Kabanata 22

352 18 1
                                    

Kabanata 22

/Panching/

1,545.. 1,546.. 1,547.. 1,548.. 1,549.. 1,550!

Ugh. 1,550 pa lang ang naiipon ko! 2,000 ang kailangan kong maipon. Pero di'bale! May mahigit 3 weeks pa ako, keri to! Fight fight fight!

Nag-iipon kasi ako para sa pambili ko ng dress para sa Christmass Ball, eh nung tumingin ako sa ukay ukay 2,000 yung price ng isang dress doon, hindi pa kasama ang sapatos at kung ano-anong abubot doon. At mayroon na lamang akong 3 weeks para mag-ipon. Ayoko namang humingi ng pera kay inay dahil marami rin siyang binabayaran sa school ni Muymoy at sa bahay.

Saka kung hindi man umabot ang ipon ko para sa Christmas ball, edi hindi na lang ako pupunta, party lang naman yun eh. Pupunta na lang ako sa may birthday-an sa kanto, wala namang pagkakaiba yon.

Sige Panching kumbinsihin mo pa ang sarili mo.

Hay nako! Ewan ko ba kung bakit gustong gusto kong pumunta sa Christmas ball na yan? I'm sure mga sosyalin lang ang pupunta dyan at ma-oout of place pa ako. Saka makikita ko lang ang balahurang pagmumukha ni Fawn, 'di na uy.

Saka sanay naman na ako na hindi pumupunta sa mga party simula ng highschool ako so anong big deal kung hindi ako makakapunta ngayon?

Sige Panching, konting kumbinsi pa na hindi ka malulungkot kapag hindi ka pumunta sa ball.

Ugh, okay fine! gustong gusto kong pumunta sa ball dahil ngayon lang ako makakaranas nito at saka last year ko na sa highschool! Sige na, inaamin ko na na naiinggit ako sa mga classmate kong palaging nag-uusap tungkol sa Christmas ball, naiinggit ako tuwing nag-uusap sila kung anong damit ang susuotin nila.

Hindi naman kasi ako pwedeng pumunta sa Christmas ball ng mukhang gusgusin lang ang hitsura diba? Saka wala akong matinong dress na susuotin, puro mga luma at lawlaw na damit ang meron ako. Kaya kung hindi ako makakaipon, hindi ako makakapunta sa Christmas ball.

Kawawang Panching.

Sana may fairy godmother na lang din ako katulad ni Cinderella, para mag-magic siya ng susuotin ko para sa ball. Pero dahil sa fairytales lang nangyayari ang mga bagay na yon, imposibleng magka-fairy godmother ako! This is the reality of life.

"Para po!" Pumara na ako ng jeep bago pa ako madala ng isip ko kung saan.

Pagpasok ko sa school, sumalubong agad ang isang napakalaking tarpaulin na nakalagay sa gate ng school namin.

Get ready seniors! For the upcoming Christmas ball on the 20th of December.

May maskara na design yung tarpaulin so obviously, masquerade ang theme ng party, nakalagay din sa tarpaulin yung details ng Christmas ball, kung saan at anong oras ito gaganapin.

Balita ko rin maraming pakulo ang Student Council Officers para sa party, may mga best couple-kuno pa daw. Mas lalo tuloy naeexcite ang mga estudyante.

"Huy! Tulala ka dyan?" Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko.

"Wag mo nga akong gugulatin ng ganon! Baka atakihin ako sayo sa puso." Sabi ko kay Stephen, pero ang loko ngiting ngiti pa din.

"Ano ba kasing tinitignan mo dyan at nakatulala ka sa gitna pa mismo ng gate?" Tanong ni Stephen at saka tumingin sa tarpaulin na nakalagay sa may gate.

"Christmas ball? Hmm mukhang malaki laki ang preparation para dyan ah." Nagsimula na akong maglakad papunta sa room ko at nararamdaman kong sumusunod si Stephen sakin.

TabachingChing [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon