Kabanata 46

304 9 0
                                    

Kabanata 46

/Panching/

"What?! Bakit hindi mo agad sinabi sakin na inaccept mo yung offer ni tito?" Galit na tanong ni Patricio habang nageempake ako ng gamit ko.

Sa isang araw na ang alis ko papuntang U.S at nakasettled na ang lahat. Kahapon pa ibinigay sakin ang travel papers ko pati ang fee's and allowance ko doon.

"Ano bang pagkakaiba kung sabihin ko sayo ng mas maaga at ngayon? Diba, ikaw na nga nagsabi na magandang opportunity to para sakin. Anong pinuputok ng butse mo dyan?" Tanong ko pero napahilamos lang sa mukha si Patricio sa sobrang frustrated.

"Ilang buwan ka ba doon?" Tanong niya.

"Hindi pa alam. Baka umabot ng taon, matagal tagal din siguro. Malaking expansion ang gagawin doon eh."

Nakita ko ulit ang frustration sa mukha niya. Halos tanggalin niya na ang lahat ng buhok niya sa kakasabunot.

Hindi ko nga alam kung anong problema niyan ni Patricio. Pumunta kasi siya dito kaninang umaga at sinusundo ako papasok sa work, eh pinag-day off ako ng tito niya para daw makapagprepare ako. Tapos naabutan niya akong nag-iimpake, nakalimutan ko yatang sabihin sakanya na inaccept ko na yung offer ng tito niya. Tapos heto siya ngayon at hindi ko alam kung anong problema niya.

"Huwag ka na lang kayang tumuloy?"

Agad kong tinignan ng masama si Patricio at tinaasan ng kilay. Nahihibang na ba tong lalaking to?

"Sira ka ba? Wala nang urungan to, nakaayos na ang lahat. Saka magagalit sakin ang tito mo."

"Edi kakausapin ko si tito. Sasabihin kong iba na lang ang ipadala niya."

Agad kong pinanliitan ng mata si Patricio.

"Baliw ka ba? Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Saka diba nga, ikaw pa nagsabi sakin na sayang tong opportunity tapos ngayon ayaw mo akong paalisin. Ano bang problema mo?"

"Kasi naman, bakit naman biglaan yata? Alam na ba to ni Stephen?" Natigilan ako sa pag-aayos ng gamit ko at hinarap si Patricio.

"Bakit niya pa kailangan malaman? Mas mabuti nga yon eh, para naman makalayo na ako sakanya." Sabi ko at kinuha ang cellphone ko para itext sila inay at sabihang pupunta ako sa bahay. Ngayon na lang kasi ang time ko para makapagpaalam ulit sakanila. Bukas busy na ako, at maaga pa ang alis ko sa isang araw.

"So isa pala si Stephen sa rason mo kung bakit mo tinanggap yung offer ni tito?" Tanong ni Patricio kaya napatingin ulit ako sakanya.

"Hindi." Sagot ko at umiwas ng tingin.

"Talaga ba? Hindi masyadong halata ah." Sarkastikong sabi ni Patricio kaya napairap na lang ako.

"Alam mo Panching, ang problema hindi tinatakasan yan. Bakit hindi kayo mag-usap ni Stephen just to clear things?" Kinunutan ko ng noo si Patricio sa mga sinabi niya.

"Problema? Wala naman kaming problema ah. And jist to clear things? Ano pa bang liliwanagin kung maliwanag na sakin ang lahat. Patricio, may anak na si Stephen. Nakita ko pa, harap-harapan." Mataray na sabi ko.

"Sure ka bang anak yon ni Stephen?" Agad na napataas ang kilay ko sa sinabi ni Patricio.

"Oo naman. Narining ng dalawang tenga ko na tinawag nung bata si Stephen na daddy. Saka ano bang problema mo? Bakit ba ang kulit kulit mo? Let's just accept tha fact. Wag na nating ipilit pa. Move on."

Napahilamos ulit ng mukha si Patricio at sinabunutan nanaman ang buhok. Narinig ko pang may ibinulong siya pero hinayaan ko na lang.

Ewan ko ba sa lalaking yan. Ayaw akong paalisin, mamimiss yata ako. Dyusko.

"Samahan mo na lang ako sa bahay namin, huling paalam ko na kila inay. Para naman may pakinabang ka." Sabi ko at isinara at itinabi na ang mga maleta ko.

