JASPER, The Demon Slayer

By DyslexicParanoia

4.3M 120K 14.3K

Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng prope... More

Jasper, the Demon Slayer [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
UKOL SA IKALAWANG BAHAGI
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES
3rd Batch for JTDS Limited Book Collector's Edition is now open!

KABANATA 65

21.4K 804 57
By DyslexicParanoia

Jasper's P.O.V.

"Ikaw?!" Biglang hiyaw ni Basilio kay Lucio; dinuduro ito. "Kilala kitang demonyo ka!" Nanginginig ito sa galit.

Nagulat ako nang tila walang takot na sinugod ni Basilio si Lucio, gayung hahanggang kili-kili lamang s'ya nito. Sinalubong naman ito ng pagsakal ni Lucio, bago nito unti-unting iniangat si Basilio paitaas.

Nagpupumiglas si Basilio. Nasasakal at hindi makahinga. Lalong nanginig naman sa takot ang kanyang mga kasamahan, na hindi naman ngayon malaman kung saan isisiksik ang kanilang mga sarili

"Eh ano ngayon kung kilala mo ako?!" Maigting na wika ni Lucio kay Basilio. Nagngangalit ang nga panga nito, nakatingala sa taong bitbit, habang sinasaksak nito ito ng matatalim n'yang mga titig. "Hindi kita kilala. At pakialam ko ba kung sino ka!" Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ng kawawang lalake.

"Ugh!" Pagdaing ng ni Basilio. Unti-unti nang humihina ang pagpupumiglas nito. Batid kong kaunting sandali na lang, maaari na itong malagutan ng hininga.

Naging hudyat naman 'yon sa akin para gumawa ng mabilisang paraan. Walang isang kurap, binunot ko ang nakatagong maliit na hunter's knife sa aking bulsa, at walang pasabing ibinato ko ito diretso sa bandang dibdib ni Lucio.

Tulad ng iinaasahan ko, nakailag ito; bagama't nabitawan rin naman nito si Basilio. Pero sa pag-ilag n'yang 'yun, tinamaan ko naman—diretso sa noo, ang aswang na nakatayo pala sa kanyang bandang likuran.

Itinubog sa purong pilak ang aking kutsilyo, kaya naman hindi na naging surpresa sa akin na makitang umuusok ang noo ng aswang na tinamaan ko. Bumagsak itong walang buhay sa semento.

Tiningnan ako nang marahan ni Lucio. Wala mang imik. Bagama't bakas sa kanyang mga mata ang matinding panggigigil sa galit. Sa gitna ng nakahihiwa nitong pagtitig sa akin, sinenyasan nito ang kanyang mga kampon—itinuro ang direksyon ng mga tao, na tila inuutusan n'ya ang mga ito, na maaari na nilang lapain ang mga taong nasa gitna ng magkabilang panig.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Nagsi-iyakan na sa takot ang mga tao nang mag-umpisa nang humakbang papunta sa kanila ang mga impakto mula sa kampo ni Lucio. Maging si Basilio'y napagapang na rin papalayo.

"Ngayon na!" Mahinang sambit ko sa aking mga kasamahan, na nagkani-kanya na sa paglundag—at pagtakbo, papsugod sa mga halimaw na literal na hayok sa laman ng tao.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hinihintay na muling matanaw ko si Lucio. At ang makaharap ang demonyong pinuno ng hukbong walang pakundangan, walang kunsensya, walang sinasanto at walang dini-diyos kundi ang diyablo.

Isang malakas na lagapak sa aking balikat ang sumalubong sa akin sa gitna ng kaguluhan. Binato pala ako ni Lucio ng isang bloke ng hallow block sa may bandang batok. Hindi naman ako nasaktan, tila pitik lang naman kasi 'yun sa aking pakiramdam.

Pero s'yempre, alangan namang hindi ako gumanti? Ngayong naaaninag ko na si Lucio, sumugod na ako at nakipabuno sa kanya, bagama't minalas ako nang napuslitan ako nito ng isang malakas na suntok sa panga.

Malakas din s'ya. Magkaparehas lamang naman kasi ang aming kakayanan at kapangyarihan. Ang lamang lang talaga n'ya sa akin ay karanasan. Ikaw ba naman ang mabuhay sa ibabaw ng mundo nang higit pa sa sampung isang daang taon? Kapag hindi ka pa naman nagkaro'n ng sandimakmak na karanasan, ewan ko na!

Tumalsik ako sa kanyang suntok . Lumagapak ang aking likuran sa matigas na sahig. Pero sa aking pagkakahilata'y nakahagip naman ako ng sledge hammer sa sahig na ipinukpok ko naman kaagad sa paa ni Lucio, matapos kong bumangon nang paupo--na halos kasabay naman ng paghagibis n'ya palapit.

