Kabanata 31

384 15 3
                                    

Kabanata 31

/Panching/

"Mahal kita Ching."

Leche. Mahal daw? Sinong niloko niya? Lelang niya!

Nako! Pare-parehas lang ang mga lalaki, sa simula lang naman magaling pero kapag nalingat ka na, lumalandi na rin sa iba.

Kaya minsan hindi rin maganda na basta-basta mo lang ibigay ang tiwala mo sa mga lalaki eh, kasi kapag nasa kanila na, sisirain at sisirain lang din nila. Mga manloloko.

Hay nako, ano ba kasing pinuputok ng butse ko?

Eh kasi naman, ilang linggo na ang lumilipas at hindi na kami nag-kakausap ni Stephen dahil sa lecheng Camille na yan. Palagi na lang sila ang magkasama. Hindi na rin ako nahahatid sundo ni Stephen, yung sinabi niyang liligawan niya ako? Ayun nga nga. Nakikipalandian sa ibang babae.

Bakit nga ba kasi ako masyadong nag-assume na seseryosohin niya ako? Tsk, hindi na kasi ako nadala eh. Nasaktan na't lahat, ayun nagtiwala nanaman.

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, siguro masyado akong nagexpect na seseryosohin at liligawan nga ako ni Stephen.

O baka naman may feelings na at nagseselos na?

Leche. Ang hilig talaga makisabat ng konsensya ko! Ako may feelings? Edi wow.

Hay nako, ewan! Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sakin, lately palagi kona lang naiisip ang pagmumukha ni Stephen. Ewan ko ba kung ano ang nagawa sakin ng loko na yon at ganito ang impact sa akin. Siguro pinainom niya ako ng gayuma. Chos.

Kapag naman nakikita kong magkasama si Stephen at Camille, agad na umiinit at kumukulo ang dugo ko. Feelingko makakapatay ako ng maaga. Sarap hiklatin ng buhok ni Camille landi. Akala mo kung sinong maganda! Eh daig pa anak ni Ursula.

Dyusko lord, sana mapatawad niyo ako sa mga salang magagawa ko kapag hindi ako nakapag-timpi.

Palagi na lang kasi magkasama si Stephen at Camille, tipong hindi na mapaghiwalay? Palibhasa kasi nakakapit ang malanding linta eh.

Uy, nagseselos siya. Inlababo na siya.

Ako inlababo? Lul.

Oh sige na nga, aaminin ko na. May feelings ako kay Stephen pero crush lang! Hindi heart heart ah? Crush lang. Paghanga. Admiration. Infatution. Pagnanasa-- joke!

Sino ba naman kasi ang hindi maiinlababo kay Stephen sa sobrang bait? Saka palagi kasi siyang nasa tabi ko noong panahong wala akong kalandian kaya sige, siya na lang ang crush ko. No big deal ah.

Crush nga lang ba?

Leche, konti na lang masasabunutan ko na tong konsensya ko. Teka, nasasabunutan ba ang konsensya? Ang landi kasi eh.

Nako, bahala na. Ayoko munang mastress sa lovelife ko. Malapit na ang finals at graduating na ako kaya kailangan kong ayusin ang buhay ko kun'di baka wala akong makuhang scholarship sa college. At kapag wala akong nakuhang scholar, edi nga nga.

Jusme. Ka-stress.

"Ching!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin.

Kakasabi ko pa lang na ayokong masstress sa lovelife ko pero heto nanaman si Stephen.

"Bakit?" Mataray na pagtatanong ko dahil galit pa ako sakanya.

"Uhm, ano kasi.. Saan ka kakain?"

Napataas agad ang kilay ko sa tanong niya. Aba himala, kung noon para akong hangin tuwing kasama niya si Camille landi tapos ngayon tatanungin niya ako kung saan ako kakain? Anyare?

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now