Kabanata 12

438 18 0
                                    

Author's Note:
Another update, medyo sabaw sabaw muna ang update dahil katatapos lang ng exams namin. BTW gusto niyo na bang malaman ang side ni Patricio? Mwehehehe.

Kaninong team kayo? PatChing o StePan? Ako PoyChing ako! HAHAHAHA. Anyway, enjoy reading!

Kabanata 12

/Panching/

Maaga akong sinundo ni Stephen sa bahay namin, kasing aga din ng paghihiwalay namin ni Patricio, kasing aga ng pagkawasak ng puso ko. #BoomHugot

Biruin mo chapter 10 palang break na agad kami ni Patricio? Ni hindi man lang pinaabot ng mga 15 chapters. Nakaka-hurt hurt. Ang aga ko naman agad naging single.

"Para po!" Sigaw ni Stephen sa driver ng jeep nang nasa tapat na kami ng Dyosa University.

Omygolly! This is it. Kinakabahan ako, paano kung pagpasok ko pa lang ay makita ko na agad si Patricio? Anong gagawin ko? Iiwasan ko ba sya? O sasampalin ng kaliwa't kanan para sa mga panlolokong ginawa niya sa akin? Pero sa tingin ko hindi ko kayang gawin yon, hindi ko siya kayang saktan sa lahat ng panlolokong ginawa niya sa akin. Ganoon talaga, mahal na mahal ko eh. Tanga na kung tanga.

Pagpasok namin sa school ma matang mapanghusga agad ang sumlubong sa amin. May mga estudyante pa nga akong naririnig na nagbubulungan.

"Ang kapal talaga ng mukha niya. Noon si Patricio ang nilalandi, ngayon naman ibang lalaki? Mabuti ngang iniwan na siya ni Patricio." Rinig kong bulong ng isang babaeng estudyante.

Hinayaan ko na lang sila, as much as possible ayaw ko na ng away. Pero ang sakit lang isipin na ang iniisip nila ay kabaligtaran sa mga nangyayari. Akala nila tama si Patricio, akala nila si Patricio ang kawawa. Pero hindi nila alam na ako ang naloko, ako dapat ang maging kaawaawa.

Napaka unfair ng mga tao ngayon, binabase nila sa panlabas na kaanyuan ang mga hinuhusgahan nila. Porket pangit ang isang tao huhusgahan na agad nila, pagiisipan na agad nila ng masama. Hindi natin alam na ang mga taong sinasabihan natin ng pangit ay ang mga taong tumatagal ng halos isang oras sa salamin para magmukhang presentable. Hindi natin alam na yung mga taong sinasabihan natin ng malandi ay ang mga taong may mabubuting puso. Hindi natin alam na yung mga taong binubully at tinutukso natin na nerd ay ang mga taong nagpapakahirap mag-aral para lang sa pamilya niya. At higit sa lahat, hindi natin alam na ang mga taong palatawa ay ang mga taong mas mabigat pa pala ang dinadalang problema.

Masakit man sabihin pero ganyan na ang mga tao ngayon. Mapanghusga. Mapanglait.

Hinatid ako ni Stephen hanggang sa classroom ko, at wala pang sign ni Patricio ang lumilitaw. Mas mabuti na yon, as much as possible ayoko muna siyang makita.

"Bye na Ching daanan na lang ulit kita mamayang uwian." Nakangiting sabi ni Stephen na para bang wala lang sakanya ang mga taong nakatingin sa amin.

"Sige bye." Sabi ko atsaka tuluyan nang pumasok sa classroom.

Pagpasok ko nakita ko agad si Fawnyeta na nakapamewang sa akin. At mawawala ba ang mga tingin ng mga kaklase ko? Eh halos buong school yata alam ang kahihiyang ginawa ko eh.

Nilagpasan ko na lang si Fawn dahil ayaw ko munang makipagratratan sakanya ngayong araw na to.

"How dare you na lagpasan na lang ang beauty ko ha?" Pagtataray ni Fawn habang nakasunod sa akin papunta sa upuan ko.

"Hoy Panching magsalita ka nga! Ano tatameme ka na lang ba dyan forever?! Siguro natauhan ka na na hindi ka talaga mahal ni Patricio ano? Sabi ko naman sayo Panching, never maiinlove si Patricio sayo! Asa ka pa." Tengeners na Fawnyeta to ah! Talaga bang kailangan nilang ipamukha sa akin na imposibleng magkagusto sa akin ang gwapong tulad ni Patricio? Oo na. Tanggap ko naman eh.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now