Kabanata 38

272 10 0
                                    

Kabanata 38

/Panching/

"S..Si Camille, b-buntis si Camille. At a-ako ang ama."

Nabibingi na ba ako? Tama ba ang pagkakarinig ko?

"A..anong s-sabi mo?" Nanginginig kong tanong kay Stephen.

"Buntis si Camille at ako ang ama."

Napahinga ako ng malalim nang masigurado kong tama ang pagkakarinig ko. Pinipilit kong kumalma pero yung puso ko ay sobrang bilis ng pagtibok, hindi sa kilig kundi sa galit.

Nananaginip ba ako? Pakisampal nga ako please?

"Joke time ba to? Pwes, hindi nakakatawa." Naiinis kong sabi sakanya dahil hindi magandang biro to.

Baka naman nasa wow mali na ako? Baka may mga nagtatagong camera sa tabi tabi?

"Hindi ako nagbibiro Ching. Seryoso ako." Sabi ni Stephen.

Napakuyom na lang ako ng kamao ko. So hindi to joke time? Wala ako sa isang reality show? Hindi to panagininip? Totoo lahat to?

"B..baket? Bakit Stephen?" Ang tangi ko na lang nasabi kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.

"S.sorry. Hindi ko rin alam, l..lasing kami ng panahon na yon."

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang bumabagsak mula sa mata ko. Yung maayos na utak ko kanina parang nagkaroon ng world war at nagkagulo.

Bakit ganoon? Akala ko okay na. Akala ko magiging masaya na ako. Akala lang pala ang lahat.

"Kailan pa?" Kalmado kong tanong dahil ayaw kong magwala dito sa pampublikong lugar.

"4 weeks." Napapikit ako ng mariin sa sagot niya.

So matagal na pala? All this time niloloko lang nila ako?

"B..bakit hindi mo agad sinabi sakin Stephen? Bakit ngayon mo lang to sinasabi? Hindi mo ba alam na nasasaktan ako?! Bakit ngayon kung kailan hulog na hulog na ako sayo? So eto pala ang sinasabi mong surprise sakin?! Wow Stephen! Sobrang na surprise ako. Pucha. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang surprise mo sakin. Akala ko pa naman magiging masaya na ulit ako. Binuksan ko ulit yung puso ko para sayo pero hindi ko naman alam na isa ka rin pala sa mga lalaking loloko at mananakit sakin. Dapat pala hindi na ako nagtiwala sayo. Dapat nung una pa lang hindi na ako nagpakatanga sayo. Pero wala eh, akala ko kasi hindi ka katulad ng iba. Akala ko kasi hindi mo ako sasaktan. Ako naman si tanga na naniwala ulit. Hindi na ako nadala. Naloko na nga ng isang beses, umulit pa. Ang tanga tanga ko rin eh." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Marahas kong pinunasan ang mga luhang mistulang waterfalls sa mata ko. Pilit ko rin pinapakalma ang sarili ko dahil baka kapag hindi ako nakapagpigil, baka kung ano ang magawa ko.

Para akong bulkan na gustong gustong sumabog. Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko. Gusto kong magalit. Gusto kong magwala. Gustong kong manapak.

"I'm sorry. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho, sadyang tanga lang ako dahil sinaktan ko ang babaeng mahal ko. S..sorry Panching. Sorry."

Lumuhod si Stephen sa harapan ko habang patuloy ang pag-iyak. Samantalang ako ay halos hindi na makahinga dahil hindi ko ma-take ang mga nangyayari.

Akala ko eto na ang best day of my life. Kabaligtaran pala.

"Yan din ang sinabi niyo noon sakin. Paulit ulit niyong sinabi sa akin na hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho. Ako, pilit akong naniwala at nagtiwala. Pero wala na, sirang sira na ang tiwala ko. Ayoko na. Dyusko, napapagod din naman ako Stephen. Ang sakit sakit na."