"Putang ina!" Napaupo ito sa sakit nga ginawa ko sa kanya.

Sinamantala ko 'yun para puslitan naman s'ya ng mag-asawang sampiga sa mukha, at pagkatapos ay dali-dali akong tumayo para pahalikin naman ang nguso n'ya sa dulo ng aking steel-toed work boots.

Nakangising tinitigan ko ang paggulong n'ya sa sahig. Wasak na ang dulo ng kanyang kaliwang sapatos, dumudugo na rin ang kanyang bibig; pero dahil beterano na ito sa bakbakan, agad din naman s'yang nakatayo, tumakbo ng ilang hakbang para makakuha ng b'welo paakyat sa dingding, bago nito paikot na pinalipad ang kanyang kanang binti diretso sa aking kaliwang leeg.

Napaatras ako, pero agad ko rin naman itong nilabanan ng suntukan, sipaan, salagan, kahit na, hindi talaga kami magkatalunan.

Binato n'ya ako ng isang parihabang lamesang kahoy; nakailag ako. Pero matapos lumagpak na durog ang lamesang 'yon sa pader, nakadampot naman ako ng isang kumpol na dos por dos at saka ko sunod-sunod na ibinato ang mga ito sa kanya. Nasalag di naman nito ang aking ginawa.

Nagsigawan ang mga tao sa bandang likuran ko. Napatingin ako, kinakagat na pala ng isang aswang ang braso ni Basilio.

Sinamantala ni Lucio ang paglingon kong iyon. Binato ako nito ng tatlong solid steel frame. Sumapol 'yun sa aking dibdib; at dumagan sa 'kin sa pagbagsak ko sa sahig.

Ang sakit. Sobrang sakit na halos hindi ako makagalaw agad-agad. Sinamantala ni Lucio ang kabagalan ko sa pagbangon upang tumungtong sa mabigat na bakal na nakadagan sa aking dibdib. Hindi ako makahinga; hindi rin makagalaw. Hindi pa ito nakuntento. Naupo ito sa ibabaw ko, yumuko at saka dinukwang ang aking leeg para sakalin.

He's determined to kill me; I'm pretty sure about that, but I refuse to die. Nope! Not through his hellish pair of hands.

Hindi ako makakuha ng buwelo. Nakaipit kasi ang magkabila kong braso. Hindi naman ito maabot ng mga kamay kong naipit ng bakal na nakadagan sa 'kin. Wala na akong ibang choice, kundi gamitin ang natitira ko pang upper body strength upang unti-unting makabangon.

It sure is, wasn't easy. It certainly feels like there are two huge refrigerators pressing on top of me.

Humiyaw ako sa unti-unti kong pag-angat. Hindi naman basta-basta natinag si Lucio na tila mas lalo pang sinasadyang magpabigat. 'Kaya ko 'to' bulong ko sa sarili ko, habang napapasulyap sa direksyon ng kinaroroonan si Basilio.

Nakita kong kinagat ng kasamahan kong aswang ang aswang na bumibitbit dito. Nakawala si Basilio. Nakatakbo ito sa mas malayong sulok, kasama ng iba pang mga taong hinaharangan ng mga maligno sa aking panig.

"Jasper!" Humangos papalapit sa amin si Ricardo. Binunggo nito si Lucio na nasa ibabaw ko, kaya tumilapon ang demonyo. "Ayos ka lang ba?" inalis nito ang mahahabang bakal sa aking ibabaw, at saka nito ako hinila patayo.

"Bagito." Nakangising sambit ni Lucio. Umiiling-iling na tila kinakantiyawan ako. "Wala kang pagbabago. Kahit saang anggulo ka tingnan, isa kang talunan. Pinuno ng hunghang na hukbo, pweh!" Dumura ito sa aming pag-itan. "Ikaw at ang iyong lampang mga kasamahan." Itinuro n'ya ang aking mga kasamahang nangangalahati na lang ang nakatayo. "Kayo!" Bumaling ito sa nagbubuno pang mga halimaw. Napatigil ang mga ito at lumingon sa kanya, "Ano bang ipinaglalaban n'yo, ha? Ano ba ang napapala n'yo sa lampang pinuno n'yong ito?!" Dinuro ako nito, "Tingnan n'yo nga ang mga sarili n'yo?! Bakit pinipigilan n'yo ang inyong naturalesa ? Para saan? Para sundin ang lampang 'to?!" Muli n'ya akong dinuro. "Hindi ko kayo kailangan! Dahil sampung beses na di hamak na mas marami ang aking hukbo kumpara sa inyo! Pero bibigyan ko kayo ng pagkakataong sumama sa akin." Marahan nitong nilapitan si Felix at Stephen, bagama't sinusuyod naman n'ya ng kanyang paningin ang lahat sa paligid, "Sa aking kampo, hindi kayo magugutom. Hindi n'yo kailangang magpanggap. Hindi n'yo na kailangang magtiis na hindi tugunin ang tawag ng inyong mga sikmura! Hindi kayo manginginain ng mga tira-tira. Malaya kayong makakakain ng kahit ilang taong gusto n'yo. Mabubuhay kayong tila mga kinatatakutang diyos, at hindi mga alilalang pinamumunuan ng isang lampang walang k'wenta!"

