Kabanata 5

518 20 1
                                    

Kabanata 5

/Panching/

"PANCHING PUNYETA! TUMILAOK NA LAHAT NG MANOK, NAGHIHILIK KA PA RIN DYAN! BUMANGON KA NA TANGHALI NA!" Napabalikwas agad ako ng tayo ng marinig ko ang bunganga ng pinakamamahal kong inay.

Napatingin agad ako sa orasan sa gilid ko at nakita kong 8:35 na! Waaaaaaaaahhhh tengeners naman oo! Bakit hindi nag-alarm ang alarm clock ko? Anak ng tilapia!

Agad akong kumuha ng twalya at papasok na sana ako sa banyo ng mapatingin ako sa kwarto ko, punong puno ng papel, nagkalat ang gunting, glue at mga notebooks ko. Kung minamalas nga naman oo! Nakatulog pala ako kagabi sa kakagawa ng assignments and project ko! Shemsss. Lahat ata ng kamalasan ngayong araw nasalo ko! Jusko. Pero kiber na, atleast natapos ko yung assignment ni Patricio babes, tengeners ang haba pala ng assignment nila. Halos magmamadaling araw na tuloy ako natapos!

Agad na akong naligo, wala nang sabon sabon diretso buhos at shampoo then bihis agad ng uniform! Keri na yon, maganda naman ako! Chos.

Hindi na ako nakapagpaalam pa sa aking malufet na inay, dahil naglalaba siya sa bakuran namin. Dali dali na akong pumunta sa kanto at nag-abang ng jeep na masasakyan. Naabutan ko pa nga sila Mang Toto at Mang Pancho na nagiinom. Umagang umaga mga lasing agad! Tsk tsk.

Nang may tumigil na jeep sa tapat ko, agad akong nakipagsiksikan at nakipagtulakan dahil 8:45 na! May itinulak pa nga akong babae eh dahil muntikan na akong maagawan ng upuan, kaya yung babae tumilapon dun sa imburnal, pero dahil natatae este malalate na ako wapakels na! Ibibigay ko pa tong assignments kay Patricio babes!

Nang nasa tapat na ako ng 'Dyosa University' agad akong tumakbo papunta sa room nila Patricio, at saktong wala pa ang teacher nila kaya ibibigay ko muna yung assignments ni Patricio babes.

"Nasan si Patricio?!" tanong ko dun sa isang babaeng classmate niya na nasa pintuan.

"Waeyo?!" Ano daw? Biglang napakunot ang noo ko dahil sa sinasabi niya, Yung totoo? Bakit di ko alam na may classmate na alien si Patricio babes? Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi eh.

"Ate nakadrugs ka ba? Kung ano man yang salita na sinasabi mo wala akong pake. Hinahanap ko si Patricio, nasan siya? Pakisabi hinahanap siya ng GIRLFRIEND NIYA." Sabi ko kay ateng alien, pero parang nagulat yata siya sa sinabi ko, pero napa ngisi din agad siya. Yung totoo ano kaya ang nahithit ni ateng alien?

"Oh I see, so ikaw pala ang girlfriend-kuno ni Patricio." Sabi niya na may malaking ngisi sa labi niya. Marunong naman pala siyang magtagalog eh! Kaloka.

"Yes ako nga. At please lang pakitawag na siya dahil malalate na ako!"

Tinawag naman agad nung babae si Patricio babes, pero parang nag-usap pa sila at todo ngisi pa rin yung babae. Ang landi niya ah! Ipatapon ko siya sa Red sea! Hirap talaga kapag gwapo ang boyfriend mo.

"Uy Ching! Late ka na atang nakapasok ah? Akala ko di ka na papasok." Sabi ni Patricio babes nung nakalabas na siya ng room. Oh diba? Concern siya saken. Yiehhh kenekeleg ang mga taba ko.

"Ah heheheh nalate ako ng gising eh, eto na nga pala yung mga assignments mo hehehe. Uhmm sige una na ako Patricio ah, late na kasi ako eh. Text mo na lang ako." Sabi ko sabay abot ng mga assignments niya.

"Yeah sure! Thanks talaga Ching. Sige baka malate ka na. Text na lang kita." Sabi ni Patricio babes na may malawak na ngiti. Shet! Yung mga ngiti niya, parang lahat ng kamalasan ko sa araw na to nawala lang ng isang iglap. Ahihihi landi ko.

"Sige bye bye!" Kumaripas na agad ako ng takbo papunta sa room namen, tengeners naman! Papayat ako sa lagay na to eh!

Pagdating ko sa room, nandun na si Sir BagongGahasa. Shemsss naman! Mapapasubo ako nito eh! Ayaw pa naman ng panot na to na late comers.

TabachingChing [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora