Kabanata 6

558 22 3
                                    

Kabanata 6

/Panching/

Mabilis na lumipas ang mga araw, Sabado na ngayon kaya walang pasok, malamang. Hindi pa din kami nag-kakausap ni Patricio pero nagtext siya sakin kanina.

Goodmorning Ching! Sorry hindi muna tayo makakapagdate ngayon dahil may lakad kasi kami ng family ko. I love you. :*

Hayzz, pansin ko na sobrang busy lately ni Patricio. Pero keri lang, mag bubusy busyhan mo na ako ngayon, madami akong kailangan gawin. Maglalaba pa ako ng mga damit ko at damit na rin ng pasaway kong kapatid. Pero bago ko simulant ang aking daily routiines mag-aalmusal muna ako.

Late na rin kasi ako nakatulog kagabi dahil nanood pa ako sa T.V 5 ng 'Wattpad Presents' Jenny and the Magic Arinola. Pero isang himala na maaga pa din ako nagising, naunahan ko pa nga yung alarm clock ko eh. Mukhang puyat kagabi ang alarm clock ko ah?

"Inay anong almusal naten?!" sigaw ko kay Inay na kasalukuyang dinadasalan ang kanyang mga bingo card. Mukhang naghahanap ng himala ang malufet kong inay ah?

"Tumingin ka na lang dyan ng makakain sa ref!" Napakunot agad ang noo ko sa sinabi ng inay ko.

"Nay wala naman tayong ref eh!" sigaw ko kay inay na patuloy pa rin sa pagriritwal niya.

"Ay wala ba? Mamili ka na lang ng makakain dyan sa lamesa." Agad naman akong napatingin sa lamesa, nakita ko ang limang pirasong tuyo at tutong na nasa plato.

"Anong pipiliin ko dito? Eh tanging tuyo at tutong lang tong nakahain dito?!" pasigaw kong tanong sa inay ko.

"Kingina Panching! Mamili ka kung kakain ka o hinde! Wag mo kong bwisiten umagang umaga!" Tengeners, ang highblood agad ng inay ko ah? Mukhang seryoso siyang talunin yung kapitbahay namin na si Aling Becky sa pagiging title holder ng 'Mutya ng Bingo' last year. Ge push mo lang yan inay, support ako dyan.

Hindi na lang ako nag-almusal dahil wala din namang aalmusalin. Dumiretso agad ako sa backyard, Taray backyard. Chos. Dumiretso na ako sa bakuran naman para maglaba.

"Panching aalis pala ako. Ikaw na muna ang bahala dito sa mansion natin ah!" sigaw ni inay na may dalang bayong.

"San ka punta nay?" tanong ko habang nakatingin sakanya na palabas ng bahay.

"Sa Obando, baket sama ka?!"

"Ano namang gagawin mo sa Obando?" Tanong ko na may halong pagtataka. Ano nanaman kayang trip niyo ni inay?

"Magsasayaw ako sa Obando para naman manalo ako sa bingo at matalo ko si Becky." Agad namang napataas ang kilay ko sa sinabi ni inay.

"Eh diba kapag gusto mo lang magka-anak saka ka magsasayaw sa Obando? Yung totoo inay, anong nahithit mo ngayon?"

"Tounge ina ano bang pake mo? Trip ko eh. Maglaba ka na lang dyan, matutuwa pa ako sayo." Sabi ni Inay sabay alis, hay nako ang inay ko talaga ang lakas ng tama! Dinaig pa si Dora sa kakalakwatsa eh. Ang hirap talaga ng may alagain na nanay.

Naglaba na lang ako ng mga damit namin ni Muymoy, and speaking of Muymoy saan nanaman kaya nagsususuot yung batang yon?

"Pst!" napalingon agad ako sa paligid ko nung may narinig akong sumutsot.

"Pst ate Ching!" Nakita ko ang batang kapitbahay namin na si Sara na nakadungaw sa pader.

"Uy Sara! Musta? Nasan nanay mo? Si Aling Becky?" tanong ko kay Sara, katabing bahay lang namin sila at nanay din ni Sara ang mahigpit na kakumpetensya ng inay ko sa bingo, si Aling Becky.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now