Pinagtitinginan na kami ng ibang tao, siguro nagtataka sila kung bakit kami nag-iiyakan dito. Siguro iniisip nila para kaming nasa teleserye.

Sana nga nasa teleserye na lang kami, at sana ako ang protagonista ng kwento, sana kapag nagwakas ay happy ending na lang. Pero hindi, dahil nasa realidad kami. Walang fairytales, walang happy ending. Masasaktan at masasaktan ka rin at kailangan mong harapin iyon.

Pinunasan ko muli ang pisngi ko na puno ng luha at huminga ng malalim.

"Hindi kita masisisi Stephen. Saka ano nga bang karapatan kong magalit kung hindi naman tayo. Nanliligaw ka pa lang naman sakin diba? Wala pang commitments, hindi pa kita sinasagot. Muntikan na nga kitang sagutin diba? Buti na lang at sinabi mo agad. Sayang, akala ko sasaya na ulit ako. Nakakatawa lang dahil nakita mo rin akong nasaktan noon kay Patricio at ikaw ang nasa tabi ng panahon ngayon. Pero tignan mo nga naman ngayon, ikaw na mismo ang nanakit sakin. Pero nagpapasalamat pa rin ako sayo dahil atleast may mga pagkakataon na naging masaya ako. At hindi ko pagsisisihan iyon. Dahil sayo, natuto akong hindi na muli magtitiwala pa sa iba. Dahil sayo, dalang dala ako. Salamat sa lahat Stephen. I guess, hindi talaga tayo para sa isa't isa. Alagaan mong mabuti si Camille at ang magiging anak niyo, wag mo siyang lolokohin dahil sobrang sakit maloko. Paalam na Stephen, sana sa pagkikita natin ay maayos na ang kanya kanya nating buhay. Siguro tatawanan na lang natin tong mga nangyari balang araw. Masaya akong nakilala kita." Huling sinabi ko at tumalikod na at naglakad papalayo.

"Panching.."

Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako nagtangkang lumingon. May mga nakakabangga akong tao dahil hindi ko na masyadong nakikita ang dinadaanan ko dahil sa luha sa mga mata ko.

Siguro ito na ang last na pagkikita namin. Kasi hindi ko na yata kakayanin ang sakit, over acting na kung over acting, baka ikamatay ko na ang sakit.

Hindi naman kasi sinabi ni God na sobrang adventurous ng buhay ko. Grabe sa pagsubok. Hindi ako nainform na ganito kasakit ang pagdadaanan ko bago ako matuto. Bago ako mamulat sa katotohanan.

Bakit nga ba kasi ako nagtiwala pa? Sino ba naman kasi ang magmamahal sa katulad ko na masyadong trying hard? Na pumayat lang ng bahagya ay umapaw na ang confidence sa saril? Na feeling mo ay siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa?

Sino nga ba naman kasi ako? Bakit ba nagpakatanga nanaman ako? Ayan. Nasaktan ulit.

Pero dibale, ang dami kong napulot na aral. Ang dami kong natutunan. Ganon naman talaga diba? Imbis na magalit ka ay baunin mo na lang ang lahat ng natutunan mo para sa susunod, hindi ka na masasaktan pa.

Hindi ko rin naman masisisi si Camille, tao din siya. Nagkakamali. Kahit na inis na inis ako sa malanding yon. May magagawa pa ba ako? Nangyari na eh.

Atleast ngayon, alam ko na ang gagawin ko. Natuto na ako. Ang kailangan ko na lang ay magpakatatag para lampasan tong mga problemang pinagdadaanan ko.

Sana lang kayanin ko..

Kasabay nang pagpatak ng mga luha ko at paglubog ng araw ay ang paglimot ko na nagmahal ako ng dalawang beses at nasaktan.

Simula sa araw na to, mas magiging matatag ako at hinding hindi ko na hahayaang masaktan pa ako.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now