si Patricio? Diba once ka na rin niyang sinaktan? Niloko ka lang niya diba? Now tell me, sigurado ka bang hindi ka sasaktan ni Patricio, akala ko ba ayaw mo munang magtiwala?" His words hit me. Tama siya, minsan na rin akong nasaktan ni Patricio. Paano kaya kung hindi dumating si Stephen at nahila ako ni Patricio kung saan. At ano? Mag-eexplain siya? Baka mahulog nanaman ako sa salita niya.

But still, wala pa ring karapatan si Stephen na pagsalitaan ako ng ganoon. Hindi niya kailangang ingudngod sa mukha ko na niloko ako ni Patricio kaya hindi na dapat ako magtiwala sakanya.
"Alam ko ang ginagawa ko Stephen. Hindi mo dapat ako pinapakelaman, hindi mo kailangang ipamukha sa akin na niloko lang ako ni Patricio. Matanda na ako Stephen, hindi ko kailangan ng opinyon mo. Kaano ano ba kita? Leave me alone." Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko ng banggitin ko sakanya ang nga salitang iyon.

Naghihintay ako ng sagot niya pero nakatitig lang siya sa mata ko na para bang may hinahanap. Bigla na lang siyang umalis sa harap ko na para bang walang nangyari.

Siya pa ang may ganang mag walk-out huh?

Pumunta na lang ako sa cashier kung saan ako naka-assigned. At hindi katulad noon, kakaunti lang ang tao ngayon at ang iba pa ay mga estudyanteng tatambay lang para makapagpalamig.

Sinimulan ko nang kunin ang mga orders nila at ilagay ito sa tray. Minsan ay napapatingin ako kay Stephen na nililinis ang mga mesa at sinisiguradong maayos ang upuan.

Medyo naguguilty ako sa sinabi ko sakanya kanina, hindi ko dapat kinuwestyon ang role niya sa buhay ko. Siya ang tumutulong sa akin kapag may problema ako, tulad na lang ngayon, siya ang nagpasok sa akin dito sa trabaho ko para makaipon pambayad sa school. Siya rin ang nasa tabi ko nang broken hearted ako kay Patricio. Siya lang ang taong maaasahan ko, at feeling ko naging masama pa ako sakanya.

Siguro hihingi na lang ako ng sorry sa kanya.

Mabilis namang natapos ang oras ng trabaho ko kaya agad akong nagpalit at inayos ang mga gamit ko. Hinanap agad ng mga mata ko si Stephen pero hindi ko siya makita, pinagtanong ko rin sa iba kong katrabaho kung nakita nila si Stephen at sabi nila kauuwi lang daw.

Galit ba siya? Yan agad ang tanong na bumungad sa isip ko. Hindi niya man lang ako hinintay. Siguro nga nagalit siya sa mga sinabi ko.

No choice kundi mag commute mag-isa. Kapag talaga ako na-rape hinding hindi ko mapapatawad si Stephen.

Weh? May rarape nga ba? Ayan nanaman ang konsensya ko. Masyadong panira.

Nang nakapagpaalam na ako sa boss namin at mga co-workers ko ay agad na akong sumakay ng jeep sa kanto pauwi ng bahay namin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi kay inay na wala na akong scholar, mahigig 2 weeks na rin ang nakakalipas. Siguro sa isang araw o kaya next week sasabihin ko na kay inay, nakakaguilty magsinungaling.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now