Kabanata 20

373 16 0
                                    

Kabanata 20

/Panching/

"Nay! Nandito na po ako!" Sabi ko at saka pumasok sa loob ng bahay.

Naabutan ko sila inay, Muymoy at Sara nanonood ng Pangako Sa'yo. Aba at ang inay ko may katabi pang tissue, sabi niya, incase daw na maiyak siya. Loka talaga.

"Nay kumain na kayo? May dala akong ulam! Galing kay Stephen." Sabi ko at saka dumiretso sa kusina at inihain yung ginataang hipon na niluto kanina ni Stephen.

Mag-aalasais na rin ng ihatid ako ni Stephen, sabi ko nga wag niya na akong ihatid eh, pero nag-insist siya tapos ipinag balot niya pa ako ng ulam, at ipatikim ko daw kila inay. Tuwang tuwa kasi nung nasarapan ako sa luto niya at dun sa sinabi ko na ideal man ko ang magaling magluto.

Lumaki yata ulo. Char!

"Yown! Sakto natotomguts na ako." Excited na sabi ni Muymoy at dire-diretsong umupo sa hapag.

"Teka, galing kay kuya Stephen to? Pumunta ka sa bahay nila?" Pagtatakang tanong ni Muymoy.

"Ah eh.. Oo, may assignment kasi kaming ginawa." Pagpapalusot ko na lang dahil kung sasabihin ko pa ang buong kwento na nakipag basag ulo kami ay paniguradong mag-aalala lang sila. OA pa naman kung makapagreact tong si inay.

"Wow ang sarap!" Rinig kong sabi ni Sara habang tuloy tuloy sa pagsubo. Wow! Hanep tong batang to, palamunin pa dito sa bahay! Chos.

"Aba oo nga, ang sarap! Magaling pala magluto si Stephen." Komento naman ni inay at nilantakan na ang luto ni Stephen.

"Approve na para maging manugang! Basta wag ka lang lolokohin." Halos mabilaukan ako sa sinabi ni inay.

"Manugang agad?! Masarap lang magluto." Sabi ko na lang pero infairness, natouch ako sa sinabi ni inay na 'basta wag ka lang lolokohin.'

Nang matapos kami kumain ay si inay na ang nagprisentang maghugas ng pinggan. Himala nga eh, ang bait ni inay ngayon.

Agad na rin naman akong dumiretso sa kwarto ko dahil masakit pa rin ang ulo ko pati ang katawan ko. Lecheng Sabrine talaga yan! Pag talaga lumapit siya sakin ng isang metro kakalbuhin ko siya at ipapalapa sa tigre!

Nang makahiga na ako sa kama ko, agad din akong dinalaw ng antok.

And all I could see is a pure black and a familiar scene.

***

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa bunganga ng nanay ko.

Pero pagkagising ko ay ang panaginip ko agad ang naalala ko. Ang weird lang, napanaginipan ko nanaman ang sarili ko na may kausap na lalaki pero hindi ko pa rin maaninag yung lalaki. Nakakapagtaka lang kasi palagi ko yun napapaniginipan, pero hindi ko naman makita kung sino ba yung lalaking kausap ko sa panaginip na palaging sinasabi na mahal niya ako.

Hays, Napaparanoid na yata ako.

Bumangon na ako sa higaan ko at naligo. Wala kaming pasok ngayon dahil regular holiday, kaya napagkasunduan namin ni Stephen na pumunta na lang sa gym.

Makikita ko nanaman si Camille landi, akala ko dedz na yon. Leche.

"Inay, aalis na po ako!" Pagpapaalam ko kay inay at hindi ko na hinintay yung sagot niya at mabilis na tumakbo pasakay ng jeep.

Mabilis lang din ang byahe papunta sa gym ni Camille landi. At syempre, malayo pa lang ako, naaaninag ko na ang kalandian ni Camille.

Paano ba naman, agang aga nakakapit agad kay Stephen. Feeling ko tuloy ang sarap pumatay ng malanding babae na nagngangalang Camille.

TabachingChing [Completed]Where stories live. Discover now