Wakas

523 15 0
                                    

Wakas / Epilogue

Finally! Gosh. Namiss ko tong Pilipinas. I missed the air, the food, the people and everything. It's been two years.

And speaking of food, I'm hungry na. Saan kaya masarap kumain? Namiss ko ang ginataang hipon dito. O kaya adobo at sinigang. And ugh, I missed lutong bahay.

"Panchinggg!"

Napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses na iyon and I found Patricio running towards me.

"I miss you!" Sabi niya at yumakap sakin.

Napatingin tuloy ang ibang tao samin dahil sa gitna pa talaga kami ng airport nagyakapan.

"Hey. I miss you too, but first thing first. Help me carry my luggage and let's eat first. I'm hungry na." I said between his hugs.

"Okay fine. Ang laki ng pinagbago mo! It's been 2 years huh?" Sabi niya habang tinignan ako from head to toe.

Well, tama siya. Malaki na nga ang pinagbago ko, I have a slim body and medyo pumuti rin ako dahil sa malamig na climate sa U.S.

"Where do you want to eat?" Tanong ni Patricio habang hila hila ang luggage ko pasakay sa kotse niya.

"Kahit saan, basta I want sinigang or adobo. I misaed Philippine food." I said at sumakay na sa kotse niya.

"Alright."

We headed to a Pinoy restaurant and eat sinigang and kare-kare. I missed this so much! Puro steaks and beef lang kasi ang nakakain ko sa U.S at walang ganitong klaseng pagkain doon.

"So, how's life in U.S?" Tanong ni Patricio habang kumakain kami.

"It's Great. Naging successful yung business ng tito mo doon kaya kinakailangan kong tapusin ang two year contract. Noong una, medyo naninibago ako but then, nasanay rin naman. Kapag winter doon, halos manigas ako sa sobrang lamig. Gosh!" Sabi ko nang maalala ko yung times na umulan ng snow.

First time ko makakita nang snow doon kaya I was captivated but then, nung tumagal ang snow, halos manigas na ako sa lamig. Kaloka.

"Ikaw, how's life here in Philippines?" Tanong ko.

Itinaas niya ang right hand niya at halos manlaki ang mata ko nang may nakita akong engagement ring doon.

"I'm engage." Nakangiti niyang sabi.

"What?! Omygod. Really? Bakit hindi mo sinabi sakin? Sinong babae ang nabulag sayo?" Gulat kong sabi.

"Grabe. Nabulag talaga? I'm sure, magugustuhan mo rin siya. She's nice and awesome." Ngiting ngiting sabi ni Patricio kaya hindi ko maiwasang mapangiti din.

"Ikaw ha? Hindi na ako updated sayo. Ipakilala mo sakin yan." Sabi ko between my smiles.

"Sure. Eh ikaw? Kamusta ang lovelife?"

Natigilan ako sa pagkain at nawala ang ngiti sa labi ko.

"Lovelife? Hindi uso sakin yan." Sabi ko na lang and then continue eating.

Bigla kong naalala yung time na paalis na ako papunta sa U.S. Nagulat ako noong dumating si Stephen at sinabi niya saking hindi talaga buntis si Camille at walang nangyari sakanila. He also said that he still loves me.

Noong panahon na yon, hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Magalit at mainis sakanya kasi hindi niya agad sinabi sakin? Pero mas lamang sa akin na yakapin siya dahil sa wakas alam kong wala pang nagmamay-ari sakanya.

TabachingChing [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant