Kabanata 35

307 13 0
                                    

Kabanata 35

/Panching/

May mga pangyayaring mahirap tanggapin pero kahit pagbaligtarin mo man ang mundo, kailangan at kailangan mo itong tanggapin ng buong puso.

May mga taong nawawala pero kahit anong gawin mo ay wala ka nang magagawa pa. Kahit maglupasay at mag-uumiyak ka pa dyan, hinding hindi mo na maibabalik pa ang nawala na.

Ang kailangan mo na lang gawin ay tanggapin ang lahat ng maluwag sa puso.

Ilang araw na ang lumipas simula ng pumanaw si Ms. Tiradora. Hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari. Hindi naman kasi ganon kadali tanggapin iyon eh. Palagi ko siyang naaalala, palagi ko siyang hinahanap hanap. Walang araw na lumilipas na hindi ko siya namimiss. Palagi rin akong pumupunta sa library at nagbabakasakali na isang panaginip lang ang lahat. Umaasa na may babati pa sa akin na isang matanda pag pasok ko sa library.

Pero wala. Walang tumatawag na pang international name sakin. Walang sign ni Ms. Tiradora. Ibig sabihin, hindi panaginip ang lahat. Hindi ito isang bangungot na pwede mong kalimutan.

Buong gabi, nasa kwarto lang ako at umiiyak magdamag. Wala akong ganang kumain, bukod sa tuyo nanaman ang ulam, nalulungkot pa rin ako. Kinakatok ako nila inay sa kwarto ko pero nagpanggap na lang ako na tulog. Nag-aalala sila sakin, buti na lamang at nandyan si Stephen para ipaliwanag kila inay ang nangyari.

Kaninang umaga naman, tahimik lang sila inay at Muymoy, mukhang alam na nila ang nangyari.

Bangag na bangag pa rin ako, wala pa akong tulog at mugtong mugto ang mata ko. Parang gusto ko lang humilata sa kama ko at matulog maghapon.

Nakakawalang gana.

Nabalik lang ang sa ulirat nang may naramdaman akong tumabi sakin.

Si Patricio.

"Nabalitaan ko yung nangyari, condolence." Malumanay na sabi ni Patricio.

Nginitian ko lang siya, isang ngiting malungkot.

"Kamusta?" Pagbati niya.

"Okay lang, nahinga pa naman." Pagbibiro ko pero mukhang hindi siya natawa sa joke ko. #Waley.

"Huwag mong sabihing okay ka kahit hindi naman." Nag-aalalang sabi ni Patricio.

Ano ba naman kasing magagawa ko? Kahit sabihin kong hindi ako okay, may magagawa ba sila? Wala naman diba? Edi mas mabuting sabihin ko na lang na okay ako kahit hindi naman.

Nag-kwentuhan lang kami saglit ni Patricio at umalis na rin agad siya dahil may klase pa siya. Kaya ako, heto at nag-iisa. Dibale, sanay naman akong iniiwan. #Hugot

Pumunta muna ako sa room ko para sa next class, kahit maaga pa. Wala rin naman akong ibang pupuntahan. Alangan namang pumunta ako sa library? Edi lalo akong nalungkot. Saka na ako dadalaw sa library kapag medyo naka move-on na ako.

Pagdating sa classroom, as usual maingay pa rin. Wala namang pagbabago.

Parang ako maganda pa rin, wala namang pagbabago. #GGSS

--

Pagkatapos ng klase ko ng umaga, dumiretso muna ako sa cafeteria at bumili ng tubig.

Hindi ko alam kung ihahatid ako ni Stephen, hindi ko pa kasi siya nakikita mula kanina eh. Hindi rin naman nagtetext.

"Hey Tabachingching!" Nagpantig bigla ang tenga ko nang marinig ko ang isang maarteng boses.

Landi radar, mode on.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now