Special Chapter II

332 8 0
                                    

Special Chapter II

/Stephen/

Damn. I'm so nervous right now. Today is the day! Ngayong araw na ito ako magpopropose kay Ching and I'm so fucking nervous.

"Hey chill. You look tense." Sabi ni Patricio pagkalapit niya sakin.

Nandito kami sa isang private resort sa Batangas at dito ko balak magpropose kay Ching. Nasa kabilang isla pa si Ching at walang kaalam alam dito, ang akala niya siguro ay family vacation lang ito.

Kasama kasi namin ang family and friends namin. Nandito ang magulang ni Ching, si Muymoy, pati ang dad ko ay nandito din. And some friends and relatives.

Habang kami nila Patricio ay nag-seset up para sa surprise proposal ko.

"Nakaset na ba ang lahat?" Kinakabahan at natataranta kong tanong.

"Kanina pa. Ready na ang lahat, ang soon to be bride na lang ang hinihintay." Ngitung ngiting sabi ni Patricio.

I can't help but to feel nervous. Para akong kinakabagan na hindi ko malaman. I don't know, I'm shaking right now.

"Dude, kalma. Para kang hihimatayin ah? Don't worry, oo at oo lang ang isasagot ni Panching. Aba, sa dami ng pinagdaanan niyo aayaw pa ba siya?"

Umiling na lang ako sa kapilyuhan ni Patricio. I know he'a trying to lighten up me but I just can't. God. I can't wait to hear her answer.

Bigla tuloy nagflashback lahat ng memories namjn ni Ching. From good ones to painful ones. Lahat ng pinagdaanan namin ay parang kidlat na nagflash sa utak ko.

Yung unang pag-uusap namin sa jeep, yung pagbayad ko ng pamasahe niya dahil wala na siyang pera. Yung pinagkamalan niya akong bakla. Yung pagiging magkaibigan namin. Yung naheartbroken siya kay Patricio, na kapatid ko. Yung panahong ako lang ang kasama niya. Yung panahong sa akin siya umiiyak. Yung panahong gusto niyang pumayat kaya tinulungan ko siya at pumunta sa gym at doon niya nakilala si Camille. Yung panahong nagconfess ako sakanya ng feelings ko. Yung panahong sinabi niyang nagugustuhan niya na ako. Hanggang sa panahong pinakamasakit, nang sabihin ko sakanyang buntis si Camille, na hindi naman talaga totoo. Yung pag-alis niya. Pati na rin yung muli naming pagkikita sa homecoming party at muling pagtibok ng puso ko sakanya. Hanggang sa umalis ulit siya ng bansa. At magpahanggang ngayon.

Lahat lahat ng pinagsamahan namin ay parang nagflashback sa utak ko.

Yung kaming dalawa lang. Kaming dalawa sa iisang mundo.
Mula sa masasayang ala-ala hanggang sa pinakamasasakit. Pero lahat iyon ay hindi ko pinagsisihan. Dahil lahat ng pagsubok na dumating sa buhay namin ay hinuhubog kami na mas maging matatag.

Parang lahat ng masasakit na ala-ala ay naging tatak na sa puso't isip namin, dahil kapag naaalala namin iyon, hindi ko maiwasang mapangiti. Napapangiti ako kasi nalagpasan namin lahat ng pagsubok na iyon, napapangiti ako kasi proud ako na lahat ng iyon ay pinaglaban ko si Ching. Napapangiti ako kasi alam kong ready na kami sa panibagong hamon, panibagong pagsubok sa buhay namin.

Kaya ngayon, gusto kong makasama si Ching habang buhay sa pagharap ng mga pagsubok na iyon. Gusto kong magkasama kami sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa. Gusto kong ishare sakanya ang buhay na mayroon ako at ishare niya sakin ang buhay na mayroon siya.

"Andyan na si Panching!" Sigaw ni Patricio nang matanaw ang isang bangkang paparating.

Nagsiayusan na ang mga kasama namin at ako naman ay pumwesto na.

This is it.

"Nandito lang pala kayong lahat. Hindi niyo man lang ako sinabihang dito tayo magpipicnic." Sabi ni Ching nang makababa siya sa bangka.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa kabila ng kabang nararamdaman ko. Sobrang ganda niya sa mahabang dress niya, para siyang anghel na bumaba sa lupa. Anghel ng buhay ko.

Nagsilapitan ang mga kaibigan ni Ching at ang pamilya niya habang kami ay nag-aayos ng lamesa at inihanda ang barbecue.

"Goodluck bro." Bulong sakin ni Patricio kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

Nang magsimula na kaming kumain ay doon na ako mas kinabahan dahil pagkatapos ng salo-salong ito ay doon na ako magpopropose kay Ching.

Nang matapos ang kainan, inayos muna namin ang mga lamesa at nilapitan ko na si Ching.

"Hey." Sabi ko habang busy siya sa pagliligpit ng kinainan namin.

Agad naman siyang humarap sakin na nakangiti kaya hindi ko maiwasang mapangiti rin. Parang sa ngiti pa lang niya nawala na lahat ng kaba ko.

"Thank you nga pala sa pagdala dito kila inay. Namiss ko talaga sila." Nakangiting sabi ni Ching.

"Huwag ka munang magthank you." Sabi ko at bakas sa mukha niya ang pagkalito.

"Ching.. may gusto sana akong itanong sayo."

"Ano yun?"

"Pwede ba kitang tawaging Mrs. Panching Tolentino Geronimo?" Sabi ko at lumuhod sa harap niya at ipinakita ang box na naglalaman ng singsing.

Nag-ayiee ang mga kasama namin at bakas sa mukha ni Ching ang gulat. Napatakip siya ng bibig at unti-unting tumulo ang luha sa mata niya.

"Hey. Why are you crying? It's okay if you're not ready." Sabi ko at pinunasan ang luha sa mga mata niya.

"Stephen.. You want to know my answer?" Maluha luhang tanong ni Ching.

"Yes ofcourse! I want to be called Mrs. Panching Tolentino Geronimo."

Halos mapatalon ako sa tuwa nang marinig ko ang sagot niya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang ang mga tao sa likod namin ay naghihiyawan at nagpapalakpakan.

"Thank you.. thank you so much Ching. I love you." Bulong ko at hinalikan siya sa noo.

"I love you too Stephen.. my soon to be husband."

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now