Kabanata 43

258 9 0
                                    

Kabanata 43

/Panching/

Pagdating ko sa office ay nandoon agad si Patricio naghihintay sakin.
"Morning." Sabi ni Patricio pagka-upo ko sa desk ko.

"Kamusta ang paghatid sayo ni lover boy--este ni Stephen?" Nakangising tanong ni Patricio.

Nang maalala ko ang sinabi ni Stephen sakin kanina ay sinamaan ko ng tingin si Patricio.

"Kamusta naman ang hindi pagsabi sakin na magkapatid pala kayo ni Stephen?" Taas kilay kong tanong at nakita ko agad sa mukha niya ang pagkagulat.

"W..what?! Sinabi niya sayo?!"

Inirapan ko lang siya at sinimulan na ang trabaho ko.

"What the eff. Bakit niya sinabi sayo?! Ako nga dapat magsasabi nun sayo eh. Kainis, lagot sakin mamaya yung lalaking yon." Himutok ni Patricio na parang bata.

Atleast okay sila bilang magkapatid. Para silang mga bata na inagawan ng laruan.

"So sinabi niya na rin naman sayo, edi kayo na ulit?" Napaangat ang tingin ko kay Patricio na ngayo'y nakangisi.

"Hindi. Saka naging kami ba? There was never an us." Mataray kong sagot kaya napatawa na lang si Patricio.

"Ahh oo nga pala. Nung sasagutin mo na siya bigla niyang sinabi na nabuntis niya si Camille."

Tinignan ko ng masama si Patricio dahil nang-aasar nanaman siya. Palagi niya akong inaasar kay Stephen kapag wala siyang magawa.

"Shut up." Inis kong sagot sabay irap.

"Anong oras ka na niya naihatid?" Patuloy na pangungulit ni Patricio.

"Sa apartment ko siya natulog." Simpleng sagot ko.

"Ano?! Sayo siya natulog? Bakit? May nangyari na ba? Sinasabi ko na nga ba eh." Gulat na gulat na sabi ni Patricio.

"Pwede ba? Ang dumi ng utak mo. Walang nangyari, sobrang lakas kasi ng ulan at bumabaha na kaya sa apartment ko muna siya natulog." Sabi ko pero kakaiba pa rin ang tingin ni Patricio sakin na para bang may ginawa akong krimen.

Inirapan ko na lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Panching tanong ko lang. Paano kung malaman mong hindi talaga buntis si Camille? May chance ba kayo ni Stephen kung sakali?" Pagtatanong ni Patricio habang titig na titig sakin at para bang sinusuri ang magiging reaksyon.

"Alam mo, ganyan na ganyan din ang tanong sakin ni Stephen kanina." Simpleng sagot ko at nakita ko ang gulat sa reaksyon niya.

"Talaga?! Ano sabi mo? May pag-asa ba?"

"Sabi ko, oo naman. Bakit hindi? Eh kaso nangyari na eh." Sagot ko ulit.

"Hmm. May sinabi ba siya sayo?" Tanong ni Patricio.

Kinunutan ko siya ng noo at inisip kung may sinabi sakin si Stephen na kakaiba. Well, marami siyang sinabi sakin pero wala naman yatang kakaiba doon.

"Wala naman." Sagot ko kay Patricio at itinuloy ang pagtatype sa computer ko.

"Hay nako, kung alam mo lang." Bulong ni Patricio pero hindi ko masyadong narinig kaya napatingin ako sakanya at nakakunot lang ang noo niya.

Hindi ko na lang pinansin si Patricio at nagfocus na lang sa trabaho ko. Kailangan kong magpa-good shot sa boss ko dahil malapit na ang 13th month pay namin.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now