Kabanata 15

440 17 0
                                    

Kabanata 15

/Panching/

May mga pagkakataon talagang akala natin nakita na natin ang 'destiny' natin, pero hindi pa pala. Akala natin siya na si Mr. Right, pero hindi pala.

May mga tao naman na pinagtagpo pero hindi itinadhana. Parang kami lang ni Patricio, pinagtagpo kami pero hindi naman talaga kami para sa isa't-isa.

May iba naman na itinadhana pero hindi pinagtagpo. Parang Aldub lang ang peg ah? Sabi nga ni Lola Nidora may tamang panahon ang lahat ng bagay.

At mayroon namang pagkakataon na mapapamura ka na lang sa sobrang inis. Tengeners. Magmomove-on na sana ako pero nung nakita ko nanaman ang pagmumukha ni Patricio parang bumalik ang lahat ng ala-ala ko sakanya. Pati yung sakit bumalik din. Leche.

At kasama niya pa yung 'bagong' girlfriend niya ah? And take note, 'beb' pa tawagan nila sa isa't-isa? Samantalang kami noon ni Patricio, ni hindi ko man lang narinig na tinawag niya akong 'babes'.

Anyway, highway, fly away,by the way at lahat ng words na nagtatapos sa 'way'. Chos! I'm on my way to gym. Dahil linggo ngayon at wala naman akong gagawin, sisimulan ko na ang step 2 in moving on. Hindi ko akalain na maaga pa lang kailangan ko na tong gawin. Napag-isip isip ko na kailangan ko nang bawasan ang timbang ko, ipapakita ko kay Patricio na hindi ko siya kawalan, siya ang may kawalan sa akin. Dadaigin ko ang girlfriend niyang ipinaglihi sa sama ng loob. Makikita nila ang transformation ko bilang new Panching Tolentino.

Isang linggo na rin ang lumipas simula nang nagpart time job ako sa isang fastfood chain na may nakadisplay na bakla na pulang bubuyog sa labas. Akala naman nila ikinaganda ng restaurant nila ang pulang bubuyog. Chosera!

So eto na nga, on the way na ako sa gym kasama si Stephen, mag gy-gym din daw kasi siya and day off rin naman niya sa part time job niya na part time job ko na rin. Oh diba araw araw magkasama kami? Tuwing saturday din kasi may pasok kami sa part time job namin tapos after classes diretso ulit kami doon. And so far may progression naman, nakakapag ipon naman na ako pero hindi ko pa nasasabi kay inay na wala na akong scholar. Nakakatakot kasi magalit si inay. Isang beses nga niloko ko siya, sabi ko buntis ako, alam niyo ang ginawa ng nanay ko? Pinagtabuyan ako at pinaghahagis ang mga damit ko sa kalye. Kaloka talaga ang inay ko.

Okay ang dami ko nang monologue. Kabogera!

Pagdating ko sa kanto namin nakita ko nanaman si Popoy na walang ibang ginawa kun'di mag-adik lang sa kwento ko. Kaloka.

"Hi Panching! Saan lakad mo?" Pagtatanong ni Popoy nang makita niya ako, at nakangisi pa ang gago. Akala mo naman ikinagwapo niya, nagmukha lang siyang timang.

"Ayoko nga! Ayokong sabihin kung saan ako pupunta. Hindi ko sasabihin sayo na pupunta akong gym para magpapayat at ipamukha sa gunggong kong ex na kawalan niya ako!" Galit na sabi ko sabay flip hair.

"Ahh. Oo nga mukhang ayaw mo ngang sabihin kung saan ka pupunta. Push mo yan!" Sabi ni Popoy at inisnob ako. Wow siya pa ang may ganang mang snob sa akin ah? Sus if I know patay na patay yan sa akin.

"Pero Ching seryoso, magpapapayat ka nga talaga?" Di makapaniwalang tanong ni Popoy.

"Bakit mukha ba akong nagbibiro?" Sarkastikong sagot ko. Akala yata ni Popoy nagbibiro ako.

"Bakit gulat kayo ano? Kapag nakita niyo ang sexy kong katawan, hindi niyo na ako malalait na tabachingching. Hahabulin niyo na ang beauty ko." Confident na sagot ko kay Popoy pero tanging iling lang ang nasagot niya sa akin. Na speechless yata sa sinabi ko.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now