Kabanata 29

320 14 0
                                    

Kabanata 29

/Panching/

Kinaumagahan, pagdating ko sa school, as usual pinagtitinginan pa rin ako at may mga pangilan-ngilan na ngumingiti pa rin sakin. Kahit yung nga stolen shots ko nung Christmas Ball nasa bulletin board pa rin.

Ang ganda ko na nga, ang peymus ko pa.

Sa paglalakad ko sa hallway sa school, nakita ko si Stephen na nakaupo sa bench at mukhang may hinihintay.

Ano namang ginagawa ni Stephen doon? Sinong hinihintay niya? Ako ba ang hinihintay niya?

Tinext niya ako kaninang umaga na hindi niya ako masusundo tapos ngayon naghihintay siya?

Kadalasan kasi hindi siya pumapalya sa pagsundo sa akin. Pero ngayon hindi niya ako nasundo at sinabi niyang emergency lang daw.

Nilapitan ko si Stephen doon at mukhang nagulat sa pagdating ko.

"Uy, anong ginagawa mo dyan?" Pagtatanong ko.

"May hinihintay lang." Sabi niya sabay tingin sa orasan. "Nga pala, di kita nasunod kaninang umaga, sorry ah. Saka baka hindi rin kita maihatid mamaya."

"Bakit? Sino bang hinihintay mo?" Kunot noo kong tanong.

"Stephen!" Napalingon ako sa babaeng tumawag kay Stephen at mukhang nasagot na ang mga tanong ko.

Guess who? Clue: Malandi.

"Camille, akala ko naligaw ka na."

"Yeah. I almost lost! Good thing, may tumulong sakin." Maarteng sabi ni Camille landi sabay pabebeng punas ng pawis.

Pwe!

"Hey! Hi Panching, nice to see you again." Napatingin sa akin si Camille head to toe at nginitian ako ng plastik.

"Hi Camille! Nice to see you too. Hindi naman ako nainform na ngayon ka pala lilipat dito sa school namin." Binigyan ko din siya ng plastik na ngiti sabay irap.

"Biglaan nga ang pagtransfer ko dito. And look at you, improving ka na. And I heard ikaw daw ang Queen of the night nung Christmas ball niyo?"

"Yes. And bago ko makalimutan, thanks nga pala sa work-out session natin sa gym niyo. It really helps a lot." Ngiting ngiti kong sabi pero sa loob looban ko ay gusto ko na siyang kalbuhin.

Bakit ba dito pa lumapit tong malandi na to? Hindi ba siya nainfor na no pets allowed dito sa school?

"Uhm, Ching gusto mo ba sumama sa amin? Ililibot ko sana si Camille dito sa university, since first time niya." Sabi ni Stephen.

"No thanks, may klase pa ako. Enjoy na lang!" Medyo inis na sabi ko sabay umirap.

Magsama silang dalawa. Kaya pala hindi ako nasundo ni Stephen dahil sa Camille landi na yan. Dapat hindi na ako mamamasahe dahil libre dapat ni Stephen ang pamasahe ko, pero dahil kay Camille landi na yan, nabawasan pa ako ng 8 pesos. Chos!

Nauna na ako sa classroom ko dahil may klase pa ako, maligaw sana si Camille at maabduct ng alien para wala nang malandi sa mundong ibabaw.

Pagdating ko sa classroom, saktong pagdating din ng teacher namin.

Isa pa tong teacher na to na pagkatamad, nahiya pa yatang pumasok. Kaloka.

Nagdiscuss lang kami dahil naghahabol na ng mga lessons ang mga teacher, bumabawi yata sa mga panahong walang pasok at vacant dahil sa Christmas ball.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now