Kabanata 40

317 9 1
                                    

Kabanata 40

/Panching/

Day passed, at heto na ako nag-reready para sa home coming party. Actually kanina pa ako nakaligo at napatuyo ko na rin ang buhok ko. Sadyang matagal lang mag-ayos tong mga make-up artist na kinuha ni Patricio.

Siguro magdadalawang oras na akong nakapikit at inaayusan ng dalawang babaeng to. Siguraduhin lang nila na gaganda ako.

Paano ba naman kasi, ang aga nilang dumating dito sa bahay. Mga 3pm pa lang ay nandito na sila, eh 7pm pa ang start ng party. At ilang oras na nila ako inaayusan, 6pm na kasi at medyo nagugutom na ako.

Maya-maya lang ay pinamulat na nila ako at pareho silang ngumiti sakin. Ang sunod naman nilang minake-up-an ay ang pisngi ko, gumamit sila ng malaking brush para doon. At isinunod nila ang labi ko, color light pink lang ang pinili kong color ng lipstick para hindi masyadong exxage.

Medyo tumagal sila sa pag-aayos ng buhok ko. Ginawa na lang nilang messy bun iyon, tapos may mga nakalawit na curly hair sa gilid ng tenga ko.

Matapos ang mahigit 20 minutes ay pinasuot nila sakin ang damit at pinaharap sa salamin.

"Omygod." Bulong ko sa sarili ko at nakita kong napangiti ang dalawang babaeng nag-ayos sakin.

Teka. Ako ba talaga to? Seryoso. Ang ganda ganda ganda ko! Walang halong biro. Para akong si Athena, the goddess of wisdom dahil sa hitsura ko, idagdag mo pa ang eleganteng long gown na suot ko.

Perfect!

"Susunduin daw po kayo ni sir. Antayin niyo na lang daw po siya." Nakangiting sabi nung babae.

Tinanguan ko sila at nagpasalamat sa milagrong ginawa nila sakin.

Nang maka-alis sila ay muli kong tinitigan ang mukha ko sa salamin. Hindi ako makapaniwalang ako to. Mas maganda pa to nung inayusan ako ng tita ni Stephen--

Oh wait. Bakit ko nga ba inaalala yon?

Biglang nakarinig ako ng busina sa tapat ng apartment ko. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko si Patricio na naka-tuxedo.

Shet. Ang gwapo niya!

Pinapasok ko muna siya sa loob ng apartment ko dahil maaga aga pa naman.

"Wow. Nagmukha kang tao." Pambungad sa akin ni Patricio at tinignan ako from head to toe.

"Ikaw din, nagmukha kang tao." Pang-aasar ko din.

Nagselfie muna kami ni Patricio sa iphone niya bago magdesisyong umalis.

Nang makasakay kami sa kotse ni Patricio ay bigla akong kinabahan. Hindi naman ito ang first time kong pumunta sa mga party, infact nung college days ko nga, palagi akong present sa mga party.

Pero kinakabahan talaga ako, natatakot ako na baka makita ko siya.

And worst, baka kasama niya pa si Camille.

Nako, sana naman hindi. Siguro naman, sa laki ng school namin hindi na kami magkikita at saka madilim naman iyon kaya hindi niya ako makikilala. *cross fingers*

Bigla akong napapitlag nang hawakan ni Patricio ang kamay ko habang nagmamaneho siya.

"Kinakabahan ka. Chill lang, nandon naman ako eh." Nakangiting sabi ni Patricio habang nakatuon ang paningin sa daan.

"Hindi ako kinakabahan. Medyo nilalamig lang ako." Palusot ko at hininaan ang aircon sa loob ng kotse ni Patricio.

Maya-maya lang ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makarating na kami sa school. Pinark muna ni Patricio ang kotse niya bago ako inalalayan lumabas.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now