Kabanata 41

263 7 0
                                    

Kabanata 41

/Panching/

Kinabukasan ay late na ako nakapasok dahil late na rin kami nakauwi kagabi pagkahatid sakin ni Patricio. Mabuti na lang at hindi ako pinagalitan ng tito ni Patricio, imbis ay nginitian pa ako.

Pag-akyat ko sa department namon ay sumalubong sa akin ang isang baso ng kape sa desk ko.

"Kanino galing tong kape?" Pagtatanong ko kay Meri na busy sa computer niya.

Saglit niya akong tinapunan ng tingin and then she just shrugged.

Napansin kong may nakaipit na maliit na note sa ilalim ng baso kaya't kinuha ko ito at binasa.

Goodmorning! :)

Yan lang ang nakalagay sa note kaya I assumed na baka kay Patricio galing ito.

Binuksan ko na ang computer ko dahil marami pa akong kailangan tapusin. Nakakahiya naman sa boss ko kung puro leave na lang ako at wala nang nagagawa. Baka isipin niya pang abusado ako kay Patricio.

Humigop ako sa kapeng nakalagay sa desk ko, medyo lumamig na ito pero masarap pa rin.

Sinimulan ko nang tapusin iedit ang mga manuscripts na naka-assign sakin. Patapos na rin naman ito at baka maipasa ko na rin bukas.

Sa kalagitnaan ng trabaho ko ay biglang nagvibrate ang phone ko.

From: 09155******

Hi.

Napakunot ang noo ko sa text na nareceive ko, isang simpleng hi galing sa isang unknown number.

I type my reply inmediately and ask kung sino ito.

Wala pang isang minuto at nagreply agad ito.

From: 09155******

Stephen.

Halos maibuga ko ang kapeng iniinom ko nang mabasa ko ang reply niya. Masamid samid pa akong tignan ito.

"Okay ka lang?" Pagtatanong ni Lou sakin nang mapansing paubo-ubo ako.

Tinanguan ko lang siya at ibinaling ang tingin ko sa cellphone ko.

Muli itong nagvibrate at same number lang din ang lumabas.

From: 09155******

Uhm, ask ko lang kung nasaan ka? Kukunin ko sana yung coat ko, nakalimutan mo yatang isauli kagabi.

Halos lumuwa ang mata ko nang maconfirm kong si Stephen nga ito. He just asked for his coat. Oh god, oo nga pala at nakalimutan kong isauli sakanya iyon. Mabuti na lang at nilabhan ko agad iyon kagabi.

Isinave ko muna ang number ni Stephen sa phone ko then I type my reply.

To: Stephen

I'm here at office. Nasa apartment ko pa yung coat mo. Kung okay lang, kita na lang tayo mamayang 4pm?

Nang maisend ko ang reply ko ay nakatitig lang ako sa cellphone ko. Saan niya kaya nakuha ang number ko? Baka kay Patricio.

From: Stephen

Dadaan na lang ako dyan sa office niyo mamayang hapon.

Wait. Alam niya kung saan ako nagtatrabaho? Oh, great. Nasabi ko pala sakanya kagabi sa party. Stupid.

To: Stephen

Uhm, nakakahiya naman. Ikaw pa dadaan dito.

Minutes passed at hindi na siya nagreply. I decides to continue my work at antayin na lang magvibrate ang phone ko.

TabachingChing [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon