Kabanata 21

358 14 0
                                    

Kabanata 21

/Panching/

"Thanks ulit iha sa pagsama sa anak kong si Andrei, buti na lang kakilala ka rin ni Patricio, baka napahamak na si Andrei kung ibang tao ang nilapitan niya." Pagsasalita ng dad ni Andrei habang kumakain kami.

"Walang anuman po, sino ba namang hindi makakatanggi sa napakacute na batang si Andrei. Hehehehe." Nakangiti kong sagot.

"Dad, I remember mom to her. She's beautiful." Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Andrei. Medyo nahiya tuloy ako nang tignan nila akong lahat.

Alam ko namang maganda ako, di na kailangang ibroadcast. Chos!

"Hmm. Yes your mom and her has the same eyes." Komento naman nung dad ni Andrei kaya napatungo na lang ako.

"She's beautiful right kuya Pat?" Napatingin naman ako kay Patricio nang tanungin siya ni Andrei.

"Y..yeah, she's beautiful." Halos mamula ang buong mukha ko nang sabihin yon ni Patricio.

"Iha, nabanggit ni Patricio kanina na schoolmate ka niya, anong year ka na?" Pagtatanong ng mommy ni Patricio.

"4th year din po. Pero magkaiba po kami ng room ni Patricio." Magalang na sagot ko.

Nagugutom na ako, gusto kong lantakan ng lantakan yung crabs at chicken na nasa harap ko kaso tanong naman sila ng tanong. Akala ko ba kakain kami, hindi naman ako nainform na Q&A pala tong pinasukan ko.

"Paano kayo nagkakilala ni Patricio?" Pagtatanong ulit ng mommy ni Patricio.

Natigilan ako sandali, at hindi malaman ang isasagot ko. Sasabihin ko ba ang totoo?

"Classmate ko siya sa isang subject ma, nagpapatulong rin ako sakanya sa mga lectures ko kaya naging magkaibigan kami." Nakangiting sagot ni Patricio sa mama niya. No choice ako kundi ngumiti rin sa mommy niya.

Alangan namang sabihin ko na 'Obsesses po kasi ako dati sa anak niyo, tapos niligawan niya po ako at dahil uto-uto ako, sinagot ko naman agad. Pero di ko alam niloloko niya lang pala ako dahil pinagpustahan lang nila ako ng mga kabarkada niya.'

Baka kapag ganyan ang sinabi ko, maloka ang nanay ni Patricio.
Sa wakas, nang tumigil na sila sa pagtatanong, kinain ko na yung crabs na nasa harap ko pero syempre with manners dapat. Baka sabihin nila ang balahura ko naman kumain.

Nang matapos kaming kumain, pinatambay muna kami ng family ni Patricio sa terrace nila para mag coffee. Gusto ko na sanang umuwi kaso hindi ko naman matanggihan yung mommy ni Patricio, tapos kinukulit pa ako nitong si Andrei.

"Ate Ching, next time play naman tayo." Sabi ni Andrei na nakakalong sa binti ko.

"Oo sige, next time magp-play tayo tapos kakain ulit tayo ng kwek kwek." Masayang sabi ko, trying to enlighten up the mood dahil kaming tatlo nanlang ni Patricio ang nasa terrace.

"Yehey! I will wait for you to come back. And next time, I will introduce you to my mother!" Masayang sabi ni Andrei.

"Nasan ba ang mommy mo? Nasa work?" Pagtatakang tanong ko dahil parang hindi ko nakita mommy niya, nacucurious ako kung kamukha ko ba talaga mommy niya.

"She's with papa god na po." Halos maibuga ko yung kapeng iniinom ko nang marinig ko ang sinabi ni Andrei. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Andrei, parang nawalan ako ng words sa utak kaya niyakap ko na lang siya.

"Andrei, you need to go to bed na. Marami pang gagawin si Ate Ching." Sabi ni Patricio kaya agad din namang tumayo sa pagkakakalong ko si Andrei. "Babalik ka po agad ate Ching ah? You promise me to play with me next time and we will eat kwek kwek." May hint ng kalungkutan sa boses ni Andrei kaya nginitian ko siya at niyakap ulit. "Yes, I promise. Sleep well na!" Sabi ko and then I kissed him on cheeks.

TabachingChing [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora