Kabanata 34

278 10 0
                                    

Kabanata 34

/Panching/

Bakit sa tuwing may mga masasayang nangyayari sa buhay mo, palaging may kasunod na malungkot? Bakit kapag masaya ka na saka may eextra para sirain ang araw mo?

Noong una, hindi ko matanggap. Akala ko may nagjojoke lang sakin sa cellphone. Pero sana nga joke lang ang lahat.

Nung sinabing wala na daw si Ms. Tiradora, halos gumuho ang mundo ko. Ni hindi ko nga alam kung sino ang tumawag sakin, hindi ko na naitanong sa sobrang kaba. Basa tumulo na lang ang mga luha ko at napahagulgol, mabuti na lang at nandoon si Stephen sa tabi ko kundi baka himatayin na ako.

Tatakbo sana ako papunta kila Ms. Tiradora pero pinigilan ako ni Stephen, sabi niya huwag daw muna ngayon at magpahinga na muna ako, kaya hinatid niya muna ako sa bahay.

Pero paano ako makakatulog nang oras na yon kung sobrang nababagabag ako. Ni hindi ako mapakali dahil gustong gusto ko nang puntahan si Ms. Tiradora. Ayaw kong maniwala na wala na si Ms. Tiradora pero kabang kaba ako.

Buong gabi umiiyak lang ako at hindi na ako nakatulog hanggang sa sumikat ang araw at dali dali akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nakapag-almusal sa sobrang pagmamadali.

Bangag na bangag ang hitsura ko, mugto ang mga mata ko at ang laki ng eyebags ko. Pero kahit ganito ang hitsura ko, dilat na dilat pa rin ako.

Hanggang sa nakarating ako sa school at dali daling tumakbo papuntang library. Hindi ko na namalayan na nakasunod na pala sakin si Stephen.

Naabutan ko ang mga staffs and head sa antique na lamesa ni Ms. Tiradora habang nililigpit ang mga papeles na nakakalat sa mesa niya.

"Ma'am, sir? Si.. si Ms. Tiradora p..po?" Nangangatog na tanong ko sa mga teachers.

Lumingon silang lahat sakin na may malulungkot na mukha.

"Ikaw ba si Panching Tolentino?" Pagtatanong ng isa sa mga teacher sakin.

"O.opo, ako nga po." Naluluha kong sabi.

"Pinaaabot niya to sayo bago siya pumanaw." Inabot sakin ng isang teacher ang isang sulat na nakatupi.

Dahan dahan ko itong binuksan at tuluyan na akong naiyak ng makita ko ang handwritten niya.

Pantsing,

Pantsing anak, pasensya na kung umalis ako ng walang pasabi ah? Siguro kapag nabasa mo na to, malamang wala na ako sa mundong ito. Pagod na pagod na rin kasi ako eh, saka namimiss ko na ang pamilya ko sa heaven. Kailangan na nila ako doon at tinatawag na rin ako ni Papa God. Basta huwag kang malulungkot ah? Kapag namimiss mo ako, pumunta ka lang sa library. Yung mga habilin ko sa'yo ah? Alagaan mo ang library, pati ang mga libro doon ay huwag mong papabayaan. Ang lamesa kong antique ay huwag susunugin. Mahalaga lahat sakin ang bawat bagay sa library, kaya sana'y pahalagahan mo rin.

Huwag mo rin kakalimutan ang mga pangaral ko sayo ah? Huwag mag madali sa lovelife. Marami pang lalaki dyan sa tabi tabi. Kapag sa tingin mong masasaktan ka lang, lumayo ka na. Itigil mo na. Itinuring na rin kitang parang anak ko kaya magpapakabait ka habang wala ako. Huwag ka mag-alala at hindi kita dadalawin. Ahihihihi.

Alam kong magagalit ka dahil wala man lang akong pa-despedida party, pero sana'y maintindihan mo. Mahal na mahal kita Pantsing, anak. Ikaw ang nag-iisang babae na nakilala ko na super pretty. (Oh, compliment yan ah.) O, sya hanggang dito na lang ako.

Muah muah tsup tsup. :*

Maria Corazon Tiradora Esteban.

TabachingChing [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora