Gods and Demons [COMPLETED]

By _CheekyAngel_

291K 9.2K 208

What will happen if you are brought to a new different world? More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
English or Tagalog?
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Book 1 Fin
Fantasy

Chapter 11

8.2K 238 2
By _CheekyAngel_

Dinala ako ni Shenrin sa Lawa ng Verunah. Isa itong lawa na napapalibutan ng ng mga mahahalimuyak at luntiang mga bulaklak at mumunting mga puno na ang mga dahon ay kulay porselas.

Huminto kami sa gitna at nakatingin sa tubig si Shenrin. Nasa likod niya ako at nakahawak sa paylayan ng kanyang dilaw na makalumang kimono.

" Andito na kami ng kamahalan.. Sa ngalan ng hari ay magpakita ka na Hadoki..  " tawag ni Shenrin na nakatingin sa ilalim ng lawa.

Umalon ng malakas sa sinabi ni Shenrin at nagbabago ang aking nakikita sa lawa. Kampante lang na nakatayo at mahinahon si Shenrin sa kabila ng mga nangyayari.

Nagulat ako ng unti-unting naging makulay na langit ang tubig at lumabas ang isang malinaw na imahe ng isang lalaking may puting buhok at nakapikit na mga mata.

Maputla ang balat nito at sobrang puti. Ang pisikal nitong anyo sa tubig ay nakakahangang tingnan. Napansin ko din ang lumiliwanag na tatlong marka na nakapaikot sa kanyang noo.

Gwapo ang lalaking ito ngunit kakaiba katulad ni Shenrin.

Para itong isang salamin. Hindi ko siya nahahawakan sa kabilang banda naman ay pwede lamang itong tingnan sa mismong tubig. Napasinghap ako ng magsalita ito.

" Then I shall appear for his Majesty. Greetings Lord Shenrin, the time has come. " pati tinig nito ay kaylamig tulad ng yelo at kay lalim tulad ng dagat.

Patuloy lang ito sa pagsasalita at hindi gumagalaw sa pwesto nito.

Pakiramdam ko ay hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya sa bawat kibot ng kanyang bibig.

" You reeks of blood your Majesty... have you killed? or ...









-- do you feel the lust to kill? "

Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi niya.

Nahapo ako sa kanya nakakagimbal na tanong na para bang sinasabi nito na wala lang sa mundong to ang pagpatay kung magsalita ito. Malamig ang mga boses nito at nakakatakot ang mga salitang binibitawan niya.

Oo inaamin ko na may mga oras na para ngang nararamdaman ko sa sarili na gusto kong pumatay pero alam kong hindi ko kayang gawin. At isa pa ay pano yun nalaman ng lalaking ito samantalang hindi ko naman iyon sinasabi sa iba?

" H-hindi ko alam ang gusto mong ipahiwatig... " pagsisinungaling ko at pinilit na maging kalmado kahit ang totoo ay hindi ko gusto ang tanong niya.

Ayoko sabihin sa kanila lalo na at andito si Shenrin. Hindi ko kayang pumatay pero inaamin kong minsan ay sumasagi ito sa isip ko minsan simula ng mapunta ako sa mundong to.

Lahat nalang ng bagay, tao, hayop at kung ano-anu pa ay kakaiba sa mundong ito at hindi ko mapagsino kung tama ba ako.

" Sigurado ba kayo kamahalan? Mahalaga ang bawat pagsagot niyo sa gabay ng tubig na si Hadoki. " tanong sa'kin ni Shenrin pagkatapos kong sumagot.

Nakita ko ang itim niyang mga mata na marahang nakatunghay sa'kin at tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Umiwas nalang ako ng tingin dahil sa kanya'y di ko kayang magsinungaling.

Patawad Shenrin. Ayokong malaman mo.

Tumango nalang ako ng marahan sa kanya. Hindi pumasok sa isip ko na pwede akong makapatay kahit na may nagtutudyo sa akin na gawin ang nakakatakot na bagay na iyon.

Sumeryoso si Shenrin at tinanong ang lalaking si Hadoki na nasa ilalim ng tubig na pinagmamasdan kami.

" Anong mang nakikita mong kapalaran ng kamahalan ay sabihin mo sa amin... sa akin. " muli ay sabi ni Shenrin.