Walang nagawa si Patricio kundi samahan ako sa bahay namin. Almost 2 hours ang byahe papunta samin kaya minsan lang ako umuwi. Bukod sa hassle, sayang sa pamasahe.

Pagdating sa baranggay namin ay nakita ko agad ang mga kapitbahay namin na agang aga ay nagbibinggo at nag-iinuman. Wala talagang pinagbago.

"Panching!" Napatingin ako sa bakuran namin at nakita ko roon si inay na naglalaba.

Agad ko itong nilapitan at niyakap.

"Akala ko hindi ka dadalaw, bata ka. Aalis ka na't lahat, mamimiss ka namin." Maluha luhang sabi ni inay. Napangiti na lang ako dahil sobrang drama nanaman ni inay. Parang nung isang araw lang ay sinabi ko sakanya na aalis ako tapos heto nanaman siya at magdadrama.

"Inay naman, babalik naman agad ako pagkatapos ng trabaho ko doon. Magpapadala din ako buwan buwan kaya huwag na kayong mag-alala. Basta huwag niyo pong papabayaan si Muymoy. Yung pag-aaral niya ho bantayan niyo, baka magbulakbol. Ipaalam niyo na lang po ako sakanya at baka hindi ko na maabutan ang pag-uwi niya. Pumunta lang po ako dito para magpaalam na." Sabi ko at unti unti na ring nangingilid ang luha ko.

Nasa eskwelahan pa kasi si Muymoy kaya hindi na ako makakapagpaalam pa sakanya. Sumaglit lang talaga ako dito para magpaalam kay inay.

"Oo babantayan kong maiigi ang kapatid mo. Basta ikaw, aalagaan mo ang sarili mo doon ah. Huwag kang magpapagutom at huwag kalimutan magdala ng jacket, malamig yata doon." Naiiyak na sabi ni inay kaya niyakap ko na lang siya.

"Mamimiss kita Panching." Tumulo ang luha ko pero agad ko rin iyong pinunasan at hinarap si inay.

"Para namang hindi ako babalik. Saglit lang ako doon inay. Sige na po, at kailangan na naming mauna, may gagawin pa po kasi ako." Sabi ko at niyakap muli si inay.

"Sige, mag-iingat ka doon ah?" Huling sabi ni inay at tinanguan ko siya.

Umalis din agad kami ni Patricio doon at dumaan sa isang flower shop at bumili ng isang dosenang bulaklak at nagtungo sa sementeryo.

May kailangan lang akong dalawin, isa sa mga importanteng tao sa buhay ko. Nagsilbing pangalawang ina ko at palaging nandyan tuwing may problema ako.

"Ms. Tiradora, pasensya na po at ngayon na lang ulit nakadalaw. Medyo busy lang po nitong mga nakaraang araw." Sabi ko at inilagay ang bulaklak sa puntod niya.

I missed her so much.

"Aalis po pala ako papuntang U.S, ako po kasi ang mamamahala ng expansion business ng boss namin doon. Pasensya na po kung ngayon ko lang nasabi sainyo." Pinunasan ko ang mga nangingilid kong luha. "Nagkita na nga po pala kami ulit ni Stephen. Ang laki na po ng pinagbago niya, mas gumwapo at nakita ko rin po yung anak niya."

"Masakit pa rin po pala Ms. Tiradora. Akala ko wala na, akala ko po nakamove-on na ako. Hindi pa po pala. Pero mas masakit po yung nakita kong ang saya saya niya kasama ang anak niya. Doon ko po narealize na siguro na hindi po kami talaga para sa isa't isa."

Sunod sunod nang tumulo ang mga luha ko.

"Miss na miss na po kita Ms. Tiradora. Sana po nandito kayo ngayon sa tabi ko para bigyan ako ng advice. Sana po tama tong gagawin kong paglayo."

Walang araw na lumilipas na hindi sumasagi sa isip ko si Ms. Tiradora. Miss na miss ko na siya, sana lang nasa tabi ko siya para paalahanan at bigyan ako ng advice kung tama ba tong gagawin kong paglayo.

Naramdaman kong umihip ang malakas na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.

Kahit wala man siya sa tabi ko physically, alam kong pinapanood niya ako at ginagabayan sa mga pagsubok ko. Sa mga desisyon na gagawin ko.

Ms. Tiradora, kayo na hong bahala sakin. Sana lang tama tong gagawin kong desisyon. Mahirap pero kailangan.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now