Kabanata 26

325 12 0
                                    

Kabanata 26

/Panching/

"Panching! Bumangon ka na dyan, tanghali na! Wala ba kayong pasok?" Narinig ko agad ang bunganga ng magaling kong inay pagkamulat na pagkamulat ko pa lang ng mata ko.

Etong si inay, nakalabas lang ng hospital magaling na agad, magaling na magbunganga.

"Wala po kaming pasok ngayon gawang ngayon po ang Christmas ball namin." Inaantok ko pang sagot.

Late na rin ako natulog kagabi para sana pahapon na ako magising ngayon kaso naman, narinig ko agad ang boses ng pinakamamahal kong inay.

Biglang pumasok si inay sa kwarto ko at tinabihan ako sa kama ko. Anong drama ni inay?

"Nak, pasensya ka na kasi ako ang may dahilan kung bakit hindi ka makakapunta sa ball. Alam ko namang yung inipon mo para sa damit mo ay pinambayad mo sa ospital. Pasensya ka na anak." Nalulungkot na sabi ni inay.

"Ang drama mo nay! Ano ka ba nay, wala sakin yon. Saka puro sayawan at party lang naman ang meron doon sa ball eh." Sabi ko habang nakangiti kaya ngumiti na rin si inay.

"Osya sige na, hindi rin ako sanay na magdramahan tayo. Tumayo ka na dyan at mag-ayos." Sabi ni inay atsaka lumabas na ng kwarto ko.

Nahiga muna ako saglit sa kama ko at nag muni-muni.

Ngayon na ang inaabangang araw ng lahat! Ang tamang panahon. Chos!

Ngayon na ang Christmas ball ng school, isa sa pinakamalaking event. Iniisip ko pa lang, naiinggit na ako sa mga pupunta. Yung iba panigurado tulog pa at nagbebeauty rest samantalang ako kailangan ko nang gumising para simulan ang normal na araw ko.

Nang mahimasmasan na ako, agad akong naligo at nagbihis ng matino-tino. Umabot din ng halos dalawang oras ang paliligo at pag-aayos ko dahil nagbabad ako sa banyo. Wala lang, trip ko lang.

"San punta ate?" Tanong ni Muymoy nang naabutan niya akong nagsusuklay ng buhok sa tapat ng salamin namin.

"Sa langit, sama ka?" Nakakaloko kong sagot sakanya kaya napailing na lang siya.

Actually hindi ko rin alam kung saan ako pupunta, si inay nagluluto na ng tanghalian dahil 12:30 na rin naman. At ako, heto't nag-iisip pa ng pupuntahan na paniguradong maaaliw ako.

Papunta na sana ako sa kusina para tulungan muna si inay nang may kumatok sa pintuan namin, kaya't binuksan ko muna iyon.

"Hi Panching!"

Nagulat ako ng lumantad sa akin ang isang diyos--este si Stephen pala na ngiting ngiti.

"Teka anong ginagawa mo dito?" Pagtataka ko habang siya ay tuloy tuloy na pumasok sa bahay namin.

Wow feel at home siya ah?

"Uy Stephen! Napadalaw ka? Kamusta?" Bati ni inay kay Stephen at saka pinaupo ito sa sofa.

Wow, parang hangin lang ako na nilagpasan ah?

"Ayos naman po. Kayo po kamusta, balita ko naospital daw po kayo?" Magalang na pananalita ni Stephen.

"Ah okay naman na ako, highblood lang hehehe." Pabebeng sagot ni inay with matching hampas pa sa braso ni Stephen. Landi ng inay ko, ibalik ko kaya to sa hospital? Chos.

"Kumain muna kayo? Sakto kaluluto ko lang." Pagyayaya ni inay sa kusina pero tinanggihan din agad ito ni Stephen.

"Uhm, hindi na po. Si Panching po talaga sadya ko dito. Pwede ko ba siyang mahiram buong araw?" Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Stephen.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now