Hindi ko na matiis ang pang-iinsulto nito kaya sumugod na ako, pero bago ko pa man din ito nahagip, nahatak agad ako ni Ricardo.

"Sugatan na ang kalahati sa ating mga kasamahan." Bulong ni Ricardo sa aking tenga. "Hindi tayo maaaring makipagsabayan."

Nag-umpisa nang humalakhak ni Lucio. Sinegundahan naman agad ito ng kanyang mga kasamahan.

"Alam mo ba ang kahinaan mo, bata?!" Nang-iinis na pagpapatuloy ni Lucio ng kanyang talumpati, "Puro ka yabang. Masyado kang nagpapaniwala sa propesiya ng mga matatanda na hindi naman lahat ay tama! Kakaunti na nga lamang ang pinamumunuan mo, hindi mo pa mapasunod ang lahat ng mga ito, alam mo ba kung bakit?" nanahimik ito sandali para hintayin ang sagot ko, pero hindi ko ito ibinigay sa kanya, "Eh kasi, alam nilang hindi mo ako kaya. Sumasama lamang sila sa 'yo dahil wala silang ibang mapagpipilian. Ano ba naman kasi talaga ang mapapala nila sa 'yo, na tanging pagpapatiwakal lamang ang naging solusyon para takasan ang kanyang responsibilidad?! Talunan!" Mas inilapit nito ang kanyang bibig sa aking mukha, "Isa kang duwag na talunan para sa 'kin! Akala mo ba hindi ko alam na maging ang mga Engkanto at Lambana'y nawawalan na ng kumpyansa sa 'yo?" Humalkhak ito nang pagkalakas-lakas. Paghalakhak na tila mga gagong ginagaya naman ng kanyang mga alipores. "Sa isang babae..."sa paghupa ng kanyang paghalakhak, "Sa isang babae nga'y tumitiklop ka na, paano pa kaya sa isang diyos na katulad ko?" muli itong dumura sa aking direksyon. "Huhulaan ko," Nakangisi naman ito ngayon, "Maging ang hukbo mo, kaya mong talikuran para lamang sa asawa mo."

Sinundan 'yun ng matinding katahimikan.

"O ano?" pagbasag n'yang muli sa katahimikang iyon. Nakatingin sa aking mga kakampi, "Tama ba ako o hindi?"

Walang nagsalita. Nagsiyuko lamang ang mga ito.

"Kung ikaw ba'y dadakpin ko ngayon." Muling pagbasag nito sa katahimikan; nakatingin na ito ngayon kay Ricardo. "Kasabay ng kanyang butihing batang-batang may bahay. At pamimiliin ko s'ya ng isa lamang sa inyo na maaari n'yang iligtas sa aking mga kamay, sa palagay mo ba, may matatanggap kang suwerteng pag-asa na ikaw ang pipiliin n'ya?"

Hindi sumagot si Ricardo. Sumusulyap-sulyap ito sa akin.

"Alam mong hindi, 'di ba? Hindi, pero sa kabila no'n, ano? Handa mong ialay ang buong buhay mo sa kanya? Tinitiis mo ang pagkauhaw at pagnanais mo sa naturalesa mong pagkain, pero para kanino at para saan? Sa talunang ito?" muli nito akong dinuro, "At sa kanyang adhikaing walang-wala namang ni gatiting na pag-asa?! Gago ka!" Dinuro nito si Ricardo, "Gago ka kung mananatili ka sa mahinang panig ng talunang hindi kayang isakripisyo ang kanyang asawa, at isang duwag na pinunong iniiwan kayo sa kalagitnaan ng gera!"

Tinitigan muna ako nito mula ulo hanggang paa bago tamawa na maglao'y naging halakhak.

"Tayo na!" Pagtawag n'ya sa kanyang mga alagad—bagama't nakatingin pa rin ito sa akin, "Ibalato na natin ang araw na ito kay Jasper bilang awa at limos ko sa kanyang sawing kapalaran. Nakakaawa naman ang bata eh. Isang tinga lamang naman ito para sa akin. Ni hindi nga n'ya ako kayang gulatin."

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 42.7K 59
This is a story of how a simple girl will deal with bunch of guys who are unsure of their lives para makuha nya yung inaasam nyang scholarship. Makam...
1.5M 62.3K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
3.7M 55.6K 61
PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75php. Please do grab a copy guys! Thank y...
21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...