Naguluhan ako sa katungan niya sa lalaki. Bumaling at pinagmasdan ko ang nasa-salamin ng tubig.

Nakita ko ang pagdadalawang isip ng lalaki na sabihin ang nakikinita nito ngunit sa huli ay sinabi rin nito ang hindi magandang pangitain.

Bumuka ang bibig nito at dahan-dahang nagsalita, na bawat salita ay malinaw kong naiintindihan.

" I can see that she will suffer in this world and there is someone after her... She'll be enveloped by the dark and she'll be doomed by her loneliness that will pushed the darkness inside her to come out the demon living within... but.. someone can prevent it by being by her side no matter what... that's all I can see Lord Shenrin. " pagtatapos nito.

Binayo ako ng kaba sa kanyang pahayag. Kahit ganun ang kanyang salita ay malinaw kong naiintindihan.

" Shenrin u-umuwi na tayo..ayoko ko ng libutin ang kaharian gayong dito palang sa una nating pinuntahan ay natakot na ko... " sabi ko at hinawakan ang kamay niya kahit pakiramdam ko ay nanginginig na ko. Alam kong nakikinig siya sa gusto ko.

" Masusunod kamahalan.. kung gayon ay maraming salamat sa ginawa mo Hadoki sa pagtingin sa kapalaran ng kamahalan mauna na kami. " paalam niya.

Nagiging malabo na ang tubig kung saan nakalagay ang imahe ng lalaki.

" Until then Lord Shenrin.. " sabi nito at tumingin sa kanya. Nabigla siya sa pagdilat nito at nakita niya sa pilak na mga mata nito ang itsura ng kanyang sariling lilac na mga mata. " farewell your Majesty though we shall meet again. " pagkayuko nito sa kanya ay nawala na ito at naging normal na uli ang tubig ng lawa.

-----------------

Ang pakiramdam na may taong nagbibigay halaga at oras sa'yo na kahit ni minsan hindi mo naramdaman sa pamilya na meron ka.

Sumagi man sa isip ko kung sino nga ba talaga ang aking mga magulang ay hindi ko narin inalala ang lungkot na dinulot nito sakin. Wala sila sa tabi ko para iparamdam na may nagmamahal sa'kin.

Sa ngayon ay masaya na ko na narito sa tabi ni Shenrin. Siya ang pupuno at babawi ng mga sakit na naramdaman ko noon.

" Anong lugar to Shenrin?.. " tanong ko sa kanya habang patuloy lang kami sa paglalakad at patingin-tingin sa kapaligiran.

Kakaiba talaga ang mundong to.

" Ito ang Samyuji, ang kapital na sakop ng kaharian. "

" Bakit hindi maganda ang aura na nararamdaman ko sa lugar na to Shenrin? "

Diretso lang ang kanyang tingin na pakiwari ko ay ako lang ang taong kilala niya. Napakaseryoso niya at hindi ko maiwasang titigan ang maamo niyang mukha.

" Puno ng hindi mga magagandang pangyayari dito dahil wala pang namumunong hari kamahalan.. " paliwanag niya sa akin.

Nahabag ako sa lungkot ng kanyang tinig ng sinabi niya yon na tila ba puro pagdurusa lang ang kanyang sinapit sa lugar na to sa matagal na panahon.

*growls!

Isang matalas na dalawang paa ng isang pink na hayop ang dumaklot sa magkabila kong balikat at namalayan ko nalang na hindi na ako nakuha ni Shenrin at napunta ako sa isang nakakatakot na lugar.

Continue Reading

You'll Also Like

471K 23K 81
A girl named Olivia was a jolly med student working hard to pay for her tuition. To lessen stress, she would read a book that she mysteriously found...
33.7K 2.4K 94
Highest Ranking: #19 in Historical Fiction (Sub-Genre) Pluma at Tinta 2020 First Placer in Fantasy category | Best in Blurb | Most Engaging Story | P...
134K 5.4K 69
Unang Konseho Cliché
78.2K 3.2K 71
COMPLETED [Under Revision] She was not inform Born to be weak Until she lost everything Everyone betrayed her And then, she met the princes She's us...