Kabanata 3

787 24 2
                                    

Kabanata 3


/Panching/

"Lalalala~ Ang ganda ganda ko talaga ~ Lalala."

"Anong nahithit mo ngayon anak? Parang ang saya saya mo ah? Anong meron?" tanong ni inay nung napansin na kanina pa ako good mood at pakanta kanta.

Ahihihi eh keshe nemene. Kenekeleg peden eke. Ahihihi. Oh gusto niyo ba malaman yung nangyari kahapon? Ang Firstday ko bilang taken?! Wag na kows! Baka mainggit lang kayo. Charot!

Okay bibigyan ko kayo ng short idea kung anong nangyari kahapon, Ahihihi kenekeleg telege eke. Taena agang aga ang landi ko! Anyway, after namin kumain sa cafeteria hinatid ako ni Patricio sa room, at ang lahat ng tao sa Dyosa University ay nagtitinginan samin dahil naka holding hands pa kami! Emeged. Then after ng classes ko sinundo niya ako sa room! Waaaaaaahh yung mga classmate ko halos mamatay sa inggit bwahahah lalong lalo na si Fawnyeta! Ang gaga, akala siya ang sinusundo ni Patricio babes, pahiya tuloy siya. Then hinatid niya pa ako sa kanto namin! Tengeners. Kakilig! Hanggang kanto lang niya ako nahatid dahil hindi na kasya yung kotse niya sa street namin at andami ding tambay sa kanto. At ang pang finale ay bago ako magpaalam sakanya, hinalikan niya pa ako! Waaaaaahh oh teka, sa pisngi lang! Wag kayong ANO! Hahahaha.

Nga pala, hindi ako masusundo ng BOYFRIEND KO ngayon. Oh diba feel na feel ko tawagin siyang boyfriend ko. Hindi niya daw ako masusundo dahil may school activities daw silang gagawin ng classmates niya at dahil supportive girlfriend ako payag naman ako! Oh diba ang understanding ko? Keri naman, magkita na lang daw kami mamayang lunch. Eh 9am pa pasok ko at 8am pa lang so petiks muna ako.

Nagulat ako nung biglang nagbrown-out. Ayt ano ba yan, nanonood ako ng paborito kong palabas eh, Dora the explorer, ang negrang lakwatsera, tapos nagbrown-out naman!

"Inay pabuksan naman yung generator natin!" Sigaw ko kay Inay na ngayo'y nagluluto.

"Saglit lang! Nasaan ba?!" Tanong naman ng malufet kong inay.

"Sa rooftop!"

"Eto na!" Sigaw naman ni Inay atsaka lumabas ng bahay. Aba naniwala naman ang aking magaling na inay, wala nga kaming generator eh, at lalong wala din kaming rooftop! Hahahah naniwala ang gaga. Charot!

"Hoy Panching! Ako ba'y pinaglololoko mong punyeta ka?! Wala naman tayong generator eh! Gaga ka talaga!" sigaw ni inay at saka bumalik sa pagluluto.

"Tengeners ang inet!" bulyaw ko dahil nagsisimula na akong pagpawisan, bagong ligo pa naman ako. Baka mangamoy pawis ako kapag nagkita kami ni Patricio babes.

"Kingina Panching kailan ka pa natuto mag-mura ha?! Sino nagturo sayo niyan?!" Sigaw nanaman ni inay habang hawak hawak ang sandok.

"Ikaw kaya nagturo sakin mag-mura inay! Kakamura mo pa nga lang eh. Grabe! Nakakabanas ka kausap!"

"Ah. K" Sabi ni inay at nagpatuloy na magluto.

Umakyat muna ako sa kwarto ko, Charot lang! Wala nga kaming hagdan! Kinuha ko yung Apple Laptop ko at binuksan para mag facebook muna. Oh kala niyo poorita ako noh? Wag niyo nang tanungin kung sino nagbigay sakin nito dahil dinekwat ko lang to sa kapitbahay namin!

Meron akong 1 friend request, 1 message kaya inopen ko agad to.

Friend Request

Patricio Rogelio [ Confirm / Not now]

Emeged. Ang haba ng heyr ko guys! Natatapakan niyo tabi tabi. Chos. Grabe diba inaadd na ako ni Patricio, actually dapat iaadd ko na siya noon pa kaso puno na yung friends niya kaya hanggang follow na lang ako pero eto inaadd na niya ako! Inggit nanaman kayo. And hiningi ni Patricio babes ang cellphone number ko! Oh diba?! Ang ganda ko? Charot. Ano konek?! Pero seriously, sobrang saya ko talaga kahapon.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now