Kabanata 4

588 26 1
                                    

Kabanata 4

/Panching/

8:30 am pa lang nandito na ako sa school para ibigay kila Patricio my labs yung project nila, tinext niya ako na sa tambayan na lang daw nila ako pumunta so on the way na ako sa tambayan nila ng makita ko yung lalaking nakasabay ko sa jeep, yung nagbayad ng pamasahe ko? Yung may make-up sa bag niya. Ang gwapo niya talaga kung tutuusin, marami ring nagtitinginan sakanya kapag dumadaan siya, pero loyal pa din ako kay Patricio babes! Kung tutuusin mas lamang ng isang paligo si Patricio babes kaysa kay kuyang mabaet na bakla. Pero kung titignan mo siya sa malayo parang hindi naman siya bakla, matipunong matipuno pa nga kung maglakad eh. Hays ewan!

"Ching!" Napalingon agad ako ng narinig kong tawagin ng isang pamilyar na boses ang pangalan ko, bigla namang nagtalunan at kinilig ang aking mga taba. Iisa lang naman ang nagpapakilig sakin ng ganito eh.

"Hi Patricio! Eto na nga pala yung project niyo." Sabi ko saka inabot yung box na naglalaman ng project nila. Grabe! Pinagpuyatan ko yan kagabe! Talagang 'A' for effort ako dyan.

"Wow! Ambilis naman! Hindi ko akalain na maibibigay mo na to ngayon, actually kahit next day pa naman. Ang galing talaga ng girlfriend ko!" sabi naman ni Patricio babes at saka pinat ang ulo ko. Waaaaaaaahh bigla naman akong kinilig! Ansarap pakinggan na tawagin niya akong 'girlfriend KO'

"Nga pala, mamaya sunduin kita sa classroom mo. May date tayo!" Bigla naman akong kinilig ng bongga sa sinabi niya! Ohmygolly. Niyayaya ako ng isang Patricio Rogelio na makipag date? Waaaaaaahh grabe! Ang haba ng hair ko. First date namin to! Mainggit kayo!

"Ahh. Hehe. S-sure!"

After kong maibigay yung project nila, nauna na ako sa classroom ko, hindi na ako naihatid ni Patricio babes dahil may gagawin pa daw sila ng barkada nila, school related activity daw. Ang sipag talaga ng BOYFRIEND KO. LOL!

Pagdating na pagdating ko sa room si Fawnyeta agad ang sumalubong sakin. Tsk tsk. Okay na sana ang araw ko, bakit nakita ko pa ang pagmumukha ng mga punyeta.

"Hi Ching!" Napataas agad ang kilay ko dahil sa pagbati niya ng nickname ko. Kailan pa kami naging close? Parang kahapon lang tinawag niya akong Tabachingching ah?

"Yung totoo anong nahithit mo Fawnyeta? Close tayo teh?!"

"Ang harsh mo naman saken Ching. Bawal ba makipag kaibigan?"

Aba himala yata kay Fawnyeta at ang bait niya ngayon? O baka naman nilalagnat? O baka naka shabu? Makipagkaibigan daw?

"Kaibiganin mo mukha mo. Wag mo kong bwisitin Fawnyeta please lang." Sabi ko na lang sakanya atsaka naupo sa upuan ko.

"Ano ka ba Ching! Gusto lang talaga kita maging friend. Narealize ko kasi na ayaw kong may kaaway, nakakapagod pala. Mas gusto ko peace, mas maraming friends mas masaya right?" Napatingin naman ako sakanya from head to toe. Yung totoo si Fawn Rosalie Garado ba talaga tong nasa harap ko? Unang una, hindi siya nakasuot ng daring na damit, naka white dress lang siya above the knee saka naka flat shoes. Nakakapagtaka lang dahil araw araw siyang nakasuot ng short na kita na ang panty niya at tube na pagkasexy sexy. Pero ngayon parang anghel siya na itinapon ng langit. Pero ang mukha, kamukha ng kampon ni Satanas.

"Alam mo Fawn, wag mo nga akong niloloko. Kilala kita Fawnyeta! Kaya tigilan mo ang pagdadrama mo dyan." Sabi ko sakanya sabay dedma. Kinuha ko na lang yung Physics book ko para magreview. Nakatulog kasi ako kagabe dahil sa pagod nung natapos ko yung project nila Patricio babes kaya di ako nakapagreview. Pero keri na din, stock knowledge na lang. *winks*

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now